Download App
90% LOVERS IN FICTION [TAGALOG] / Chapter 9: KABANATA 8

Chapter 9: KABANATA 8

Hands off

Nakaupo si Sir Shaun sa infinity couch habang ako naman ay nakaupo na chaise lounge sa kanyang harapan. Mula nang paupuin niya ako'y hindi na siya nagsalita pa, parang may hinihintay.

Nabibingi ako sa katahimikan ng buong lugar. Napa-praning na ako kakaisip sa kung ano bang iniisip niya. He has this... cold and thick air surrounds him that suffocates me. Sinulyapan ko siya saglit, mataman niyang tinititigan ang kung ano sa hagdan.

His brows are slightly twitching like he's talking to someone through it. I exhaled steadily as I shifted back my gaze to my cold hands.

Ang inaasahan kong Shaun Rizaldo ay may magaan at palakaibigang presensya ngunit walang bahid ng gano'n base sa nakikita ko. Malayong-malayo sa kung paano siya i-describe ni Jean sa akin dati! Masyado siyang strikto tignan at seryosong tao na hindi marunong ngumiti.

His taper fade hairstyle and expensive looking business attire makes him more authoritative and mature and... dangerous. His presence was too overwhelming! Nagiwas akong tingin nang bumuntong hininga siya. Narinig kong nilapag niya ang coffee mug sa glass round table.

"Starting from now ikaw na ang maglilinis dito," aniya na may bahid ng pagkabagot.

Nag-angat akong tingin. Lalo akong kinabahan sa mga tingin niyang may halong panguuyam.

"P-po? Paano po si--"

He cut me off mid sentence.

"Nag file na siya ng resignation letter. Haven't you heard? She'll go back to her province. Sa Cavite."

Napakurap-kurap ako. Mabilisan akong suminghap at tumango. Bahagyang kumunot ang noo niya, tila yata nairita sa simpleng pagtango ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga oras na 'to. Ang hirap-hirap niyang basahin dahil blanco na ang kanyang ekspresyon.

Hindi naman 'to ang naramdaman ko nung iligtas niya ako kay Alfie. It's a different kind of intensity... Pakiramdam ko, ito ang una naming pagkikita. Ang weird lang talaga. It's not like I'm expecting him to be nice to me...

Kinuyom ko ang palad ko at kinlaro ang lalamunan habang pinuno ng hangin ang baga. Marahan ko iyon pinakawalan.

"S-Sir Shaun..." mahina kong sambit. Tuwing bibigkasin ko ang pangalang iyon sa kanyang harapan ay matinding pagkailang ang nararamdaman ko.

Bumuntong hininga siya at bahagyang nagsalubong ang kilay, tamad na tamad niya akong tinapunan ng tingin.

"Yung tungkol po sa vase..." huminto ako para tignan ang magiging reaksyon niya, nagtiim bagang ako noong mapansing hinihintay niya rin ang sunod kong sasabhin.

"Yung tungkol po sa vase... ano po... hindi ko po talaga sinasadya. Pasensya na po. Sorry po. Magiingat na po ako sa susunod."

"My sister gave that to me as a gift. Do you have any idea kung gaano 'yon kahalaga sa akin?" Mariin niyang tanong.

Yumuko na lang ako.

"Nabasag na, e. Wala na tayong magagawa basta sa sunod, magiingat ka na." aniya

"Salamat po pala sa pagligtas sa akin... Hindi ko po kasi alam gagawin ko sa mga oras na 'yon. Pasensya na rin po sa inasal ko."

"Oh..." he said slowly and longer while nodding, "Kahit naman sino gagawin 'yon."

Tipid akong ngumiti. He's right... pero nakasarado 'yung pintuan no'n paano kaya niya nalaman? I later found out na soundproof pala ang presidential suite ni Alfie. So how? Suminghap ako at 'di na nagisip ng kung ano. Nakapagpasalamat na ako. Dapat na akong makuntento roon.

