ETHAN'S POV
Matapos umalis nila kleo at nakaramdam nanaman ako ng pangungulila,ayoko man silang umalis ngunit ayoko rin na makita nila akong maging mahina
Tumingin ako sa kahon na binigay ni calli
'Parang hindi kita kayang buksan'
Bumagsak nanaman ang mga luhang kanina ko pa gustong patigilin
'Damn this pain!'
Sa tagal ko sa pag-iyak ay nakaramdam na ako ng pagod kaya naman dahan-dahan akong nahiga sa dating madalas na pwesto ni ashley at niyakap ang una na madalas nya ring niyayakap...
KINABUKASAN
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya naman dahan-dahan na akong tumayo nung may narinig akong maingay sa kusina
Nagpunta na agad ako ng kusina para tignan kung sino yon
"Bro"bati sakin ni kleo habang nakaupo at tinignan ko naman ang nagluluto...si camille
Hindi ko alam pero umaasa pa rin ako na sa isang araw magigising ako at ashley ang nagluluto, tulad ng dati
"GoodMorning Ethan!"masiglang bati naman ni calli kaya tinignan ko nalang sya saka tumango dahil hindi ko masusuklian ang sigla nya
"Ayan tapos na!"sigaw naman ni camille saka humarap samin habang dala ang niluto nya
Nagsimula kaming kumain at kahit isa samin ay hindi nagsasalita kaya nakakabingi ang katahimikan
"Ethan? Have you any plans today?"tanong ni kleo kaya bahagya nalang akong umiling "Nice! May pupuntahan tayo"nakangiti nyang dugtong
"Mamaya nalang siguro"sagot ko sakanya
"Sure"nahihiya nyang sagot
"Salamat sa pag kain"tumayo agad ako at pumunta na muli sa kwarto
CALLIOFER'S POV
Hindi namin alam tatlo kung paano pakiki-tunguhan si ethan lalo na nung inaya sya ni kleo
Tumayo ako at pumunta sa harap ng pinto ni ethan
"What are you trying to do?"tanong agad ni kleo
"Kakausapin ko lang sya"sagot ko sakanya kaya tumango nalang sya at bumalik sa kusina
Pumasok ako agad sa kwarto ni ethan at nakita ko nanaman syang yakap-yakap ang isang unan
"Ethan.."tawag ko sakanya kaya agad syang umayos ng upo at pinunasan ang mga luha"Ethan nasubukan mo na bang buksan yung kahon?"tanong ko pero tinignan nya lang yung kahon"Ashley wants na pag tapos palang ng contest mo ay mabuksan mo na agad yan"paliwanag ko sakanya"So please take time to open that"hindi na sya nakatingin sa kahon
"I'll think about that"tanging sagot nya kaya naman lumabas na ako
ETHAN'S POV
Paglabas ni calli ay napatingin ulit ako sa kahon,pakiramdam ko maraming luha nanaman ang babagsak pag nahawakan ko to
'Ashley..should i?'
Tanong ko sa sarili ko kaya naman kinuha ko na ang kahon dahil sabi naman ni calli kanina ay gusto ni ashley to
'Baka sakali na pag-ginawa ko lahat ng gusto mo bumalik kana sakin'
Bumagsak agad ang mga luha ko nung hawakan ko ang kahon
Niyakap ko ang kahon at pakiramdam ko si ashley ang yakap-yakap ko
Binuksan ko na ang kahon at tumambad sakin ang isang
'Cellphone?'
Nung kuhain ko ang cellphone sa kahon ay may papel sa likod
"Hello baby! Please take time to watch ha? Iloveyou!!"
