Download App
94.73% Leaving the Campus Prince (Tagalog/Filipino) / Chapter 36: Chapter 36: Our Kiss without Her Memories

Chapter 36: Chapter 36: Our Kiss without Her Memories

×××

XIAN P.O.V

Ilang araw na rin ang nakalipas at sa wakas naka labas na rin nang Hospital si Alice.

Mabuti na ngayon ang kalagayan niya pero hindi parin siya nakaka-alala. May mga tahi rin siya sa iba't-ibang katawan pero sabi ng Doctor mawawala rin iyong bakas ng pagkaka tahi pagkalipas ng ilang buwan.

Tulak-tulak ko siya ng wheelchair habang palabas kami. Habang kasunod ko naman si Asher na dala ang mga gamit ni Alice. Iyong parents naman niya nando'n sa pay station ng Hospital para mag bayad ng Hospital bill ni Alice.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tanong ko sa kan'ya.

"Mmm~ okay naman medyo masakit lang ang mga tahi"

Turo niya sa mga tahi na nasa katawan niya.

"Huwag ka mag alala nandito ako. Aalagaan kita"

Sabi ko habang nasa daan ang tingin.

"Huh?! H-hindi okay lang. Kaya ko naman ang sarili ko, 'tsaka nakakahiya"

Mahinang boses na sagot nito habang nauutal, dahilan nang huminto ako at hinarap siya. Lumuhod ako sa harap niya at tinignan siya ng mabuti.

"Sa ayaw at gusto mo aalagaan kita"

Desperado kong sabi. Napa titig naman siya sa akin at hindi maka imik na namumula ang mukha.

"B-bakit mo ba ito ginagawa. Sino ka ba talaga sa buhay ko?"

Seryoso at nahihiwagaan na tanong niya sa'kin.

Mag sasalita na sana ako ng lumapit si Asher sa amin.

"Anong nangyayare rito?"

Bungad niyang tanong nang maka lapit siya at masama pa akong tinignan.

"Wala ka nang pake alam do'n"

Malamig kong pagkaka sagot. Hihilahin na sana ako ni Asher palayo ng bigla siyang hinawakan ni Alice sa kamay.

"Okay lang ako. Nag usap lang naman kami"

Pag tatanggol sa akin ni Alice dahilan ng binitawan na ako ni Asher.

"Sigurado ka ba d'yan? Baka may sinabi na siya sa'yo na masama"

Sabi ni Asher na matalim akong tinignan.

Wala ata siyang tiwala sa akin. Araw-araw nalang pag kasama ko si Alice, bina-bantayan niya ang mga kilos ko. Nakakairita na.

Tumango naman din si Alice bilang pag Oo, na sigurado ito na wala akong kakaibang sinabi.

Itinaas ko ang isang kamay ko para paalisin na si Asher sa harapan namin ni Alice.

"Alis na, nag uusap kami. Destorbo ka eh"

Sabi ko.

"Siguradohin mo lang. Babalikan ko agad kayo"

Turo nito sa akin na may pagbabanta tapos umalis rin ito para maunang lumabas ng Hospital. Lakad takbo ang ginawa niya habang bitbit ang mga gamit ni Alice. Nang hindi ko na makita sa paningin ko si Asher lumingon na ako kay Alice.

"Tungkol naman do'n sa tanong mo. 'Wag mo munang isipin kung sino talaga ako sa buhay mo, ang mahalaga ngayon ay iyong gumaling ka. Pag gumaling kana nang tuluyan; do'n ko na sasabihin sa'yo kung sino talaga ako"

Sabi ko. Ilang beses naman din siyang napakurap ng mata habang naka tingin sa akin.

"Hindi ko ma explain pero kakaiba ang nararamdaman ko pag kausap at karaharap kita"

Napa titig na lamang ako sa mukha niya. Kung gano'n kahit nakalimutan man ako ng alaala niya hindi naman ako mawawala sa puso niya.

"Huwag kang mag alala lage akong nasa tabi mo hanggang sa maalala mo ako. Pero ano nga ba ang nararamdaman mo pag kausap at kaharap mo 'ko?"

Nahihiwagaan na tanong ko habang naka kunot ang noo. Gusto kong malaman kong ano talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Umaasa ako na mahal parin ako ni Alice kahit nakalimutan na niya kung sino talaga ako sa buhay niya.

"Ang nararamdaman ko? Kung pag babasihan ko ang puso ko, nakakaramdam ito ng sobrang sakit pag nakikita kita. Pakiramdam ko rin galit ako sa'yo. Tika nga may malaki ka bang kasalanan sa akin?"

