Download App
50% LOVERS IN FICTION [TAGALOG] / Chapter 5: KABANATA 4

Chapter 5: KABANATA 4

Coat

Hindi rin nagtagal ay may nagsidatingang mga pulis. Dumating din ang mga medic pero ako lamang ang kanilang nilapitan. I saw how the two police officers dragged the unconscious bastard out of the room. When I decided to gaze up to the stranger, he was nowhere to be found.

Masyado akong preoccupied kanina sa pag-iyak kaya 'di ko na namalayan kung kailan siya umalis. I already said thank you but it still wasn't enough. I need to thank him properly, 'yung walang takot.

Hindi na ako pinilit pang isama ng mga pulis sa presinto para hingian ng statement dahil 'yung lalaking nagligtas sa akin na raw ang magbibigay no'n. I was willing to come with them but surely not with my condition right now. Gusto ko na lamang umuwi at magpahinga. I may not have any scratch physically but emotionally, I am deeply scarred.

"Sir... wala po kasi akong pera... Ma-makukulong... po ba siya?" Mahina kong tanong sa police officer pagtayo niya sa upuan sa harap ko.

"Oo. Si Sir Rizaldo na ang bahala, Miss, kaya imposibleng makalaya pa 'yon."

Hearing that surname made my heart froze. Alam na agad ni Sir!? At saka sinong Rizaldo? Paano?!

I cleared my throat. "S-sino pong Rizaldo?"

Naguusap-usap ang apat na pulis. Tinanguan ng pulis na kausap ko ang kasamahan niya saka ako binalingan.

"Si Sir Shaun Rizaldo, miss. Kanina lang nandito 'yon kaso biglang nawala. Baka nasa presinto na."

Nalaglag ang panga ko. "Siya 'yung lalaki kanina?!"

Ngumiwi ang pulis at tumango rin sa huli.

May dalawang kasamahan ko ang nang-uusisa sa labas. Hindi ko sila sinulyapan paglabas ko pero base sa pagsinghap na narinig ko mula sa kanila, nagulat sila. Mariin akong huminga at niyuko lalo ang ulo. Nasa magkabilang gilid ko ang medic na umalalay sa akin hanggang sa locker room.

Saka ko na lang namalayang yakap-yakap ko pa rin ang coat na mula kay Sir Shaun? Siya ba talaga 'yung lalaki kanina? Pero hindi siya kilala ni Alfie? At kung siya nga talaga... what would happen to me next?

My mind went detached from everything. Hinatid ako sa bahay gamit ang sasakyan ng hotel. Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit sa kung paano ko maramdaman ang matatalim na tingin ng mga tao sa hotel kanina.

Like what happened to me was my fault and I deserved it. Sinong babae ang gugustuhing mapagsamantalahan!? Partly, I guess it was my fault, for not listening to Jean and for being blind. Napupuna ko na ang kakaibang trato sa akin pero sumigi ako dahil sa takot na magalit siya at mawalan ng scholarship.

Anything for this scholarship... Hindi ko na alam! Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pansamantala!

Kinabukasan ay hindi na muna ako pumasok sa trabaho. Buong maghapon akong humiga sa sulok ng kama at hindi na rin dinatnan ng gutom. Hindi rin naman ako makatulog sapagkat naalala ko lamang ang lahat. Ngayon mas nagsi-sink in sa akin ang masamang nangyari kagabi.

"MJ! MJ! Buksan mo ang pintuan!"

Nagising ako sa malakas na kalampag ng aming gate. Bumangon ako't dumungaw agad sa bintana ng kwarto. Nandoon si Jean kasama si Ate Sam, inaakyat na ang gate. Nagkamot akong batok saka tumayo.

Binuksan ko ang ilaw sa sala at binuksan ang pintuan na walang awat na kinakalabog ng dalawa.

"Napabisita kayo?" Bungad ko.

Humagulhol si Jean nang yakapin ako. Si Ate Sam ay sumisinghot sa hawak niyang green na bimpo. Tinignan ko ang tahimik na kalsada at ang ilaw ng poste na pinalilibutan ng gamugamo. Anong oras na ba at napadalaw sila?