Nakalagay sa papel at alam kong hand writing ni ashley yon kaya agad na bumagsak ang luha ko
Binuksan ko ang cellphone, nung saktong bumukas na talaga ay nakita ko ang wallpaper
'Ako..habang natutulog'
Napangiti nalang ako dahil may ginawa pala syang ganto
Agad kong binuksan ang gallery at nakita ko ang mga mukha ko habang tulog at mga konting litrato ni ashley
At nung pindutin ko ang album na may nakalagay na '31 days of goodbye' Nakita ko ang nasa trentang video na puro si ashley
Kaya pinindot ko ang pinaka una na may nakalagay na 'Day 1'
[Hi baby! It's day 1! Naisipan ko tong gawin simula nung makausap ko si calli kahapon..sabi nya pabayaan na raw kita? Pero tumanggi ako sakanya kasi hindi kita kayang iwan] huminto sya sandali sa pag sasalita at saka nag punas ng luha [Siguro kaya mo to pinapanood ngayon kasi wala na ako no? Hahaha..sorry baby ha? Iniwan kita? Sorry talaga...] sa mga ngiti nya sa video ay halatang mapait [babalik na ako don baby..hahaha baka magising kana, iloveyouuu] nagstop na ang video
[Good Morning baby!! It's day 2! Hahaha hindi ko alam kung ilang araw pa ang makukuhaan ko ng video para sayo, kasi hindi ako sigurado kung magtatagal pa ako sa mundong to, hahaha ikaw kase ayaw mo akong manakot kase ayaw mong kamuhian ako ng lahat ayan tuloy nauubusan ako ng lakas, byeee muna baby!! Baka magising ka hahaha tumakas lang ako sayo, iloveyouuuu]
'Sana nga palaging may muna...bye muna para makakabalik kapa'
Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ko at saka ko pinindot ang pangatlong video
[Hi Ethan! This video will be a short clip habang tulog ka hahaha] makikita sa video na papasok na sya sa loob ng bahay at pumunta sya agad sa kwarto upang tumabi sakin [tamo oh, ang gwapo gwapo ng asawa ko] sambit nya habang nakatingin sakin at makikita sa video na medyo gumalaw ako kaya nag panic sya [see you tomorrow! Bye iloveyou] natawa naman ako habang nakatingin sa reaksiyon ng mukha nya dahil natakot syang magising ako
[Good Morning handsome!! It's day 3! Alam mo ba kung gaano mo ako pinakaba kahapon? Ha?! Alam mo ba yon! Bigla bigla kana lang gagalaw? Hmp! Pasalamat kita mahal kita! Hmp! Asan hug ko? Hahaha iloveyouuuu]
[Good Morning Babyyyy it's day 4 i just want to say iloveyouuuuu]
[Hi babyy!! It's day 5 and i hope you still love me!! Because iloveyou so much]
Some video is short clip lang pero kahit ganon napapasaya pa rin ang puso ko
[Mahh babyyyy!!!! It's day 6 hahaha naisip ko lang paano kung buhay ako no? Edi sana kaya mo ren akong pagmalaki sa mga kaibigan mo, kasama natin kahapon ang kaibigan mo and nakikita ko kung gaano sya kasaya na may girlfriend syang pinag mamalaki sayo...wala i just wonder ano kaya pakiramdam ng pinag mamalaki? But don't worry about it i still love youuuu hehe]
"Kaya naman kitang ipagmalaki..bumalik ka lang"bumagsak nanaman ang mga luha ko habang nakahinto ang video ni ashley
[It's day 7 and am still with you..sana ganto nalang lagi..yung lagi akong nasa tabi mo yung hindi ko na kailangan pang mawala..baby i wish i could stay by your side..iloveyou ethan]
[It's day 8 handsome and am still inlove with youuuu heheee iloveyouuuu]
Sa bawat video nya nakikita ko ang saya sa mga mata nya kaya lalo ko syang namimiss..
[Hey it's day 9 and alam mo ba? Nanaginip ako...nagalit ka raw sakin nung nawala ako..at sinasabi mong hindi mo ako mahal..don't worry kung magiging totoo man yon? Ayos lang, kasi ako naman talaga nang iwan..pero i still loveyou if you don't love me]
'Syet! Bakit parang nakikita nya yung mga mang yayari ngayon?'
