Ang pag papatuloy ng kwento ni Ms. Hoodie.
Sa Condo ni Patrick,
"Ano? kayo na ni Master?" Ang pagulat na sambit ni Dave habang nainom ng tubig na nasamid "Ahem... Ahem... bro baka naman nanaginip ka si Master talaga ang girlfriend mo?"
Binato siya ni Patrick ng tissue "Sira ulo! Kailan ba ako mag sinungaling sayo?" Naupo sya sa may sofa at sinundan naman siya ni Dave habang nag pupunas ng tissue sa kaniyang bibig.
"Ako na nga ata ang masayang lalaki sa mundong ito dahil sa wakas kami na ng babaeng pinakamamhal ko."
"Pero bro, paano yung apat na kuya ni Master? Idagdag mo pa yung pamangkin niyang si Jacob na parang 50years old na kung mag isip."
"Sa totoo lang hindi ko na iniisip ang mga yon basta ang mahalaga kami na ni Kelly my love."
"What the f*ck? Kelly my love?"
"Hey! Wag mo ngang gayahin ang mga sinabi ko, sakin lang si Kelly!"
"Huh! Edi sayo na! Hindi ko naman inaangkin goodluck nalang sayo kapag nalaman ng mga kuya ni Master na mag jowa na kayo."
"Wag ka na ngang epal diyan kaibigan ba talaga kita? Suportahan mo nalang ako."
Pabulong bulong si Dave "Tsss... Hindi pa ba suporta yung ginawa ko sa kaniya nung una palang? Kaya nga pati ako nagka gusto narin kay Master non. Humph!"
"Sino yung gusto mo?"
"Ikaw nababakla na ko sayo bro!"
Tinulak naman siya agad ni Patrick at sumubsob si Dave sa may lapag at tawa ito ng tawa "Hahahaha... masyado kang seryoso joke lang pero bro paano nga kung bakla ako tatanggapin mo parin ako?"
"Heh! Yang ka engotan mo nga natanggap ko eh pero kung bakla ka putek naman bro wag ako."
"Ahahahaha... Ungas! Straight ako asa ka namang patulan kita kung bakla nga ako. Huh!"
"Ano? Parang pangit na pangit ka sakin ah! Buset ka!"
"Wahahahaha... Pero bro I'm happy for you and to Master dahil sa wakas kayo na eh anong plano nyo? Sasabihin niyo ba kila nurse Kevin?"
"Hindi ko pa nga alam eh tsk... feeling ko nga napilitan lang naman si Kelly na sagutin ako kasi syempre tumulong ako sa pagligtas sa kaniya."
"Paano mo naman nasabi?"
"Nag kiss naman na kami pero..."
"Ano? Nag kiss na kayo?"
Sa magka pareho ng oras sa kwarto naman ni Kelly,
"Really? Nag kiss kayo?"
Kausap ni Kelly si Mimay sa cellphone Habang naka video call "Ah... kasi ano hindi ko rin alam eh basta ang saya ko lang tapos yun na... Pero kiss lang ha walang ibang malisya."
"Hahaha... luka ka! Pero anong pakiramdam mo na kayo na?"
"Hindi ko nga alam kung ano ang ikikilos ko pag nakita ko sya bukas nakakahiya Bruh!"
"Hahahaha... kalma normal lang yan ganyan talaga sa una but eventually magiging okay ka din sa kaniya pero baby girl paano na anong gagawin mo pag nalaman ng mga kuya mo? Sisikreto mo ba?"
"Oo ayoko magalit sila siguro sasabihin ko pag tama na ang panahon isang buwan nalang naman at graduation na."
"Well, maipapayo ko sayo magusap kayo ni Patrick kung ano ang magiging set up niyo."
"Hindi ko nga alam kung papaano ko sya kakausapin matapos kaming mag ano yung ki— kiss..."
"Ahahaha... dalaga ang baby girl ko sayang lang at wala ako diyan nung nagkaroon ka ng first kiss."
"Baliw ka talaga bakit gusto mong ivideo? Luka eh! Tsaka di nga ko kumportable ganun pala yung feeling pag nag kiss parang may nakakadiring pakiramdam."
"Haha... Bakit naman?"
"Eh kasi yung laway namin parang nag papalitan iwww... parang mas okay yung di nalang niya alam."
"Ha? Anong di niya alam?"
"Hindi ko pa ba na kwento sayo?"
"Ang alin?"
"Ah... baka nga di ko na kwento accidentally I kissed him kasi."
