Kinabukasan sa pagpasok ni Eddy sa eskwelahan sinalubong sya ng isang guro. "Mr. Palaghoy ikaw ay pinatatawag sa opisana ng ating dekano. Magmadali ka at ikaw ay kailangan na ngayon din!"
Ibig sanang sumama ni Ester sa kanya ngunit pinigilan siya ng guro at sinabing si Eddy lang ang kailangan sa loob na opisina. Kumatok si Eddy sa pinto ng opisina at ito'y binuksan. Laking gulat niya ng makita nya si Bobby na nakaupo sa silya at may kasamang isang di katandaan na lalaki habang nakikipag usap sa dekano at nikikipag-tawanan. Napatingin ang mga tao kay Eddy at pinapasok sya ng dekano.
"Dean, pinapatawag nyo daw po ako?" tanong ni Eddy.
"Umupo ka Eddy." Sabay turo sa silyang kaharap ng upuan nina Bobby.
"So, ikaw pala yung Eddy na nanakit sa akin Anak! Pagbabayaran mo ang iyong kalapastanganan. Kayang-kaya kitang patangal sa eskwelahang ito sa isang salita lang! Mabuti pang humingi ka ng tawag at lumuhod sa harap ng aking anak!". Pasigaw na utos ng lalaki.
Di malaman ni Eddy kung ano ang kanyang gagawin. Isang dukha laban sa isang mayamang at may kapangyarihan. Gustong sumagot ni Eddy ngunit ng akmang magsasalita na sya ay biglang nagsalita ang dekano. "Eddy nakikilala mo ba ang kaharap mo? Sya si Mr Lopez ang pinaka galanteng sa pag donate sa ating eskwelahan. Ano ang iyong naisip at nagawa mong saktan ang kanyang anak?"
Mahahalata ang pagpanig ng dekano sa ama ni Bobby. Pinilit ni Eddy na magsalita. "Dean, wala naman po akong kasalanan. Sila po ng kanyang mga kasama ang sumugod at gustong manakit sa akin. " paliwanag ni Eddy.
"So, sinasabi mo ba na lahat ng nagpatotoo na ikaw ang may kasalanan ay sinungaling? Kung hindi ka aamin ay mapipilitan akong patangal ka sa eskwelahang ito!" Bulalas ng ama ni Bobby.
Di na malaman ni Eddy kung ano pa ang kanyang gagawin. Ramdam na ramdam nya ang kawalan ng katarungan ngunit wala syang magawa.
"Mabuti pa ay sundin mo nalang ang gusto nila. Humingi ng tawad at lumuhod sa kanila kung hindi mapipilitan akong tangalin ka sa eskwelahang ito!" pasigaw na utos ng dekano kay Eddy.
Gusto ng maluha ni Eddy sa galit dahil wala syang magawa. Gusto nyang sumigaw at mangatwiran ngunit batid nya na wala ring nahihita ang pangangatwiran dahil kaharap nya ay mga may kapangyarihan. Ano ba ang magagawa ng isang taong lugmok sa kahirapan at walang masandalan?
Ibig ng sumuko ni Eddy at sundin nalang ang pinag-uutos ng kanyang dekano ng biglang bumukas ang pinto ng opisina.
"Sinong luluhod at matatanggal sa eskwelahang ito?" Malumanay na tanong ng taong pumasok.
Napatigil ang dekano lalong lalo na si Mr. Lopez. Nauutal na nasambit ni Mr Lopez ang pangalan ng dumating na bisita.
"Don Ernesto! Ano po ang aming mapaglilingkod sa inyo. Isang karangalan na tayo'y magtapo sa lugar na ito. Ano po ang ginagawa ng dios sa lupa at makaharap ang mga abang lingkod ninyo!"
Si Don Ernesto ay kilala sa buong komunidad ng alta sosyudad. Kilala bilang isang pilantropo. Hinahangaan siya sa larangan ng pagnenegosyo. Lahat ay nais humimod sa kanyang palad upang magkaroon ng pagkakataong mabiyayayaan ng kanyang pagiging galante. Mahirap mahagilap dahil hindi masyadong nakikipag ulayaw sa mga tao ang tulad nya kaya kataka-taka na sya pumunta sa ganitong lugar na maituturing na putikan sa tulad niyang nasa langit sa tayog.
"Hindi nyo pa sinasagot ang aking tanong. Sino ang luluhod at tatanggalin sa eskwelang ito?" Ulit na tanong ni Don Ernesto.
Tinuro si Eddy na nakayuko sa tabi ni Don Ernesto ni Mr. Lopez at buong pagmamalaking sinabi "Yan walang hiyang batang iyan! Akalain mong saktan ang aking anak at ang mga kaibigan nito. Akalain mo bang kailangan pang mag-stay ang anak ko sa ospital at sumailalim sa maraming test para lang masiguro na walang malalang damage sa kanyang katawan."