[Baby it's day 10 and i can't believe na nasa tabi mo pa rin ako..kala ko netong past few days mawawala na ako..pero eto nandito pa rin ako at patuloy na nag papaalam sayo..sorry and iloveyou ethan]
[Babyy!! It's day 11 and alam mo ba? Nanaginip nanaman ako dumating na raw si kuya kleo...yeah i know hindi mo sya kilala pero soon alam ko makikilala mo sya saka sya makakatulong sayoo so please take time to meet him? Sorry and Iloveyouuuu]
[Ethannnn!! It's day 12!! Andito pa rin ako at patuloy na nag mamahal sayo!! Sana ganon ka ren saken hehe..sorry and iloveyouuuuu]
[Baby..it's day 13 and guest what? Nanaginip nanaman ako...may kasama ka raw na ibang babae..at sobrang saya mo kaya hindi na ako nag pakita sayo..baby i hope soon makita mo na talaga yung TAONG para sayo hindi yung katulad ko...sorry and iloveyouuuu]
"No one can replace you in my heart.."bulong ko sa nakastop na video
[Baby it's day 14 and still i can't get over it! Yung napanaginipan ko kahapon? Kasi hindi ko kilala yung babae at mukha namang napapasaya ka nya..maybe soon pag nawala na ako siguro dapat kalimutan mo nalang ako para naman wala nang sagabal na ala-ala sayo...mahal kita]
Napakapit ako ng mahigpit sa kumot na katabi ko"Ash hindi ganon ang gusto ko dahil sayo lang naman ako nakaramdam ng sayang ganto"bulong kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko
[Baby! It's day 15 and i think lahat ng napapanaginipan ko is yun yung future mo kasi napanaginipan ko magkausap raw kayo ni kuya kleo? Guest what kinuha nya sayo lahat ng delikadong gamit? Baby please don't hurt your self ha? Sorry and Iloveyouu]
"Bakit ganto? Ano kaba talaga ashley?"tanong ko sakanya
[Baby it's day 16! And guest what? Pag balik ko kahapon sa bahay? Gising kana! Siguro nagtataka kana no? Kung saan ako nang galing kasi halata naman na nagsisinungaling ka nung sinabi mong kakagising mo langgg nakoo don't worry baby ikaw lang mahal ko..]
[Ethan..it's day 17 and guest what? Naalala ko lahat ng sinabi sakin ni de layla? Hindi mo nga pala ako talaga mahal..funny kasi kahit noon ko pa alam? Nasasaktan pa rin ako..] bumagsak ang mga luha nya sabay hikbi [but don't worry kasi kahit ako lang nag mamahal satin? Hindi ako susuko..lalaban ako hanggang sa mawala ako..ganon kita kamahal]
[It's day 18 baby! And am sorry for being madrama kahapon hehe..i just want to say that iloveyou so much]
[It's day 19! Yeyy! And am still here by your side, i don't know kung hanggang kelan pa ako aabot pero please baby kung mawawala man ako please don't be sad because iloveyou so much even am not there by your side]
[Hey handsome! Guest what? It's day 20!!! Am still here kahit medyo malabo na ako] tinignan nya ang sarili nya, ngayon ko lang din napansin na lumabo pala sya non? Sh*t! Bakit hindi ko napansin non to? [Don't worry even my last day in this world, i will spend my time with you..sorry and iloveyou]
[It's day 21!! Baby! Let me tell you a story...tungkol sa pinaka gwapo kong kuya..alam mo ba non? Pinagpanggap ko syang nawala at sabihin sa iba na nawala na sya?? Kasi kailangan nyang magpalakas at lumayo..and am sure na makikita mo rin sya soon..siguro wala na ako non pag nakita mo sya...] sunod-sunod bumagsak ang mga luha nya [i feel sorry for you baby kasi...iiwan kita ng ganon lang..even i don't want to go...maiiwan at maiiwan kita...am sorry and iloveyou..]
