Download App
50% May we bye / Chapter 3: Two

Chapter 3: Two

Nag order muna si sir Kris ng kanya at yung sakin hindi ko na sinabi since alam na ni Alliah yung order ko, umupo muna kami ni sir Kris sa isang bakanteng table

"so?" panimula nya since i need to explain

"dito po kasi yung previous work ko sir kaya kilala nila ako dito"

"regular customer ako dito pero never kita nakita" nagulat ako sa sinabi nya

"talaga sir?! never ko pa kayong na-encounter dito, barista po ako dito" pano kayang hindi ko sya kilala pero dalawa lang naman kami ni Alliah na barista dito

"ganitong oras kami napunta dito ng mga kaibigan ko or usually mga 6pm"

"closing po palagi ang duty ko, ,2:00pm to 11:00pm" paanong hindi ko sya kilala? lahat naman ng regular customer namin kilala ko

"what ever, everything is in the past, hindi ka naman na dito nag tatrabaho" nagulat ako sa switch ng mood nya, kanina lang parang desidido syang malaman kung bakit hindi kami nag kikita dito then ngayon biglang wala na agad syang pakealam

habang nag aantay kami ng order namin lumapit si Georgina at umupo sa tabi ko

"Shone, my loves dadaan  ka ba dito ulit mamaya" sabay yakap sa braso ko, sanay na ko na ganyan sya

"hindi, gusto kong umuwi agad"

"awwww sad naman miss na kita kasi"

"agad agad? dumaan naman ako dito kahapon tapos andito ko ngayon, mag sawa ka naman sakin" gusto na naman nito palaging nalalandi may jowa naman sya

"dadaan nalang kami ni Alliah sa apartment mo" palagi nalang nila ginagawang tambayan ang apartment ko

"bahala kayo, eto susi mag luto kayo ng dinner ko ha" wala namang problema sakin kung andoon sila basta sagot nila pagkain ko

"doon ako matutulog" masaya nyang sabi

"bahala ka may mga damit ka din naman doon" dati kasi pinalayas sya sa apartment na tinitirahan nya at inampon ko sya, yung ibang mga gamit nya hindi na nya kinuha kasi palagi din naman sya doon

bigla syang tumingin kay sir Kris "ikaw sir gusto mong sumama?" naka kunot noong tumungin sakin si sir Kris

"no thanks" cold na sabi nya, may split personality kaya to?

"here's your order" lapit ni James na server dito, tumayo agad si sir at iniwan yung mga order, buti nalang apat na piraso lang to at kayang buhatin, sumunod nalang ako sa kanya at nagpaalam na sa kanila

sumakay na ko agad ng kotse ng makarating ako sa parking space

"ayokong aabsent ka bukas dahil lasing ka, or even late" nagulat ako sa biglang pag sasalita ni sir Kris

"noted sir, hindi naman po kami mag iinom music session lang po" well mahilig kami sa music

"ok whatever" dumating kami sa office, bumaba sya agad kaya sumunod ako agad hangang sa makarating na kami sa 7th floor dire-diretso lang sya sa office nya

"Andrei!" tawag sakin ni Clarra kaya lumapit ako sa table nya at inabot sa kanya yung milk tea nya "anong nangyari kay sir Kris? mukang badtrip?" napatingin nalang ako sa pinto ng office ni sir at binalik ang tingin kay Clarra "hindi ko din nga alam eh kanina ok pa sya ginulat ako tapos umalis kami para bumili ng milk tea tapos nung pabalik na ganyan na sya" napakamot nalang ako ng ulo "ay naku hayaan mo na nga normal naman nya yun" nag lakad na ko papunta sa office ni sir Kris at kumatok

"sir yung milk tea nyo po" nag antay ako ng ilang segundo kasi hindi ko alam kung papasok ako or hindi

"pasok" sabi nya kaya pumasok din ako agad "ilapag mo nalang dyan then you may leave" inilapag ko sa table nya at umalis na din agad, pag labas ko ng office nya nasalubong ko si ma'am Jehan

"nasa loob si Kris?" naka ngiting tanong nya

"yes po nasa loob po" ni-pat nya ko sa balikat at tumuloy na sa pag pasok sa office ni sir

tinapos ko na ang mga kaylangan kong tapusin for today para maka uwi na din agad dahil feeling ko sasabog ang apartment ko pag hindi ako nag madali

"Andrei sama ka samin nila Jackson at Yuri kakain kami sa labas" invite sakin ni Clarra na kasama ang mga katrabaho namin saktong lumabas ng office nya si sir Kris

"sir Kris sama ka po samin?" tanong ni Yuri pero tumingin lang sakin si sir Kris

"ano Andrei sagot!" tanong naman sakin ulit ni Jackson

"sorry kaylangan ko kasing umuwi agad may mga bisita ako sa bahay ngayon" sinimangutan naman nila akong lahat

"ang daya mo naman brad ngayon pa nga lang kami nag aya sayo tapos tinagihan mo agad kami" sabi ni Jackson

"i'm sorry talaga babawi nalang ako sa susunod" kung wala lang pang gulo sa apart ko sasama ako

"i'm sorry hindi din ako sasama, enjoy your dinner" sabi naman ni sir Kris at nauna na  syang umalis

***

Habang nag aabang ako ng jeep biglang may kotse na tumigil sa harap ko, pag baba ng window si sir Kris pala

"sumabay ka na sakin para maka uwi ka na agad"

"hindi na po sir okay lang po ako" biglang may bumusina sa likod nya, nag cause na pala ng traffic

"sumakay ka na bilis kung ayaw mong magka trouble pa" lumingon ako ang dami ng nabusina ng jeep kaya sumakay na ako agad at umandar ng mabilis ying kotse

"ang dami mo pang arte sasakay ka din naman pala" nag pantig ang tenga ko sa narinig ko

"excuse me sir pwede bang ibaba mo nalang ako kasi in the first place hindi ko sinabing isabay mo ko, i'm sorry for being sound so rude pero parang utang na loob ko pa na isasabay mo ko pauwi when in fact ayokong sumabay, please itigil mo tong kotse dahil bababa ako" pero hindi sya tumigil at patuloy na nag drive, tahimik lang ako kasi gusto ko na syang sapakin kaso baka mabanga kami mahirap na

tumigil ang kotse sa tapat ng Bright Cafe bababa na sana ko pero naka lock pa yung door

"Mr. Reyes please unlock this door" mahinahon kong pakiusap sa kanya pero hindi nya ginawa kaya hinarap ko na sya at kinuwelyuhan

"kanina ka pa! anong bang problema mo? oo boss kita pero wag mong sagarin ang pasensya ko!"

"I'm sorry" nagulat ako sa sinabi nya kaya nabitawan ko ang pagkakahawak sa kwelyo nya "I'm sorry alam ko na ngayon lang tayo nag kita at ang dami na kaagad nangyari pero sorry, sorry dun sa huli kong sinabi na ikinagalit mo" then he unlock then door, hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react kaya bumaba nalang ako ng kotse at nag simula ng mag lakad.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login