×××
Alice Point Of View
Pinamulahan ako ng mukha dahil sa ginawa ni Xian.
Hinalikan na naman niya ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko.
Pakiramdam ko ang saya-saya ko.
Ganito ba talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang taong mahal mo?
Ganito bang mag mahal na handa mong isuko ang lahat para sa kan'ya?
Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt niya at tumugon sa kan'yang halik.
Kahit nakakakaba masarap naman sa pakiramdam.
Ang lalaking ito kung totoosin hindi nababagay sa isang katulad ko.
Ako na isang normal lang na babae hindi kagandahan, hindi palaayos, walang hubog ng katawan pero minahal ni Xian.
Matalino siya, guwapo, habulin ng mga babae, halos lahat nalang nasa kan'ya na maliban sa kan'yang ugali.
Pero nagbago na siya hindi na siya masyadong nag susungit, kalmado na rin siyang magsalita pero minsan pilosopo parin siya kung magsalita pero ayos lang nasanay na rin ako, gano'n siya eh at minahal ko siya kahit gano'n ang ugali niya.
Bumitaw siya sa halik namin at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
"Mahal kita Alice, mahal na mahal"
Sambit niya at hinalikan ang noo ko.
Niyakap ko nalang siya at napa ngiti.
"Mahal na mahal din kita Xian"
Tugon ko.
Hapon na at nasa park parin kami at nag-uusap nang napag pasyahan kong umuwi na pero itong si Xian nakahawak sa bewang ko.
"Xian umuwi na tayo"
Sabi ko sa kaniya. Umiling siya at tinignan ako. Nakatayo lang ako habang siya naka upo sa bench at nakayakap sa bewang ko.
Nang naging mag girlfriend/boyfriend kami ni Xian nagsisimula itong umasta na parang bata. Gusto mag pa baby ng isang ito.
Hinawakan ko ang ulo niya at hinimas-himas ang kan'yang buhok.
Tinitignan na kami ng mga tao sa paligid.
Dumadami na kasi ang mga tao sa park pagsapit ng dapit-hapon dahil na rin sa sunset at maganda ang tanawin sa park pag gabi dahil sa mga magagandang light shows.
Alam kong napaka guwapo ng ka date ko kasama ang isang pangit na katulad ko. Alam kong hindi kami bagay alam ko.
May narinig pa akong bulungan ng mga tao sa paligid kung paanong naging ka date ko ang isang guwapong lalaki.
Hindi maiwasan dahil napaka attractive ni Xian kahit nakatalikod lang siya ay mapapatingin ka talaga.
Tinignan ako ni Xian ng kanina pa ako tahimik.
Napalagok ako ng laway ng makita ang napaka gandang mata niya ang mapula niyang labi at makinis nitong mukha, ang matangos nitong ilong.
Gusto kong tumili dahil hindi ako makapaniwala na may isang Xian ang magmamahal sa akin.
"Kanina ka pa tahimik d'yan, okay ka lang?"
Tanong nito sa akin. Tumango na lamang ako. Pero ang totoo malungkot ako.
Hindi ko maiwasang mabahala na baka isang araw mawawala ang pagmamahal sa akin ni Xian.
"Sige na nga umuwi na muna tayo"
Sabi nito hindi na lamang ako nagsalita at tumayo na rin siya sa pagkakaupo.
"Ihahatid na kita. Akin na iyong bag mo"
Sabi niya at kinuha ang bag ko. Tinignan niya muli ako at tinitigan na parang may gustong alamin sa kinikilos ko.
"Mukhang hindi ka naman okay eh. Ano ba talagang problema mo?"
Naiinis na tanong niya. Yumuko ako at napa upo sa bench.
"Bakit sa katulad ko pa"
Sambit ko habang naka yuko. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi at iniharap sa kan'ya.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Galit na tinignan niya ako. Umiwas ako ng tingin.
"Tignan mo ko sa mata at sabihin mo sa akin ang problema. Pag ayaw mo sabihin mababaliw ako kakaisip"
Sambit niya. Mukhang frustrated na siya.
Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Ngumiti lang ako ng pilit.
"Pagod na ako Xian umuwi na tayo"
Sambit ko sa kan'ya. Sandalian siyang tumahimik at tinignan lang ako.
Malalim siyang napa buntong hininga at niyakap ako.
"Tandaan mo mahal na mahal kita"
Sabi niya at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin.
Tumango na lamang ako.
Tumayo na kaming dalawa at naglakad na magkahawak kamay, dala nito ngayon ang bag ko.
"Gusto mo ba ihatid na kita hanggang sa bahay niyo?"
Tanong niya umiling ako.
"Okay lang sa taxi mo nalang ako ihatid"
Sambit ko.
"Sigurado ka ba? Gusto kong makita na safe ka hanggang sa makapasok ka bahay niyo"
Tinignan ko siya at pinamulahan ako ng pisnge.
"Huwag na ayos lang talaga ako. Kanina nga ako lang mag-isa nagpunta rito"
Sinamaan niya naman ako ng tingin ng sabihin ko iyon.
"Iba iyon, ngayon gabi na at dilikado. Gusto mo bang mag alala ako sa'yo pangit?!"
Galit na naman nitong sabi. Pangit na naman ang tawag nito sa akin. Hinampas ko siya sa dibdib.