Ibinaling ni Eddy ang kanyang tingin kay Mr. Lopez at nilingon nya si Don Ernesto bago yumuko. Naisip nya na magpaliwanag kay Don Ernesto ngunit kanya pinagbaliwala na lamang ang mga sinabi ni Mr. Lopez. Alam nya wala naman mangyayari kung magpaliwanag pa sya, di naman nya kilala si Don Ernesto. Nang una niyang nakitang pumasok si Don Ernesto inakala nya na ito ay ang lolo ng bata na kanyang sinagip nya ngunit nag-aalinlangan siya dahil ang taong kaharap nya ay kakaiba ang dating ng katauhan. Ang lolo na nakilala nya ay simpleng lamang pero ang kaharap nya ay napakalakas ng dating at halata mong isang taong kagalang-galang.
Patuloy ang pag-alipusta ng dekano at ni Mr. Lopez kay Eddy upang maihatid lang kay Don Ernesto na tama lang ang kanilang ginagawa.
"At higit sa lahat, ayaw pang umamin sa kanyang kasalanan ang batang yan kahit na marami ang nagpapatunay na siya ang nanakit at unang nanggulo. Napaka sinungaling" dagdag pa ni Mr. Lopez.
"Makatwiran nga naman na patawan ng karampatang parusa kung nakagawa nga naman ng kasalan." Napatingin si Eddy kay Don Ernesto ng narinig katagang sinambit, naisip nya na wala ng pag-asa sa sitwasyong kinakaharap nya kaya siya ay napayuko muli at akmang tutulo na ang kanyang luha.
"Ngunit, bakit hindi muna natin pagpaliwanagin ang aking apo para malinawan ang kanyang panig. Maaari ba yun mga ginoo?" dagdag ni Don Ernesto.
Di na nakaimik si Mr. Lopez at ang dekano sa mga simambit ni Don Ernesto. Ano ba naman ang kanilang salita sa isang katulad ni Don Ernesto? Sa gitna ng katahimikan ay biglang nangilayngilayan ni Mr. Lopez ang salitang APO na nabangit ni Don Ernesto. Biglang siya lumuhod sa harap ni Don Ernesto
"Ipagpatawag nyo Don Ernesto! Isa lamang itong di pagkakaunawaan ng mga bata na dapat na nating palagpasin." Di maintindihan ng dekano kung ano ang nangyari ngunit bila nya naisip ang naisip ni Mr. Lopez ng bigla nito hinatak at pinaluhod ang kanyang anak kaya siya din ay napaluhod din.
"Ipagpatawag Ninyo Don Ernesto ang aming nagawa!" bilang sambit din ng dekano.
Naisip ni Eddy na Iba talaga ang nagagawa ng pera at kapangyarihan. Sa dalawang pangungusap palang na nasambit ay lumuhod at humingi na ng tawag ang dalawang taong kanyang kinasusuklaman. Nawala ang pangamba ni Eddy at pati ang kanyang pag-aalinlangan na ang taong ito ay walang duda na ang lolo ng batang kanya sinagip kaya siya ay kanyang tinulungan.
"Kung sa gayon ito ay malaking di pagkakaunawaan lang pala. Bakit kailangan pang humingi ng tawad at mapataksil ang aking apo?" Naunawaan nina Mr. Lopez at ng dekano ang ibig sabihin ni Don Ernesto kaya sila'y lumakad ng paluhod papunta kay Eddy at humingi ng patawad. Ang lahat ng galit, ngitngit at pangamba ni Eddy ay biglang naglaho at napalitan ng ngiti na umaabot sa kanyang tenga. Napansin ito ni Bobby na di alam ang nangyayari kaya lalo syang nangitngit kay Eddy.
Matapos lumabas si Eddy at Don Ernesto ay nagmamadaling tumayo sa pagkakaluhod ang tatlo.
"Bat ba kailangan nating lumuhod kay Eddy at sino bang yung Don Ernesto na yun?" Tanong ni Bobby sa kanyang ama.
Isang malakas na sampal ang inabot ni Bobby mula sa kanyang ama na kinabigla nito. Sobra ang pag-aalaga nito sa kanya lalong-lalo na ng kanyang ina. Pag nalaman ng kanyang ina na sinaktan nito ang kanyang anak ay malamang magalit ito. Ngunit sa pagkakataong ito, di na inalintana ng kanyang ama ang anumang gagawin ng kanyang asawa.
"Si Don Ernesto ang dahilan kung bakit ka kumakain ng masarap at nabubuhay ng marangya!" sambit ng kanyang ama.
Ang opisina ni Mr. Lopez ay isa sa mga supplier ng mga Hotels at Restaurants ni Don Ernesto kaya sa isang salita lamang nya ay maaaring mawalan siya ng hanapbuhay.
"Tandaan mo ito! Wag na wag kong malalaman na ginawan mo ng masama si Eddy o masaling man lang mo sya! Tatanggalan kita ng lahat ng prebilehiyo!" Banta ni Mr. Lopez.
