Download App
9.37% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 6: Unexpected Meeting

Chapter 6: Unexpected Meeting

CHAPTER 6

-=Ram's POV=-

I should have given up already right? Ngunit hindi iyon ang nangyayari sa pagdaan nang mga araw dahil madalas ay napapagawi pa din ako sa Cubao trying to search for that lady kahit na nga ba sinabi sa akin nang babaeng bugaw na maaring umuwi na nang probinsya ang babae ngunit kahit ganon ay patuloy pa din ako sa pagbabasakali na hindi pa siya umuuwi at baka mangailangan siya ulit nang pera, maaring wala akong nakuhang impormasyon na makapagtuturo sa akin nang babaeng iyon pero kahit paano ay nabuhayan ako nang loob nang malaman na wala na itong naging customer na iba na ang ibig sabihin ay ako pa lang ang nakakakuha sa katawan nito.

I woke up that morning na medyo mabigat ang pakiramdam kasi ba naman ilang magkakasunod na gabi na akong nagmamasid sa bandang Cubao tinalo ko pa nga ang mga pulisya sa ginagawa kong pagmamasid, halos dalawang linggo na din nang pumunta ako dun at nalaman ko na umuwi na pala nang probinsya ang naturang babae.

"Pull yourself together Ram." kastigo ko sa sarili ko habang pilit akong bumabangon sa pagkakahiga, kahit naman kasi ako ang boss ay hindi ko ugaling umabsent, maliban na lang kung sobrang importanteng bagay katulad nang pagkakasakit nang Dad ko pero sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko hahayaan na hindi ako pumasok sa opisina.

Mabigat ang mga paang pumasok ako sa banyo na nasa kuwarto ko, sa bahay pa din namin ako tumutuloy para naman makita ko pa din ang improvement ng Dad ko at mabuti na lang at nakikita kong lumalakas na ito may mga pagkakataon nga lang na nakikita kong may malalim itong iniisip pero kapag tatanungin ko naman kung may problema ba ito ay tinatawanan lang ako nito katulad ngayon nang bumaba ako sa kuwarto at nakita ko ito sa kusina, nakatingin lang ito sa malayo.

"Good morning Dad." bati ko at naupo na din sa bandang kanan nito, agad naman nagsikilos ang mga kasambahay namin na agad akong pinaghandaan nang almusal.

"Magandang umaga din hijo mukhang late ka na naman nakauwi ah." puna nito at mabuti na lang at naitago ko ang pagkasamid ko, hindi ko akalain na alam pala nito na late na ako nakakauwi kasi naabutan kong tulog na ito kapag nakakauwi ako.

"Medyo busy lang sa office dad." pagkakaila ko sabay iwas nang tingin dito, ayoko kasing isipin nito na dahil lang sa isang babae ay nagkakaganito ako, for pete sake I'm Romano "Ram" Santiago for crying out loud ang babae ang dapat mamoblema not the othe way around.

Tahimik lang ang Dad ko habang kumakain nang almusal at hindi naman ito ganito noon kaya naman malakas ang kutob ko na may problema talaga ito na hindi masabi sabi sa akin.

"Dad?" nag-aalangan ko pang tawag dito ngunit minabuti ko nang kausapin ito at baka makatulong ako sa kung anumang problema ang kinahaharap nito.

"Ano iyon?" he said smiling at me ngunit hindi ko maramdaman na sincere ang ngiting binibigay nito sa akin.

"Dad please be honest with me, is there something bothering you?" seryoso kong tanong at kapansin pansin ang pagkawala nang ngiti nito sa labi kasabay nang pag-iwas nito nang tingin sa akin.

"Walang problema Ram, may mga bagay lang akong iniisip pero nothing major." pagtanggi nito at magpupumilit pa sana ako nang halata nang tinataboy na ako nito papasok kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay nang kotse ko para pumasok sa office.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang ginawi nang Dad ko, sa ginawi nito ay mas lalo ko lang napatunayan na may mas malalim na problema ang iniisip nito at pinangako ko sa sarili ko na one of these days ay pipilitin kong magtapat ito lalo na't baka makatulong ako sa problemang pinagdadaanan nito, pero alam kong kailangan ko na munang isantabi ang pag-iisip dahil kailangan kong magfocus sa trabaho, ako kasi ang tao na hindi dinadala ang problema sa opisina well maybe aside sa pag-iisip ko sa babaeng patuloy na gumugulo sa isip ko.

