Tinagilid ko ang katawan ko at niyakap ko ng mahigpit yung unan na itinanday ko sa tabi ko. Naramdaman ko na parang medyo matigas iyon, pero sa halip na buksan ko pa ang mga naka-pikit kong mga mata, binalewala ko nalang 'yon.
"I need to get up." kinapa ko ang higaan sa tabi ko nang maramdaman kong wala na yung unan na tanday ko, napa-bukas ako ng bibig.
"Hmmm..dito ka lang. Matutulog pa ako. Gusto kong nasa tabi lang kita.." naka-pikit ang mga mata ko habang sinasabi ko iyon.
"Okay. Then, I'll do.." napa-ngiti ako ng naramdaman ko ang unan sa'king tabi at saka ako napayakap doon.
Saka ko rin ulit ibinalik ang pagkaka-tanday ko sa unan habang naka-pikit pa rin ang mga mata ko, at masarap na natutulog.
Pero sandali, parang may naramdaman akong mabigat na unan ang dumagan sa akin. Pero hinayaan ko pa rin ang sarili ko na mag-patuloy pa rin sa pag-tulog.
"Are you now feeling well?" Napa-ungol muna ako bago nagsalita.
"U-uhm..'wag kang maingay. Natutulog pa ako.." siniksik ko ang sarili ko doon habang ganun pa rin ang postura ko.
Pero sandali, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sandali. Napuna kong hindi unan ang nasa tabi ko nang mapag-tanto kong kinakausap ako. Sinuri ko sandali kung unan ba talaga yung nasa tabi ko.
Napa-lunok ako sa nakita ko nang maoagtanto kong hindi 'yon unan. Dibdib 'yon at mukhang walang saplot. Dahan-dahan ko ring inalis ang pagkaka-siksik ko doon. At naramdaman kong nag-init ang pisngi ko ng malaman ko kung sino 'yon.
Mabilis akong bumalikwas ng bangon. Kasunod ay mabilis akong tumalikod sa kanya at saka ko iniyuko ang ulo ko.
"U-uh, anong ginawa mo sa'kin? B-bakit ka nandito sa kwarto ko?" sabi ko nang kinakabahan. Napakagat-labi ako ng maramdaman kong nag-iinit pa rin ang pisngi ko. Napa-pikit naman ako sandali.
Ghad. Bakit nasa tabi ng higaan ko siya? Paano siya napunta ngayon diyan?
Naramdaman ko ang hininga niya sa'king likuran ng nag-salita siya.
"You should ask it to yourself." tumigil siya sandali.
Aba! Bakit hindi niya tanungin yung sarili niya? Nakikipag-biruan ba ako sa kanya? Ano bang gusto niyang palabasin?
"It's my room. I just saw you sleeping beside me when I wake up a while ago." aniya pa niya. Ikinagat ko ang ibabang labi ko. "Well, I think you feel better and comfortable with me for sleeping beside you. Am I?" nag-huramentado na naman ang puso ko ng sambitin niya iyon malapit sa tenga ko. Parang nakiliti pa ako.
A-ano? N-nasa kwarto niya ako? Ugh! In his dreams ha! Nakakainis. Komportabol niya mukha niya!
Sinubukan kong igala ang paningin ko sa paligid at naudlot ang dila ko, nang malaman kong wala pala ako sa sarili kong kwarto.
P-pero paanong nangyari? Ugh! Naguguluhan ako!
"See? I'm not kidding you." medyo kinilabutan ako ng sambitin niya iyon na parang mapang-akit. "Anyway, I hope this will not be our first time.."
Ramdam ko naman ngayon ang pag-init sa paligid ko. Naramdaman ko rin ang presensiya niya sa'king likuran at mukhang malapit siya sa'kin. Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at humarap ako sa kanya.
"What?" napakunot noo siya ng tapunan niya ako ng tingin. "Do you want me sleep with you again? Then I--" parang bigla akong nainis sa sinabi niya kaya hindi ko na siya pinatapos.
"L-logan, kailangan ko nang umuwi..."
"W-why? Oh, don't tell me that you'll now leave me here after what you said to me last night.." napa-salubong ako ng kilay.