"Akala ko kung ano nangyari sa'yo... takot na takot kaya ako! Kanina pa ako tawag nang tawag at kumakatok sa gate niyo tapos wala namang nasagot. Patay pa 'yung ilaw sa labas at loob ng bahay niyo!"

Hindi ako makagalaw sa mahigpit na yakap niya. I looked at Ate Sam to get some help. Naunawaan naman niya iyon at hinatak palayo sa akin si Jean.

"Kamusta ka na? Kaninang umaga ko lang nalaman pagpasok ko... M-may... masakit ba sa'yo?" Nauutal sa tanong ni Jean.

Umiling ako.

Tumikhim si Ate Sam kaya tinignan ko siya. "Kumain ka na ba, MJ? Bumili kaming lomi sa Vj's. Mukhang hindi ka pa yata kumakain mula kanina... Kain tayo!" Malambing niyang aya.

Mataman ang titig niya sa mukha ko. Naalala kong wala nga pala akong suot na contact lens kaya baka nanibago. Ngumiti ako at bahagyang umatras para makapasok sila.

Diretso sila sa maliit naming kusina at nagtulungang mag-ayos ng kakainin. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Napakagat akong labi nang makita ang oras at kung gaano karaming missed calls si Kuya.

Ala una na pala. Gising pa kaya si Kuya? Linggo nga pala ngayon. Ang alam ko day-off niya pero buti na ring hindi siya umuwi. I can lie to him, however, I cannot pretend that I'm okay.

Huminga akong malalim at naupo sa kama, calling him.

"O, Emery... bakit gising ka pa?" si Kuya sa namamaos na boses.

I bit my lower lip and took a jagged breath. "Ah... kasi kakatapos ko lang mag-aral. May sakit ka ba?"

"Wala. Masakit lang ang lalamunan ko pero nakainom naman na akong maligamgam na tubig. Kamusta ang pag-aaral? Kaya mo pa bang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral?"

"Oo naman, Kuya. May long quiz lang kami kaya..." kinagat ko ang dila ko para hindi na makapagsinungaling pa.

Nakokosensya akong naglilihim ako sa kanya. But if I told him what happened, which he needs to know, magwawala 'yon at sisihin lamang ang sarili. I don't want him to suffer, too. Okay na ako. Kaya ko pa. Kakayanin ko.

"Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo ha? Pasensya na hindi ako nakauwi riyan. Marami kasing inutos ang amo ko kaya hindi ako nakapagpaliban."

"Eh day-off mo naman ah? Inaalipusta ka pa rin ba ng mga Montes?" I pouted my lips. "Umalis ka na kaya, Kuya? Marami pa namang mas makataong trabaho kesa riyan na araw-araw kang pinapahirapan. Ang sama-sama naman niy--"

"Nagkakamali ka." Putol ni Kuya at humingang malalim.

Nakakapagtaka naman yatang pinagtatanggol niya 'yong amo niyang halos ihalintulad na niya kay Hitler noon.

"Mabait si Ma'am Ceb..." Nahimigan ko ang kakaibang tono niya roon.

Na-imagine ko tuloy si Kuya na nakangiti habang sinasabi 'yon. Napangiti rin ako. Maybe something good happened to them?

I giggled. "Okay."

"MJ, kain na tayo!" Sigaw ni Jean sa kusina.

"O kasama mo pala si Jean, e."

Nabalik ang atensyon ko kay Kuya. Tumango ako.

"Oo. Ah... eh... syempre, sabay kami nag-review."

"Sige, sige. Basta matulog ka na pagtapos niyo ha? Sa isang linggo uuwi ako riyan. Mag-iingat ka. I love you."

Tumayo na ako at pinatay ang tawag. Pinuno ko ng hangin ang baga ko at dahan-dahan iyon binugha. Ibinaba ko ang cellphone sa kama at Lumabas na. Nakaupo na 'yung dalawa sa hapag. Nakatingin silang dalawa sa akin na namamaga ang mga mata, hindi ko napansin 'yon kanina kasi kakagising ko lang. Pinagalala ko nga talaga sila. I smiled at them and sat down.

Katapat ko si Ate Sam at sa gilid ko naman si Jean. Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang pagiging aligaga nila. Sinandukan akong lomi ni Jean sa maliit na mangkok at nakangiting inilapag 'yon sa harap ko.