Nagtataka nitong tanong habang naka kunot noong naka tingin sa akin. Napa lunok naman ako ng laway sa kaba at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Bakit mo naman naisip iyon? Iyan ba talaga ang nararamdaman mo para sa 'kin? Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi iyan lang?"

Tanong ko. Imposibleng hindi niya sabihin sa akin— na sa puso niya mahal niya ako.

"Bakit? Ano ba'ng gusto mo'ng marinig galing sa'kin. May dapat ba akong sabihin sa'yo?"

Tanong niya na may pagtataka. Napa tulala na lamang ako sa sinabi niya at na dissapoint sa sinagot niya. Umaasa ako na sasabihin niya ang gusto kong marinig galing sa kaniya.

"Wala!"

Inis kong sagot at tumayo na sa pagkaka luhod. Aalis na sana ako sa harapan niya ng pigilan niya ako.

"Gusto mo ba'ng marinig ang totoong nararamdaman ko sa'yo?"

Tanong niya dahilan ng mapatigil ako.

"Ano ba iyon"

Sabi ko. Humugot muna siya ng malalim na hininga at hinawakan ang magkabila kong balikat 'tsaka maigi akong tinignan.

"Huwag ka sanang magagalit pero kase iyong totoong nararamdaman ko sa'yo. Pakiramdam ko ayoko sa'yo"

Nang marinig ko iyon napa tulala na lamang ako. Parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ng malaman ko ang totoong nararamdaman niya para sa'kin.

"Ayaw mo sa'kin?"

Turo ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilan hindi maging malungkot. Ang sakit naman ata ng sinabi niya. Ito na ba ang tina-tawag nila na Karma? Kung narinig pa ito ni Asher baka kanina pa iyon nag didiwang sa tuwa at sinigawan ako ng "Deserve!" sabay tawa.

Naluluhang umiwas ako ng tingin sa kaniya. Pini-pigilan ko ang sarili ko na hindi tumulo ang mga luha ko sa mata.

"Okay ka lang ba? Sorry kung nasaktan kita. Hindi naman iyon totoo eh! Feeling ko lang din naman iyon!"

Pag papagaan ng loob sa akin ni Alice. Hindi ko siya pinansin at tumayo na lamang ako sa pagkakaluhod.

Mabilis pero marahan ko naman siyang itinulak palabas ng Hospital habang siya ay nagsasalita ng sorry sa'kin.

Nang makalabas kami ng Hospital agad kong nakita si Asher dahilan ng lumapit ako sa kan'ya at binigay ko bigla sa kaniya si Alice na walang ibang salita na sinabi, basta bigla ko nalang iniwan si Alice sa kaniya at deretsong pumasok na lamang ako sa sasakyan 'tsaka palihim na napa mura.

Naiinis kase ako, sa sobrang inis ko gusto kung sumigaw.

Narinig ko pa sa labas ng Van ang pag ku-kuwentuhan nila Asher at Alice.

"Anong nangyare sa lalaking iyon?"

Tangkang tanong ni Asher.

"May sinabi ako sa kaniya na talagang kina-galit niya"

Rinig kong sagot ni Alice sa malungkot na boses.

"Huh? Ano naman iyon? Ginalit mo talaga siya? Nakalimutan ko palang sabihin masama iyong magalit"

Sabi ni Asher.

"Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi? Natatakot na tuloy ako"

"Huwag kang matakot. Nandito naman ako. Akong bahala sa'yo, ipagtatanggol kita kay Zkei. Basta sa susunod huwag mo na siyang pagalitin, masama talaga siyang magalit"

Sabi ni Asher at pinahina ang huling salita na sasabihin niya kay Alice. Parang ayaw niyang may ibang makarinig.

"Bakit? P-paano ba siya magalit?"

Tanong ni Alice. Mukhang natatakot na sa mga sinabi ni Asher.

"Nanununtok iyon kahit babae. Madali kasi uminit ang ulo nun at hindi niya makuntrol ang sarili niya pagka gano'n"

Sumbong ni Asher dito. Napa singhap na lamang ako sa narinig at mas lalo pang nakinig sa pinag uusapan nila. Totoong hindi ko makuntrol ang sarili ko pag galit ako. Inilalabas ko ang sama ng loob ko sa mga taong gumawa ng dahilan bakit nagagalit ako. Pagkatapos kong masaktan magiging okay na ako.