Anong pinag-sasabi niya? Iniinis ba niya ako? Sadyang lasing pa rin ba siya kaya siya ganyan? Susmaryosep!
Okay, kalma Marsha. Maghulos-dili ka. Wala ka sa pamamahay mo kaya umayos ka.
Hindi ko na siya kina-usap dahil kaagad kong kinuha ang bag ko na nasa lapag. Pagdaka'y saka kong tinungo ang pinto. Pero hindi pa ako naka-lalabas, narinig ko ulit siyang nagsalita.
"Don't you want it to hear? Then, you may go. Besides, ayaw mo namang malaman.." hindi ko tinuloy na buksan yung pinto ng subukan kong iikot ang katawan ko para lingunin siya.
Napansin kong nag-lalakad na siya ngayon papunta 'don sa balkonahe. Naka-talikod siya sa'kin habang naka-pamulsa.
"A-anong ibig mong sabihin?" bago pa siya maka-rating doon, tumigil naman siya sa paglakad niya.
Hinintay ko siyang mag-salita pero walang lumabas sa bibig niya. Hanggang sa itinuloy niya uli ang pag-hakbang ng mga paa niya papunta sa balkonahe.
Hays. Binibitin niya ako! Bakit hindi pa kasi niya sabihin ngayon? Ugh!
Bumuntong-hininga ako sandali, saka ko naisipang harangin siya sa dinadaanan niya. Sabay, tinapunan ko siya ng tingin nang naha-rangan ko na siya.
"Gusto kong malaman! Sabihin mo sa'kin ang totoo, Logan.." mapilit kong sabi. Tinapunan niya ako ng tingin sa sandali bago siya nagbitiw ng salita.
"You really want to know?" tumango-tango ako sa kanya na may pagmamakaawa.
Oo. Sa totoo lang, gusto kong malaman kung ano nga bang sinabi ko. Dahil mukhang may kakaiba kasi sa kanya at mukhang hindi ko lang basta 'yon nasabi sa kanya. Kung 'yon nga ang nangyari.
O, baka pinag-lalaruan lang ako ng halimaw na 'to? Ugh! Hindi ko siya mapapa-tawad kapag ginawa niya 'yon sa akin.
Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi at inalis niya ang tingin niya sa akin. Habang nag-hihintay ako sa kanya na magsalita at hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"You admitted to me that night that you love me. Well, I do believe because it's what you've said. There's no any doubt after all.." sabay nakota kong sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Napansin ko ang tinapunan niya ulit ako ng tingin.
Nang sabihin niya iyon, parang tumigil ang paligid ko. Naramdaman kong nanigas ang buo kong katawan. Ang bilis ng pintig ng puso ko at may kung anong bagay ang nag-liliparan sa tiyan ko.
Napakurap-kurap pa ako sandali nang dahil ako makapaniwalang 'yon ang maririnig ko mula sa kanya.
Sinabi ko ba talaga 'yon sa kanya? Pero bakit wala akong natatandaan? Ang natatandaan ko lang, hindi ko na nagawang umuwi dahil masyado nang gabi 'non. At naisip ko rin syempre na baka may mangyari na naman sa akin kapag pinag-pilitan ko pa ang sarili ko na umuwi. Pero hindi naman ibig sabihin na gusto ko talagang manatili dito 'no.
Kaya, kahit na labag sa kalooban ko, sinunod ko nalang ang sinabi niya. Hanggang naisipan kong matulog nalang sa malaking sopa na nasa balkonahe. At nang magising na ako, natagpuan ko na sarili ko na nasa tabi nang hinihigaan niya.
"I know what you're thinking. And I know that you're thinking if how you slept over my bed.." umiwas siya ng tingin at nag-simulang naglakad.
Paano niya nalaman ang iniisip ko?
"Think of it first, Marsha. I'm not telling a lie.." nakita ko siyang naglakad papunta sa isang upuan sa balkonahe at umupo doon. Sumimsim siya sa basong kinuha niya na nasa ibabaw ng mesang nasa harap niya.