"Okay na ba pakiramdam mo?" Nagaalangang tanong ni Jean.

Naglalagay akong toyo sa lomi. Hindi ko alam kung paanong okay ang tinutukoy niya. I'm not okay, literally and figuratively. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng toyo sa lomi nang napapitlag ako sa ginawang paghawak ni Jean sa kamay ko.

"Okay lang kung hindi ka okay, Mj..." aniya.

Huminga akong malalim. Saka ko lang napagtantong umaapaw na pala ang toyo sa mangkok ko.

"Alam na ba 'to ni Kuya Elias?"

Nag-angat akong tingin sa kanya. "Hindi, Jean. Hindi niya na rin kailangan pang malaman."

Tumango siya pero hindi sangayon sa gusto ko. Binitawan na niya ang kamay ko at tumayo, kinuha ang mangkok. Hindi na sila nagtanong pang kung anu-ano. Kumain lang kami at nagpahinga. Umalis din si Ate Sam kalaunan. Dito na lang natulog si Jean tutal naman ay papasok kami bukas. Gusto man niya akong pigilan ay siguradong alam niyang hindi ako makikinig.

Education is my priority. Kung magpapaapekto ako dahil sa nangyari, edi parang nagtagumpay siya sa pagsira sa buhay ko.

I woke up too early today. Nag-iinit na akong tubig pangkape naming dalawa. Pagkalagay kong mainit na tubig sa mug, naupo na ako sa sofa. Binuhay ko ang radyo pang background music sa pagmumuni-muni ko.

Sumisimsim na ako sa kape nang maaninag ko si Jean sa harapan ko. Pinagmasdan ko siyang nagtitimpla ng kape. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na magiging magkaibigan kami. She hated me so much before. I remember seeing her writing on the wall at the back of the school about me, na malandi raw ako at salot sa lipunan.

But I never hated her, I have never hated nor been angry at anyone in my entire life. Nagtatampo, oo. Madalas akong magtampo sa buhay. Na kung sino pa ang walang kakayanang magalit o manakit, sila pa itong mas lalong inaapi at minamalas sa buhay.

Marami riyan na walang ibang ginawa kundi ang manakit at manapak, pero sila pa itong namamayagpag sa buhay. Life's really unfair lalo kapag mahirap ka. Kaya nga nagsusumikap ako, kami ni Kuya. Imbis na magreklamo sa Diyos bakit nangyayari sa amin ito, magsusumikap na lamang ako.

Lumaki na nga akong mahirap, ayoko namang mamatay na mahirap.

"Oh? Anong ngini-ngiti mo riyan?" Kunot noong sita ni Jean na nakaupo sa monoblock, hawak ang pudding.

That was the exact same words he asked me three years ago. Muntik ko nang makalimutan kung paano ko siya naging kaibigan. Nakiramay siya sa libing nila Nanay, napatitig ako sa kanya dahil natanto kong kaya siya nandoon ay para maki-inom lang talaga ng kape.

And we became friends eventually. Nakasama ko siya sa fast food, doon ko nalaman na siya pala ang presidente ng bullying club na tinayo nila para lamang sa akin. Tinawanan ko lang iyon habang hindi maipinta ang mukha niya. Tinanong niya ako bakit ni minsan ay hindi ako lumaban at hindi ako nagalit sa ginawa niya.

"Mahimbing akong nakakatulog sa gabi kasi alam kong wala akong sinaktang tao." Iyon lang ang sinabi ko.

Tinawanan niya ako noon pero kalaunan ay naintindihan din ang punto ko. She's was there for me all the time since that. I am thankful to call her my bestfriend, matapang at maalaga.

"Muntik na tayong mahuli sa klase! Bwiset kasi si manong nagpa-gas pa, e!"

Humahagikgik ako paupo sa upuan namin sa likod ng klase. Tinakbo namin ang CIHM building sa pagaakalang mala-late kami. Muntik na rin. Nakalimutan ko rin kasing magbayad ng bill ng tubig kahapon kaya pumunta pa kami sa bahay nila Jean sa kabilang barangay para makaligo. Tingin ko ay 'yun naman talaga ang totoong dahilan bakit kami na-late, hindi si manong driver.

