Download App
5.26% Loving Gabriel / Chapter 1: Rude Gabriel
Loving Gabriel Loving Gabriel original

Loving Gabriel

Author: Ms_Moo

© WebNovel

Chapter 1: Rude Gabriel

WALANG reklamo at parang batang walang muwang sa mundo na sumunod lang ako sa kaibigan ko. Dahil nga sa labis na pagmamadali ay halos matapilok na si Teryang. Her true name is Terry but I choose her nickname instead. Kampante akong tumawag sa kanya nang ganoon dahil magaan ang loob ko kapag iyon ang ginagamit kong pangalang pantawag sa kanya.

"Come on, Tamina! We must hurry up. Malapit na sila, ayaw kong magpahuli baka hindi na natin sila makita." Sabi niya at mabilis na hinila ako pasunod sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kong saan niya ako dadalhin. I'm curious. Kanina pa, pero hindi ko pinapahalata dahil sa tuwing ginagawa niya ito ay na-didisappoint lang ako sa mga kalalabasan. Kaya kahit imbis na magalit sa kanya ay natatawa na lang akong sumunod ng walang tanong tanong pa.

Nagtiyaga pa naman itong pumunta sa bahay ngayon, saying lang din kong hindi ko sasamahan.

"Saan ba tayo pupunta?" Pasimple kong tanong habang pinapasadahan siya ng tingin.

Nakabihis siya na parang mayroong pupuntahan sa lungsod. At may make up pa! Habang ako ay nakaboats lang dahil maputik ang daan patungo sa amin. Nang tingnan ang damit ko ay wala na akong naging komento. Kung ihahalintulad sa kanya ay walang wala ang suot ko dahil nakapangbahay lang ako at may ilan pang butas na makikita sa tagiliran ng blusa ko, nagpapahiwatig na ng kalumaan.

"Huwag ka nang madaming tanong. Tulangan mo na lang ako dito sa paghawi ng sanga sa daan." Irita niyang saad sa matinis na boses.

"Uhrg! Bakit ba kasi hindi kayo lumipat ng bahay para hindi na ako pumupunta dito? Mabuti nalang talaga at naisipan kung magboats papunta dito dahil kung hindi ay baka masisira ang ayos ko." Dagdag pa niya habang inaayos ang buhok na hindi naman nagulo. Hindi na rin niya maitago ang inis sa bawat hawi ng ilang sangang nababangga siya.

I smirked. "Sino ba kasing nagsabi sa iyo na pumunta rito? Alam mo namang masukal ang daan patungo sa amin." Natatawa kong saad at kinuha ang itak sa tagiliran ko.

"Tabi!" Saad ko sa kanya at ako na ang nagputol sa ilang sanga doon.

I heard her loud gasped. "May dala kang itak?" Hysterical niyang tanong sa akin.

Walang buhay ko siyang nilingon at tumango sa mga tanong niya na hindi ko maintindihan.

She rolled her eyes. "Diba sabi ko sayo kagabi na dapat nakaayos ka rin?!" Maarte niyang saad at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

I saw disgust in her eyes. Natawa na naman ako. Well, sanay na ako sa ugali niya.

Terry's family is one of the richest family her in Santa Monica. Nakilala ko siya simula noong bata pa ako. Naging classmate ko siya sa elementary hanggang sa high school. Mabait ang mga magulang ni Terry sa akin ng minsan ay pinakilala niya ako sa mga magulang niya. Noong una ay ayaw ko sanang sumama pero pinilit niya ako. As a child, at that time, I was just afraid. Most influental families in a high ranked in our town were not that really hospitable and kind. Mostly, lets accept the truth, that not all were generous in terms of giving special treatment. Kaya kahit ganito ang ugali ni Terry, bratty minsan, ay nasasanay na rin ako. She doesn't judge and never ever did when it comes to my poor status in life. Hindi kami mayaman. All I could offer to her is the friendship she wanted to have. Na kailaman ay hindi raw niya nararanasan sa ibang kaibigan niya noon, na kung hindi man dahil sa estado nila ay hindi lumalapit sa kanya.

That's how sometimes world works!

It sucks. Pero wala kang magagawa kung ang makisama minsan.

