Download App
5.61% Midnight Latte (Tagalog/English) / Chapter 5: Midnight Latte

Chapter 5: Midnight Latte

"Gusto lang namin malinawan. Ano ba." Sabi ni Veronica.

"Bea." Mahinahong sabi ni Justin.

"May nakarating kasi samin na isyu na kayo raw ni Steve."

Bigla akong napanganga sa sinabi ni Justin. Kami ni Steve!

"What?" Biglang nagsalita si Cody.

I know, ganun na lang ang mafefeel ni Cody. Eh ako nga, biglang bigla ako, siya pa kaya na deniny ko sa kanya na wala akong bf.

"Ay. Chris. Don't worry. Don't worry. Bea is not cheating on you." Sabi nila bigla.

I don't know kung matatawa ako o maiiyak sa reaksiyon nila. Walang kami ni Cody and mas walang kami ni Steve!

"Sadyang kalat na kalat lang kasi ang isyu." Sabi ni Kathleen.

Stop!

Nanlalamig na masyado ang kamay ko. Ang I'm very nervous sa embarassment. Alam nila ang kahihiyan na ginawa ko nung elementary. Baka isipin nila malandi ako. Baka kung ano na ang binaback stab nila sakin. Nakakahiya kay Cody! Baka mas lumayo siya sakin.

"Sabi nga raw, pangalan niya lang daw ang tinatawag mo kapag naglalaro kayo." Sabi ni Veronica.

Mas nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Veronica.

Please stop!

Sana sinabi niyo sakin hindi sa oras nato!

Gusto kong tingnan ang reaksiyon nila and ni Cody but I don't have the courage. Yumuko nalang ako ang continued hearing what they say.

"Oo nga. I don't know kung saan yun napulot na isyu. Basta ang sabi raw, ever since elementary kayo na raw. Sa gc nandun yung mga isyu." Sabi ni Jasmine.

"Sandali babasahin ko." Kinuha agad ni Kathleen ang cp niya sabay bukas ng messenger.

I cant take it! Tumayo ako bigla and tumakbo ako papalabas ng venue. I'm not used to hear gossips about me. At mas lalong hindi ko kaya kung pinag-uusapan ang dark secrets ko.

"Bea? Bea!" Narinig ko ang boses ni Cody na tumatawag sakin.

"Bea wait." Cody grabbed my arm para mapatigil ako. Nakalabas na kami sa restaurant.

"Cody, please. I just want to go home muna." Sabi ko habang nakayuko ako.

"Are you okay?" Hinawakan niya both my shoulders.

"Are you crying?" Tinataas niya sana mukha but I turned away from him.

"No. I'm just not feeling well." Sabi ko.

"I'm sorry. Gusto ko munang umuwi ngayong gabi."

"Bea. We're very sorry." Patakbong lumabas sina Alicia and Justin.

"Thats okay. It's fine." Sabi ko habang tumingin ako sa kanila.

Nilakasan ko nalang ang loob ko na tumingin sa kanila. The fact na close friends ko sila ng high school, mas nagtampo ako. Hindi man lang nila inisip na baka masaktan ako.

"No, it's not fine!" Sabi bigla ni Cody.

Nabigla ako sabay tingin kay Cody. Nakakunot ang noo niya. It's that look. Yung expression na ipinakita niya kay Arvin. It was scary.

Nabigla sina Justin and Alicia at napatingin kay Cody na hindi nila nakikilala and they thought that he is my bf.

"Barkada niyo siya and you let her to be embarassed in front of other people." Sabi niya.

Malumay siya magsalita but halata ang galit niya.

"Don't worry. I'm fine." Sabi ko.

"Sorry. We didn't mean to hurt her." Napayuko sila.

"Well, of couse. You need to apologize. And-" Naputol bigla si Cody ng magsalita si Justin.

"But we did it because gusto naming malinawan. Kapag tumagal pa tong isyung to baka pati kayo maapektuhan." Sabi niya.

"I heed your concern. But please, sana naman you pick a perfect time sa pagsabi nun." Mas dumiin ang pagsasalita niya.