"Ha? So hindi na yun ang first kiss mo sa kaniya?"
"Um... Bali 2nd time na."
"So kailan yung una?"
"Naalala mo yung nag hatid ako sa condo ni Patrick ng modules? Yung may sakit sya."
"Ohhh.. yes naalala ko parang ikaw ba yung nag alaga sakaniya diba?"
"Um... sa sobrang init niya I mean init as in lagnat wag kang ano diyan."
"Ahahaha... Oo na sige tuloy ang kwento."
"Yun na nga nag dedeliryo kasi siya kaya ayun di niya na alam ang mga ginagawa niya pero wala naman syang ginawa sa kung ano aksidente lang na nahila niya ako tapos ayun nadulas ako tas nag lapat ang mga labi namin."
"Ahhhhh... omg!!!"
"Shhhh... wag kang maingay!"
"Ay sorry hindi ka ba naka headset?"
"Hindi, di ko kasi makita kaya wag kang maingay diyan."
"Okay sorry na hindi mo naman kasi sinabi kinilig lang kasi ako at least sya parin ang first kiss mo alam ko wala pa syang nagiging gf eh so ikaw rin ang first kiss ni Patrick? Wahhhh...naol! Hahaha..."
"Luka! Pero paano anong gagawin ko bukas? Paano ako haharap sa kaniya?"
"Edi normal lang sure naman ako ganun din siya sayo kasi iisipin niya na hindi ka clingy na tao, ikaw kasi yung tipo ng taong hindi showy."
"Kailangan ko bang baguhin yon?"
"Ang alin? Sira! Wag kang magbago dahil lang may bf ka just be yourself kung ano kang nakilala ni Patrick ganun lang wag kang magbabago."
"Okay, pero kinakabahan ako."
"Hahaha paano namang kinakabahan ano ka naka silya electrika?"
"Tsk... Hindi kasi ako sanay ng ganito ako masyado ata akong nagiging pabebe naiinis ako."
"Sabi ko nga sayo just be yourself! Sige na matulog na tayo may pasok pa tayo baka malate tayo bukas."
"Sige goodnight Mims salamat."
"Walang anuman basta Ikaw bibi girl."
"Sige na goodnight na mame."
"Hahaha I like it sige from now on ako na ang mame mo."
"Sino naman ang papi ko? Si Dave?"
"Heh!"
"Ahahaha... Sige na mame usap tayo bukas pagtapos ng klase."
"Um... kwento mo sakin mga mangyayare ha? Excited na ko bibi girl."
"Oo na byie goodnight muah."
"Bye bye na din muah."
"."
Kinabukasan,
"Knock.. knock..."
"Tita Kelly gising na po malelate ka na."
Binuksan agad ni Kelly ang pintuan at naka bihis na siya ng uniform at nagulat si Jacob pag labas niya "Eh? Tita Kelly?
"Hmmm?"
"AaaaChoooo... Sobrang tapang po ata ng pabango niyo natapon po ba sa inyo? Umaalingasaw po eh."
"Ha? Sobrang nakakatusing ba? Mabaho?"
Umiling si Jacob "Hindi naman po pero ang aga niyo po ata ngayon?"
"Ha? Ahhh maaga lang ako nagising."
"Weh? Talaga po ba?"
"Haha oo nga halika na nga baka galit na sila sa baba."
"Mukhang di naman po kasi maaga kayo eh hehe."
"Sabagay haha lika na."
Habang nababa sila Kelly at Jacob ng hagdan naguusap parin sila "Baby, ayos lang ba ang suot ko? Hindi kasi ako sanay na hindi naka pang P.E na uniform."
"Ah... Opo nga pala ngayon ko lang po napansin na naka normal kayo na uniform. May events po ba sa school niyo?"
"Ha? Wa— wala naman naisipan ko lang na mag palda malapit na I kasi ang graduation namin kailangan na naming complete uniform mag papraktis ba kasi kami."
"Ohhh... pero 1month pa po di ba bago kayo grumaduate?"
Sa isip-isip ni Kelly "Bakit ba kasi ang tali talino ng batang ito?"
"Ha—Ha... May exam kasi kami kaya kailangan ko mag complete uniform. Hehe..."
"Ohhh... pero dati naman po naka pam P.E kayo pag exam niyo na."
"Ha— Ha— Ha... Ano kasi iba na ngayon. Halika na bilisan mo baka magalit na sila."
"O— Opo."
Hello geysh! I’m back!!! (‘^.^)