Download App
78.32% M2M SERIES / Chapter 299: The Stripper (Strip 25)

Chapter 299: The Stripper (Strip 25)

"What the?"

"Shit!" at biglang tumayo yung lalaki. Nagtakip naman ng katawan yung babae at hinarap kami nung lalake.

"Magdamit ka nga Edge!" ang natatawa kong sabi. "May kwarto naman ah?"

"Keeyo? Tang ina! Ikaw nga!" anito at bumaling sa babae. "Tara magbihis muna tayo." at pumasok sila sa kwarto.

"Ano yon?" salubong ang kilay na tanong sa akin ni Brave kaya napangisi ako.

"Si Edge,kaibigan ko. Tumulong sa akin nung humiwalay ako sa mga magulang ko."

"Anong ginagawa nila?"

"Ano ka ba?! Parang hindi mo alam iyon!" natatawa kong sabi at napangiti si Brave.

"Inggit ako!" nakangisi pa din nyang sabi.

"Ano ka ba?! Hindi ito ang oras para mainggit." sabi ko sabay sapak sa braso nya na ikinatawa nya.

"Teka lang ah? Ihahatid ko lang ito." biglang sulpot ni Edge. Medyo nahiya ako dun sa babae kasi mukhang hiyang hiya din siya.

"Tara at maupo muna." aya ko kay Brave at naupo kami sa sofa.

"Kakaiba din yung kaibigan mo." ani Brave,nag unat at pasimple pang umakbay kaya lihim akong napangiti.

"Sanay sya sa ganyan. Ang pinagtataka ko lang,bakit nandito sya sa dati kong inuupahan?"

"Baka hindi nya madala sa kanila. Alam mo naman minsan diba?"

"Pasensya na kayo sa nadatnan nyo." ang biglang dating ni Edge. "Si Mara yun,kay fling ko." at napatingin sya kay Brave at halatang nagtataka sya.

"Si Brave nga pala. Brave si Edge." pagpapakilala ko. Nagkamay ang dalawa at naupo na sa monoblock si Edge.

"Halos magtatatlong buwan kang nawala! Grabe! Pero tama ako ng hinala na dito ka babalik. Kaya hindi ko pinaupahan ito sa iba." ang simula ni Edge,si Brave naman ay tahimik lang na nakikinig.

"Kaya dito mo dinadala si Mara?" ang nakangisi kong panunukso.

"Huwag na natin pag usapan iyon. Ikaw? Anong nangyari? San ka nagpunta?"

"Na kina Brave ako,sa Batangas. Sya at ang Mama nya ang kumupkop sa akin. Alam kong alam mo ang nangyari Edge,I want to know what happened ng mawala ako. Everything." ang seryoso kong sabi. Napatingin sya kay Brave.

"Bro,salamat sa pag aalaga kay Keeyo ah?" ani Edge kay Brave.

"Wala yon. Lahat gagawin ko para sa kanya." sagot ni Brave na ikinanganga ni Edge,kaya muli itong bumaling sa akin.

"Gusto mo ba talagang malaman lahat? As in lahat?"

"Oo. Nakita ako ni Lourd sa Balayan,buti nakalayo agad ako. Then mukhang nagpunta din dun sina Ate Kris." ani ko. Kung magtatanong sya mamaya ng tungkol kay Brave ay sasagutin ko sya.

"Nung gabing iyon,nagkagulo daw. Inatake sa puso ang papa mo,nagwala naman si Kaze." pagsisimula ni Edge at tinitigan ako. Halos maputol ang paghinga ko sa narinig. Inatake sa puso si Papa,dahil sa akin. "But he's very okay now. Yun nga lang,malaki ang epekto ng nangyari. Bumagsak ang kumpanya nyo dahil maraming umatras na kasosyo ng Papa mo. Pero huwag mong sisihin ang sarili mo,Keeyo. Hindi natin iyon ginusto."

Parang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Kahit sabihin nila na huwag kong sisihin ang sarili ko,ako pa din ang may kasalanan. Ako pa din ang dapat sisihin.

"Sige,ituloy mo." ani ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Brave sa likod ko,nakatulong iyon para kumalma ako kahit papano.

"Kaze was devastated. Umalis sya sa kumpanya nyo. Galit na galit sya sayo at sa pamilya mo. Ang huling balita ko ay kinasal na sya." malungkot na pagpapatuloy ni Edge.

"Kinasal?" tumango si Edge at napatingin ako kay Brave,hinapit nya ako at niyakap. "K-kanino?"

"Hindi ko kilala yung babae." sagot ni Edge.

Sa narinig ko ay parang nagkadurog durog ang puso ko. Sobrang sakit pala ng katotohanan. Sabi ko sa sarili ko,hindi na ako aasa na may babalikan. Pero iba pa din pag nalaman mo na ang katotohanan.

Ganon ako kadaling nakalimutan ni Kaze? Hindi ko sya masisisi,pero sobrang sakit pala talaga. Lalo pa at nagpakasal sya,ibig sabihin nun seryoso sya dun sa babae.

"Si Mama? Si Papa? Kamusta na sya?"

"Okay na ang papa mo,naka recover na sya,yun ang huling balita na nakuha ko sa kakambal mo. At ang Mama mo naman,hindi pa din tumitigil sa pagpapahanap sayo,kaya siguro napadpad din sa Batangas sina Ate Kris." ang matyaga pa ding sagot ni Edge. "Unti unti ng bumabangon ang kumpanya nyo."

"Edge,ikaw lang muna nakaka alam na nakabalik na ako. Gusto kong paghandaan ang lahat." ani ko at umayos ng upo.

"Nasan ang tubig?" ang pagsingit ni Brave. "Ikukuha ko si Keeyo."

