Ini-lock ko ang aking pintuan at umupo sa kama. Kinuha ko kaagad ang kahon na binigay nila sa akin kahapon, isang piraso ng papel at isang kahoy na bracelet ang nasa loob. Pinagmasdan ko ang bracelet na hawak ko ngayon dahil mukhang nakita ko na ang bracelet na 'to kung saan.
Alam kong nakita ko na ang kahoy na bracelet na 'to, I just can't remember... kay President Koji!
Naalala kong meron din palang ganitong bracelet si President Koji, pero ang tanong, bakit naman niya ibibigay sa 'kin 'to? Lahat ba ng mga class president ay nakasuot din ng ganito? Pero hindi ko naman nakitang may suot na ganito si President Niana at President Asmodues, kaya para saan naman 'to?
Hanggang ngayon, ang labo pa rin ni Dexter, o kaya baka naman friendship bracelet nila 'to ni President Koji at gusto niyang ibigay sa akin dahil gusto niyang maging magkaibigan kami ni President Koji?
What the heck, Alhena. That's too unreasonable.
Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa naisip ko at binuksan na 'yung papel na nasa loob ng kahon, puro random letters ang nakalagay d'on, mukhang gumamit ng code si Dexter para pahirapan na naman ako.
Ngumiti ako at bahagya na lang napailing. Mukhang kailangan ko na namang gamitin ang isip ko para makuha ang gusto niyang iparating. Na-i-imagine ko tuloy si Dexter na nandito ngayon sa harap ko habang tinitingnan ako't hinihintay na makuha ko ang tamang answer sa tuwing may assignment kami. Lalo na sa Calculus.
AABBA ABBAB BAABA ABBAB ABBBA BAAAA AABAA BAAAB. AAAAA
Clue: Kinakain ko kapag nag-a-almusal.
Ilang segundo kong tiningnan ang clue at ang iba't-ibang letra. Madali lang naman pala ang ginamit niyang code, sa hitsura pa lang ay malalaman na kung ano ang code na ginamit niya.
Ikinuha ko ang papel at ballpen ko tsaka sinimulan nang i-decode 'yung mensaheng binigay niya.
Ilang beses ko pa lamang siyang nakasabay kumain, ngunit alam na alam ko na kung anong pagkain ang tinutukoy niya dahil ilang beses ko na siyang inasar na baka maging baboy siya dahil sa dami ng kinuha niyang ulam, at 'yon ay ang bacon.
Bacon's cipher or Baconian. Devised by Francis Bacon in year 1605. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng interes sa mga codes noon kaya may alam din ako kung paano ito gamitin.
Patuloy lang ako sa pag-decode hangga't sa nakuha ko na ang gusto niyang iparating sa 'kin, pero hindi ko pa rin maintindihan. Bakit kailangan kong pumunta sa kan'ya? Akala ko ba hindi sila magkasundo.
"GO TO PRES. A," basa ko sa mensaheng iniwan ni Dexter. Bakit kailangan kong pumunta kay Asmodeus? Ano naman ang matutulong ng taong 'yon sa 'kin?
D*mn, ang tanging paraan lang 'ata para masagot ang mga tanong kong 'to ay ang puntahan ngayon si Asmodeus, pero ano naman ang sasabihin ko sa kan'ya? Hindi naman pwedeng sumulpot lang ako sa harapan niya at sabihin kong pinapapunta ako sa kan'ya ni Dexter. Or maybe I can do that? No, that's too insane. Ayokong pumunta sa labanan na wala man lang akong baon na bala.
But, f*ck, should I take the risk? Ayokong mangyari uli ang nangyari kay Dexter, ayokong may mamatay na naman. Pero galing naman 'to kay Dexter, pinagkatiwala niya sa akin ang mga bagay na nalalaman niya kaya dapat pagkatiwalaan ko rin siya.
Tumayo ako at sinuot ang jacket ko, malapit na ang oras para sa dinner kaya malaki ang posibilidad na nasa canteen si President Asmodues. Lumabas na ako sa kwarto ko at sinilip si Rhia sa kwarto niya, mukhang wala pa siyang planong kumain dahil nakita kong nakahiga lamang siya sa kama. Ayoko namang istorbohin siya dahil sobra talaga siyang naapektuhan sa pagkawala ni Dexter.
She's more vulnerable than me, that's why I understand her behavior.