Sa labas ng eskwelahan, habang nag-aantay si Don Ernesto sa kanya sasakyan. "Salamat po ng marami sa inyong tulong. Di ko pa malaman ang aking gagawin kanina habang ako ay nasa opisina ng dekano." Taos pusong sinabi ni Eddy.
"Alam ko pong tumanaw kayo ng utang na loob dahil sa pangyayari kamakailan ngunit nasabi ko naman po na hindi na po kailangan. Napilitan po tuloy kayong sabihin na apo Ninyo ako."
Napangiti si Don Ernesto at tumingin kay Eddy. "Sino ba ang nagsabing napilitan akong sabihin na ikaw ay aking apo?" napatingin si Eddy at napangiti.
Alam niya na di na nga pala kailangan na pilitin dahil ang bawat salita nya ay tatanggapin ng mga tao na parang isang katotohanan ang mga ito.
"Hindi ko pilit na sinabi na ikaw ay aking apo dahil ito ay katotohanan!" Nabigla si Eddy sa sinabi ni Don Ernesto at inaarok nya kung ito'y nagbibiro lamang.
Batid ni Don Ernesto ang pagkabigla at pag-aalinlangan ni Eddy kaya nagwika ito. "Wag kang mag-alala at ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo. Sumakay ka sa sasakyan at tayo may pupuntahan."
Pinagbukan ng kanyang bodyguard si Don Ernesto at Eddy. Napatingin si Eddy sa bodyguard bago sumakay sa sasakyan. Nakilala ni Eddy ang bodyguard ng don, siya ang lalaking gustong kumuha sa batang babae.
"Wag kang mag-alala isa yan sa mga ipapaliwanag ko, siya si Edwardo ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong alalay. Sa kanya ko pinagkakatiwala ang aking buhay at kalitasan. Siya ang pinuno ng aking mga bantay para sa seguridad ng aking mga Negosyo at mga tahanan." Napataas ang kilaw ni Eddy.
"Drama lang ang Nakita mong pangyayari kamakailan upang malaman ko kung ano ang iyong gagawin sa ganoong sitwasyon at upang mapalapit sa iyo." Dagdag pa ng don.
Hindi kumikibo si Eddy at nakatingin lamang sa kawalan habang binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA (Epifanio Delos Santos Avenue) . Bumabalik ang kanyang mga nakaraan paghihirap at naglalaro ang mga katanunga sa kanyang isipan. "Kung talagang may lolo ako na napakayaman bakit ako naghirap at nagdusa? Nasaan ang aking ina at ama? May mga kapatid ba ako, ate, kuya? May pamilya pa bang naghihitay sa akin?" Lahat ng ito ay kanyang gustong itanong ngunit di nya malaman kung paano uumpisahan.
Dumating sila sa kanilang destinasyon sa loob lamang 30 minuto. Bumungad kay Eddy ang napakatayog na gusali, ang Diamond Hotel, isa sa pinaka sikat na hotel sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. Kilala ang hotel na ito dahil sa kanyang amin na estrelyang katayuan. Marami ang bumibisita dito na mayayaman at matataas na taong gobyerno mapa local man o dayuhan.
Mabilisan nagpuntahan ang mga tauhan ng hotel sa pintuan at pumila ng maayos upang salubungin sin Don Ernesto. Pagpasok ng gusali ay agaran siyang binanati ng mga ito pagdaan nya sa kanila. Ang lahat ng mga tao ay nagtataka kung sino ang kasama ng don at ang lakas ng loob na sabayan siya sa paglakad. Batid ng karamihan ang estado ng don kaya walang maglakas ng loob na sumabay sa kanyang paglalakad, lahat ay kailangan nasa likod lamang tanda ng kanilang paggalang. Di maiwasan ng mga tao na magbulungan at magtanong sa isa't-isa kung sino nga ba siya.
Nagtungo sina Eddy at ang don sa elevator na ekslodibo lamang para sa penthouse. Ang penthouse ay nasa tuktok ng gusali at walang nakakapunta doon ng walang pahintulot, ito ay para lamang sa pamilya at mga authorisadong bisita ng don.
Bago pumasok ang don ay humarap siya sa mga tao, pinaharap niya din si Eddy at nagsabing "Tandaan niyong lahat, eto ang aking apo na si Eddy, ibigay sa kanya ang lahat ng pagalang tulad ng paggalang ninyo sa akin" sabay talikod at pumasok sa elevator.
Tahimik ang buong paligid at walang gumagalaw, mababatid ang kanilang pagkagulat. Pagkasarado ng pinto ng elevator ay biglang dumagundong ang bulungan. Marami ang nagtataka at nagtatanong kung paano nagkaroon ng apong lalake ang don at bakit ngayon lang nila nalaman. Unti-unting naglalaho ang mga bulungan habang nagsisibalikan na sila sa kanilang mga pwesto.