Asking him questions will only make me look ungrateful. Nga naman, ako na nga itong niligtas ako pa 'tong magiinarte?

Tumayo na ako at nagpaalam umalis. Mula nung makita ko siya, hindi nagbago ang malamig at tamad na kilos niya. He must be really waiting for me to leave. After all, may iba siyang kasama roon. His 'girl' must be waiting for him upstairs kaya panay ang tingin sa hagdan.

Sinabi ko agad kay Jean ang nangyari. Hindi ko inaasahang matutuwa pa siya. Kabadong kabado nga ako dahil hindi ako komportable kay Sir Shaun, natatakot ako. It seems like my presence infuriates him so much. Kinabahan naman ako roon. Pagti-trip-an niya siguro ako o di kaya'y papahirapan. I don't want to think how he'll do it.

"Si Sir Shaun ba talaga 'yon? Mukha kaya siyang boy next door! Mala-prince charming ang dating niya, 'te!"

"Huh? Anong boy next door? Bulag ka ba? Mukha kaya siyang suplado at masungit. Feeling ko nga gusto na ako no'n ihulog kanina sa Reussie!" Asik ko.

Kanina pa pinagtatanggol nito si Sir Shaun. Sinabi ko lang naman ang totoo nung makita ko siya. Kulang na lang ay sakalin niya ako para maniwala ako sa mga sinasabi niya. Ilang araw na niya akong inaaway dahil lang do'n.

Linggo ngayon, day off ko sa resto bar at uuwi si Kuya Elias sa bahay. Sinamahan ako ni Jean mamili ng dinner namin mamaya, sa bahay kasi siya makikitulog. Nagaway na naman kasi ang magulang niya. Napapadalas na ang pagaaway ng magulang niya, apektado na rin siya sa pag-aaral. madasal wala sa focus.

Kasalukuyan kaming nasa tapat na ng ihawan sa may terminal ng tricycle, kakabili lang namin ng lechon manok. Paborito kasi ni Kuya ang ihaw kaya bumili na rin kami. Bitbit ko ang manok at siya naman ang may dala ng dalawang malaking softdrinks.

"Hindi ako naniniwala," pinanliitan niya akong mata, nakahalukipkip.

Umirap ako. "Bahala ka. Basta nagsasabi ako ng totoo. Sino naman 'yun kung hindi 'yon si Sir Shaun? Multo?"

In all fairness, gwapo rin talaga si Sir Shaun. 'Yung gwapong hindi nakakasawa at tipong tinitilian. Hindi na katakataka kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. He doesn't have to show-off or impress anyone just to get their attention dahil kusang ibibigay 'yon sa katulad niya.

Pagkaluto ay diretso na kami sakay. Gagabihin ng uwi si Kuya at marami din daw siyang dalang pasalubong pauwi! Walang imik si Jean paguwi ko sa bahay. Nasaktan ko yata ang malambot niyang puso na para lamang kay Sir Shaun.

Ngumuso ako habang inaayos ang mga pagkain sa plato. Nakatulala si Jean sa lamesita sa sala pagsulyap ko. Tumikhim akong malakas at lumapit sa kanya.

"Tampo ka?" Nakangiti kong tanong.

She sighed. "Hindi! Naiinggit ako sa'yo. Sana makita ko rin siya sa personal," aniya.

I pursed my lips at paupong umakbay sa kanya. "Tingin nga ng inggit?" Natatawa kong biro.

Siniko ako ni Jean sa sikmura kaya napabitaw ako. Tinampal ko siya sa balikat.

"Paano inggit?" Nangaasar kong ulit, nakangisi habang dinudungaw ang kanyang mukha.

"Gago ka!" Halakhak niya.

Nag-make face ako at umirap sa hangin. Nagtawanan na lamang kaming dalawa. Maya-maya ay dumating na rin si Kuya, sakto dahil kumakalam na ang sikmura ko.