Pagdating ko sa cafeteria, pumila na kaagad ako para makuha na ang pagkain ko. Nagugutom na rin kasi ako.
Habang naghihintay ako sa pila, sinimulan ko nang hanapin si President Asmodeus, malaki ang cafeteria kaya naman medyo nahirapan akong hanapin siya.
"Ahh, miss?" Napalingon ako sa aking tabi, tinatawag na pala ako ng staff. It's already my turn.
Nag-order na ako at makalipas ang limang minuto, nakuha ko na ang pagkain ko. Habang hawak-hawak ko ang tray, inilibot ko ang aking paningin sa buong cafeteria. Naagaw ng lalaking nasa may salamin ang atensyon ko, mag-isa lamang siyang kumakain sa pangdalawahan na lamesa.
Saktong-sakto. Mukhang sang-ayon ang tadhana sa akin ngayong gabi, muntik ko na siyang hindi makilala dahil sa suot niyang salamin. He really looks different.
"Excuse me, President Asmodeus?" tawag ko sa kan'ya habang nakatayo sa harapan niya at hawak-hawak ang tray ko. Nilingon niya naman ako at tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata.
"Do you need something?" malamig niyang tanong sa 'kin, kasing lamig ng boses niya ang yelong nanatili ng isang linggo sa freezer, wala man lang makitang malinaw na ekspresyon sa mga mata niya. Ibang-iba ang level niya sa level namin.
"May nakaupo na ba sa tapat mo?" tanong ko naman pabalik, tumingin muna siya sa paligid para siguro tingnan kung may iba pang bakanteng upuan. Meron naman, ngunit gusto kong umupo sa harapan niya para sa pakay ko.
"May ibang upuan pa naman diyan. I prefer eating alone."
"May kailangan lang akong tanungin sa 'yo. May kailangan ako sa 'yo."
Tiningnan niya ako habang nakataas ang isa niyang kilay. Mukhang nagtataka siya ngayon dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko na papairalin ang pride ko rito, totoo naman talagang ako ang may kailangan sa kan'ya kaya kahit na tumanggi siya ngayong gabi, hindi pa rin ako titigil hangga't sa masagot niya ang mga tanong ko.
"Umupo ka na nga, pinagtitinginan na tayo ng ibang tao," nakakunot-noo niyang sabi. Umupo na rin naman ako sa kan'ya tsaka inilapag na ang mga pagkain na binili ko.
Nagsimula na akong kumain ngunit dahan-dahan lang ako dahil nakatingin ngayon sa akin si President Asmodeus. Nakakunot pa rin ang noo niya habang hawak-hawak ang tasa niyang may laman na kape.
"Quit staring, I can't eat," saway ko at kumain muli. Itinuon niya na lang ang kan'yang atensyon sa labas ng bintana kung saan makikita ang iilan na estudyanteng dumadaan.
Nang nangalahati na ako sa kinakain ko, muli niya akong tiningnan.
"Ngayon, sasabihin mo na ba kung bakit nandito ka ngayon sa harapan ko, Class D President Alhena? Alam mo bang dahil sa ginawa mo, pag-uusapan tayo ng ibang estudyante? Tatanungin nila kung bakit magkasama ngayon ang dalawang presidente ng dalawang magkaaway na klase." Napahinga na lang ako nang malalim at tumango.
Alam ko naman 'yon, maaari talagang pagchismisan kami ng ibang tao, ngunit wala na akong ibang choice.
Gusto ko na kaagad malaman ang lahat ng alam ng lalaking nasa harap ko ngayon. Alam mo kasing kapag hindi ko pa 'to ginawa ngayon, siguradong ito na naman ang magiging dahilan kung bakit hindi ako makakatulog nang maayos.
"May gusto lang sana akong tanungin sa 'yo tungkol kay Dexter," mahina kong sabi. Ayokong isipin ng bang tao na hanggang dito ay pinag-uusapan pa rin namin si Dexter. Ayokong isipin nila na masyado akong mahina para hindi makalimutan ang kaibigan namin.
"What do you mean? Sinasabi mo bang ako o kaya ang klase namin ang pumatay kay Dexter?" walang emosyong tanong niya sa akin. Umiling ako bilang tugon. Isinandal niya naman ang kan'yang likuran sa upuan tsaka tiningnan ako muli. "Then, what do you want? Ano ang bagay na pinag-uusapan natin?"
