Download App
25% Madeline Iris / Chapter 1: Simula
Madeline Iris Madeline Iris original

Madeline Iris

Author: LanaCross23

© WebNovel

Chapter 1: Simula

*Madeline Iris pov*

Nagulat ako nang may lumapag na libro sa harap ko kaya napaayos ako ng upo, may umupo sa harap ko dahilan para mabilis kong samsamin ang mga gamit ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong sakin ni Krista na nakahalukipkip na nakatingin sakin.

"Hindi kailangan ko lang mapagisa" sagot ko sa kanya pero bigla niya akong hinawakan sa braso ko dahilan para mapaigik ako sa sakit.

"Kapag kinakausap kita wag kang bastos!" Mahina pero madiin niyang turan kaya kinabahan ako.

"Pwede ba Krista tigilan mo ako at hindi ako papatol sayo" tinapangan ko ang boses ko at pinilit na makawala sa higpit ng hawak niya.

"Ginawa mo ba ang iniuutos ko sayo?" Napatigil ako sa pagsukbit ko ng bag ko at tumingin sa kanya nang deretso.

"Wala kang karapatan na utusan ako kung gusto mo ikaw ang gumawa tutal mukhang desperada ka naman" matapang akong sumagot sa kanya akma na akong tatalikod sa kanya pero sinugod niya ako pero nakailag ako sa akma niyang pagsuntok dahilan para mawalan siya ng balanse napatigil ang lahat nang studyante na nasa library dahil sa pagbagsak niya.

"Walanghiya ka!" Hiyaw niya na nakatayo agad at lalapit nanaman sakin.

"Sige subukan mo lumapit sawa na ako sa pagiging bully mo! Hindi ako magdadalawang isip na ingudngod yang mukha mo sa semento." Napahinto siya at natulala sa galit kong sinabi narinig ko ang bulungan nang ibang mga studyante habang papalabas ako sa library.

Sawa na akong maging mahina at kawawa kaya pinagaralan ko na hindi magkaroon ng panic attack kanina, nakahinga ako ng maluwag habang papaalis sa lugar na iyon.

Kipkip ko ang mga libro ko ng may mabanga ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan.

"Okay ka lang Miss?" Narinig kong tanong ng boses ng lalaki kaya napatingala ako sa kanya. Nakatingin sakin ang lalaki kilala ko siya, siya ang Captain ng Volleyball Club at ang step-brother ko.

"Madeline ikaw pala yan" gulat niyang turan.

"halika tumayo ka diyan di mo ba alam na may nagpapractice dito?" Inalalayan niya ako na makatayo atsaka ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko.

"Pasensya kana di ko alam" bulong ko inayos ko ang salamin ko at tumingin sa paligid nakita ko ang mga ka teammate niya na nagpapahinga sa kabilang bahagi ng footbal field.

"Sabay na tayo mamaya umuwi si Kuya Tarick ang susundo satin" habang naglalakad siya papunta sa isang bench na malapit lang samin nakasunod ako sa kanya at bahagyang tumango.

"Wala na akong klase" sabi ko sa kanya pagkalapag niya ng mga libro ko sa upuan.

"Hintayin mo na lang ako may dalawa pa kaming rounds" muli akong tumango tinawag na siya ng mga kasama kaya nagpaalam na siya saka tumakbo papunta sa volleyball field.

Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang id ko kung saan nandito ang picture ko sa ibaba ay ang id number at ang pangalan ko.

Madeline Iris Gomez, ito ang pangalan ko magdadalawang taon narin ng muling mag-asawa ang aking ina at tumira sa mansyon ng mga Rosenthal, ang asawa nang aking ina ay isang mayaman na businessman at mayroon siyang tatlong anak na lalaki.

