×××
"D-dwayne, ano bang pinagsasabi mo?"
Tanong ko habang may kunot sa noo at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Kinuha naman niya ito pabalik 'tsaka mahigpit niya itong hinawakan na parang ayaw niya na itong bitawan.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman.
Hindi rin ma-e-proseso nang maayos ng utak ko dahil sa mas'yadong mabilis ang mga pangyayare.
At hindi ako makapaniwala na sasabihin ito ni Dwayne sa gitna pa ng break up namin ni Xian.
Alam kong 3 months na kaming break pero hindi parin mawala ang pagmamahal ko sa lalaking iyon.
Hindi ko tuloy maiwasan isipin na— Ito na nga ba ang chance para maging masaya rin ako?
Kasi si Xian may Farra na habang ako naman— ito nag-iisa at hindi parin maka move on sa kan'ya.
Pero ayoko gawing rebound si Dwayne dahil sa nasasaktan ako. Alam niya iyon kung gaano ako nahihirapan sa nangyayare patungkol sa break up namin dalawa ni Xian.
Tumingin ako sa mga mata niya.
"I'm sorry Dwayne pero; kasi hindi pa ako nakaka move on kay Xian. Ayokong isipin na sinagot lang kita para gawing panakip bukas"
Honest na pagkakasagot ko sa kan'ya. Alam kong rejection na ang tawag do'n pero kailangan kong sabihin para hindi siya umasa at 'di lalong masaktan.
Nasasayangan din kasi ako sa pagka-kaibigan namin ni Dwayne kung uuwi kami na magka relasyon— at sa huli naman nito ay break.
Tulad ng relasyon ko kay Xian ayokong mauwi rin kami ni Dwayne na wala ng interaction sa isa't-isa na para bang parihong hindi na kilala ang isa't-isa. Lovers to strangers nalang kung baga.
"Aware naman ako do'n Alice, ang totoo— okay lang sa akin na maging panakip butas. Gusto ko lang na mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Alam ko sa sarili ko na mali pero naisip ko baka ito nalang ang natitirang choice mo para makalimutan siya; ang makipag blind date."
Kinunutan ko lang siya ng noo at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Dwayne? Bakit mo ba iyan sinasabi— kahit ano pang sabihin mo hindi ko gagawin iyan sa'yo. Importante ka sa'kin; ayokong gamitin ka para lang makalimutan ko si Xian; At kaya kong mag-isa mag move on ng walang tulong mo o kung sino man na lalaki!"
Deretso kong sambit sa kaniya at sinubukang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Naiirita ako dahil sa mga pinagsasabi ni Dwayne. Alam ng broken hearted ako, ito pa ang sasabihin niya sa akin.
"Paano kong sabihin ko sa'yo na may nararamdaman ako sa'yo"
Seryoso niyang sabi.
Hanggang ngayon hawak parin nito ang kamay ko. Hindi ko magawang tanggalin dahil sa lakas ng kapit nito sa kamay ko.
Napatawa na lamang ako na may kasabay pa na sarkastiko.
Alam kong nakaka insulto pero iyon ang naging reaction ko ng marinig ko ang sinabi niya.
May feelings? Sa pangit ko na'to?!
"Pinagloloko mo ba ako Dwayne? Ito ba ang paraan mo para mawala ang sakit na nararamdaman ko? Kung oo, itigil mo na iyan— dahil 'di na ako natutuwa sa'yo!"
Nainis ko na sabi sa kan'ya. Hindi naman siya natinag at tinignan parin ako mata sa mata.
"Seryoso ako rito Alice, hindi ako nagkakamali patungkol sa feelings ko sa'yo ngayon— na gusto kita. Alam kong 'di ka pa ready sa ngayon dahil mahal mo pa si Xian, pero kung magiging tayo katagalan; hindi mo na mapapansin na nakalimutan muna siya at ako na iyong papalit d'yan sa puso mo. Magtiwala ka sa'kin alalagaan at mamahalin kita, mas higit pa sa pagmamahal na ibinigay sa'yo dati ni Xian"
Gustong sumabog ng utak ko sa mga pinagsasabi niya na kulang nalang mag walk out ako at iwan siya rito.
