Download App
23.68% Leaving the Campus Prince (Tagalog/Filipino) / Chapter 9: Chapter o9: Knowing

Chapter 9: Chapter o9: Knowing

×××

"Psst huy! Pangit!"

Tawag ni Xian sa akin. Bahala siya sa buhay niya, ilang araw na rin akong hinahabol ng lalaking ito.

Hindi ko na kasi siya pinapansin kasi gusto ko ng lubayan na niya ako. Pero ito siya ayaw sumuko, naiirita na nga lang ako sa lagi niyang pagtawag sa akin na pangit.

Parang araw-araw nalang pangit nalang ang naririnig ko sa kan'ya. Kulang na lang ipangalan na niya iyon sa akin.

Mabilis akong naglakad kasi ayokong abutan niya ako.

Papaliko na sana ako sa kabilang side ng corridor ng may biglang pumigil sa braso ko.

Iniharap niya ako sa kan'ya at nag tama iyong mga mata namin dalawa. Parihong masama ang tingin sa isa't-isa na parang walang gustong magpatalo sa aming dalawa.

"Ilang araw ka ng ganyan ah! Problema mo ba pangit!"

Galit nito na sabi sa akin.

"Ewan ko sa'yo! Tigilan mo na nga ako!"

Sigaw ko sabay malakas na hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Bumitaw naman din siya at disappointed na natawa.

"Siguro nasa side ka na ngayon ni Asher 'no"

Sabi nito sa akin. Ano naman ngayon sa kan'ya kung kay Dwayne na ako kumakampi. Magaling pala siyang manghula. Eh bakit kailangan pa niya akong habulin?!

"Alam mo na naman pala eh bakit hinahabol mo pa ako?!"

Nakataas na kilay ko sa kan'ya. Sinamaan naman din niya ako ng tingin at muling hinawakan ang braso ko. Pero ngayon subrang higpit na nito humawak at nasasaktan na ako.

Nakatitig lang ito sa mga mata ko habang matalim na nakatingin. Ramdam ko iyong galit niya sa mga mata niya na hindi ko naman maiwasang matakot.

Pero sa kabila ng matatalim na tingin na iyon sa akin ni Xian nakikita ko rin sa mga matang iyon na subra siyang nasaktan.

Binitawan na niya iyong kamay ko at walang sinabi na tumalikod siya sa akin at naglakad na palayo.

Hindi ako makapagsalita kasi bigla ko nalang naramdaman ang lungkot sa mga mata niya.

Parang naawa ako bigla.

Matapos ang pangyayaring iyon sa pagitan namin ni Xian hindi na rin niya ako pinapansin. Parang hindi na nga ako nag eexist sa paningin niya kung lumagpas sa akin pag magkakasalubong kami sa daan.

Siguro tapos na iyong sa pagitan naming dalawa kahit ilang araw pa lang kaming nagkakilala. I mean magkakamping dalawa sa binabalak niya. Ngayong wala na ako sa tabi niya, tuloy parin kaya ang panggugulo ni Xian sa relasyon nila Farra at Dwayne?

Ilang araw rin ang nakalipas at matagal na kaming walang kuneksyon ni Xian sa isa't-isa. At napapansin ko hindi naman niya ako ginawan ng masama. I mean hindi niya ako binully pagkatapos lahat ng ginawa ko sa kan'ya.

Natanong ko tuloy sa sarili ko kung masama ba akong tao pagkatapos kong iwan nalang sa ere si Xian. Pero tama naman din kasi iyon dahil ayoko rin naman sumali sa masamang plano niya.

Naisipan ko rin na makipag-usap kay Farra kaya sinama ko siya sa lugar na pinuntahan namin dati kung saan madalas na akong kumakain, sa secret place ko.

Matapos namin kumain dalawa ni Farra at mag usap ng kung ano-ano hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nagsalita na ako tungkol sa kanilang dalawa ni Dwayne.

"May relasyon na ba kayo ni Dwayne?"