"Good morning Sir Ram." ang mga bati sa akin nang mga tauhan ko nang makita nila akong pumasok, agad naman akong dumiretso sa personal elevator ko patungo sa pinakatuktok nang opisina ko, isang buong floor kasi ang inookupa ko, maliban sa opisina ko ay meron din personal room kung saan ako maaring magpahinga kung may kailangana kong ayusin sa opisina at hindi ako makakauwi sa trabaho.

"Good morning sir." Tricia said when saw me walked out of the elevator, she brief with all my appointments for today, meeting sa kung sino sinong head nang kani kanilang companies.

"Ok got it, just send me the papers that I need to sign bago ang mga appointments ko." utos ko dito at pumasok na ako sa isa pang maliit na opisina sa bandang kanan nang naturang floor at agad nagcheck nang mga emails sa computer ko, ilang minuto lang ay kumatok na si Tricia dala dala ang mga papeles na hiningi ko dito.

"Thank you Tricia, you may leave." sinabi ko dito ngunit nagtaka ako nang hindi pa din ito umalis, kaya naman nag-angat ako nang ulo sa ginagawa ko at tumingin dito with a questioning look on my face.

"Kasi sir tumawag ang Presidente nang Castro Company at hinihiling na makipagkita sa inyo mamayang alas cinco nang hapon sa may Manila Pen." naiilang nitong sinabi.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito, kilala ko ang tinutukoy nitong presidente dahil ilang beses na din nagtangka ang mga itong magpaset nang appointment, isang maliit na company lang ang Castro Company na gustong humingi nang tulong sa kumpanya namin at dahil hindi ko makita kung paano magpoprofit ang company sa maliit na kumpanya na iyon ay inutusan ko si Tricia na idecline ang kagustuhan nila.

"Haven't I told you already na hindi tayo interesado na makipag-ugnayan sa kumpanya nila?" nagsasalubong na ang kilay ko habang nakatingin dito, ayokong ayoko pa naman na kinukulit ako lalo na sa trabaho.

"Sir, I already told them that pero they insist na maghihintay sila doon kahit anong oras pa daw sila maghintay." she said at matapos non ay agad na itong bumalil sa sarili nitong puwesto, naiwan naman ako na napapailing sa kakulitan nang presidente nang kumpanya na iyon.

"Bahala silang maghintay." I muttered cruelly and went back to what I'm doing.

After an hour of signing papers ay sandali akong tumayo at naglakad lakad para naman ma-streched ko ang mga joints ko sa pagkakaupo at pagpirma nang isang oras sakto naman at pumasok si Tricia to inform about my first appointment that day.

Agad naman akong dumiretso sa una kong appointment, we decided na magkita sa Mandarin Hotel para idiscuss ang isang proposal, actually may nagpropropose kasi samin na milaban sa freight business ay maari din kaming pumasok sa shipping industry, actually dalawang kumpanya ang gustong makisosyo sa negosyo nang pamilya at pinag-iisipan ko pa kung sino ang pipiliin dahil nakikita ko naman ang potential nang industry.

Hindi na ako nag-aksaya nang oras at agad nakipag usap tungkol sa proposal nito dahil may dalawa pa akong appointment that day.

Wala pang isang oras ang naging presentation nito at matapos kong sabihin na pag-aaralan pa namin ang proposal nito ay agad akong umalis at tumungo sa kasunod na appointment ko.

Mag aalas kuwartro na nang hapon nang matapos ang lahat nang meeting ko nang araw na iyon at mga ten minutes before five nang makabalik ako sa opisina, naabutan ko pa si Tricia na abala sa trabaho nito.

Kakaupo ko pa lang sa swivel chair ko nang biglang bumukas ang pinto nang opisina ko at hindi ako makapaniwala sa nakikitang kong tao na nasa harap ko ngayon.