"Lalo kang naging pogi kuya ah! Lalo ka rin nangitim!" Biro ni Jean na may ngisi sa labi habang kinukuha ang mga pasalubong ni Kuya sa kamay nito.

"Ikaw rin, Jean! Gumanda at tumaba ka rin." Ganting biro ni Kuya.

Tumingkayad ako nang yakapin ko si Kuya pagpasok sa loob ng bahay. Kapansin-pansin nga ang pagbabago ng kanyang balat, mas dumilim pero mas bumagay naman sa kulay tsokolate niyang mata.

Isang backpack at dalawang malaking plastic ang bitbit niya. Iginaya ko na si Kuya sa lamesa upang makakain na. Tinawag ko si Jean na inuusisa na ang laman ng mga supot. Nakaupo na si Kuya. Kumuha akong plato, sinandukan iyon ng kanin at nilagyan ng ulam. Si Jean naman ay napatakbo sa labas para bumili ng yelo sa kalapit na tindahan.

Hinainan ko na rin si Jean para pagbalik niya ay mauupo na lang. Niyakap kong muli si Kuya mula sa likod at sinandal ang aking baba sa kanyang balikat.

"Miss you, Kuya," malambing kong sabi.

He chortled while tapping my arms with his both hands like a drum.

"May kasalanan kang ginawa sa akin 'no?" Paratang niya.

Kumalas ako sa pagkakayap at naupo na sa kanyang tabi. I didn't exert an effort to look at him. I hemmed. Naligtas ako sa mga paratang ni Kuya nang dumating na si Jean. Nagmadali siyang ilagay ang yelo sa pitsel, namutla na ang kanyang kamay pawang 'di na dinadaluyan ng dugo.

"Gutom na talaga ako. Let's eat!" sabi niya pagupo sa hapag.

Tawa lang kami nang tawa ni Kuya sa mga kwento ni Jean. Wala naman masyadong kinuwento si Kuya tungkol sa kanyang trabaho at bagong amo. Nakakapanibago. Tuwing tumatawag ako ay 'yon ang reklamo niya, ngayon parang ayaw na niyang pagusapan.

Siguro malas lang talaga si Kuya sa pagiging driver ng mayaman. Siguro may gusto na siya roon tulad ng nangyari kay Ma'am Tori? Kailan lang noong sinubukan kong i-search ang pangalan ng amo niya.

She's so gorgeous and scary at the same time because of her deep set eyes, lagi rin siyang nakasuot ng cat eye eyeliner. Palagi siyang laman ng T.V dahil sa dating life at lifestyle na meron siya, binansagan din siyang trendsetter ng isang fashion magazine. Come to think of it, hindi siya ang tipo ng babae ni Kuya.

Or maybe Kuya wanted to resign pero hindi magawa dahil sa akin?

"Pahingi akong dried mango ha?" si Jean.

Kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan. Nakatayo lamang ako sa harap ni Jean habang ipinupunas ang basa kong kamay sa aking track pants.

Ang isang supot ay puno ng pagkaing pampasalubong at 'yung isa ay puro damit. Hindi na nag abalang tignan ni Jean ang mga damit, sigurado naman daw siyang walang kakasya sa kanya roon.

"Sige." Tango ni Kuya.

Sinundan kong tingin si Kuya papunta sa kwarto ko at agad ding binalik kay Jean na parang batang sabik sa regalo. Suminghap ako at sumunod sa kwarto. Nadatnan kong pahiga na si Kuya sa aking kama.

"Okay ka lang?" alalang tanong ko pagpasok sa loob. Dumiretso akong upo sa tabi niya.

"Pagod lang. Balik ka na roon. Gigising din ako maya-maya ha?" pagod nga talaga ang kanyang ngiti.

I sighed heftily. Binalikan ko si Jean na kumakain na ng dried mangoes. Dalawang oras nang tulog si Kuya at dinatnan na rin kaming antok. Kumuha na lamang akong banig at unan, nilatag ko 'yon sa sahig at nahiga na.