"Maaga pa naman, Teryang. Hindi pa nga sumisikat ang araw." Hindi nga sumisikat pero maliwanag na ang paligid.

Hanggang sa makaabot kami sa paanan ng bundok ay mabilis niya akong hinila ulit habang inayos na naman ang suot at buhok niyang hindi nagugulo. Akala ko ay papara siya ng trycicle dahil baka may pupuntahan kami pagkatapos naming malinis ang mga boats naming na marami ng putik. Maulan kasi kagabi kaya ngayon nagiging putik na ang daanan patungong bahay.

"How do I look?" Tanong niya ng biglang humarap sa akin.

She's beautiful. She has white and fair skin. Kutis mayaman kung baga. Kung pagababasehan sa taas namin ay medyo mataas ako sa kanya ng kaunti. Napakastraight ng buhok niya na sa pagkakaalam ko ay ilang ulit na niyang ipina-rebond. Mahilig siyang bumisita sa salon at paminsan minsan ay iniingganyo niya akong ipatreatment din ang buhok ko pero hindi ako pumayag. Even if she offered me a hundred times.

Hindi sa ayaw ko. I'm an independent woman. Kung may gusto man ako para sa sarili ko ay dapat ako ang magproprovide noon. Yes! I am a very proud woman who has an enormous pride. Every time I discussed it to her, she would just neglect the topic. Hindi niya maintindihan.

I sighed.

"What is this for?" Nakataas kong kilay na saad sa kanya.

Sumimangot siya kaagad sa tanong ko. Ang mga singkit niyang mga mata ay hindi ko na halos makita dahil sa iritasiyon at pagpikit niya.

"Will you please answer my question first, Tamina?"

I smiled and nodded.

Kumunot ang noo niya. "Ano yon?" Tanong niya sa pagtango ko.

"You looked fine already, Terry." I surrendered.

She sheepishly smiled on me. "Talaga?" Masayang masaya niyang saad.

Tumango ako ulit. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang naglabas ng salamin sa maliit na purse na dala niya at mabilis na itinago rin iyon ng makuntento sa itsura. Tumalikod siya sa akin pagkatapos. Akala ko ay magpapara na talaga kami ng tricycle pero ng lumagpas sa amin iyon ay mas lalo akong nagtaka.

I heard her loud excited shrieked.

Naguguluhan akong tumingin din sa tinitingnan niya.

From where we are standing, I saw two figures running towards us. At nang mas lalo pa silang lumapit ay nababanaag ko na nga kung sino ang mga iyon. I saw two man jogged to the road ahead of them.

"Ang gwapo talaga nila.." I heard Terry sighed dreamily.

Now I know what this is all about.

Natatawa akong naghanap nang upuan malapit sa kinatatayuan namin. Mabilis akong may nahanap na niyog na malapit nang matumba malapit sa konkretong kalsada. Napagpasiyahan kong doon nalang umupo at hinayaan ko na ang kaibigan ko sa mga pantansiya niya. Nangangawit na rin ang paa ko at nanakit na ang mga iyon. Hindi na ako napapansin ni Terry dahil busy na talaga siya kakatingin sa mga papalapit na kalalakihan.

Akala ko pa naman kung saan kami pupunta.

I twitched the side of my lips. I find everything amusing right now and I wanna mock Terry for that. Pero siguro mamaya na, kapag nakalampas na iyong tinitingnan niyang lalaki sa kinaroroonan namin.

Nababagot man ay mabilis kung inabot ang buhok ko at kinuha ang tali doon. Naririnig ko na rin ang ilang mabilis at mabigat na yapak ng mga paparating na mga lalaki at kahit man mabigat sa kalouban kong mag-angat ng tingin ay wala rin akong nagawa dahil gusto kong makita ang lalaking kinahuhumalingan ng kaibigan ko.

Sino na naman kaya ito?

"Oh my Gosh, Tam! He's looking at me!" She hyperventilated.

Gusto ko man siyang ingusan pero umiling nalang ako habang inaayos ang buhok kong nagkandabuhol buhol dahil itinali ko lang ito kanina ng hindi sinusuklay.