I felt like crying. Mas bumigat ang dibdib ko ng pinagtatanggol ako ni Cody. Parang nafeel ko na siya nalang ang nagtatanggol sakin. The moment na malaman ko ang isyu, I felt like the world will talk about me behind my back. Wala akong magagawa kundi pag-usapan ng lahat. And yet, there is a person who is willing na ipagtanggol ako. I felt very alone.

Hindi nakapagsalita si Justin.

"Sana naman inisip niyo muna that Bea is very excited about this reunion. And this is the only day na makikita niya kayo after several years. Do you even know what she feels right now?" Dagdag niya.

Kumunot ang noo ni Alicia.

"Sorry ah! Parang alam mo na ang lahat! Ngayon mo palang kami nakilala, but parang nagiging judgmental ka na. We are just worried about her and gusto lang namin siyang mainform tungkol sa mga isyu ah! Bakit? Inaaway ba namin siya ha! Sorry kung insensitive kami okay! Sorry kung nagworry kami sa gf mo!" Nahigh blood bigla si Alicia.

Nabigla ako sa pangyayari. I'm trying to put the distance between the two but I don't know what to do anymore. I might end up destroying their friendship. Isa kasi kaming grupo nila Justin, Alicia and Cody, and meron pang iba. But if this heats up, baka mas magkaaway pa ang dalawa.

"Am I judging you? Did I even said anything para masabi na jinudge ko kayo? Ang sabi ko lang naman na put your feet on her shoes. Ang sinabi ko lang, sana naman inintindi niyo muna kung ano ang mafefeel ni Bea."

"Chris tama na."

I stood up na. But its too late. Mas nagalit at nag alboroto na ang dalawa.

"But at least naman, inintindi mo muna kami! Do you know why we tell her that issue? Bakit? Masama ba na magworry sa kaibigan and tell her the issue?! You're just arrogant that you don't even know our good intentions!"

"Alicia. Stop it na." Pinigilan na rin ni Justin si Alicia.

"Good intentions at the wrong time might end up destroying everything. Sana tumatak yan sa isip niyo." Sabi ni Cody.

My eyes suddenly lit up.

That was-

Coffe Rule #13: Too. Good intentions at the wrong time could destroy everything.

Bago pa man ako makareact, he suddenly grabbed my hand saka pinapasok sa kotse.

"Let's go."

"C-o. Chris wait." Sabi ko but nakapasok na ako sa kotse and he hurriedly start the car and drove papalabas sa BGC.

Silence fell upon us.

Wala siyang imik na nagdrive habang iniisip ko pa rin ang mga pangyayari. I was so embarrassed and felt pain in my heart. Hindi ko kaya na pagtsismisan ng ibang tao. Ayoko na maging topic nila ako. I'm actually afraid with how people look at me. Napaparanoid ako.

Kahit alam ko na hindi ako ang pinag-uusapan nila, basta't alam ko na may isyu na kumakalat tungkol sakin, hindi pa rin ako mapalagay na baka pag-usapan nila ako.

I gazed Cody. Nakakunot pa ang noo niya. I know Cody. He is actually an ill-tempered person. But medyo may kahawig sila ni Kale ng ugali. They're indifferent. He has that lazy look kapag nakakagalit. But unlike Kale, mas mabilis siyang madawit and makimeddle sa ibang business, parang si Josh.

"Ha." Biglang bumuntong-hininga si Cody kaya napatingin ako bigla sa kanya.

"I'm sorry kung bigla akong nagalit. Nakakainis lang kasi kapag puro tsismis nalang inaatupag." Sabi niya habang nakakunot pa ang noo.

"Oy. B-bat nagsosorry ka. Wala ka naman kasalanan. Dapat ako nga ang magpasalamat saka magsosorry." Sambit ko.

He glanced at me saka balik sa road.

"Sino ba kasi yung Steve?" Napasmile siya bigla ng sinasabi niya ang pangalan.

Eto na naman. Hot seat.

"Hoy! Ikaw 'tong nagsasabi sabing puro nalang tsismis inaatupag, tapos ikaw ang magsisimula."

"Hala. Tsismis ba yun? Nagtatanong lang. Fact ang hinahanap ko na sagot, hindi tsismis. Yun nalang kong you'll lie to me."

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi ni Cody.