Pero sandali, sinubukan kong uling isipin 'yong sinabi niya. At sandali ay, naalala ko na lumipat pala ako sa tabi niya, dahil masyadong malamig 'don sa tinulugan ko kagabi sa balkonahe.
Pero hindi naman ako basta nalang tumabi sa kanya. Kahit paano, sinabi kong hihiga ako sa tabi niya. Pero, yung binanggit niya kanina na umamin ako sa kanya na gusto ko siya, wala akong maalala.
Tss. Niloloko lang niya ako. Ugh! Lasing pa rin talaga siya!
Inayos ko nalang ang sarili ko at sinulyapan ko siya sandali. Naka-upo pa rin siya at naka-tanaw sa malayo.
"Aalis na ako.." sabi ko sa kanya ng bahagya akong lumapit sa kanya. Pagdaka'y tumalikod na ako sa kanya at saka ko ini-hakbang ang mga paa ko paalis.
"I'm not forcing you to believe it, Marsha. Besides, you're the only one who knew what does your true feelings is." napa-yuko ako sandali habang naka-hawak sa sling ng bag ko ng mapa-tigil ako sandali.
"Do you still don't want me to see?" Hindi ko maigalaw ang mga paa ko nang mapakinggan ko ang mga sinabi niya.
Iiwasan ko pa rin ba siya? Pero kung gusto ko talaga siyang iwasan at magpa-kalayo muna sa kanya, wala sana ako dito. Ugh! ikinagat ko ang ibabang labi ko. Nababalewala lang ang lahat dahil binabali ko rin naman. Jusko.
"Marsha, can I ask you?" Ilang segundo ang lumipas pero parang na-pipi ako.
"Can you please stay with me for the whole time?" Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko alam kung papayag ba ako sa kahilingan niya. Naguguluhan pa ako.
Bumuntong-hininga muna ako saka ako humarap sa kanya. Naka-pamulsa pa rin siya habang naka-tayo pa rin siya ngayon doon, malapit sa akin. At hinihintay lang ang sasabihin ko.
"Logan.." Napansin kong napa-talikod siya sa akin matapos kong salitain iyon.
"I know you don't. I understand. You may leave now." parang sandali ay tinusok ng ilang beses ang dibdib ko. Parang nakaramdam ako ng konsensiya sa sinabi niya.
Ano bang desisyon ko? Gugustuhin ko pa rin bang iwasan siya kahit na nakokonsensiya na ako sa kanya? Jusme. Kung alam ko lang na hahantong ako sa bagay na 'to, eh di sana, hindi ko sana hinayaan na mangyari pa 'to.
Ugh! Naguguluhan na naman ako. Bakit ba ang hirap mag-desisyon kapag siya ang kausap ko?
Ewan ko pero natagpuan ko nalang ang sarili ko ngayon, nang dahan-dahang ng nag-lalakad papunta sa kanya. Tumigil naman ako ng nasa harap ko na siya.
"S-sige, pumapayag na ako." naka-angat ng bahagya ang mga tingin ko sa kanya habang naka-talikod pa rin siya sa akin. Humugot ako ng hininga at saka ulit ako nagsalita.
"T-tatalikuran mo lang ba ako? Hindi ka manlang ba kikibo?" medyo nainis kong sabi. Hays. Sa susunod nga papangaralan ko na ang sarili ko na iwas-iwasan ang pagka-inis, baka kumupas nalang bigla ang ganda ko eh. Hays.
Nabigla ako ng hawakan niya ako sa kanang kamay ko at hinila palabas ng kwarto. Sinubukan ko naman siyang pigilan.
"H-hoy, saan mo ako dadalhin, ha?" nagtataka kong tanong sa kanya. Tumigil siya sandali habang naka-hawak pa rin siya sa kamay ko.
"We'll go somewhere.." napatianod nalang ako sa kanya ng sinimulan ng hinila ako nang nag-lakad siya ulit.
May pupuntahan kami? Saan naman?
Hays. Napaisip nalang ako sandali. Hindi ko na talaga siya maiiwasan.
hello there!
vote, comment, send gifts!
is my pleasure and inspiration to write up this story!
thank you and lovelots ;-)