Nagpapaypay si Jean gamit ang kamay. Magkausap kami nang sabay kaming mapalingon sa mga babae sa harapan, naghahagikgikan at kinikilig sa pinaguusapan. My brows furrowed. Sa gilid ng mata ko, nakita kong inusog ni Jean ang upuan para kalabitin ang kaklase namin sa unahang row.

"Scarlett? Anong meron?" Bulong ni Jean.

Marahang humarap sa amin si Scarlett. "Hmm, I don't know and... I don't care." She said politely then turned her head back infront.

Scarlett is nice sadyang may sarili lang talaga siyang mundo. She's also pretty and one of the chosen ambasadress of Rosehill. Tumango si Jean kahit na nakatalikod na si Scarlett. At dahil nananalantay kay Jean ang dugo ng chismosa, isang kaklase na naman ang kinalabit niya.

"Misha? Anong meron?"

Walang kaabog-abog na humarap si Misha, nakanguso at mukhang broken hearted. Ngumisi si Jean. Mga ganitong pagkakataon nagiging bibo ang isang 'to. Napailing ako. Kinuha ko na lang sa bag ko ang notebook at ballpen na gagamitin sa klase maya-maya.

"It's all over the news, my god! It's about Blanca Pereira and Shaun Rizaldo's engagement!" Mapaklang aniya sa mababang boses para hindi marinig ng nasa unahan.

Napatigil ako sa ginagawa ko. Lihim akong nakikinig sa kanila, bawat bigkas nila ng pangalan ni Sir Shaun ay parang lumalaki ang tainga ko. Si Sir Shaun ang nagligtas sa akin. May naramdaman akong hindi ko maintindihan sa loob ko. Naalala ko na naman ang inasal ko nung gabing iyon, nasa akin pa rin pala 'yung coat niya at hindi ko pa naipapa-dry clean.

"Blanca Pereira is the only daughter of Senator Diego Pereira."

"Oh? Edi... Tito niya rin si Mayor Carlos Pereira?"

Really?! Si Mayor Carlos ang nagbigay tulong sa amin ng pinansyal para maipalibing si Nanay at makahanap ng bagong malilipatan. Mabait 'yon at mapagkawang gawa, ganoon din si Senator Diego.

"Duh! Syempre!"

"Kailan ang kasal?"

"I heard after Blanca's graduation. Tss! Hindi sila bagay 'no!"

Jean laughed sarcastically. Pinigilan ko ang sariling lumingon sa kanila. Kunwari akong nagsusulat ng kunwaring notes sa notebook ko para hindi mahalata. Ewan ko ba bakit interisado ako sa pinaguusapan nila. Ilang beses ko na bang narinig ang pangalan Shaun Rizaldo kay Jean?

Ultimate crush niya iyon! Wala akong pakealam sa kung ano ang itsura o sino siya pero ngayon interisado na ako. Curious.

"May rumored fuck buddy si Shaun ngayon. American model! Like it always been, pero itong si Blanca, asang-asa na magiging sila! Tignan mo nga naman, nagkatotoo nga ang pangarap niya pero hindi naman siya mahal. Feelingera! Tsk!"

Jean laughed again but this time mas malakas na. Tinampal siya ni Misha sa balikat. Napatakip siyang bibig at doon nagtatawa.

"Affected ka, girl? Ganon talaga mayayaman, e. Ang mayaman para sa mayaman. Ganern!" Panguuyam ni Jean.

Misha sighed. "Ah, basta hindi sila bagay!"

"Bakit naman sila hindi bagay? Maganda naman siya at mukhang mabait." Bulong ko sa sarili.

Kinabig ni Jean ang siko ko. Binalingan ko sila. Masama ang tingin ni Misha, gulat naman si Jean. Narinig kaya nila!? Masyado bang malakas ang pagkakasabi ko no'n? I was just thinking about it... ano naman ba kasi ang masama? They're both come from a very wealthy and powerful families. Mas malaking issue kung papatol si Sir Shaun sa pangkaraniwang babae.

Misha rolled her eyes in me. Dumating na rin sa wakas ang professor namin. Hanggang sa matapos ang buong klase ay tinatarayan niya ako. I get that she's one of Sir Shaun's admirers and one of Blanca's hater. Wala namang masama kung sila? Arranged man o hindi, ano bang pakealam nila sa buhay ng ibang tao?