Pero huwag akong huhusgahan agad dahil minsanan lang mangyare iyon sa 'kin na nanununtok ako ng babae. Oo aaminin ko may nasuntok na 'ko noon pero nung mga bata pa lang kami. Kadalasang kasuntukan ko mga lalaki tulad ni Asher na lage ako gina-galit.

"Pa'no na Dwayne, nagalit siya sa'kin susuntukin niya ba ako kahit kakalabas ko lang ng Hospital?"

Tanong ni Alice. Parang takot na takot talaga siya.

"Hindi natin masasabi. Siguro Oo, walang patawad iyon pag nagalit"

Sabi ni Asher. Nang marinig ko iyon lumabas ako ng Van at sinigawan siya.

"Anong pinagsasabi mo kay Alice! Sinisiraan mo ba ako! Hindi ko siya sasaktan kahit kumulo man ang dugo ko sa kan'ya"

Pagtatanggol ko sa sarili ko. Pag tingin ko kay Alice naka hawak ito sa kamay ni Dwayne.

Pinanlisikan ko si Dwayne ng mata dahil sa mga sinabi niya kay Alice. Wala pa nga akong pogi points kay Alice ito na siya at sinisiraan ako.

Kaibigan ba talaga ang turing nito sa akin? Bakit parang gusto niyang ilayo sa'kin si Alice?

Bumaba ako ng Van at lumapit kay Dwayne. Hinila ko siya palayo kay Alice. Nang makalayo kami ng kaunti kay Alice bigla ko tinulak ang balikat niya sa inis.

"Bakit mo ba ako sinisiraan? Akala ko ba dahil lang ito sa ayaw mo ma-trigger ang pag sakit ng ulo ni Alice, kaya ayaw mo akong kuwentohan siya tungkol sa aming dalawa? Ano 'to ha! Ano ba talagang bina-balak mo'ng gawin sa aming dalawa?!"

Sigaw ko sa kan'ya dahil sa galit.

"Wala akong dapat na sabihin sa'yo. Ang gawin mo maghintay na alalahanin ka ni Alice. Mahirap ba'ng gawin iyon? O baka gusto mo lang masaktan siya para sa sariling kapakanan mo"

Dahil sa narinig ko tinulak ko siya ng malakas dahilan ng ma out of balance siya pero nakuha naman din niyang tumayo.

"Hindi ako maka sarili. Alam mo ba ang mga pinag dadaanan ko? Naisip mo rin ba kong anong naramdaman ko ng iniwan ako ni Alice? Hindi ba, hindi mo alam? Kase si Alice lang lage nasa isip mo kasi mahal mo siya kahit nag kamali na ang taong mahal mo wala kang pake alam. Parang masaya ka pa nga ng iniwan niya ako. O siguro ikaw ang nagtulak sa kan'yang layuan na ako"

Panunumbat ko sa kan'ya dahilan ng maka tanggap ako ng malakas na suntok galing sa kaniya. Nalasan ko pa ang dugo na nasa labi ko na sobrang hapdi kung hawakan.

Napa ngisi ako ng lumingon ako sa kaniya. Hindi ko ininda ang sakit na ginawa niyang pag suntok sa akin.

"Hindi mo rin alam kung anong ginagawa ko. Iniisip mong inilalayo kita sa kaniya? Sige mag isip ka. Wala akong pake alam, ang sini-sigurado ko lang ay iyong ginagawa ko'y nakakabuti kay Alice."

Walang bahid na takot sa mga mata niya ng sabihin niya iyon dahilan ng mainis ako sa kaniya at sinuntok siya sa mukha.

"Ang lakas rin ng loob mo para sabihin iyan sa'kin ah— Bakit! Dahil ba sa may ipagmamalaki ka, na naaalala ka ni Alice samantalang ako nakalimutan niya, dahil sa mga nagawa ko sa kan'ya kaya ayaw niya sa'kin at galit siya!"

Sigaw ko. Puno nang galit at inis ang nararamdaman ko ngayon gusto kong sumigaw sa sobrang galit. Ang sikip rin ng dibdib ko ngayon, pakiramdam ko ang hirap huminga.

"Puro ka nalang maling akala. Wala ka na ba'ng tiwala kay Alice? Iyon lang ang nararamdaman niya ngayon dahil bago siya na aksedente at nawalan ng alaala iyon na ang naiwan sa kan'ya ang sakit at galit. Kung hindi mo sana pinalala ang setwasyon niyong dalawa. Edi sana hindi nangyare ito, tapos ngayon sisisihin mo 'ko? Pasalamat ka nga kaibigan parin ang turing ko sa'yo at hindi karibal"

Sabi ni Asher. Hindi ako maka imik at tinignan ko lang siya habang habol ang hininga. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil sinundan na kami ni Alice.