"Nandyan tol sa ref." at tumayo na si Brave para pumunta sa may ref.

"Si Lourd. At yung babaeng dikit ng dikit kay Kaze dati. Sila ang may pakana ng lahat. Sinabotahe nila ang party. They wont get away this time. Sana pala naging matapang ako nung umpisa pa lang." galit ko ng sabi. Nakabalik na si Brave at pinainom ako ng tubig.

"Anong plano? Sasamahan kita kahit saan mo gusto. Hindi kita papabayaan." ani Brave. Bigla akong kinilig na ewan,nawala yung galit ko. Si Edge naman ay napangisi.

"Oo nga. Anong plano mo?"

"Hindi ako gaganti. Pero ipapakita ko sa kanila na nagkamali sila ng tinapakan." determinado kong sabi.

"Mabuti na lamang at hindi kumalat ang video. Kinasuhan ng mga magulang mo yung Lourd? Gago din kasi,umamin sya. Tapos yung tungkol sa dokyumentong nagpapatunay na sila ang nagpasunog ng squatters area,peke pala iyon. Pero wala na,nilamon na ng galit si Kaze,pero okay na din yun Keeyo. Atleast mas may nagmamahal sayo ngayon,pabayaan mo na si Kaze dun sa pinakasalan nya." mahaba na namang sabi ni Edge.

Napahawak ako sa ulo ko. I think I'll have an headache with this too much information.

"Pwedeng magpahinga na kami? Napagod si Keeyo sa byahe. Tapos ngayon ang dami nyang nalaman." sabi ni Brave at nilingon ako.

"Sige. Magpahinga na kayo. Dun na kayo sa kwarto." nakangiting sagot ni Edge. Tumayo na kami ni Brave at nagtungo sa kwarto.

Nang makahiga kami ay napaisip ako ng gagawin ko. Bahala na,basta hindi na ako magpapa api.

Naghubad ng damit si Brave,inilagay nya sa braso nya ang ulo ko para maging unan. Yumakap ako sa kanya at pumikit na. Sana bukas magsimula ng maayos ang araw namin.

Nang magising ako ay wala na si Brave sa tabi ko kaya tumayo na ako at lumabas. Nakakarinig ako ng mga boses,panigurado akong hindi lang sina Edge at Brave iyon.

"Gising ka na pala. Tara,kain ka na." si Brave galing sa kusina. Pagtingin ko sa kusina may kasama pa si Edge na dalawang tao.

Ang isa ay gwapo din,ang isa ay hmmm.. Parang ako.

"Keeyo,ito nga pala mga boarders natin. Sila umu-okupa sa bagong kwarto. Sina Haven at Dane. Kung hindi mo napapansin,mas lumawak itong apartment." ani Edge. Yung Haven yung gwapo,yung Dane yung parang ako.

Napatingin tuloy ako sa paligid. Oo nga,mas lumawak ito,at ngayon ko nga lang din talaga napansin na tatlo na ang kwarto. Muli kong ibinalik sa kanila ang tingin ko.

"Magandang umaga! Keeyo na lang itawag nyo sa akin." nakangiti kong sabi at nakipag kamay sa kanila.

"Nakilala na nila si Brave kanina." dagdag pa ni Edge.

"Sabi ko na eh. Pareho tayo." ang sabi nung Dane at ngumiti. Wow! Gwapo sya na maganda,ano nga ulit tawag sa ganon?

"Masaya to,marami na tayo dito." sabi naman nung Haven. Parang bata pa ito,kakaiba ang pagka gwapo nya,para syang badboy na goodboy.

"Paano yan? May dalawa kaming kaibigan na susunod galing sa batangas." ang nahihiyang sabi ni Brave at napahawak pa sa batok.

Napangiti ako. Ang gwapo nya lalo sa ganoong gesture.

"Walang problema. Edi mas sasaya ang may ari ng bahay kasi madami tayong magbabayad!" ani Edge at tumawa. "Teka,mga chikas ba yon?"

"Isang maton at isang beki." ang agad kong sagot.

"Pambihira! Pinapalibutan na ako!" ani Edge at nagtawanan na kaming lahat.

Pagkatapos mag almusal ay naligo na kami ni Brave,si Edge ay pumasok na sa trabaho ganon din sina Haven at Dane,pakiramdam ko couple yung dalawang iyon eh.

Nagpunta kami sa pinakamalapit na computershop,iniadd ko sa facebook si Killian at nimessage ko sa kanya ang address ng apartment.

Busy ako sa pagpefacebook ng mapansin kong sa katabi kong computer nakatingin si Brave at salubong pa ang mga kilay nya. Kaya ginawa ko ay pasimple kong sinilip ang monitor ng katabi kong pc at halos makagat ko ang sarili kong dila sa nakita.

Yung video ko na kasex si Lourd at Zeth ang pinapanood ng katabi ko. Agad akong nag log out at tumayo na. Hinila ko si Brave palabas na parang hindi makapaniwala sa nakita nya.

Ang sabi ni Edge hindi iyon kumalat? Pero bakit ganon? Sa bagay,imposible nga namang hindi iyon kumalat.

"Ikaw yung nasa video na yon diba?" ang seryosong tanong ni Brave ng nasa tapat na kami ng bahay.

Kumalabog ang dibdib ko. Bigla akong natakot,baka kamuhian din nya ako tulad ni Kaze. Baka bigla nya akong iwanan.

"Oo. Iyon ang rason ng lahat ng pagdurusang pinagdadaanan ko ngayon. Patawad." ang nakayuko kong sagot at pinipigilan ang mga luha ko na pumatak.

"Keeyo.."


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C299
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login