Paghiga ko ay nawala rin ang antok ko, pero itong katabi ko humihilik na.

I was thinking about what will happen to me in the near future. What will I become? At sa paglalim ng gabi, naisip ko lang bigla 'yung biological father kong nasa Australia. Or is he even there? Is he still alive? I'm sure he has a new family. Does he even know I existed?

Malalim at mabigat ang pinakawalan kong hangin. Tumihaya ako at tumitig sa kisame, pinagpatong ko ang dalawa kong kamay sa aking tiyan.

Ang tanging alam ko sa kanya ay ang kanyang tunay na pangalan, ngunit ang mukha niya ay kaisipan pa rin sa akin. Tanging si Nanay lamang ang nakakaalam kung ano ang itsura niya.

His name is Thomas Callahan. Isang malaking kahibangan ang hanapin siya sa facebook. Sinubukan ko na rin pero sa dami niyang kapangalan, malay ko ba kung sino sa kanila ang totoo. I wonder kung kilala niya kaya ako? Kung sa kanya ako lumaki, ano kaya ang buhay ko?

Mahal ko ang pamilya ko. Kuntento na ako, sadyang napapaisip lang. Kung nasaan man ang tatay ko, sana'y masaya siya at may malakas na pangangatawan. Hindi ko man siya nakita o nakilala, mahal ko pa rin siya.

Isa sa mga pinaka tago-tago kong hiling ay ang makita siya at mayakap. That would be nice. He's also the reason why I'm so eager to have a bachelor's degree. Gusto kong maging successful sa buhay at 'pag nangyari 'yon, hahanapin ko na siya.

Gusto kong ipakita sa kanya na naging successful ako sa buhay hindi para ipamukha sa kanya na hindi ko siya kailangan, ayaw ko lamang isipin niya na kaya ko siya hinanap ay para manghuthot ng pera. Masakit man pero iyon naman ang totoo, e. Mabababa ang tingin ng mga ibang lahi sa mga Pilipino.

Hindi lahat. Pero sa kaso ng magulang ko, hindi talaga maiiwasang isipin 'yon ng tatay ko dahil si nanay ay nagbebenta ng aliw kapalit ng salapi, kaya nga kami nabuo nila ate.

I get scared of life when I think about it. I'm still young and a lot of things may happen in the process. I get scared thinking I'll become part of the norm. Huminga akong malalim at mariing ipinikit ang mata.

"Emery?" Nilingon ko ang kanina pa palang gising na si Jean.

"Bakit?"

"'Di ka ba napapagod kalabanin ang buhay?" She sighed.

"Hindi. Ikaw ba?"

"Hmm, napapagod na,"

"Edi... magpahinga ka muna. Pwedeng mapagod pero bawal sumuko. Pahinga ka muna," payak at mahina kong sambit.

"Nakakatakot palang maging tao 'no? Andami mong kailangang pagdaanan para maging masaya. Kapag mahirap ka, wala kang karapatang magreklamo. Kailangan mong magtrabaho para mabuhay,"

Tinagilid ko na ang buo kong katawan paharap sa kanya. Kahit madilim ay sigurado akong binabaha na ng luha ang kanyang mata. Naka adjust na ang mata ko sa dilim kaya kahit papaano ay naaninag ko siyang nakatitig sa kisame.

"Habang buhay kang magpapaalipin sa buhay para mabuhay, para makakain ng tatlong beses sa isang araw. What makes life meaningful when you're living a dreadful life?"

Yumakap akong mahigpit sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ang sagot sa kanyang tanong. Siguro kaya rin kami naging magkaibigan ay kahit magkaiba man ang aming pinagdadaanan, naiintindihan namin ang isa't-isa. But Jean's self hate was too much, alam kong mao-overcome niya rin ang bagay na 'yon. Basta lagi lamang akong nandito para suportahan siya.

