Download App
62.4% M2M SERIES / Chapter 238: Jin (Chapter 83)

Chapter 238: Jin (Chapter 83)

"KUYA AMOS, hindi nga puwede!" mariin niyang tutol. Pinasok na niya sa loob ng panloob ang pagkalalaki. Naitaas lamang niya ang siper dahil wala ng butones ang pantalon niya. Kaagad siyang lumabas ng CR. Bigla siyang nakaramdam nang matinding pagkahilo dahilan para magsuka siya. Lumapit naman kaagad sa kanya si Amos at hinimas ang kanyang likuran. Nang mahimasmasan ay inalalayan siya nito pabalik sa sala. Pinaupo siya nito sa sopa.

Nagtaka siya kung bakit bigla-bigla na lamang siyang nahilo nang ganoon. Antok na antok din siya at parang nawalan ng lakas. Nakiramdam siya sa paligid. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may yumayakap sa kanya at hinalikan siya sa leeg.

"Kuya Amos, respeto naman, oh..." pagmamakaawa pa niya kasi wala na talaga siyang lakas noon para pigilan si Amos.

"Jin, pagbigyan mo na ako. Masasarapan ka naman sa gagawin ko, e," pabulong na sabi nito. Ramdam ni Jin ang mainit nitong hininga sa malapad niyang dibdib.

"Hindi nga puwede. Nandiyan si Marian at asawa mo," giit niya. Mahinang-mahina na ang kanyang boses. Hindi na rin niya kayang idilat pa ang mga mata.

"H'wag kang mag-alala. Bukas pa magigising ang mga 'yon. Malakas ang gamot na nilagay ko sa ininom nila," sabi nito kapagkuwa'y natawa.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" maang niyang tanong dito. Noon niya naisip na posibleng may inilagay rin si Amos sa ininom niya kaya bigla na lamang siyang nahilo at nanghina. Buong buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam nang gano'n. Hindi siya makapaniwalang dahil iyon sa alak na nainom.

Pero hindi na tumugon si Amos. Hinawakan nito ang mga kamay niya at inilagay sa likod ng kanyang ulo. Kapagkuwa'y sinunggaban nito ang kanyang kaliwang kilikili.

"Kuya Amos, ano ba? Mali 'tong ginagawa mo..." pagmamakaawa niya.

Pero talagang nilamon na nang matinding kalibogan si Amos. Wala nang nagawa pa si Jin. Ramdam niya ang panggigil nito sa katawan niya. Bawat parte niya ay inaararo nito ng bibig at dila. Hanggang sa para na siyang saging na tinalupan. Hubo't hubad na siya noon. Hindi na masyadong rumirehistro pa sa utak niya ang pinaggagawa nito sa kanyang katawan.

Napapaungol na lamang siya nang mga sandaling iyon. Nagawa ngang patigasin ni Amos ang kanyang kargada at ramdam niya ang mabilis nitong pagchupa sa bahaging iyon.

Pinilit niyang gumalaw pero hindi talaga niya magawa. Pinilit niya ring idilat ang mga mata. Malabo ang kanyang paningin.

"Kuya Amos, tama na..." muli niyang pakiusap.

Muli siyang napapikit. Pagdilat niya ulit ng mga mata ay may nakikita siyang bagay na palapit sa kinaroroonan nilang dalawa ni Amos. Napakalabo ng kanyang paningin pero habang tumatagal ay naging malinaw sa kanya iyon. Isang malaking lalaki na nakaitim na jacket. Hindi niya nakikita ang mukha dahil sa hood na nasa ulo nito.

Biglang sinakal nito si Amos at itinaas sa ere. Malabo man sa paningin niya pero kitang-kita niya ang pagkasindak ni Amos.

"Et meum est! Omnia mea sunt!

Paulit-ulit na sigaw nang sumasakal kay Amos. Kinilabutan si Jin sa boses nitong parang demonyo. Wala siyang maintindihan sa pinagsasabi nito. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi talaga siya makagalaw. Hindi na rin siya makapagsalita pa.