Sina Kuya Theo ang panganay, si Kuya Tarick ang pangalawa at si Kuya Tyron ang bunso sa kanila yung kanina mababait sila lahat at itinuring ako parang tunay nilang kapatid bantay sarado nila ako, pero ang isa sa kanila ay hangang ay kinaiilngan ko parin si Kuya Theo na laging malalim kung tumingin at ang medyo ko kinakausal dahil lagi siyang seryoso at tahimik.

Lagi siyang wala sa bahay dahil lagi siyang nasa Manila at doon nagtatrabaho, bihira namin iyon makita dahil kahit weekend ay hindi umuuwi bagay na kinagagaan ng kalooban ko.

Ayoko sa kanya kumpara sa mga kapatid niya, parehong mapagbiro at mababait sina Kuya Tarick at Tyron kaya palagay ako sa kanila.

Si Uncle Trey naman ay itinuturing kong ama dahil mabait siya at mula ng mapunta kami ni Mama sa buhay nila ay naging masaya ang pamilya nila, namatay kasi nang maaga ang kanyang dating asawa kaya di niya masyadong nakakasama ang mga anak niya na naging malayo ang loob sa kanya dahil trabaho ang naging prayoridad niya.

Pero nang mag-asawa muli si Uncle at dumating kami sa bahay nila ay bumalik ang dating walang buhay nilang tahanan sa muling pagkakaroon ng kulay at naging mas malapit na sila sa isa't isa.

Si Mama ay masaya din sa kabila ng pangit niyang karanasan sa dati niyang asawa, ako ay anak ni Mama sa pagka-dalaga ang ama ko ay patay na daw iyon ang sabi ni Mama kaya magisa niya lang akong itinaguyod dahil lumaki ang ina ko sa bahay ampunan.

Isang empleyado si Mama sa kumpanya ng mga Rosenthal at doon ay nakilala niya ang mismong CEO ng kumpanya at naging magkasintahan sila at dalawang taon na silang kasal.

Masaya ako para kay Mama dahil alam ko na masaya na siya ngayon at kita ko ang pagmamahal ni Uncle sa aking ina, pero may mga tao na trabaho talaga ang mamuna at walang ibang ginawa kundi ang siraan ang aking ina. Masakit marinig ang masasakit na salitang ibinabato nila sa aking ina pero ang sabi nga niya sakin ay wag akong papatalo sa mga taong iyon kaya nagsawa narin ako lalo na at kilala sa lipunan ang napangasawa ni Mama.

Nakita ko na si Tyron na papunta sa gawi ko kaya tumayo na ako.

"Ikaw talaga hindi kita nakilala kanina dahil diyan sa salamin mo at ayos ng buhok mo" nakangiti siyang umupo sa tabi ko atsaka nagpunas ng pawis.

"Alam mo naman na hindi ako pwedeng walang salamin kasi sumasakit ang mata ko" naupo uli ako dahil sabi niya ay konting pahinga pa.

"Okay wala na akong sinabi, may tubig ka pa ba?" Tanong niya kulang na kasi ang tubig niya at halatang uhaw kaya inilabas ko mula sa bag ko ang tumbler ko at isang skyflakes na lagi kong baon.

"Thank you Maddie" malambing niyang turan kaya napangiti ako sa kanya.

Tyron is the sweetest among the Rosenthal Brothers siya ang mas malapit sakin dahil iisa lang kami ng pinapasukang school mula ng malipat ako dito, at lagi kong kasabay pumasok at umuwi ahead siya sakin ng dalawang taon at ngayong taon ay graduating na siya.

"Alam mo bakit hindi ka lumipat ng kurso?" Napailing ako sa muli niyang pagpapaalala sa kurso ko, gusto kong maging chef kaya nasa Culinary ang linya ko habang siya ay syempre buseness ad ang kinukuha. Gusto niyang lumipat ako ng kurso at iyon ay may kinalaman sa negosyo pero mas gusto kong magbake at magluto kaya ipinursige ko ito kahit kontra si Mama pero si Uncle Trey ay hinayaan ako sa kung ano ang gusto ko.