Pagkagising ko ay wala na si Kuya. Nagiwan siyang note sa ibabaw ng lamesa at nag-iwan ng malaking pera pambayad ng bills at budget ko para sa buong linggo. Tinawagan ko agad si Kuya nang makita iyon ngunit nakapatay ang kanyang cellphone.

Tinitigan ko lamang ang cellphone ko, nagaantay sa pagliwanag no'n sa kakahintay na magreply na si Kuya.

"Sabihin mo sa kuya mo nags-sideline ka sa resto bar, mabilis pa sa alas cuatro ang reply no'n." Pupungaspungas na ani Jean.

Pumasok na ako sa kwarto upang ihanda ang uniporme sa school. Dumiretso na akong banyo at naligo. Paglabas doon ay nakaluto na ng agahan si Jean at kakatapos lang niyang kumain. Nagbihis na akong damit bago kumain.

Nang makapagayos na ay tumulak na kami papasok ng Rosehill. Tahimik si Jean ngayong araw, panay ang tingin ko para siguraduhing ayos lang siya. Hindi na ako nagtanong dahil alam kong hindi rin naman siya magsasabi ng totoo.

Boring ang buong klase sa buong araw. Puro quizzes ang ginawa namin sa bawat klase, maliban syempre sa PE na pinaglaro naman kaming basketball sa gym without teaching us the basics. Kung hindi ako scholar, panghihinayangan ko ang binabayad ko sa PE class na 'to.

Napagalaman kong nasa 50k mahigit ang tuition fee ng mga kaklase ko. First semester pa lamang at wala pang laboratory, paano kung meron na?! Biruin mo, ganong kalaking halaga para sa ganitong klaseng pagtuturo?! Hindi naman porket PE ay dapat nila-lang lang. Mabuti naman sa ibang klase ko ay talaga namang magagaling ang prof kahit sa minors.

Nang balingan ko si Jean ay wala pa rin sa huwisyo, kaya tuloy nabato ng bola ng basketball sa mukha. Dinala ko agad siya sa clinic, medyo malayo nga lang kaya kinailangan naming sumakay sa eco-jeep, wala naman pakealam 'yung prof at 'yung nanadyang bumato kay Jean.

At syempre, grupo na naman 'yun nila Grash!

Pagdating sa clinic ay pinahiga agad ito ng nurse. Sinabi ko sa nurse kung ano ang nangyari, aniya'y manatili na lang muna ako roon para may kasama si Jean. Naupo ako sa isang stool. Inabot sa akin ng nurse ang dalawang bottled water. Binuksan ko ang isa at pinainom 'yon kay Jean.

"Dito lang ako," sabi ko kay Jean pagkaabot niya ng tubig.

Nakangiti siyang tumango at ipinikit na ang mata. Kanina ko pa naririnig ang tawanan sa kabilang higaan na natatakpan ng puting kurtina, pagpasok namin dito ay nandito na rin sila. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko upang dungawin ang kabila, saktong may dumungaw din.

Nanlaki ang mata ko sa kaba. Teka... siya 'yung soccer player! Si Kristof? Ngumisi siya at lumihis ang mata kay Jean.

"Kaibigan mo?" Tanong niya.

Tumikhim ako. "Ah, oo."

"Hmm..." he muttered while nodding at me.

Umayos akong upo. Hinawi niyang buo ang kurtinang naghihiwalay sa espasyong humahati sa dalawang kama. Nasilayan ko ang isa pang nurse na nakaupo sa kama, nataranta ito. Nagiwas na lamang akong tingin. Wala naman silang ginagawang masama pero parang ako ang naiilang sa kanilang dalawa.

Nakangiti pa rin si Kristof pagsulyap ko. Nakikita ko na naman ang malalim niyang dimples. Nilabas ko ang cellphone sa bulsa ko at inabala ang sarili sa paglalaro ng games. Buti hindi niya ako kinulit pa. Pakiramdam ko kanina pa ako tinitignan nung nurse. Nang umalis ang nurse ay nakahinga akong maluwag.