Nakita niyang inihagis ng lalaking iyon si Amos sa dingding. Nanghihinang bumagsak ito sa sahig. Narinig pa niya ang pagmamakaawa nito. Lumipad ang lalaki papunta kay Amos. Narinig na lamang niya na parang may mga butong nadurog. Kasabay nang mahabang hiyaw ni Amos ay ang pagsambulat nang maraming dugo sa dibdib nitong biniyak ng lalaki. Itinaas ng lalaki ang kanang kamay at hawak na ang puso ni Amos. Animo'y nabingi siya sa nakakakilabot na pagtawa ng lalaking iyon.

Hindi na kinaya pa ni Jin ang mga nangyayari. Tuluyang nagdilim ang kanyang mundo.

-----

"YAP! YAP! YAP! Gumising ka!"

Napadilat siya ng mga mata. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa kwartong iyon. Masakit ang kanyang ulo. Pinilit niya ang sariling bumangon. Labis ang kanyang pagtataka dahil umiiyak si Marian.

"Bakit, yap?" maang niyang tanong dito. Niyakap niya ito nang mahigpit. Ramdam niya ang panginginig ng kasintahan. Napatingin siya sa wall clock, alas otso na ng umaga.

"Yap, si kuya Amos..."

"Ba-bakit? Ano ang nangyari sa kanya?" kinakabahan niyang tanong. Ang huli niyang naalala ay nakatulog siya sa sopa dahil sa labis na kalasingan.

Sa halip na sumagot ay kumalas si Marian mula sa mahigpit nilang pagyayakapan. Hinawakan nito ang kamay niya at pahila siyang iginiya palabas ng kwarto.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Si Amos, nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Halos bumaligtad ang sikmura niya dahil wasak ang dibdib nito.

"Yap, pa-paano ito nangyari?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam..." umiiyak na tugon ni Marian at muling yumakap sa kanya.

Mas lalo siyang kinabahan nang maisip na baka siya ang maging suspek sa pagkamatay ni Amos. Siya kasi ang huling nakainoman nito.

"Yap, iniwan ko na siya kagabi e nang malasing na ako..." garalgal ang boses niyang sabi.

Pero hindi na tumugon si Marian. Umiyak na lamang ito nang umiyak. Napatingin siya ulit sa bangkay ni Amos. Napansin niyang may card board na nakalagay sa itaas ng ulo nito. Binasa niya ang nakasulat: PUSHER AKO! WAG TULARAN!

"Pusher ba si kuya Amos, yap?" tanong niya. Hinimas-himas niya ang likuran ng kasintahan.

"Hindi ko alam, yap. Sa tingin ni yaya Rebecca ay baka nabiktima si kuya Amos ng extrajudicial killing. Nagtawag na ng mga pulis si yaya para ipaalam ang nangyari."

"Kawawa naman siya, yap. Paano kung hindi pala ako agad pumasok sa kwarto? Baka pati ako nabiktima rin."

"Shhh... h'wag mong sabihin 'yan please. Hindi ko alam ang gagawin, yap, 'pag nawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita..."

"Mahal na mahal din kita, yap."

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kasintahan. Ipinikit niya ang mga mata. Pero sumakit na lamang ang kanyang ulo sa kakaisip. Wala talaga siyang ibang matandaan at wala siyang ideya kung paano nakarating sa kwarto. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Ang iniisip na lang niya ay baka nasobrahan lang talaga siya sa nainom. Masyado siyang nalasing.

"Mahal ko..."

Kapwa sila nagulat sa pagsigaw na iyon ni Rebecca. May mga pulis na itong kasama. Napakalas sila mula sa mahigpit na pagyayakapan. Awang-awa siya sa yaya ni Marian nang mga sandaling iyon. Alam niya kung gaano nito kamahal si Amos.

Habang nakatitig siya sa bangkay ni Amos ay biglang sumagi sa isipan niya si Din.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C238
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login