"I've decoded the message that's given by Dexter. Sinabi niya sa akin na pumunta raw ako sa 'yo, pero hindi ko naman alam kung bakit. Hindi niya rin sinabi ang dahilan, ang tanging laman lamang ng kahon na ibinigay niya ay isang piraso ng papel at isang kahoy na bracelet."
Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Class A President Asmodeus, mula sa pagiging hindi interesado, pinalitan ito ng kuryosidad. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya nang binanggit ko ang kahoy na purselas.
"A wooden bracelet? He gave you a f*cking wooden bracelet?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Tumango na lang ako bilang tugon. Ginulo niya ang buhok niya at muli akong tiningnan nang diretso sa aking mga mata.
"Kahit na anong tingin ko sa 'yo, at kahit sa anong anggulo ko pa tingnan, hindi mo talaga sila kamukha." Hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng kilay dahil sa sinabi niya. What does he mean by that? At sino ba ang mga taong sinasabi niyang hindi ko kamukha?
Mukhang madadagdagan ang mga tanong na tatanungin ko sa kan'ya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kan'ya. Umiling na lang siya at inayos ang suot niyang salamin.
"Nasaan 'yung bracelet na binigay sa 'yo ni Dexter?" Ibinigay ko sa kan'ya 'yung bracelet, pinagmasdan niya 'yon at huminga na lamang nang malalim bago ito binalik sa akin.
"Alam kong may potensyal ka pero hindi ko inaasahan na ikaw pala talaga ang hinahanap namin," seryoso niyang sabi habang may sinusulat sa kan'yang notebook. Mas naguluhan tuloy ako sa mga nalaman ko ngayong gabi.
"Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung ano ang ibig mong sabihin? I think I deserve to know what's going on?" Ibinigay niya sa 'kin ang papel na sinulatan niya. May mga nakita akong numero rito. Mukhang isang klase na naman ng code. Ano ba ang plano niya? Bakit kailangan niya pang ilagay sa klase ng code ang gusto niyang sabihin sa 'kin?
"Patunayan mo sa 'kin na ikaw ang hinahanap namin. Patunayan mo na nakuha mo ang talino ng mga magulang mo," saad niya. Biglang nabuhay ang galit sa loob ng katawan ko.
Ano na naman ang kinalaman ng mga magulang ko rito? Kaya nga pinili kong pumasok sa Lethal High para mawala ang koneksyon ko sa kanila, tapos malalaman kong may kinalaman pa rin pala rito ang mga magulang ko? Paano ba ako makakawala sa hawak nila?
"Pwede nang h'wag mong banggitin sa harap ko ang tungkol sa mga magulang ko? Ayokong makarinig ng kahit na anong bagay tungkol sa kanila," naiinis kong sabi, napangisi naman si Asmodeus dahil sa sinabi ko. He looks amused.
"Alam mo ba kung bakit gusto kong makasigurado na ikaw nga ang hinahanap namin?" Nanatili lamang akong nakatingin sa kan'ya at hinintay na magsalita siya muli. "Dahil ang mga bagay na gagawin natin ay hindi lamang isang laro. Hindi ito pataasan lamang ng puntos, buhay at kinabukasan nating lahat ang nakasalalay dito. At sinakripisyo ni Dexter ang buhay niya para mahanap ka. Tapos sa simpleng bagay lamang ng tulad ng pag-uusap natin tungkol sa mga magulang mo, maiinis ka na. You don't deserve to be admired by other students."
May naramdaman akong kaunting kirot dahil sa sinabi niya. Grabe na ang mga sinasabi niya. Masyadong below the belt na 'yon, at wala siyang karapatan na isali sa ganitong usapan si Dexter.
"H'wag mong isali si Dexter dito. You don't know anything about him, so better shut up." Mas lalong lumaki ang ngisi niya, lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kanan kong pisngi.
"Oh, trust me. I know him more than you do." Iniwas ko ang pisngi ko at masama siyang tiningnan.
"Don't touch me, Asmodeus."
"Alam mo ba kung bakit hindi ka makatungtong sa Class A hanggang ngayon? You said you should never underestimate your enemies, but don't you think you're overestimating yourself, Class D President Alhena?"
- - -
1 Thessalonians 2:11-12
"For you know that we dealt with each of you as a father deals with his own children, encouraging, comforting and urging you to live lives worthy of God, who calls you into His kingdom and glory."