Tumawa naman itong si Kristof na nagpakunot sa noo ko. Isang oras pa ang lumipas, nandoon pa rin siya sa harapan ko. Nakaupong nakahalukipkip, wala akong ideya kung anong ginagawa niya basta para siyang estatwa roon.

Nang magising si Jean ay nakaramdam na akong ginhawa, meaning aalis na kami rito! Inalalayan ko si Jean na bumangon. Ito namang si Kristof ay nakitulong din kaya wala na akong nagawa kundi ang tignan siya.

"Natulog lang ako, paggising ko may manliligaw ka na," sambit ni Jean.

"Loko! Kaya ka nababato, e!" Angil ko.

Humalakhak naman 'yung isa. Akala ko magsasalita pero 'di naman na. Nagpresinta itong ihatid kami pabalik sa gym pero tumanggi ako. Saktong may dumaan din na eco-jeep. Kinawayan kami ni Kristoff pag alis namin.

Napailing ako.

"Sino 'yun?"

"Si Kristoff..." sagot ko. Tinatanaw ko ang malalawak na field at ang palubog na araw sa likod ng grandstand.

"Manliligaw?"

"Hindi."

"Manliligaw din 'yon just wait..." buong tiwala niyang sabi habang nakangisi.

Nagasikaso na kami ng naiwan naming gamit sa gym at nagpalit na rin ng uniform. Sa mga oras na ito ay tapos na rin naman ang huli naming klase kaya umuwi na kami. Sa byahe ay tinignan ko muli ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang text ni Kuya.

Kuya Elias:

Bukas na lang tayo magusap. Pagod pa talaga ako. Pasensya na, Emery. Baka hindi na rin ako makatawag sa'yo mamaya o makapagreply. Matulog kang maaga at ikandado mong maigi ang gate. I love you.

Binubulabog ako ng mga naiisip ko. Mahaba ang buntong hininga ko habang nakayukyok sa harapan ng aking vanity table rito sa resto bar. Wala akong gana magtrabaho ngayon pero kailangan. Kanina habang naglalakad ako papasok dito ay sumagi na sa isip kong mag resign na. There's nothing else to do here. If Kuya continues being distant to me, I can no longer enjoy my work.

Ano bang purpose ko? Ang kumanta sa harap ng lalaking may girlfriend? I realized all my efforts are useless. Kasi kung may girlfriend man o wala ang crush ko, so what? It's true that he makes me happy, but there are far more important things than him. I have a grade na kailangang i-maintain.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin at pinasadahan ng kamay ang mahaba kong buhok. Lumabas na ako. Nakasalubong ko si Kuya Jasper na may bitbit na mop, may nabasag na naman.

Kahit anong pilit ko sa aking sariling ngumiti ay hindi ko nagawa. Kumanta akong hindi sinasapuso ang bawat salita. Hindi naman 'yon pansin ng mga tao at enjoy na enjoy pa rin. Matapos ang performance ko ay bumaba na agad ako, diretso sa dressing room. Hindi ko na tinignan ang sarili sa salamin at sinuot na ang backpack.

Wala na naman si Boss Wong ngayong gabi kaya 'di na rin natuloy ang balak kong pag resign. The night passed by like lovers that turned into stranger.

Ngayon ang unang araw kong maglilinis sa penthouse ni Sir Shaun. Good thing he's not here. Hindi ko alam kung saan sisimulan, inalala ko na lamang ang nakita kong ginawa ni Mader Fely at kung paano ko linisin ang ibang kwarto. Sayang naman at hindi man lang ako nakapagpaalam sa biglaang pag alis ni Mader Fely. I hope she's okay.

Inabot akong gabi sa paglilinis. Pati rin kasi ang second floor na mas malalaki pala kesa sa ibaba ay nilinis ko rin. Wala ngang kalat o kagamitan pero malawak naman. Akyat-baba ako dahil hindi gumagana ang elevator. Ano ba 'to for display lang??

