"Let's Play A Game." isang nakakapangilabot na boses ang bumasag sa katahimikan. "It's called, Mirror Mirror on the Wall" dugtong nya.
"Anong kalokohan naman ito?" tanong ng isa sa mga kasamahan ko, hindi ko sya kilala. Tanging yung dati kong kaklase lamang ang kilala ko, bukod dun ay wala nang iba.
"Sa larong ito may dalawang stages, First stage will be the elimination round and the second stage will be the last man standing." Katahimikan, purong katahimikan lamang ang namayani sa buong lugar. Pare-parehong naghihintay sa sunod nyang sasabihin.
"Simple lang ang rules ng laro. Play or Die." pag papatuloy nya.
"What do you mean?" tanong ko.
"Let the game, begin" sabi niya.
Then everything went black..