"Siguradohin mo lang na hindi mo siya aagawin sa'kin"

Sabi ko at umalis agad sa harapan niya. Nang makadaan ako sa harap ni Alice tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako nakinig at nilagpasan lang siya.

Wala pa ako sa sarili para harapin si Alice baka siya pa ang pag buntunan ko ng galit pag naka harap ko siya.

--

Ilang araw na, at kaya nang tumayo ni Alice mag isa na walang wheelchair kaya sinamahan agad namin ni Asher si Alice para magpa enroll, same University parin pero magkaiba parin ng course.

Ang kursong kinuha naman ni Alice ay BSABME ibig sabihin Bachelor of Science in Agribusiness Management and Entrepreneurship. Nang malaman ko iyon hindi ko mapigilang hindi mamangha kay Alice. Sa lahat ng course ito ang napili niya, talagang kakaiba ang babaeng ito.

Hindi ko akalain na mag aaral siya ng agriculture, akala ko kase tulad ng ibang mga babae doctor, pang opisina, teacher, ang mga kukunin nitong course. Pero iba siya.

"Sigurado ka na ba d'yan sa course na pinili mo?"

Tanong ni Asher sa kan'ya pati siya nagulat sa pinili ni Alice.

"Oo naman, pinag isipan ko ito ng mabuti. Gusto kong mag alaga ng hayop mga halaman at maka tulong na rin sa mga taong nasa bukid at magandang business ang mga iyon dahil kailangan ng mga tao ang araw-araw na pagkain tulad nalang ng gulay at karne pati ang mga puno na araw-araw nating pinapa kinabangan para makahinga gusto ko mag tanim ng marame"

Masiglang sabi ni Alice. Napa tingin na lamang kami sa isa't-isa ni Dwayne at napa kibit-balikat na lamang.

"Kung iyon talaga ang gusto mo su-suportahan ka namin"

Naka ngiting sabi ni Asher habang hawak ang toktok ng ulo nito.

Nagulat na lamang kaming dalawa ni Asher ng yakapin siya Alice.

"Salamat Dwayne"

Naka ngiti ito ng matamis kay Asher habang yakap niya ito sa may baywang.

Napa angal ako at agad siyang inilayo kay Asher na tulala kay Alice.

"Huwag ka ngang basta-basta yumakap! Kita mo bang nangyare kay Asher, nabigla siya sa ginawa mo! Ang ibig sabihin nun bawal mo siyang yakapin!"

Malakas na boses na sabi ko sa kan'ya. Dahilan ng bumalik sa katinuan si Asher at agad akong binatukan.

"Anong pinagsasabi mo! Huwag kang maniwala sa sinabi ni Zkei hindi totoo iyon"

Sabi niya kay Alice. Aba gusto pala nito ng away eh.

"Suntukan nalang!"

Paghahamon ko ng away kay Asher. Na kina-tingin nilang pariho.

Bigla akong niyakap ni Alice dahilan ng matumba kaming dalawa sa sahig. Shit! Hindi ko na balanse ang sarili ko, biglaan kase!

"Alice okay ka lang ba? Bakit mo ginawa iyon?!"

Inis kong sabi sa kan'ya. Niyakap lang naman niya ako, habang ang mukha niya ay nasa dibdib ko at nag tatago.

"Nag seselos ka ba? Huwag ka ng magalit bibigyan na rin kita ng yakap"

Naka pout na sabi nito sa akin na kina pula ko ng pisnge abot tenga at leeg. Naka titig ito sa mga mata ko at aaminin ko hindi talaga siya kagandahan pero siya ang nagpapatibok ng mabilis sa puso ko.

Nakaka-miss talaga siya sana maalala na niya ako.

Hindi ko namalayan na hinalikan ko na pala sa labi si Alice dahilan ng bumalik ako sa sarili ng tinulak niya ako palayo sa kan'ya. Itinayo naman rin siya agad ni Asher na naka tingin rin sa akin na may inis sa mukha.

Shit! Bakit nagawa ko iyon?!

"B-bakit mo ko hinalikan? Baliw ka ba?"

Tanong ni Alice habang hawak ang labi niya. Namumula na rin ang pisnge niya. Hindi ko alam sa hiya ba iyon o kilig.

"I'm sorry nawala ako sa sarili. Please kalimutan na sana natin iyon"

Naka yukong paumanhin ko sa kaniya. Napa kagat ako ng labi at mahigpit na napakamao ng kamay habang hinihintay mag salita si Alice.