Gusto kong mapag-isa at isipin ng mabuti ang sinabi ni Dwayne.
Buti nalang bumitaw na siya sa kamay ko kaya mabilis na napahawak ako ng ulo ko sa sobrang lito ng utak ko.
"Bigyan mo muna ako ng panahon mag-isip"
Sabi ko 'tsaka tumalikod sa kan'ya habang hawak ang ulo ko.
Tahimik naman siya na sinundan lang ako ng tingin na umalis; papalayo sa kan'ya.
×××
DWAYNE P.O.V
Nang umalis si Alice napa upo nalang ako rito sa buhanginan at napa tingin sa malawak na dagat.
Alam kong mas'yadong biglaan ang lahat. Pero masisisi niyo ba ako kung hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kan'ya?
3 months naman din silang break ni Xian at 3 months na rin kaming magkasama ni Alice. Habang magkasama kami alam kong unti-unting may bumubuo na feelings sa akin.
Hindi naman mahirap mahalin si Alice eh.
Tama ang sabi ni Xian masarap kasama si Alice. Sa tagal ko siyang nakasama hindi ko na napansin na unti-unti na pala akong nagkaka gusto sa kan'ya.
Hindi lang iyon hinahanap-hanap ko rin ang presensya niya.
Na parang— pag wala siya parang may kulang sa pagkatao ko. Pag wala siya parang walang kulay ang mundo ko.
Nang makita kong palayo si Xian sa kaniya— kanina, naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Alice.
Parang ayoko siyang patuloy na nasasaktan. Gusto ko siyang pasayahin tulad ng ngiti na pinapakita niya pag lage kami nagkikita noon.
Napaka hirap isipin na nagka gusto ako sa kan'ya kahit hindi naman siya kagandahan.
Pero kasi pag puso mo na ang tumibok wala ka ng paki alam sa hitsura.
Gano'n naman talaga ang pagmamahal walang pinipili; ma pa babae, lalaki, matanda man o bata. Titibok iyan kahit hindi mo naman kagustuhan.
Sapagkat iyon ang nararamdaman ko ngayon para kay Alice, at hindi ko na talaga iyon mapipigilan.
Alam kong may pagkakamali ako ngayon dahil bigla nalang akong nag confess sa kan'ya pero wala akong paki alam basta masabi ko lang ang nararamdaman ko dahil pag hindi ko sinabi. Hindi mapapanatag ang puso at isip ko.
Ngayon ng inamin ko na; parang na relieved ako ng kaunti. Sana lang talaga may makuha akong sagot kay Alice.
Kahit ano man ang sagot nito sa itinanong ko sa kan'ya kanina; tatanggapin ko.
Basta nasabi ko na ang matagal ko ng gustong sabihin. Tama na iyon para kumalma ang isipan ko.
Habang naka tingin sa sunset. Napa sapo na lamang ako ng noo.
Sana pala sinundan ko si Alice para ihatid siya sa kanila. Nag alala tuloy ako bigla.
Kukunin ko na sana sa bulsa iyong phone ko. Kaya lang naalala ko kailangan pa pala ni Alice ng time para isipin ang mga bagay na sinabi ko sa kan'ya.
Sayang ang ganda pa naman ng sunset rito sa kinauupuan ko kaya lang wala sa tabi ko si Alice.
'Di bali sa susunod nalang pag may sunset sisiguraduhin kong sabay kaming manonood nito— kaibigan man o magka relasyon.
×××
XIAN P.O.V
Gusto kong magsisi si Alice sa ginawa niyang desesyon. Hindi man lang niya inisip ang nararamdaman ko.