Pagod ako physically at mentally. Pag-out ko ay sa resto bar agad ako pumunta. Baka kasi kapag umuwi ako ay hindi ko na mapipilit ang sariling ilakad ang mga paa. I'm exhausted...

I feel like crying. Minsan may mga pagkakataong gusto ko na lamang umiyak. Nakakatawang isipin na ang sinabi ko kay Jean ay magpahinga siya kapag napapagod na, pero eto ako, hindi ko magawa. It's not easy, alright. It's not easy to pretend that you're okay when it's the opposite.

Palabas na ako ng resto bar nang salubungin ako ni Kalel. I frowned. Siya na naman? Sinampal ko na nga, bumalik pa rin! What does he want? A punch? A kick? I can do both. Hindi ko na napigilan ang sariling umirap paglagpas ko sa kanya.

He grinned. "Tatakbuhan mo na naman ako?"

"Yep..."

Tulad noon, hinawakan na naman niyang muli ako sa braso. But this time, bago ko maibuka ang labi ko, may sumuntok na sa kanya dahilan ng pagkabagsak niya sa semento. Ang mga taong wala naman kanina ay nagsilapitan sa aming tatlo, nakikinuod.

My eyes widened.

"Take your hands off my girl, dude," maangas na sabi ng lalaking sumuntok kay Kalel sabay pulupot ng kanyang kamay sa aking baywang at hinapit ang katawan ko papalapit sa kanya.

His hands are big and warm, saktong sakto sa liit ng akong baywang. I looked up at him, I can't properly see his face because of the streetlight above him. Sa gilid ng aking mata ay naaninag kong tumayo na si Kalel habang mabigat ang paghinga.

Tinignan ko siya. Nag igting ang panga niya pero walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Sigurado akong puno ng galit ang mata niya sa lalaki. I swallowed hard.

The man beside me chuckled without humor. Umalis na si Kalel na halos madurog na ang kamao sa diin nang pagkakakuyom. Nakaparada ang sasakyan nitong itim na sports car sa 'di kalayuan. Humarurot ito paalis. Dinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid ko na dismayado dahil walang nangyaring suntukan.

Suminghap ako habang hinigpitan ang kapit sa bag. Nagbaba akong tingin sa semento at doon ko napansin na nasa baywang ko pa rin ang kamay ng lalaki sa tabi ko. Umabante ako't humarap sa kanya, kunot ang noo.

Awtomatiko naman iyon nawala kasabay ng pagkalaglag ng panga ko. Siya 'yung crush ko! Hinabol ko ang mabilis kong hininga. I pursed my lips. Ilang araw siyang nawala pero pakiramdam ko ay umabot na ng linggo. Sinabi ba niyang I'm his girl?!

Naginit ang pisngi ko. Hindi ko na tuloy siya magawa pang tignan. Nagmamalasakit lang 'yung tao, nag assume naman agad ako!

"Are you okay, Emery?" He asked sweetly.

Tila natunaw ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Napakagat akong labi at tumango. Bumagsak ang mata mo sa semento. Tumingin na lamang ako sa suot niyang puting converse. All black ang suot niyang slacks at plain t-shirt na naka tucked in, nasa bulsa ang dalawa nitong kamay.

Natatandaan pa rin niya ang pangalan ko! Samantalang hindi ko alam ang sa kanya!

He chuckled. Pulang pula na siguro ang mukha ko. His chuckle sound so sexy and playful. Napalunok ako.

"Halika, ihahatid na kita sa inyo. Baka nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi, e. Okay lang ba sa iyo?" Magalang at mahinahon niyang tanong.

Wala sa sariling tumango ako. Mariin kong ipinikit ang aking mata. Parang gusto na kumawala ng puso ko palabas sa katawan ko sa sobrang pagwawala. Hilong hilo na ako.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login