Download App
42.85% Maybe (Tagalog) / Chapter 3: Chapter 1: Simula

Chapter 3: Chapter 1: Simula

Gina Gu POV

Ako si Gina Gu, isang actress at singer. Ang ganda ganda ng buhay ko kahit minsan ay hindi maiwasan ang mga problema. Ikinasal ako sa isang napaka gwapong modelo at mananayaw. Ang pangalan niya ay Ken. Nabuntis na ako, siguro kasalanan ko lang naman lahat ng iyon. Ayoko talaga maging ina kaya pinagsisihan ko na nag pakasal ako sakanya. Ewan ko ba kung ano ang mga na sa isip ko nung mga panahon na nag pakasal ako sakanya. Ipinanganak ko na si Gia, ngayon ay isang taong gulang na siya, masaya na ako kahit papano pero may nag send sakin ng isang picture na nagpapakita na may kasamang ibang babae ang asawa ko.

Nag kakilala kami dahil lang sa aming mga magulang. May kasintahan ako ngunit may kasunduan ang mga magulang namin ni Ken sa isa't isa kaya napilitan akong makipag break sa kasintahan ko, mahal ko si Ken pero bilang kaibigan lang pero sa huli ay napamahal na rin ako sakanya kaya nag pakasal na kami. Pero sa huli ay nagkaroon kami ng malaking away at nag divorce.

"I now declare you Divorce"

Pinutol ko ang relasyon ko sa pamilya niya, pati ang mga magulang ko ay nakumbinsi ko. Inalagaan ko si Gia, ngayon ay 3 years old na siya. Ngunit, di ko na talaga mapigilan, sa tuwing nakikita ko si Gia, natatandaan ko si Ken. Pinabayaan ko si Gia dahil sa tuwing nakikita ko siya ay nasasaktan ako!

"Nako! Puno na ang diaper ni Gia! Ano ba naman toh Gina? Bakit pinapabayaan mo yung anak mo? Puno na diaper niya!"

Na galit sa akin ang ina ko dahil sa pinabayaan ko si Gia. Mas lalo pang nagalit sakin si ina dahil lagi ko nalang pinapabayaan si Gia. Simula nun, ina ko na ang nag alaga kay Gia habang ako ay nag tatrabaho at nag papakasaya kasama ang mga barkada, hindi ko na namamalayan na tumatanda na si Ina. Si Gia ay 7 years old na, nag kasakit si ina at di nag tagal, namatay na siya.

Ako na ngayon ang nag aalaga kay Gia. Oo aaminin ko na sinisimangutan ko si Gia sa una pero sa una lang iyon, napamahal na rin ako sakanya. Ngayon ay 9 years old na siya. Inilipat ko ang anak ko sa paaralang sinasabi sakin na maganda raw ng mga barkada ko.

Gia Gu POV

Inalagaan ako ng lola ko at mahal ko siya ngunit namatay na siya kaya ang mama ko na ang nag alaga sakin, sinisimangutan ko siya pero mahal ko parin siya. Lagi akong nag papapansin at lagi ko rin siyang pinapatawa pero walang effect. Sa wakas! Dumating na yung araw na nakita ko na rin ang napakagandang tawa niya sa personal dahil nakikita ko lang ang tawa niya sa TV.

Naninibago ako sa bago kong school. Napakalaki at napakaganda! Mukhang mayayaman ang mga students dito. Sumali ako sa Star club kung saan nandun ang mga singers, dancers, at actors ng school pero bago ako makapasok dito ay dumaan  muna ako sa audition at akalain mo ba naman!? Main vocalist at leader agad ako ng elementary group! Ikinagagala nila akong makilala at maraming nagiging fangirl at fanboy sakanila, siguro dahil mama ko si Gina Gu or baka maganda lang talaga boses ko hahaha charot!

Ikaw: "Panu mo nasabi?"   "Sml?"     "Share mo lang?"      "Bugbog o dignidad?"

Di naman sa pagiging mayabang hahaha.. Pero aminin niyo, napasaya ko ba kau? Ok cge.. Wag nyo na sagutin. Continue na natin ung kwento hehe

Maraming gusto makipag usap sakin pero meron parin namang mga students na galit at naiinggit sakin, isa na dun si Lalisa Yi. Siya lang naman ang nag iisang main vocalist ng elementary group dati ngunit nang dumating ako sa school na toh, sabi ng moderator ng club ay na lagpasan ko raw ang skills ni Lalisa, outstanding raw ako kaya yun, ginawa nila akong main vocalist at leader. Deserve ko ba toh? (Comment nyo kung deserve ko toh or hindi)

Isang araw, break time, na bored ako kaya pumunta ako sa Music room. Hehe.. Swerte ko naman! Walang tao sa loob at labas ng Music room. Yes! I'm free to sing and play the piano nang hindi naririnig ng mga tao. Ang laki at ganda naman ng kwartong ito at mukhang nandito na lahat ng musical instruments! Piano, violin, viola, guitar, drum, harp, double bass, xylophone, lyre, at marami pang iba! At wow! May collection sila ng mga picks! In love. na talaga yata ako sa music. Sige, tutogtog na ako ng piano sabay kanta.

Song: Perfect by Ed Sheeran

Lalisa POV

Haysss nakakaboring naman..

Ringggggg!!!...

"How come? Bat ka napatawag"

"Punta ako diyan. Where are you?"

"Bakit? Ako nalang punta diyan. We're still having a meeting. Where are you?"

"Meeting for what?"

"Basta"

"Ok.. Nasa building C ako 2nd floor"

"Ok. Just wait there! Patapos naman na yata itong meeting."

"Sige. Maghihintay ako.. Bye!"

"Bye"

(TIME SKIPPED)

Sa wakas! Tapos na! Pupunta na ako kay Owen.

Building C, 2nd floor

"Owen!"

Si Owen ang boy best friend ko. Feeling ko pag pumayat siya, gwapo siya for sure.. Taba niya kasi eh.. Matakaw or sabihin na nating "patay gutom" HAHAHA!!...

"Lalisa! Buti nakarating ka.. HAPPY BIRTHDAY!!"

Birthday ko nga pala ngayon. Binigyan ako ni Owen ng birthday gift pero bakit necklace ulit? Hayssst ok lang.. At least nandyan siya lagi sa tabi ko.

Ringggg!!!....

Tumawag yung papa niya, kailangan na niyang umalis.

"Kailangan ko na umalis.."

"Sige"

Umalis na siya. Since nandito lang naman na ako sa building C, pupunta na rin ako sa music room, sa 3rd floor lang naman yun eh.

Habang nag lalakad ako papunta sa hagdanan, nakarinig ako ng napaka gandang tugtog ng piano. Kahit alam ko na, na may tao dun, pinagpatuloy ko ang pag punta sa kwartong iyon. Na sa gitna na ako ng hagdanan nang bigla kong narinig ang napakaganda at pamiliar na boses kaya bigla akong tumakbo papunta sa kwartong yun para silipin kung sino ang na sa loob.

Sino nga ba.....ang na sa loob?


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login