[Baby..it's day 22...am starting to say sorry to you kasi nararamdaman ko na...malapit na akong mawala...baby please forgive me...kung iniwan kita..this is for your good dahil kung hindi ako mawawala...hindi mawawala ang sumpa sayo...am verry sorry baby...please don't be sad okay? Sorry and Iloveyou]
[It's day 23 and i can't be happy because alam ko maiiwan na kita...baby] kitang kita sakanya na nasasaktan sya at pinipigilan nya ang mga luha nya [if am gone...you can love someone ha? Yung totoo..yung hindi galing sa sumpa..okay? But please...love someone that makes you happy okay? Sorry and Iloveyou]
'You are the one and only girl that makes me happy..how can i love someone?'
Nararamdaman ko sumisikip ang paghinga sa sobrang pagpipigil ng luha dahil baka nanonood sila calli or kleo
Hindi ko alam pero parang may bumulong sakin
'Let it out..'
Nung marinig ko yon saka ako sumigaw habang bumabagsak ang mga luha
"Ackk! Damn this pain! Ashley! Please stop this pain!"sigaw ko habang walang tigil ang mga luha ko sa pagbagsak
Napatingin ako sa cellphone na hawak ko at nakastop sa mukha ni ashley ang video
"Imissyou damn much baby.."bulong ko habang nakatingin sa mukha nya
[Hey baby...it's day 24...i don't know kung ilan pang video ang matatapos ko para sayo dahil nararamdaman ko na ang panghihinna ko...i can't tell you na nanghihina na ako k-kasi alam kong mag aalala ka lang..and ayoko non kasi baka m-malungkot ka lang...sorry and iloveyou baby]
[Baby it's day 25 and guest what...ngayon ko lang nalaman ang birthday mo haha mahal na mahal kita pero ngayon ko lang nalaman ang birthday mo...tss stupid..and guest what tinatanong na nila camille kung ano ang plano ko para sa birthday mo funny...and do you know what's more funny? Palagay ko ang araw na yon...don na ako mawawala...sorry and iloveyou]
[Ethan it's day 26 and guest what? May plano na ako sa birthday mo..don na ako mag papaalam sayo haha] ang pekeng tawa nya at nasabayan ng pagbagsak ng mga luha nya [ano ba yan! Alam ko hindi naman ako iyakin pero bakit pagdating sayo, nauubos ang luha ko haha..sorry and iloveyou]
[Hey it's day 27 may plano na ako sa birhday mo..sana maging masaya ka...sorry and iloveyou]
[It's day 28 and guest what kuya kleo will come soon pero alam kong hindi kona yon maabutan kaya please? Take care of my brother mahal na mahal ko yan eh..sya lang kasi yung nandyan nung nag iisa lang ako sya lang yung tumulong sakin para makaangat so please? Take care of my brother and i know na mahal nya si de layla kaya wag nyo nang sabihin sakanya na nawala ako dahil kay de layla kasi ayaw ko syang pumili samin...ayoko na syang mahirapan pumili saming dalawa...please tell him that i love him so much? He will always be my pikon na kuya haha sorry and iloveyou both]
[Hey it's day 29 and i want you to say to calliofer that i love her so much...even nung iniwan ko sya..hindi ko sya nakalimutan...lagi ko pa rin syang inaalala at minsan pinupuntahan ko pa sya pero syempre hindi ako nagpapakita kasi alam ng marami malakas ako na wala akong awa na wala akong puso kaya kahit gusto ko na syang malapitan hindi ko magawa...and also told to her that am really sorry...kasi tinuturing nya akong kapatid pero anong ginawa ko? Binaliwala ko sya..sabihin mo rin sakanya na sya lang yung little sister ko ha? Mahal na mahal ko kayo..]