"Ayaw ko sa kurso mo maraming calculation" irap ko sa kanya na nakapagpahalakhak sa kanya kaya napailing na lang ako.

"Okay na umuwi na tayo" tumayo na siya at isinukbit ang bag niya at kinuha lahat ang mga libro ko na lahat ay culinary books nagsermon pa siya sa mga libro pero nauna nang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya. Habang naglalakad kami ay di ko maiwasan na hindi mapatingin sa ibang studyante na nakatingin kay Tyron na may paghanga sino bang hindi lilingunin ang isang ito eh siya yata ang heartrob sa buong campus dahil sa kagwapuhan niyang taglay kaya baliw si Krista sa kanya at inutusan akong ipakilala siya kay Tyron. Pero Tyron is a Tyron kaya wala siyang napala dito dahil kung ano ang ikinahilig sa babae ni Kuya Tarick ay ibahin ang isang ito wala siyang hilig sa pakikipagdate sa iba't ibang babae.

Kaya siya pinakakasundo ko sa lahat ng magkakapatid.

Napahinto ako ng huminto din siya dahil may bumusina sa gilid namin ng makalabas kami ng campus.

Napatigil ako ng makita ko kung sino ang sakay ng sasakyan, at nang mapatingin siya sakin ay literal na bumaha sa buo kong pagkatao ang kaba at hindi ko maipaliwanag na damdamin.

Bumalik na siya ang lalaking dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

"Kuya Theo kumusta!" Lumabas siya sa sasakyan at yinakap si Tyron, matagal din siyang hindi nagpakita saamin siguro limang buwan din dahil namalagi siya sa Japan para sa binuksan nilang panibagong kumpanya doon.

"Madeline Iris...kumusta ka" nagulat ako dahil nakalapit na pala siya kaya bahagya akong napatingala sa kanya dahil sa tangkad niya.

"O-okay lang po Kuya Theo" magalang kong sagot.

Napatango lang matapos akong titigan ng matagal at kita ko ang paghagod niya ng tingin mula ulo hanggang sa pababa at huminto sa hita ko, maikli ang palda namin na umabot lang ng konti sa tuhod at pitted na uniform sa taas na hangang siko ang manggas.

"Tayo na Kuya nagugutom na ako" natigil lang siya sa pagtitig sakin dahil nailagay na ni Tyron sa likod ng sasakyan ang mga gamit namin.

Sa likod ako sumakay at nasa unahan ang dalawa, maingay si Tyron at may ibinalita siya sa kapatid malapit sila sa isa't isa bagay na hinahangan ko sa kanila dahil sinusuportahan nila ang bawat isa.

"Daan tayo sa drive-tru para mawala yang gutom mo" napatawa ako ng mahina dahil kay Tyron na reklamo ang pagkagutom.

Masaya ako oo dahil hindi iba ang tingin nila sakin, isa lang akong ordinaryong nagdadala na may lahi akong amerikano dahil ang ama ko ay taga amerika iyon ang sabi ng aking ina, mahiyain ako at tahimik siguro dahil nasanay na ako. Pero ang bagay na gusto kong itago ay ang itsura ko hindi ako pangit, maganda ako at ang itsura na ito ang naging dahilan kung bakit itinago ko ang totoo kong mukha sa ibang tao.

Ito lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng normal na buhay araw-araw.

Napatingin ako sa rearview mirror at tumama ang tingin ko kay Kuya Theo na matiim pala na nakatingin sakin kaya bigla akong kinabahan.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ang takot na nananalaytay sa buo kong pagkatao.

At nang araw na iyon na iyon nakita ko sa gwapo niyang mukha ang kakaibang ngiti niya, at ang unti-unting pagbabago sa buhay ko.


CREATORS' THOUGHTS
LanaCross23 LanaCross23

This story is from my Wattpad Account, i hope you enjoy reading this story of mine❤

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login