Download App
59.26% M2M SERIES / Chapter 226: Jin (Chapter 71)

Chapter 226: Jin (Chapter 71)

MAGDAMAG na hindi nakatulog si Jin. Nakaempake na ang kanyang mga gamit. Panay ang sipat niya sa relong pambisig. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa kanyang dibdib. Kinikilabutan din siya.

Gusto niyang tawagan si Marian pero ayaw niyang maisturbo ang pagtulog nito. Nagpadala na lamang siya ng mensahe. Bandang alas kwatro nang madaling araw ay nagbihis na siya. Ang balak niya ay hindi na ipaalam ang kanyang paglisan ngunit lalabas na sana siya sa gate nang biglang tinawag siya ni Rey.

"Jin, a-anong ginagawa mo?" maang nitong tanong sa kanya na nakatingin sa bitbit niyang bag.

Hindi niya nagawang tumugon. Humarap siya rito. Lumapit ito sa kanya.

"Jin, may problema ba?"

Huminga siya nang malalim. Tumitig siya rito.

"Jin, ba-bakit ka aalis?" muli nitong tanong.

"Tito, pasensiya na kung hindi ko na nagawang magpaalam pa. Uuwi na ako sa probinsiya," tugon niya rito.

"Huh? Bakit? May problema ba?" naguguluhan nitong tanong.

"Tito, salamat sa lahat. Gusto ko lang talagang umuwi na. Namimiss ko na ang pamilya ko."

"Paano ang pag-aaral mo? Malapit na ang pasukan."

"Sa probinsiya ko na lang po itutuloy ang pag-aaral ko, tito. Ikaw na ang bahalang magsabi kay tita Lea at kay Daniel."

Magsasalita pa sana si Rey pero bigla niya itong niyakap nang mahigpit. Tumulo ang mga luha niya. Napayakap din ito sa kanya. Naramdaman niya ang paghikbi nito.

Nang kumalas siya mula sa pagyayakapan nila ay kaagad niya itong iniwan at lumabas na nga siya ng gate.

"Mag-ingat ka, Jin. Laging bukas ang pamamahay na ito para sa 'yo."

Narinig pa niyang sabi ni Rey ngunit hindi na niya ito nilingon pa. Pinahid niya ang mga luha. Napangiti siya at napatingin sa langit kung saan ay nag-uumpisa nang kumalat ang liwanag ng haring-araw. Bagong umaga. Bagong buhay. Iyon ang bulong niya sa sarili. Gumaan ang kalooban niya nang pumasok sa isipan ang pinakamamahal na kasintahan.

Malayo-layo na rin ang kanyang nalakad nang tumunog ang cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa ng suot na pantalon. Walang pagsidlan sa labis na kaligayahan ang puso niya nang sinagot ang tawag na iyon mula kay Marian.

"Yap, kakagising ko lang. Bakit bigla-bigla ang desisyon mong ito? Nabasa ko ang mensahe mo," sabi ni Marian na halata sa boses ang pananabik.

"Mamaya na tayo mag-usap, yap. Papunta na ako sa bahay mo-"

"Bahay natin!" mariing putol nito sa kanyang sinabi.

Natawa siya, "Oo na, bahay natin. Ang mabuti pa bumangon ka na diyan dahil na sa 'yo ang susi. Paano ako makakapasok sa bahay natin?"

Nagtawanan silang dalawa. Nang mga sandaling iyon ay iisa lamang ang tinitibok ng kanilang mga puso. Ang matinding pananabik na muli silang magkakasama. Buo na ang kanyang desisyon na tatanggapin ang nais mangyari ni Marian. Ang tumira siya sa bahay na binili nito para sa kanilang dalawa. Kakalimutan na niya ang pride. Alam niyang iyon ang mas makakabuti para sa kanya at para sa kanilang dalawa ni Marian. Mag-uumpisa siya ng bagong buhay sa piling nito.

Nang matapos ang tawag na iyon ay pumara siya ng taxi. Kaagad siyang sumakay at nagpahatid sa Muñoz Subdivision. Panay ang kanyang ngiti ngunit bigla rin siyang nalungkot nang sumagi sa isipan niya si Daniel. Bumuntong-hininga siya at pilit iwinaglit sa isipan ang nakakabatang pinsan.

Napatingin siya sa rearview mirror. Nakita niyang panay ang tingin sa kanya ng driver. Tingin niya ay kasing-edad lamang niya ito. May hitsura rin naman. Bigla itong ngumiti sa kanya na kanyang ikinaasiwa. Napakunot din ang kanyang noo.

"Bakla yata ang driver na 'to," sabi niya sa isipan.

Umiwas siya ng paningin. Napatingin sa labas.

"Ano'ng pangalan mo?" mayamaya ay tanong ng driver.