"Hi, Gabriel!" Madali niyang bati sa lalaki. Hindi na itinago ang kasiyahan sa mga mukha.

Tumigil ang mga ito sa pagtakbo at madaling binalingan ang kaibigan ko. Sino naman ba kasi ang hindi lilingon kay Terry? Maganda na, mayaman pa.

The man was handsome, alright. Ngayon ko lang nakita kahit madalas ako sa sentro. Actually, gwapo silang dalawa. Panigurado din ay galing sa may kayang pamilya. Kung pagbabasehan sa suot ay parehong mararangya kahit para sa ganitong activity. Dahil kahit man ako kung magjojogging, which is hindi ko pa naman nagawa sa tanang buhay ko, ay tanging t-shirt at jogging pants lang at paparisan lang ng pinaglumaan kong snicker shoes sa bahay.

"Hi, Terry." Magaang bata ng lalaking kasama noong Gabriel nang mapansin nitong hindi binate ang kaibigan ko.

Ngayon ko lang din napansin na mukhang magkapatid ang dalawa. They have the same structures when it comes to their faces but the man named Gabriel was more intimidating and dark. Malayong malayo sa itsura ng isa na mukhang masiyahin at madaling lapitan.

Their bodies were massive and very masculine too. Even with the sweats all around their bodies and faces, I even find it sexier. Kahit hindi tatanungin ay parang inalagaan ng mabuti. Maganda ang mga kutis tanda na hindi nabibilaran ng araw, salungat na salungat sa akin.

Hindi niya binati o binalingan si Terry. Agad kong nakitaan ang lungkot sa mga mata ng kaibigan ko. Gabriel took of his black earphone at immediately bring it to his pocket.

"Kamusta, Ram?" Nahihiyang saad nalang ni Terry sa lalaking kasama noong suplado.

I unconsciously brought my eyes to the one named Gabriel. Halos atakihin ako sa puso ng makita siyang matalim na nakatitig din sa akin.

"Well, we are good." Masayang sagot nito bago binalingan ako ng maramdaman siguro ang presensiya ko. "Kasama mo?"

Agad na natauhan si Terry. "Oo." Bumaling siya sa akin. "Halika, Tam. Ipakikilala kita."

Kahit labag sa kalooban ko ay mabilis akong tumayo habang hawak ang itak ko. Sumasakit na kasi ang tiyan ko dahil mahigpit ang naging tali ko nito kanina dahil sa pagmamadali. Humahapdi na rin.

I saw their eyes darted at that. For the first time in my life, I felt embarrassed. Not because in the way they looked at me, which amazingly I don't see any disgust, but because until now I can't still not see my future as a woman who I can be proud of. Agad akong natauhan. Hindi ko alam kong bakit iyon ang naisip ko kaagad.

"Nice tool." Manghang saad niya sa akin habang nakatingin sa itak. "Never seen that kind of sword before."

I smiled. "Salamat." Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Nang ibaling ko na naman ang paningin sa lalaking kanina lang nakamasid sa amin ay halos mawalan na naman ako ng ganang tumayo sa harap nila. He's really intimidating and I can never be acquainted with his surely dark aura. His jaw clenched while staring at me. Hindi niya ba gusto na nakikisalamuha ako sa mga tulad nila?

I smiled bitterly.

"Ram, this is my bestfriend Tamina. Tam, siya si Ramises." Pagpapakilala ng kaibigan ko sa kanya. He offered a hand for a shake. Hindi ko iyon tinanggihan.

"Such a lovely name for a lovely woman, of course. " Humahalakhak ito. "Nice meeting you, Tamina." Magalang na saad niya sa akin.

"The pleasure is mine." Sagot ko sa kanya.

Bahagya siyang namanghang nakatitig sa akin. Kahit ako ay nagtataka sa ekspresiyon niya.

"Such beauty and brain.." He trailed off.

"By the way, my younger brother, Gabriel." Ramises said and held his brother in front of me.

Hindi ito nag-angat ng kamay, malamig niya lang akong tinitigan habang nababanaag ko ang iritasiyon sa kanyang mga mata. Alam kong hindi maganda ang ayos ko ngayon at kung iyon man ang sanhi ng iritasiyon niya dahil hindi ako naging kanais nais sa paningin niya ay wala akong magagawa.