"What are you doing here?" malamig kong tanong dito at nakita ko ang sakit na nagregister sa magandang mukha nito.

"Ram we need to talk." she said pleadingly.

"Nasabi mo na ang kailangan mong sabihin sa akin noon Janine at wala na tayong kailangan pag-usapan pa." malamig ko pa ding sinabi dito na hindi man lang iniiwan ang tingin sa reaksyon nang mukha nito.

"No Ram hindi mo pa narinig ang lahat nang gusto kong sabihin so please....." pagsusumamo pa din nito ngunit naputol ang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ni Tricia.

"Sorry for the intrusion Ram, tumawag uli ang may ari nang Castro Company." and for once natuwa akong marinig ang pangalan nang kumpanya na iyon.

"Sorry Janine, naghihintay ang kameeting ko." I told her and immediately grabbed my key and left her standing there.

Weird as it may sound but the thought of my ex girlfriend didn't cross my mind nang huli kaming nagkita dahil tanging ang babaeng nakasama ko sa isang gabi ang patuloy na tumatakbo sa isip ko.

Hindi ko maiwasang hindi mairita dahil napilitan akong puntahan ang meeting na to sa Manila Pen, pero siguro mabuti na din ito para masabi ko na sa kanila nang personal na hindi interesado ang Santiago Group and Company na maging partner nang kumpanya nila.

Nakarating ako nang mag-aalas sais ngunit katulad nang sinabi sa akin nang secretary ko ay naghintay talaga ang may ari nang naturang kumpanya, hindi ko alam kung maiinis ako o maawa sa kanila, agad na tumayo ang matandang lalaki pagkarating ko sa table namin. Babati sana ito ngunit pinigilan ko na ito nang tinaas ko ang kamay ko to signal for him to stop.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, we already made a decision and then answer is....." ngunit nabitin sa lalamunan ko ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa entrance.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong kapapasok lang na babae sa loob nang restaurant, kumpara noong una ko siyang makita ay kapansin pansin na maganda ang suot nito at sigurado akong hindi basta basta ang damit nito, pero kahit na anong suot nito ay hinding hindi ako magkakamali sa naturang babae na ito lalo na't patuloy pa din nitong ginugulo ang isip ko.

"Mr. Santiago...." narinig kong tawag nito sa akin na hindi ko pinansin dahil abala ang atensyon ko sa bagong dating na babae.

It confuses me to see here of all places dahil malabong maafford niya ang lugar na ito ngunit parang bigla naman nasagot ang kaisipan kong iyon nang makita kong kumapit ang braso nito sa isang matandang mukhang naghihintay dito at agad nagsalubong ang kilay ko nang makita kong nakakapit na ang braso nito sa matandang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay si Don Henry Cervantes ang kasama nito a very well known businessman na kilala hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong Asya lalo na't kasama ito sa richest man in Asia.

"No wonder na hindi na siya nagagawi sa Cubao." hindi ko namalayan na lumabas iyon sa bibig ko at nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagtapit sa balikat ko saka ko lang naalala na may kasama pala ako.

"Sorry Mr. Santiago but you were saying?" malungkot nitong tanong sa akin dahil mukhang alam na nito ang sagot namin kahit hindi pa nito napepresent ang business proposal.

"My answer is yes, ipadala mo na lang sa opisina ang kontrata para maicheck ko with my attorney and we will get back to you kung may gusto kaming ipabago." sinabi ko dito na sobra ang kasiyahan sa narinig hindi ko na ito pinansin at patuloy pa din ako sa pagtingin sa dalawang taong ilang mesa ang layo mula sa puwesto namin.

Seeing them together made me realized na maaring babae na nang naturang businessman ang babaeng matagal ko nang hinahanap at hindi ko maiwasang hindi mawalan nang pag-asa dahil compared to Henry Cervantes ay mas mayaman ito kumpara sa akin, pero hindi pa din ako susuko kahit na agawin ko ito mula kay Henry Cervantes.

"I will get her by hook or by crook."


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login