Hindi na ako umimik pa. Bawat sulok ng campus ay si Blanca ang hot topic! Kung gaano siya ka-swerte at kainggitan ng lahat. Hmm, siya ba ang swerte o si Sir Shaun? Kung pera ang paguusapan ay parehas silang mayaman. Eh sa reputasyon? Prim and proper si Blanca, elegante! Eh si Sir Shaun? Bukod sa apelyido niya ay mas kilala siya bilang babaero, party animal!

'Manwhore' yata ang middle name no'n, sabi ni Jean. Ginagawang pagkain ang mga babae. Anong swerte doon?

Swerte si Blanca na magpapakasal siya sa lalaking posibleng mangaliwa? Kung ako si Blanca, hinding-hindi ko papakasalan si Sir Shaun 'no! Mas pipiliin ko ang lalaking hindi man kasing gwapo o yaman niya, at least totoong mahal ako at hindi sasaktan.

Mabuti na lang talaga at hindi ako si Blanca. Napatawa ako sa sarili ko. Kung makapagsalita ako para namang magkakagusto talaga sa akin si Sir 'no? Tama nga talaga si Jean. Kakabasa ko 'to ng libro kaya kung ano na lang pumapasok sa isip ko.

Emery, Sir Shaun would never even waste a glance at someone like you!

Paguwi ay agad kong inasikaso ang coat ni Sir. Nagpalit lang akong blue na t-shirt at umalis na. Dinala ko 'yon sa malapit na dry cleaner. Baka kasi kapag kinusot ko 'yon ay masira. Mahirap na, wala akong pambayad sa kanya.

Doon na rin ako kumain sa katapat na tapsilog-an habang naghihintay. Napatingin ako sa TV na nakadikit sa pader sa loob ng kainan. Binabalita ang engagement nila Blanca at Sir Shaun.

Iba talaga kapag galing ka sa kilalang pamilya, maraming interisado sa buhay mo at pagkakakitaan ka pa ng media. Sa panunuod ko ay si Blanca lang ang in-interview ng sikat na reporter. Sayang, hindi pa rin nasagot ang tanong ko kung anong itsura ni Sir. Sa internet ko na nga lang tignan bukas pagpasok ko sa hotel, free wifi naman.

"Psst! Ganda!"

Agad akong lumingon sa labas ng kainan.

"Luh, ganda ka?"

Hay nako, Si Ate Chandra lang pala! 'Yung baklang pinsan ni Ate Cielo.

Umirap ako sa hangin at bumuntong hininga. Uminom akong tubig at tumayo na. Paglabas ko ay nandoon pa rin siya. Hanggang sa pagtawid ko ng kalsada at pagkuha sa coat ay nakasunod pa rin! Bumuntong hininga akong humarap sa kanya, nakasandal ang siko sa counter ng laundry shop.

"Kung si Kuya ang hanap mo, wala." sabi ko.

Napawi ang malapad niyang ngiti na naging ngiwi. "Ba naman 'yang kuya mo! Masyadong mailap, daig pa Philippine eagle!"

I chuckled. "Alam mo namang stay-in na si Kuya sa trabaho, e."

"Tsk. Kinakamusta ka pala ni Cielo."

"Talaga? E, siya? Kamusta na siya sa Japan?"

Umasim agad ang mukha ni Ate Chandra. Hindi yata maganda ang tanong ko ah?

"Ayun makikipag-divorce na naman sa pang anim niyang asawa. Kaloka! Samantalang ako, wala man lang jowa!" Nagpamaywang sila at umirap.

"Ano ba kasing tipo mo?" Tanong ko.

"'Yung kasing gwapo at yummy ng Kuya mo!" Sabay kindat niya.

Nalukot ang mukha ko, natawa. "Dati si Ate Elvira ang pinagpapantasyahan ko. Ngayon si Kuya na?"

"Climate change, ganon talaga. Nagbabago-bago. Dati tahong, ngayon talong!" Biro niya.

Napasapo akong noo habang umiiling. Pati ang bantay ng dry cleaner na kanina pa pala nakikinig ay napatawa sa green joke ni Ate Chandra.