"Sino ba kasi siya?" Sabay tingin sakin habang nakangiti ang mga mata.

Nanunukso na naman.

"Alam mo ikaw, may dalaw ka ata eh noh! Ang moody mo." Sabay turo ko ng hintuturo ko sa mukha niya.

"Change topic."

"Hindi. Totoo naman eh. Ambilis ng mood swings mo."

"Change tooopic. Hahahaha." Tumawa nalang si Cody habang tumigil na ang kotse sa tapat ng bahay ng namin.

Tiningnan ko bigla ang watch ko. Bandang 8:30 na nang gabi.

"What if dito ka nalang samin matulog. Tutal gusto ni kuya ngayon ng kajamming. And he knows na magkasama tayo sa reunion. Nagpumilit nga yun kanina na sasama daw sana siya." Sabi ko habang nakasmile.

Nawala bigla ang bakas ng embarrassment ko sa mukha dahil sa kulit niya kanina.

"Talaga? Mmm." Parang nag-isip si Cody. And he continued.

"Sure. Pero walang parking lot dito. San ba pwede to ipark?"

"Sandali magpapaalam ako kila Jay na makikipark ka." Sabi ko sabay bukas ng kotse.

"Jay?" He became serious all of sudden. I don't know kung bakit. But I think he just didn't remember him.

"Si Jay. Yung kasayaw ko sa plaza kahapon."

Kinuha ko ang handbag habang I pace papunta sa kabilang kanto past two houses. Even though hindi kalakihan ang bahay nila Jay but meron silang parking lot ng sasakyan. Para daw yun sa Tito nila.

Lumabas si Jay at kinausap ko siya. Hindi naman siya mahirap mahingan ng favor basta't don't break his trust.

Maya-maya pa'y nakapasok na kami sa house, and napark na rin namin ang kotse.

"C-cody? Ikaw na ba yan?!" Biglang sigaw ni Kuya habang puno pa ang bibig niya ng pagkain. Tumalsik agad ang mga nanguyang pagkain ni kuya samin.

Hays. Kuya talaga hindi na nagbago.

"Pft!"

Natawa ako bigla ng makita ang reaksiyon ni Cody. Sinalubong niya si Kuya ng smile yet when he saw the piece of food came out my brothers mouth biglang napatigil siya saka nanlaki ang mata sabay tingin sa mga kanin na nasa sahig.

"Sorry sorry. Hahaha. My bad. As usual clean freak ka pa rin." Lumapit si Kuya kay Cody saka pinunas ang laway na tumulo sa may baba niya.

Kahit naman hindi clean freak, mandidiri sayo. I think and gave my brother a nandidiri look.

"Yuck! Maghilamos ka nga!" Sabi ko sabay hampas ng handbag ko kay kuya bago pa man siya makalapit samin.

"Hahaha." Tumawa si Cody. "As usual hindi ka pa rin nagbabago, manoy."

Ermano or Manoy ang tawag ni Cody kay Kuya Henry. Yan kasi ang kuya term samin sa Bikol.

"Ngusngusin pa rin." Sabi ko.

"Hoy. Mas malinis pa naman ako sayo ha." Sabi ni Kuya na kakahilamos.

"Ha! Anong malinis! Sabihin mo pinakamalinis mo na ang mukha mo kumpara sa paa ko." Sabi ko habang umupo ako sa sala. Sumunod din si Cody.

"Asan yung c.r.?" Bigla niyang tanong sakin.

Andun. Turo ko sa pinto malapit sa may kusina saka malapit sa exit door. Tumayo agad si Cody.

"Ganun ba? Sandali lang. Cody! Halika rito." My brother suddenly grabbed Cody saka kinaladkad papuntang taas ng bahay.

Dun ko lang narealize na ipapakita ni kuya ang kwarto ko kay Cody.

"Hoy! Ano yan!" Nakaheels pa ako't nakadress nang mapalundag ako saka tumakbo sa hagdan.

I don't know kung awkward ang pagkakatakbo ko since para maiwasan ko na matapilok, ibenend ko ang knees ko saka bumukaka ako sabay takbo ng mabilis. Ang hirap nga bumukaka kasi nakadress pa ako.

Kesa naman makita ni Cody kwarto ko.