Halos tanggap ko na ang mga naging trato sa akin ng ilang mga tao sa sentro dahil din sa naging nakaraang reputasiyon ng ina ko sa sentro. At kung isa siya sa mga huhusga na naman sa akin, hindi ko na iyon mababago.

"Let's go now, Kuya." Sa halip na saad niya sa kanyang kapatid at mabilis kaming tinalikuran pagkatapos akong binigyan ng malamig na tingin.

I felt very offended. Alam kong wala akong karapatang makisalamuha sa kanila pero dapat bang ganoon kaagad ang trato niya sa akin.

"Come on, Gabriel. Masiyadong maaga pa at malapit na naman tayo sa sentro. Hindi naman siguro masama kong magpapahinga tayo dito ng ilang minuto." Ramises said and eyed me for a moment with a smile.

Nang tingnan ko si Gabriel ay masamang tingin na naman ang pinukol niya sa akin kaya agad akong napayuko sa kahihiyan.

Umiling ito. "Ikaw ang bahala, Kuya. Mauuna na ako." Malamig niyang saad at mabilis na iniwan kami doon.

"Gabriel, come back here!" Malakas na tawag sa kanya ni Ramises.

Hindi na ito lumingon at nagpatuloy na sa pagtakbo.

"That prick!" Natatawang umiling si Ramises.

"Kailan kayo dumating, Ram?" Tanong ni Terry ilang segundo ang nakalipas.

He smiled. He's really kind and gentle. "We just arrived yesterday at the mansion. We'll actually have a welcome party this week. I want to invite the two of you." Madali niyang saad at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

Tumango kaagad ang kaibigan ko at hinawakan ako sa siko.

"Makakaasa kang pupunta kami."

"It will be this coming Friday night. We actually invite your family, Terry." Kaagad na napatingin sa akin si Ram. "Ikaw din, Tamina. You should come too."

"Of course, she will be there too. Ako ang bahala sa kanya." Masayang saad ni Terry.

"Well, I guess I have to go now." Nailing pa rin niyang saad. "Iniwanan ako ng magaling kong kapatid at baka ano na naman ang isumbong noon kina Mama at Papa. So, see you at the party!" Masayang saad niya at mabilis na kaming tinalikuran.

"Sino ang mga iyon?" Kaagad kong tanong kay Terry.

Tumawa siya. "Seriously, hindi mo sila kilala?" Tanong niya sa akin.

Obvious ba? Hindi nga eh!

Umiling siya, tila hindi kumbinsido sa naging reaksiyon ko. Ikakamatay ko ba kung hindi ko sila kilala?

"Dapat kilala mo sila, Tam." Hinampas niya ako sa balikat ko na parang nababaliw na ako.

I tilted my head. "Hindi ko talaga sila kilala." Seryoso kong saad.

"Sila ang mga apo nila Donya Consuelto at Don Martino. Diba doon ka sa mansiyon nila nagtratrabaho kapag Sabado at Linggo?" Tanong niya sa akin.

Namilog ang mata kong tumitingin sa kanya.

"H-hindi ko talaga alam."

"Ngayon alam mo na. Dapat kasi nagtatanong ka paminsan minsan kay Donya Consuelto, diba close kayo non?"

I smiled weakly. "Wala naman kasi siyang nakwento sa akin, Teryang. At isa pa wala akong ni isang larawan nilang nakikita doon. Ayaw ko namang magtanong dahil wala akong maitatanong."

"Hayaan mo na. Atleast, kilala mo na sila. Ang gwapo nila, diba?"

Iningusan ko siya. Muntik na niya akong napahamak doon. Paano nalang kong iisipin ng magkapatid na nagpapansin lang kami doon sa kanila lalong lalo na ang supladong Gabriel na iyon?

"So that's why you dragged me here? So you can see your crush?"

Pinandilatan niya ako.

"You are really hopeless romantic, Tam. Marami ka nang manliligaw pero wala ka naman ni isang sinagot. Kahit ang batang vice-mayor natin ay nahulog sa beauty mo." Mahadera niyang saad.