Tanda ko noon, sabay pa sila ni Ate Cielo na bumibisita sa bahay. May dala pang isang balot ng flat tops at sampaguita si Kuya Richard (na Ate Chandra na ngayon) para kay Ate Elvira. Nahuli ko pa nga silang naghahalikan sa sala paguwi kong maaga galing school kasi binuhusan akong tubig na pinagbanlawan ng mop sa CR.

Noong nawala si Ate, ginulat niya ang buong Barangay Masinop nang sumali siyang gay beauty contest, hindi lang basta sumali, champion pa! Naapektuhan din siya sa pagkawala ni Ate. Hindi na siya nagpatuloy pa sa pag-aaral, nagtrabaho na lang singer sa resto bar na ini-extra-han ni Kuya.

"MJ! Himala, lumabas ka sa lungga mo!"

Napalingon kami ni Ate Chandra sa grupo ng basketbolista sa kalsada. Niyakap ko palapit sa akin ang coat ni Sir. Nginitian ko ang kaklase kong tumawag ng pangalan ko. Mga tambay sa court ang mga kasama niyang nasa likod. Para bang may santacruzan na nagaganap at ang kaklase ko ang reyna elena.

Hinatid ako pauwi ni Ate Chandra nang mapansing hindi ako komportable. Inaya ko sana sa loob ng bahay si Ate para makapag-kwentuhan kaso may trabaho pa raw siya mamaya. Nagasikaso ng lang ako ng mga gamit ko para bukas. Sa totoo lang ay parang hindi ko pa talaga kayang magpakita sa hotel.

Pinilit kong makatulog ng maaga. Antagal ko ring nagpaikot-ikot sa kama hanggang sa antukin.

Pagpasok ko kanina, nalaman kong kulong na talaga 'yung hayup na Alfie. Walang nagawa ang pera niya dahil walang abogado ang gustong magrepresinta sa kanya.

Dulot na rin siguro ng takot na banggain ang mga Rizaldo. Maganda ang pasok ng umagang ito! Talaga namang maganda kaya wala akong pakealam sa sasabihin ng iba!

Maliksi ako sa trabaho at 'di na inisip ang mapanghusgang tingin ng mga katrabaho ko. Kalat na sa buong hotel ang nangyari. Hati ang klase ng tingin nila sa akin, may naawa pero mas marami 'yung naiirita. Bahala sila!

"Mader Fely, sige na po! Kailangan ko lang talaga isole 'to kay Sir Shaun. Kanya po ito, e!"

Kinukumbinsi ko si Mader Fely na isama ako sa paglilinis sa penthouse ni Sir Shaun. Marami na akong nilinis na kwarto kanina para lang makasama sa kanya. Kailangan ko ring magpasalamat sa tulong niya sa akin para mapirmi na ang loob ko!

"MJ, kakasabi ko lang na hindi nga pu-pwede. Wala rin si Sir kaya 'wag ka nang sumama." paliwanag niya.

Pipindutin na niya ang button ng elevator pero tinakpan ko 'yon. Sinamaan niya akong tingin. Ngumuso ako at mas lalo pang nagpaawa. Hindi naman tatalab 'to sa kanya pero try ko pa rin.

"Sige na po! Please?"

Bumuntong hininga si Mader Fely, lumandas ang tingin niya sa yakap kong plastic kung saan ang coat.

"Sigurado kanya 'yan?" Umigting pa ang titig iya roon.

Nabuhayan akong loob. Ngumiti akong nakakasilaw.

"Opo! Sa kanya 'to! Kay Sir Shaun po talaga ito!"

"Sige! Payag na ako. Basta 'wag kang hahawak ng kahit ano roon. Pagkalapag mo niyan, umalis ka na agad ha?!"

Yes! Sa wakas! Tumango ako at muntik nang mayakap siya buti napigilan ko ang sarili. Natatawa rin ako sa pinaggagawa ko, bakit parang ang saya-saya kong makikita ko si Sir.

Suminghap ako. Pinindot ko na ang elevator at tahimik na naghintay sa pagbukas no'n. Kaso... sabi niya wala raw doon si Sir? Edi wala rin pala akong mapapala. Naibalik ko nga ang coat, 'di ko naman siya mapapasalamatan.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login