Ramdam na ramdam ko ang mga sakit na nadarama nya kaya lalo akong nasasaktan
[Hey my love...it's day 30 and guest what? Next next day na yung birthday mo..and next next day na rin ako mawawala..ethan first of all sorry kasi sayo ko pa pinadadaan lahat ng gusto kong sabihin sa kanila kasi..hindi ko kaya..alam kasi nila hindi ako ganong klase, kaya ayokong maging sweet sa kanila haha and also please tell to camille that am very thankful na nakilala ko sya dahil nabilin na kita sakanya...aalalagaan ka nya ethan...saka mahal na mahal ka non dahil non? Nung sinabi ko sakanya na mawawala na ako? Nakipag ayos sya sakin kasi sabi ko walang mag aalalaga sayo...ang sabi nya sya na raw ang bahala sayo..] pinipigilan nya ang mga luha nya na bumagsak [k-kaya kampante ako na hindi ka mag iisa dahil nandyan sya even wala na ako sa tabi mo...please love her..para hindi kana masaktan..sorry and iloveyou]
'Sorry ashley but i can't love her because no one can replace you in my heart..'
[Hey it's day 31 and it your birthday! Hindi ako nakapag video kahapon kasi ang hirap mong takasan haha..happy happy birthday to the most handsome guy that i ever meet..sorry if this is the last day that am being with you am very sorry baby...alam ko ilang beses ko nang sinabi to pero please baby do me a favor...be happy even..am gone..please baby do that for me okay? Kasi ayaw kong nasasaktan at nalulungkot ang mahal ko kasi baka mapabalik ako ng wala sa oras haha kidding..please baby...be happy okay? At pag natapos mo na tong video na to..wag kanang iiyak ulit ha?? Baka hingalin kapa eh..iloveyou so much baby..and tungkol don sa contest mo? Alam ko naman na ikaw ang mananalo kasi napanaginipan ko na yon! Congrats asawa ko! Sobrang galing mo! Kaya mahal na mahal kita ehh!! And sorry kung wala ako don ha? Pero alam ko naman na alam mong nasayo ang suporta ko kahit wala ako sa tabi mo..baby it's time..kailangan ko nang pumunta sayo baka magising kana eh haha birthday na birthday mo baka mag hanap kapa sakin haha...last thing baby pag nawala ako...isipin nyo nalang...'the lovely ash is become an ash..' iloveyou ethan]
Naramdaman ko agad ang paninikip ng dibdib ko nung matapos ang video..wala na talaga sya
"Ash.."bulong ko habang yakap yakap ang unan nya ngunit may narinig akong nahulog kaya naman napatingin ako sa baba..nahulog ang kahon
Pero paano? Nasa center to ng kama
Nung pinulot ko ang kahon at may papel na nahulog..
"Hey! Don't cry again okay? Iloveyou..and goodbye"
Dahil sa papel na to lalong bumigat ang luha at nagsibagsakan
"Ashley! Imissyou"sigaw ko habang nakatingin sa papel...bumagsak ang luha ko sa saktong nakalagay na goodbye..