Nakakahiya! Andami nang kahihiyan ang nangyari sa kin sa araw nato. Wag naman sanang madagdagan pa.

"Ahahaha!" Tumawa nang malakas si Kuya ng makita ako na kumaripas ng takbo para lang iblock ko sila.

"Bumaba kayo! Malilintikan kayo! Hoy! Baba!" Sigaw ko habang nagsisikan kami sa hagdan.

I constantly pushing them pababa ng hagdan. Nasa taas si kuya habang nasa may baba niya si Cody and katabi niya ako. Kumapit ako sa staircase and sa wall na nakausli before my rooms door para mablock ko sila. Wapoise eh!

Nawala bigla ang elegance ko. Bigla akong naging siga sa ilalim ng sexy dress. Dagdag ba ang nanlalaking mga mata saka ilong sa paghihingalo ko.

"Ahahaha!" Tumawa ang dalawang lalaki.

"Ano ba kasing nasa kwarto niya." Tumawa ng malakas si Cody habang nagsasalita.

"Sina- "

"WAAAH! Buysit!" Nabigla ako and bigla kong tinakpan bibig ni kuya sabay nonstop hampas ng kamay ko sa balikat niya.

"BABA!" Sinigawan ko na silang dalawa habang tumatawa.

Pinipigilang ko ngang hindi makita ni Cody ang kwarto ko para maiwasan ang embarrassment yet my attitude is embarrassing already.

Sa wakas napababa ko rin sila. Maya maya pa't pumasok na ko sa kwarto ko saka naglinis.

The truth is hindi pa ako nakaligpit ng hinigaan ko. I'm not that dirty person, busy lang talaga kasi. Hahaha. Nagbibusy-busyhan.

"Meron pa ditong marinated meat."

"Magbarbecue nalang kayo. Tyaka may tatlo pa jang San Mig. Jam tayo sa taas."

Narinig kong sabi ni kuya nang bumaba ako. Nakabihis na kaya't malakas na ang loob ko na bumaba.

"Ay sige sige!" Masigla kong sabi kay kuya. Tumakbo ako papunta sa kusina harap lang ng sala para kunin yung beef.

"Kuya. Paayos na nung ihawan?" Sabi ko.

"Ako na. Ako na. Asan ba?" Cody suddenly came up running beside me.

Nandun sa taas ng lababo. Sabay turo ko.

Pakakuha ko ng meat saka lumabas ako sa exit door.

"Tara." Yaya ko kay Cody.

Meron kasing hagdan sa labas papunta sa roof deck. One in a half storey kasi ang bahay. Tyaka kalahati ng roof deck may maliit na room and may kubo na pwedeng jammingan.

"Wow." Sabi ni Cody. Ang lamig ng hangin kasi.

It's so refreshing. Dito ako tumatambay pag badtrip ako. Nakikita ko ang building sa BGC and nakikita ko ang wall na humahati sa Makati tyaka sa BGC.

Sinet up na namin ang grills saka nagbarbecue na. Si kuya naman kinuha ang San Mig.

"This is nice." Sabi ni kuya. Nasa labas kami ng kubo ng barbecue.

Kinuha naming yung malaking mesa na parang kama. Mababa lang. Oo. Kama nga. Na parang mesa. Hahahaha.

Dun kami umupo and kumain. Nagdinner muna kami bago nag inuman.

"Oh. Cody. Kumusta ka na pala? Bigatin ka na ah!" Sabi ni kuya.

"Ayos lang manoy. Wala to. Sinwerte lang. Ahaha." Sabi ni Cody.

Oo nga no. Hindi ko pa siya masyadong natatanong tungkol sa trabaho niya. All I know is he works at Arvin's company.

"Sinwerte? Katalino mong tao sinwerte?" Sabi ni kuya.

"Wala eh. Pahumble. Hehe." Sabi ko habang pinapaypay ang meat.

"Ahaha. Hindi naman. Sinwerte lang talaga. Tyaka tyiga lang. Wala naman to sa katalinuhan. Diskarte lang."

"Ano pala trabaho mo?" Sabi ni kuya habang kinuha niya yung malaking hita nang chicken.