Kusa nalang siyang nag desesyon. Nasaktan ako s'yempre, paano niya nagawa 'to. Kusa na lamang niya akong ibinigay sa iba na parang pinagsawaan na laruan.
Galit, lungkot, disappointment ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa niya.
Kaya ko nasabi iyon— ang totoo nagsisisi ako sa sinabi ko. Lahat ng iyon kasinungalingan lang. Mahal ko parin siya hanggang ngayon. Tiniis ko lang talaga ang sarili ko na hindi bumalik sa kan'ya dahil gusto kong ma realize niya na mali ang napili niyang ibigay ako kay Farra.
Ang totoo naaawa ako para kay Farra pero 'di ko magawang maging mabait sa kan'ya subalit galit ang nararamdaman ko— dahil sa kan'ya naghiwalay kami ng babaeng mahal ko.
Sana lang talaga matapos na itong lahat.
Ngayon; nasa bahay nila ako at araw-araw kong binisita si Farra.
Kahit sa totoo lang napilitan lang ako. Lalo na pagkasama si Farra napipilitan akong pakisamahan siya.
Boyfriend na nga ba ako ni Farra?
S'yempre hindi. Bakit ko naman gagawin girlfriend si Farra kung hindi naman siya ang laman ng puso ko?
Hindi ko ipagpapalit si Alice rito sa puso ko.
Pag nag pumilit pa si Farra na gawin ko siyang girlfriend, hindi talaga ako mag da-dalawang isip na iwan siya. Wala akong paki alam kung may sakit siya, mamatay siya. Kasalanan niya dahil hindi niya tinutulungan ang sarili niyang gumaling. Ginamit pa niya ang sakit niya para may advantage siya kay Alice para ma pa sa kaniya ako.
Mangarap siya! Malas niya lang dahil matalino ako kaya mabilis ko lang nalaman ang plano niya.
Napa lingon ako ng hawakan ni Farra ang braso ko at niyakap ito na parang nag lalambing.
"Bakit ka umalis kanina? Huwag mo na sana ulitin iyon"
Nagtatampo niyang sabi.
Naiinis ko siyang tinignan kaya napa tigil siya at bumitaw sa akin 'tsaka napa yuko ng ulo; halatang natakot.
Dapat lang dahil kanina pa kumukulo ang dugo ko sa kan'ya. Kung hindi ko lang sana na meet ang parents niya edi sana matagal ko na siyang iniwan.
Napabaling na lamang ako sa phone ko ng tumunog ang notification na messager.
Nagtatakang pinindot ko ito dahil group chat ito galing sa batch namin no'ng High School.
Ang daming ini add sa G.C isa na do'n si Alice at Dwayne na agad kong namataan ang pangalan ng e add ito.
'Para saan ba 'to?'
Tanong ko sa isip na may pagtataka sa mukha.
Sunod-sunod naman na message ang nabasa ko.
Ang topic nila ay tungkol sa camping.
Balak ng mga kaklase ko na mag camping kami sa sabado.
Bigla akong nabuhayan dahil makikita ko ulit si Alice. Kaya lang bawal ko siyang lapitan dahil sa isang ito.
Malamang kasama rin si Farra dahil ka batch rin namin siya sa High School kahit nasa iba siyang section.
Napalingon ako sa kan'ya dahil naka tingin rin siya sa phone niya at binabasa ang mga message ng mga pinag uusapan ng batch namin.
"Puwede ba tayong pumunta Xian? Mukhang exciting kasi at masaya"
Naka ngiti nitong sabi sa akin.
Tumahimik lamang ako at hindi umimik na ibinaling ang tingin sa screen ng cellphone ko.
Nakita kong isa sa mga seeners na nagbabasa sa mga message ay si Alice.
Nang makita nila na nag seen si Alice napuno ng kutya ang message pa tungkol sa kan'ya.
Hanggang ngayon parin ba binu-bully parin nila ito?