Muli siyang napatingin sa rearview mirror. Nakatingin din pala ito sa kanya.

"Jin," tipid niyang tugon dito.

"Nice name. Ako nga pala si Roy," pakilala nito.

Ngumiti lamang siya rito. Iba na talaga ang kutob niya at nakumpirma niyang bakla nga ito nang biglang kumindat sa kanya.

Hindi na lamang siya nagpahalata at muling napatingin sa labas. Ayaw na niyang pansinin ito at baka kung saan pa umabot ang lahat. Siya pa naman iyong masyadong mapagbigay. Inisip na lamang niya si Marian. Napangiti siya at sabik na sabik na talaga siyang makapiling ito.

"Ang pogi mo naman," mayamaya ay narinig niyang sabi ng driver.

Hindi na lamang niya pinansin ang papuri nito at kunwari'y hindi narinig. Gusto na nga niyang pagalitan ito dahil panay ang tingin sa kanya sa halip na sa kalsada. Baka maaksidente pa sila ng hindi oras.

Pagdating nila sa destinasyon ay kaagad siyang kumuha ng perang pamasahe at inilahad sa driver.

"H'wag na," nakangiting turan nito na sobrang lagkit ng mga titig sa kanya.

"Hindi puwede. Baka malugi ka," giit niya rito. Naiinis na talaga siya nang mga sandaling iyon.

"Paano ako malulugi e dito rin naman ang destinasyon ko. Doon ako nakatira," sabi nitong itinuro ang bahay na kasunod lamang ng bahay nila ni Marian.

Mas lalo siyang nainis dahil magiging kapitbahay pala niya ito. Alam niyang malaki ang tama nito sa kanya.

"Sige na, h'wag mo na lang talaga bayaran. Actually, ginamit ko lang ang isa sa mga taxi namin ngayon kasi na-flat ang gulong ng sasakyan ko kanina."

Nangunot naman ang kanyang noo sa sinabi nito. "Ah... akala ko namamasada ka talaga," sabi niya. Sa tingin niya ay hindi naman talaga ito mukhang driver ng taxi. Sa hitsura at pananamit nito halatang mayaman.

"Mukha ba?" nakangising tanong nito sa kanya.

Ngumiti na lamang siya rito at lumabas na nga ng naturang taxi. Naglakad siya papunta sa harap ng bahay nila ni Marian. Nakita niyang ipinasok ni Roy ang sasakyan sa loob ng gate.

Sumandal siya sa may gate at naisipang tawagan ang kasintahan. Ngunit nakailang tawag na siya ay hindi ito sumasagot.

Nag-umpisa na siyang mainip. Gising na ang mga tao sa subdibisyon na iyon. Marami ang napapatingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya dahil may mga bakla na siyang nakita. Hindi na lamang niya pinansin ang mga iyon. Wala siyang pakialam kung isipin ng mga ito na suplado siya. Wala siyang planong makipagkaibigan sa sinuman sa lugar na iyon.

"Uy... Jin, bakit nandiyan ka pa sa labas?"

Napalingon siya. Si Roy iyon. Nakasandong puti na lamang at boxer. Wala talaga sa hitsura nito ang pagiging bakla. Para itong si Luis Manzano sa kanyang paningin. Maputi at napakakinis. Magkasingtangkad lamang sila at mas malaki lamang nang kaunti ang kanyang katawan dito.

"Hinihintay ko pa kasi ang kasintahan ko. Nasa kanya ang susi ng bahay," tugon niya.

Napatango-tango naman ito sa kanyang sinabi. Napansin niya ang malagkit na tingin nito sa kanyang kabuuan. Nang mapatingin ito sa kanyang mukha ay nagtama ang kanilang mga mata. Tinitigan niya ito nang matiim. Ngumiti ito sa kanya.

"Bakla ka ba?" mariin niyang tanong kay Roy.

Bumuntong-hininga ito bago sumagot, "Hindi ako bakla, dude," natatawang tugon nito.

"Bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? Kanina pa kita napapansin sa taxi pa lang," prangka niyang sabi.

Sumandal ito sa may gate na ilang agwat lamang ang layo mula sa kanya. Nagsindi ito ng sigarilyo.

"Yosi..." sabi nito.

Tinanggap naman niya ang sigarilyo at nagsindi rin.

"Bisexual ako, dude. Sa totoo lang may kasintahan ako ngayong babae. At alam mo ba? Minsan lang ako maka-appreciate ng lalaki," sabi nito at napatingin sa kanya, "h'wag ka sana magalit pero isa ka sa mga lalaking nagustuhan ko."

Napalunok si Jin ng laway sa sinabi ni Roy. Kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito sa taglay niyang karisma.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C226
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login