"Hoy kuya! Parang mauubusan mo ulit kami ng pagkain ah! Wag tayo patay gutom. Alam ko mahirap tayo. Pero sufficient naman ang kain natin. Wag ganyan." Mapang-insulto kong sabi.

Tumataba na kasi si kuya. Mas dumadami nga ang kinakain niya these past few months.

"Ahaha." Napatawa si Cody.

"Ah wala, project manager lang. Madami kasing mga projects ang company. Sinwerte na ako ang napili na mag manage ng ilang projects."

"Lang? Nilalang mo lang yun? Nahihirapan na nga kong umipon ng points para mapromote eh." Sabi ni kuya.

Nagwowork kasi si kuya sa isang construction firm. Hindi pa naman siya licensed civil engineer but nagtatrabaho na siya.

"By the way, kumusta na pala kapatid mo?" Biglang sabi ni kuya.

Napatangin ako kay Cody suddenly. Hindi ko expect na itatanong yun ni kuya.

"Yun, nagpapalakas pa rin. Sa awa ng Diyos, nakasurvive sa mga therapies." Biglang nag iba ang mood ni Cody.

"Ano ka ba Cody. Don't be sad. Malakas ang kapatid mo okay! Hindi yun susuko. Trust me!" Sabi habang tinapik ang balikat ni Cody as I glared at my brother.

Langya ka! Shut up okay! Sabi ko without using my voice.

What did I do wrong? Sabi ng mouth ni kuya.

Saka sumenyas ako na izip niya ang mouth niya.

"Ahaha. Salamat. I know. Malakas ang kapatid ko. Yun pa." Nagsmile si Cody saka bumaling sakin.

"Matagal pa ba yan?"

"Oh, eto na. Kakatapos palang." Sabi ko habang kinuha ang meat.

The night passed so fast ng lumingon ako watch ko mag tutwelve na. Even though tig iisa lang kaming San Mig, naubos naming yun mga bandang 11:25 na. Ambagal nga eh. Naaliw kasi kami sa usapan. Since ilang years din kami hindi nagkajamming jamming. Sayang nga, gusto ko pa naman na makajam sina Justin.

The isyu resurfaced again kaya't shinake ko bigla ulo ko.

"Ano tong room na to?"

Dun ko lang narealize na nasa harap na si Cody na isang pinto.

"Yan? Pinto yan sa room ko. Para may access ako dito lagi."

"Eh eto?" Saka naglakad si Cody papalapit sa isa pang door sa left side ng kubo.

"Ahhh." Nag isip muna ako bago magsalita.

"It's actually my Mini Coffee shop. Hehe." Sabi ko. I'm kind of embarrassed since pangarap ko talaga na magbrew sa isang coffee shop kaya gumawa ako ng sariling mini shop.

Everytime na may oras ako nag bebrew ako sa dito sa taas saka nag iimagine na may customers ako.

"Talaga? Patingin." His eyes lit up ng marinig ko sabi niya.

"Sure. Pero wag kang madisappoint ah." Sabi ko.

"No way. Hindi. Promise."

"Okay. Sandali kunin ko lang ang susi." Saka pumasok ako sa kwarto ko.

Sandali pa't nabuksan ko na ang pinto. Saka binuksan ko ang ilaw.

"Woah! Nice!" Bulalas ni Cody.

The room suddenly lit up a pink, blue and purple color. Maliit lang ang room but merong maliit na table saka maliit na counter. Dun sa counter yellow light ang ilaw saka ang decoration almost purple and pink. Si kuya ang nagdesign saka ako ang nagsabi sa kanya kung ano gusto ko design.

Christmas lights lang ang gamit ko and merong brewer machine sa counter. Meron ding mga cups na nakadisplay.

"Ang galing ah! Gawa niyo?"

"Oo. Tulong kami ni Kuya."

"Talaga?"

"Mmm." I nodded.

"Mag oorder ka?" Sabi ko and I smiled. I remember back sa shop, nag order si Cody ng latte and I felt really glad na after such a long time merong nag order ng latte.

"Pwede ba?"

"Oo naman." Sabi ko.

"Discounted?"

"Hala."

"Hahaha!" Tumawa si Cody.

"Okay. Since your my first customer, free na to."