Tanong ko sa kan'ya. Ngumiti naman din siya at napa buntong hininga na may ngiti parin sa labi na nakatingin sa malayo.

"Meron pero alam mo may gusto akong iba"

Sabi niya sa akin. Nanlaki naman bigla ang mata ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kan'ya.

"U-uhm, alam ba ito ni Dwayne?"

Naiilang kong tanong. Habang hindi makatingin sa kan'ya.

"Siguro kasi napapansin mo naman kahit nag d-date kaming dalawa hindi parin mawala sa akin na may gusto akong iba"

"Kaya ba hindi mo pa sinasagot si Dwayne? Sino ba iyong taong gusto mo?"

Sunod-sunod kong tanong. Alam kong halatang naiintriga ako pero hindi ko talaga maiwasang magtanong.

"Oo, pero wag mong sasabihin kay Dwayne kung sino ha?"

Sabi niya at humarap ito sa akin para sabihin iyon. Pilit naman din akong tumango. Ngumiti naman din ulit siya at tumingala na sa langit.

"Alam mo kasi, ang totoo niyan gustong-gusto ko si Xian"

Nang marinig ko iyon bigla akong napatigil habang nanlalaki ang mata sa gulat.

"Si... Si Xian?"

Nakakunot noong tanong ko sa kan'ya. Bakit si Xian ang gusto niya at hindi si Dwayne?.

Mahinhin siyang tumawa.

"Hindi ko rin alam eh basta naramdaman ko lang na siya talaga ang gusto ko"

Sagot niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita at tahimik lang ako sa tabi niya.

Paano kayang si Xian ang gusto niya? At akala pa naman ni Xian si Dwayne ang gusto nito. Pag nagkataon na umamin si Xian sa feeling niya kay Farra may posibilidad na maging sila.

Oh no. Kawawa pala dito si Dwayne kung gano'n.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Ginawa kaya lahat ni Dwayne para kay Farra kulang na nga lang itali niya ang sarili niya dito para araw-araw silang magkasama.

"Kung hindi mo masasamain p'wede bang malaman kong bakit?"

Alinlangan kong tanong sa kan'ya. Kaysa sagutin ako pinalo niya ako sa braso at natawa..

"Bakit naman hindi, kaibigan kaya kita"

Sabi niya sa akin at muling lumingon sa langit habang ninanamnam ang sariwang hangin.

"Natatandaan ko pa noong mga bata pa tayo at si Dwayne pa lamang ang kasama natin, ay may iba na akong gustong maging kaibigan. Isang batang lalaki na hilig mapag-isa malamig magsalita masungit at masama ang ugali. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon may kakaiba akong naramdaman sa kan'ya parang may good side siya na hindi niya lang pinapakita sa ibang mga tao. Sa malayo ko lang siya pinagmamasdan kasi natatakot din ako sa kan'ya dati. Hanggang sa isang araw na bigla na lamang ako ng pilit mo siyang kinaibigan. Kaya sobrang saya ko dahil nakakasama na natin siya no'ng mga araw na iyon. Kahit sobrang sungit niya pilit ko parin siyang kinakausap tulad mo. Hanggang sa umalis ka na para lumipat ng school at tirahan. Nang mag elementary kaming tatlo ni Dwayne at Xian doon ko namalayan na kahit bata pa ako sa araw na iyon alam kong si Xian talaga ang lalaking gusto ko"

K'wento niya sa akin at tumingin sa mga mata ko habang may ngiti sa labi.

"Kahit na may gusto rin si Dwayne sayo noon?"

Hindi ko mapigilang sabi ko sa kan'ya. Mapait naman din siyang ngumiti.

"Oo, lagi ko naman pinapakita kay Dwayne dati na kaibigan lang ang turing ko sa kan'ya at iba talaga ang gusto ko. Pero sadyang makulit siya eh hindi siya sumusuko"

Natatawang sabi niya sa akin kahit halatang malungkot ito. Siguro naawa rin siya kay Dwayne.

"Kaya sana tulungan mo si Dwayne. Tulungan mo siyang mawala ang feelings niya sa akin"


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login