Kaysa magsalita siya tumakbo ito palayo sa akin. Kaya napa angat ako ng tingin para sundan ng tingin si Alice papalayo.

Isang hakbang ang ginawa ni Asher habang naka tingin sa akin na naka pamulsa.

"Wrong move ka ata ngayon Zkei. Anong gagawin mo?"

Tanong ni Asher. Tumayo ako para harapin siya.

"Mag s-sorry ako malamang"

Malamig kong sagot at nilagpasan na siya. Susundan ko si Alice, ayokong mailang siya sa akin pag nakita niya ako.

Hinanap ko siya sa iba't-ibang department dito sa University pero hindi ko siya makita kahit paikot-ikot na ako at pabalik-balik wala talaga. Hanggang sa naalala ko hindi ko pa na pupuntahan ang rooftop.

Iba't-ibang rooftop ang pinuntahan ko pero hindi ko parin mahanap si Alice hanggang sa makarating ako sa pinaka huling rooftop na pupuntahan ko.

Sa wakas nakita ko rin siya nakatayo do'n at pinagmamasdan ang kapaligiran.

Lumapit ako sa kan'ya ng dahan-dahan kasi ayokong mabigla siya baka umalis na naman at takbuhan ako.

Tumabi ako sa kan'ya dahilan ng mapa-tingin siya sa'kin. Inaanod ng hangin ang hibla ng buhok niya. Dahilan ng mawala na naman ako sa sarili at hahawiin ko na sana ang hibla na iyon para ilagay sa likod ng tenga niya. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko kaya binawi ko ang kamay ko at nag kunwaring naubo 'tsaka tumingin sa malayo.

Humugot ako ng malalim na hininga at ibinuga ito para kumuha ng lakas ng loob. Kailangan kong e-relax ang sarili ko para humingi ng sorry sa kan'ya, sa ginawa kong pag halik.

"Galit ka ba sa'kin?"

Unang tanong ko habang nasa malayo ang tingin. Umiling ito bilang sagot na "hindi" habang naka tingin sa'kin.

"Bakit ka tumakbo?"

Pagtataka ko at lumingon sa kan'ya para tignan siyang mabuti.

"Hindi ko alam siguro na bigla lang ako"

Sagot niya na naka simangot. Hindi na lamang ako nag salita at tumingin na ulit sa malayo.

"Alam mo kinabahan ako. Akala ko talaga magagalit ka sa ginawa ko"

Sabi ko habang pinaki-kiramdaman ang simoy ng hangin na tumatama sa mga balat namin pariho.

"Hindi ko nga alam kong bakit hindi ko magawang magalit sa'yo ngayon. Nang hinalikan mo ko sa totoo lang p-parang..."

"Parang ano?"

Atat kong tanong. Tinignan naman niya ako.

"P-parang nagugustuhan ko pa ata ang halik mo"

Naiilang at nahihiyang sabi nito habang namumula ang pisnge.

Ilang beses akong napa kurap ng mata dahil sa hindi ako maka paniwala.

"Totoo ba iyan? Kung gusto mo, ulitin natin!"

Malakas na boses na pagkakasabi ko.

"Huh?! Nababaliw ka na ba? Ayoko! Hindi naman kita boyfriend!"

Sabi nito. Hinawakan ko bigla ang kamay niya.

"Edi ligawan kita!"

Sagot ko habang naka titig sa mga mata niya. Binawi naman niya ang kamay niya na hawak ko at inilayo ito sa akin.

"Ayoko nga! Hindi kita gusto 'tsaka hindi pa kita mas'yadong kilala. Hibang kana ba?"

Na c-creepy-han na tinignan niya ako. Napa buntong hininga na lamang ako 'tsaka napa hawak ng sintinido.

"Siguro nga baliw na ako. Baliw na ako na mapa-sa'kin ka ulit"

Titig na sagot ko sa kaniya. Pero napa kagat rin ng labi at biglang tumalikod dahil sa inis.

"Joke lang iyon. Pangit mo"

Bawi ko sa sinabi ko nang humarap ako sa kan'ya. Nang matapos ko iyon sabihin umalis agad ako para iwan siya.

Narinig ko pa ang pahabol niyang sagot. No'ng hindi ko pa tuluyan naisara ang pinto ng rooftop.

"Oo na! Ikaw na ang guwapo pero masama ang ugali mo! Argh! Nakakainis ka!"

Sigaw niya, napa iling na lamang ako at tuluyan ng binitawan ang doorknob sa pintuan ng rooftop.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C36
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login