Nakaramdam ako ng antok at pagod kaya naman dahan dahan akong nahiga
=MEANWHILE=
Nagising nalang ako nung may nakatayo na sa harap ko
"Bro?"bulong ni kleo
"Shh..kleo he's sleeping apaka careless mo"bulong naman ni calli kaya naman dahan dahan akong nagmulat ng mata
"See? I told you! Gigising na sya"pag mamagaling pa ni kleo"bro diba sabi ko sayo aalis tayo? Let's go"pag aaya nya pa sakin
"Wait"kinuha ko ang cellphone at nilagay sa day 28"I think you should watch this"sambit ko sabay abot sakanya ng cellphone kaya naman naupo nalang sya sa tabi ko
Sya mismo ang nag play ng video..ang kaninang masiglang ngiti ni kleo ay nawala nung makita nya mukha ni ashley
[It's day 28 and guest what kuya kleo will come soon pero alam kong hindi kona yon maabutan kaya please? Take care of my brother mahal na mahal ko yan eh..sya lang kasi yung nandyan nung nag iisa lang ako sya lang yung tumulong sakin para makaangat so please? Take care of my brother and i know na mahal nya si de layla kaya wag nyo nang sabihin sakanya na nawala ako dahil kay de layla kasi ayaw ko syang pumili samin...ayoko na syang mahirapan pumili saming dalawa...please tell him that i love him so much? He will always be my pikon na kuya haha sorry and iloveyou both]
"Stupid..sabing hindi ako pikon"bulong nya habang nakatingin pa rin sa video"Hey! I don't love de layla anymore! And guest what? Wala na sya.."sambit nya pa habang nakatingin sa video, nakita kong bumagsak ang mga luha nya
Ngayon ko lang nakita si kleo na umiiyak ng walang halong ibang emosyon..puro lungkot..walang halong galit
"Iloveyou more little sis..and am willing to do anything for you"bulong nya pa saka pinipilit na patigilin ang luha nya"Aish! This f*cking tears!"inis na sambit nya dahil patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha nya"gay sh*ts"bulong nya pa saka yumuko dahil ayaw talaga tumigil
"Pfft"dinig kong pagpipigil ni calli
"Yah! Wanna die?"inis na sambit sakanya ni kleo habang nag pupunas pa rin ng luha
"Hey calli"tawag ko sakanya kaya naman lumapit sya agad"I think you should watch this too"sambit ko saka nilipat ang video
Pinindot nya ang cellphone saka dumungaw sakin
[Hey it's day 29 and i want you to say to calliofer that i love her so much...even nung iniwan ko sya..hindi ko sya nakalimutan...lagi ko pa rin syang inaalala at minsan pinupuntahan ko pa sya pero syempre hindi ako nagpapakita kasi alam ng marami malakas ako na wala akong awa na wala akong puso kaya kahit gusto ko na syang malapitan hindi ko magawa...and also told to her that am really sorry...kasi tinuturing nya akong kapatid pero anong ginawa ko? Binaliwala ko sya..sabihin mo rin sakanya na sya lang yung little sister ko ha? Mahal na mahal ko kayo..]
Narinig ko agad ang hikbi ni calli kaya naman napatingin ako sakanya
"You don't have to say sorry...kasi hindi naman ako nagtanim ng galit sayo..kahit non pa man.."bulong nya sabay punas ng luha"iloveyou more ashley..i won't forget you even in my second life.."bulong nya pa saka sunod sunod na bumagsak ang luha nya
"Hey..both of you come with me"sambit ni kleo saka tumayo at lumabas ng kwarto..sabay naman kaming tumayo ni calli at sumunod sakanya
Lumabas kami at hindi namin alam kung saan pupunta pero patuloy pa rin kami sa pag lalakad tanging si kleo lang ang sinusundan namin
Nakikita ko na kung saan kami patungo..sa
'Sementeryo?'
Pumasok kami sa gate ng sementeryo at nag lakad hanggang sa huminto si kleo at lumapit sa isang lapida at naupo
Dahan-dahan akong lumapit sa lapida at nakita ang pangalan ni kleo?