Dahil sa mga nabasa kong masasakit na salita tungkol kay Alice ay gusto kong mag send ng emoji na galit.
Gagawin ko na sana iyon ng mapatigil ako ng unahan akong mag send ni Dwayne ng galit na emoji.
Napa mura na lamang ako ng palihim at ini-off na lamang ang cellphone ko 'tsaka mahigpit na hinawakan ang phone dahil sa nararamdamang galit.
Tiyak na hindi pupunta si Alice dahil sa mga bully na'to. Shit!
×××
ALICE P.O.V
Ang sakit nila magsalita sa chat akala mo naman ang p-perfect.
Pangit din naman sila kung walang make up sa mukha. Napapahid na lamang ako sa luha ko at niyakap ang unan— nasa k'warto na ako ngayon.
May Camping ang buong batch namin at sa sabado na ito gaganapin. Kung puwede lang sana na huwag akong pumunta— kaya lang kailangan kasi para sa picture taking ng school for remembrance. Para itong year book ng campus. Sabihin na natin magazine patungkol sa batch namin.
Kailangan nila kaming e-enterview para isulat do'n ang naging buhay estudyante namin— s'yempre isa-isa kaming tatanungin ng interviewer; kung sino man ito.
Kinakabahan ako dahil pangit naman ang naging buhay ko bilang High School student sa campus na iyon.
Ang bigat tuloy ng dibdib ko.
Lalo na't iyong mga panahon na iyon alam nilang may gusto sa akin si Xian. Ang Campus Prince na nagka gusto sa isang nerdy at pangit na katulad ko.
Siguradong dudumugin nila ako sa galit kaya maghahanda na ako.
Ihahanda ko ang sarili ko physically and mentally para hindi mas'yadong masakit sa dibdib.
Ako pa ba? Sanay na ako sa mga pambu-bully nila.
Napa lingon ako sa cellphone ko ng may tumawag. Nang tignan ko, si Dwayne ito.
'Di ba sabi ko sa kan'ya bigyan niya ako ng oras? Ano na naman ba ang sasabihin nito at tumawag?
Kahit naiinis sinagot ko na lamang ang tawag niya.
Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang sasabihin niya.
Alam kong hindi bagay sa akin ang mag sungit dahil hindi naman ako kagandahan at alam kong wala akong karapatan mag sungit sa isang lalaki na guwapo. Pero kasalanan ko ba kung pa bigla-bigla si Dwayne?!
"Alice, pupunta ka ba?"
Tanong nito sa akin. Napa upo ako ng maayos sa pagkakadapa sa kama at bumuntong hininga.
"Ano pa bang magagawa ko"
Sagot ko sa kan'ya sa walang ganang busis.
Tumahimik siya sandali kaya nag taka ako at tinignan ang screen ng phone ko. Akala ko wala na siya pero patuloy parin naman ang tawag.
"Hello?"
Sabi ko, kasi wala na akong marinig na busis sa kabilang linya.
Narinig ko nalang siyang bumuntong hininga.
"I'm sorry Alice, kanina— kalimutan mo nalang ang sinabi ko"
Sabi niya sa akin. Bigla akong napatigil at hindi makaimik sa sinabi niya.
Ang ibig niya bang sabihin kalimutan ang feelings niya?
Tumahimik ako para mag isip ng mabuti.
Habang nag iisip may sumagi sa isipan ko. Kaya tinawag ko agad ang pangalan niya.
"Dwayne, may sasabihin ako sa'yo"
Sabi ko sa kan'ya. Alam kong nakikinig siya sa kabilang linya kaya bumuntong hininga muna ako bago ko sabihin sa kaniya.
"Papayag na ako"
Sagot ko sa kan'ya dahilan ng marinig kong mabilis siyang gumalaw dahil sa gawa nitong ingay.
Tama ba itong desesyon ko? Sana talaga hindi ako magsisisi sa gagawin ko.