"Para kang bakla diyan." Natatawa kong saad.

She just flips her hair. "Excuse me. I'm too beautiful to be gay." Maarte niyang saad.

"Ikaw na." Natatawa kong saad. "Sige, uuwi na ako baka hinahanap na ako ni Nanay."

Agad napawi ang ngiti niya. "Magagalit kaya sayo si Aling Carlotta?"

Umiling ako. "Hindi pa naman siguro gising si Nanay ngayon. Kaya uuwi na ako dahil magsasaing pa ako at papainumin ko pa ng gamut si Nanay." Saad ko sa kanya.

"Sige. Itetext na lang kita mamaya, Tam. Chika tayo ulit kay Gabriel ko."

I rolled my eyes.

"Okay." I said dismissing the topic.

Hinintay ko muna siyang makasakay ng tricycle bago ako pumanhik pataas na naman patungong rota ng bahay.

Mabuti talaga hindi siya pinapagalitan ni Tito Loric, ang ama ni Terry. Minsan kasi ay gabi na itong umuwi galing ng bahay. Iwan ko ba sa babaeng iyon dahil palaging pumupunta dito lalo na kung wala siyang klase. Ang sabi niya pa ay mas gusto niya raw dito keysa doon sa bahay nila.

I sighed again.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng mapait. I missed school already. Hindi na ako nag-aaral pa simula ng magkasakit si Nanay dahil kahit gustuhin ko man ay hindi talaga pwede dahil walang mahahabilin na mag-aalaga sa kanya. Kahit isipin pang ako ang gagasto pareho sa pag-aaral at pagpapagamot sa kanya ay hindi ko kayang may ibang mag-alaga sa kanya.

I can't seem to watch her taken care of by anybody else when in fact I can do it by myself. Makakapaghintay naman ang pag-aaral ko. Sa ngayon ay focus muna ako sa pag-aalaga sa kay Nanay at sa lupain namin na iniwan sa akin ng Tatay ng mamatay ito.

"Nay, ako na diyan." Mabilis akong lumapit sa kanya ng makita siyang mabilis na hinihipan ang apoy ng sinaing.

"Nakong bata ka, kaya ko naman eh." Masaya niyang saad kahit nararamdaman ko ang panghihina ng kanyang boses.

Umiling ako at nababahalang tumingin sa kanya. Kung pwede nga lang maluha sa ganito kaiksing panahon ay nagawa ko na pero hindi pwede dahil ayaw kong mamoblema si Nanay.

"Alam niyo naman pong bawal sa inyo ang usok diba? Iyon po ang mahigpit na ipinagbabawal ng doktor." I sighed. "Doon nalang po muna kayo sa sala magpahinga, ako na po ang bahala rito."

I saw her beautiful flawless face contorted. Pero sa huli ay tumango nalang siya.

"Sige. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." Banayad niyang saad sa akin.

Kahit sa ganitong senaryo ay mahina ako. Naluluha nalang ako ng wala sa oras. Nanay was been this cold to me and not reaching since Tatay died. Hindi ako nagreklamo pa kahit alam kong gusto niya na ding sumunod kay Tatay na namayapa na. Hindi ko siya kayang sumbatan at sabihing paano ako? Dahil alam ko kung paano niya kamahal si Tatay. It's just that, minsan hindi ko na kasi kayang pigilan. Kahit bawal na bawal sa kondisyon niya ay ginagawa niya pa rin lalo na at wala ako kaya hindi ko siya pwedeng ipagkatiwala sa iba kahit man minsan ay nahihirapan na ako.

I felt my phone vibrated on my pocket.

Mabilis ko iyong kinuha sa bulsa ko at binasa ang nagtext. Galing kay Nanay Breding, ang mayordama ng mansiyon na pinagsisilbihan ko.

'Tam, pinapapunta ka ni Donya Consuelto sa mansiyon bukas. Dapat maaga ay nandito ka na dahil may pag-uusapan daw kayo.'

I typed a reply immediately.

'Sige po. Maraming salamat.'

Agad akong kinabahan. Bakit kaya ako pinatawag sa mansiyon? Bahala na nga. Sana naman hindi ito tungkol sa nagyari kanina.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login