"First customer? Talaga?"

I once again nodded. He is my first customer talaga. My first non-imaginary customer. I smiled and parang biglang bumigat ang dibdib.

I don't know, kailang beses nang bumigat dibdib ko. I felt like crying. I felt like Im really alone para sa simpleng pag order ni Cody naiiyak ako. I don't know but I very happy that someone's able see my dream. I'm at verge of crying ng mapansin ko si Cody na tinititigan niya ako. Hindi naman siya manhid para hindi mahalata na maiiyak ako.

"Okay! Madamioselle! One Latte please!" Sabi niya bigla saka nag French accent. Napasmile ako bigla.

"I am very sorry sir, but we don't have that coffee." Sabi ko.

"What?" Nabigla siya sa sinabi kaya't bigla niyang tiningnan ang menu.

Midnight Latte. His eyes suddenly widened saka nagsalita.

"Then I would like this Midnight Latte please." Sabi niya ulit in french accent.

"Right away sir." Sabi ko naman saka tumungo sa counter saka nagbrew.

My heart is leaping right now. To think na makakabrew ako sa ganitong oras with a real customer.

"Ah!" Biglang nagsalita si Cody kaya napatingin ako sa kanya. Sa nagsinya ng peace sign.

"Would you mind brewing two cups? "

"Yes sir. My pleasure." Sabi naman habang nakasmile. On act na on act talaga kaming dalawa.

Nagplay muna ako ng classical music na swak sa atmosphere ng room.

"Make it three." Biglang sabi ni kuya.

Buysit! I think.

On act na on act na sana kami ni Cody hanggang sa sumulpot si kuya. Hindi ko naman siya pinapaalis sadyang nabuysit lang ako sa pagka English niya. Para bisaya eh.

"Okay." Sabi ko and I dropped my accent. Ahaha. Lol.

Napatawa sina kuya at Cody while I prepared the coffee beans. Actually, gumawa akong sariling recipe ng latte from what Cody taught me.

Sinimulan ko ng itantya ang mga coffee beans saka ginrind. Inilagay ko siya sa steel na funnel saka pinainit. Pineprepare ko naman yung cream. Kumuha ako ng konting coffee creamer tyaka gatas. Nasa isip ko lang ang measurements ng mga ingredients.

Bigla kong naamoy ang coffe beans, madali kong kinuha yung mainit na tubig na niready ko na kanina saka ko binuhos sa coffee beans. My hand was so relax and dahan dahan kong ibinuhos ang tubig sa funnel in a spiral movement. Itinuro sakin ni Cody kung ano ang tamang pagtilt ng kamay para tantyado ang nabubuhos na tubig. Saka lumabas ang maitim na brewed coffee sa glass container sa baba ng funnel.

Pakatapos kong magawa yung creamer, dahan dahan ko tong inihalo sa coffee with a very minimal movement. One wrong move might make a different taste of the coffee. Saka ako nagcoffee painting. I love myself though. Haha. And I love my family.

"Here's your order sir. Sorry for the wait." Sabi ko sabay abot ng mga coffee.

"Yes!" Sabi ni kuya na ang bilis hinablot ang coffee.

"W-wait!" Sabi ko.

Bago ko pa man mapigilan si Kuya, ininom niya agad yung coffee in one go.

"Sarap! Tamang tama sa hang over." Bulalas ni kuya.

Hang over? Di ba isang san mig lang naman ininom natin? I thought.

"Hindi yun sayo! Kuya naman eh!" Saka ko pinalo si kuya.

"Ah talaga? Hahaha. Oh asan yun sakin. Akin na!" Sabi ni kuya.

"HOY! Bastardo! Akin na bayad mo! Bisita lang ang free!" Saka ko ulit pinalo si Kuya.

"Ang hindi sayo, wag mo agawin!" Bulalas ko.

Coffe Rule #4: Ang hindi sayo, wag mo agawin.

"That's okay. That's okay. Akin nalang to."

Sabay hablot ni Cody ng coffee sakin.

"We-wait lang." Nashock ako bigla. Aagawin ko sana yung coffee but he already saw it.

Natulala si Cody sa coffee.

It's a heart shape coffee art. With words "Thank you"


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login