Vincent Kleo Marasigan
Birthdate: January 1
Died:
"Bakit walang kamatayan?"tanong ni calli
Napatingin ako kay kleo at nakatingin sya sa isa pang lapida
Ashley Mae Marasigan
Birthdate: March 1
Died:
"S-si ashley.."bulong ko
"Matagal na akong namatay..ilang dekada na rin..noon pakiramdam ko nag iisa lang ako..dahil kahit isa walang dumadalaw sakin..isa akong kaluluwa na walang ala-ala at walang kasama...not until i met an angel"nakangiti sya habang may luhang bumabagsak sa pisngi nya"I named that angel as ashley.."sambit nya pa kaya nagulat ako
"Y-you mean?"sabat ni calli
"Yes... she is an angel"deretsong sagot nya
"What do you mean?"tanong ko
"Si ashley ay anghel na pinababa dito upang pag bayaran ang mga kasalanan na ginawa nya"sagot nya "Iyak sya ng iyak non dahil hindi nya alam ang gagawin nya kaya yon..sinamahan at tinuring ko syang kapatid.."habang nag sasalita ay nakatingin sya sa lapida ni ashley"Ako mismo ang nagbigay ng pangalan nya...tuwang tuwa sya nung sinabi ko sakanya na simula sa araw na yon ay kapatid ko na sya.."napangiti pa sya habang sinasabi ang mga katagang yon
"Pero bakit may birthdate sya?"tanong ni calli na kanina ko pa gustong itanong
"Yan kasi ang araw na dumating sya sakin.."sagot nya
"Pero sino may gawa nung lapida? Bakit sya may lapida?"tanong pa muli ni calli
Hindi ko makuhang magsalita
"Ako lang may gawa nyan..kasi naiingit sya dahil bakit raw ako may lapida..sya wala"sambit nya pa habang natawa
"Funny..nawala sya mismo sa special day nya rin"wala sa sarili kong sagot
"What do you mean?"tanong sakin ni kleo
"Parehas kami ni special day..and funny because ngayon ko lang nalaman"sagot ko sabay bagsak ng luha nya"Mahal ko sya pero ngayon ko palang sya nakikilala"dugtong ko pa, pakiramdam ko ang bigat nanaman ng mga luha ko..
"No one knows ethan.."sambit ni calli tinignan ko sya ng may tanong"even me..ngayon ko lang nalaman"sagot nya pa"sa tagal naming nagkasama..ngayon ko lang din sya nakilala"nakayuko na sya
"Ako at si ashley lang ang nakakakilala sakanya..wala kaming pinagsabihan na kahit sino"sabat ni kleo
Napatingin ako sa lapida ni ashley nung may lumipad na papel at napunta sa may harap ko kaya naman pinulot ko ito
'Hey baby i hope you can forgive me now..iloveyou so much
-Ash
Napatayo ang nung mabasa ko ang sulat at nag palinga linga sa piligid
"She's here"sambit ko sa kanila
"What?"tanong nila
"Here"inabot ko sa kanila ang papel na lumipad
"She's not here.."sambit naman ni kleo
"No! She's here"sagot ko sakanya
"Wala sya dito ethan..tulad ng sinabi nya sa video..nakikita nya sa panaginip nya ang future mo kaya yang sulat na yan..noon nya pa ginawa at dumating lang yan kung kelan mo na kailangan"paliwanag ni kleo kaya naman nang hina ang mga tuhod ko
At umupo ako sa mismong tabi ni lapida ni ashley
"Iloveyou too baby.."sagot ko sakanya saka bumagsak nanaman ang mga luha ko
"You're always be my lovely ghost.."
"Iloveyou more baby" dinig kong may bumulong sakin kaya naman napatingin ako at nakakita ako ng babaeng nag liliwanag sa sobrang puti
"Ashley.."
"Goodbye baby...until we meet again"
"Bro? Are you okay?"tanong ni kleo at nagulat nalang ako nakahiga ako sa damo?
"Ethan nakatulog ka sa sobrang iyak..kaya binantayan ka namin"paliwanag naman ni calli
"Let's go home"sabat naman ni kleo
Sabay sabay na kaming tumayo at bago ako umalis ay lumingon ako muli sa lapida
"Goodbye baby..iloveyou..until we meet again" bulong ko saka sumunod kaila kleo
"Walang makakapalit sayo..you're always be my lovely ghost.."
Vote for Speacial Chapter!
— New chapter is coming soon — Write a review