"Nakakasakit kana. Alam ko naman na pangit ako kaya huwag mo ng ipamukha sa akin dahil alam ko na iyon matagal na!"
Sigaw ko sa kan'ya. Inayos ko ang salamin ko sa mata at galit na kinuha ko ang bag ko na hawak niya.
Tumakbo ako palayo sa kan'ya.
"Tika lang Alice, wait!"
Sigaw nito habang hinahabol ako. Mas lalo kong binilisan ang takbo ko para hindi niya ko maabutan.
Sakto naman at may taxi na naghihintay kaya pumasok agad ako.
"Andar na po manong"
Sabi ko sa driver ng taxi. Napa tingin ako ng may narinig akong katok sa may bintana ng taxi.
Nakita ko si Xian.
"Alice I'm sorry hindi ko sinasadya. Please bumaba ka muna mag-usap tayo"
Pag mamakaawa niya. Umiyak ako.
"Ewan mo muna ako gusto kong mapag isa!"
Sigaw ko sa kan'ya. Natigilan si Xian ng makita niyang umiiyak ako. Mas lalo niyang nilakasan ang pagkatok sa bintana at pilit binubuksan ang pinto ng taxi. Gusto niyang pumasok.
"Alice buksan mo 'to please"
Pag mamakaawa niya. Hindi ko siya pinakinggan at sinabi sa driver ang lugar na uuwian ko.
Naiwan si Xian na napaupo sa kalsada hawak ang kan'yang ulo.
Nakauwi na ako at namamaga ang mga mata kakaiyak.
Nang makapasok ako sa bahay dumerestso agad ako sa aking k'warto buti nalang wala pang tao sa bahay. Parihong nasa trabaho pa ang mga parents ko.
Nang makapasok ako sa kwarto binitawan ko ang bag na dala ko at sumalampa sa kama. Kinuha ko ang unan at niyakap ito.
Tumutulo parin ang luha ko.
Nakaramdam ako ng sakit dahil naalala ko ang mga panahon kung paano ako laitin ng iba dahil sa hitsura ko. Nasaktan din ako sa alalang na bully ako dahil sa hitsura ko kung paano lahat ng mga kaklase ko kinakawawa ako.
Sobrang sakit dahil naramdaman ko rin iyon sa kamay ni Xian dahil naging bully rin siya sa'kin.
Kanina ko pa naririnig ang tunog ng cellphone ko alam ko naman din kung sino ang tumatawag si Xian, sino pa ba?
Hinayaan ko lang na tumunog.
Matapos kong umiyak napag masyahan kong maghilamos.
Pumasok ako sa banyo at binuksan ang gripo, tinanggal ko ang salamin ko sa mata at deretsong humilamos na ako ng mukha.
Basa na ngayon ang mukha ko. Tinignan ko ang hitsura ko sa harap ng salamin.
Napakagat labi na lamang ako at pinipilit na 'wag umiyak.
Nakakaiyak kasi iyong hitsura ko.
Ang layo ng hitsura ko sa mga magagandang babae ngayon.
Makapal na kilay, oily ang mukha, maitim, matambok na pisngi, pango ang ilong. Lumayo ako ng kaunti para tignan ang katawan ko hinigpitan ko ang hawak sa tshirt na suot ko para makita ang hulma ng katawan ko. Straight body ako wala man lang kahulmahulma ang katawan ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko at A cup lang. Hinawakan ko naman ang p'wet ko at napaka flat. Napahilamos ako ng mukha at napa bulong.
"Napaka pangit ko"
Idagdag pang napaka pandak ko.
Bumalik ako sa kama at tinignan ang cellphone ko 121 miss call 54 message galing lahat ito kay Xian.
Ni reply-an ko ang isa sa mga message niya.
[Sorry Xian bukas nalang.]
Reply ko sa mga message niya at napapikit nalang ng mata.
Kinabukasan nagising ako sa katok ng pinto ko rito sa k'warto.
Inaantok na tumayo ako ng kama at binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin si Mommy.
"Anak gising may naghihintay sa'yo sa labas"
Bungad nito. Nawala ang antok ko ng marinig ko iyon.
"Sino po?"
Tanong ko.
"Kababata mo. Mag ayos kana at bumaba kanina pa pala siya sa labas. Kung hindi ako lumabas ng bahay hindi ko siya makikita"
Sumbong nito sa akin.
Nagmamadali akong nag ayos ng sarili at bumaba ng hagdan. Pag tingin ko sa sala nando'n siya at naghihintay. Nakatalikod ito sa akin habang nakaupo sa sofa 'tsaka pinagdaop ang mga palad.
Nakayuko rin ito na parang hindi mapakali.
Alam ko kung sino ang taong ito.
"Xian"
Sambit ko. Napa lingon siya sa kan'yang likod kung nasaan ako.
Tumayo siya at humarap sa akin. Alam ko sa mga mata niya na gustong-gusto niya ako yakapin pero nasa tabi ko si Mommy.
"Pasensyahan mo na ang anak ko simula ng nag graduate ito ng high school ang tanghali na nito gumising!"
Sambit ni Mommy. Tinulak ko si Mommy palabas ng pinto.
"Sige na Mommy lumakad kana ma l-late na po kayo sa trabaho ninyo"
Sabi ko sa kan'ya napa pout naman siya.
"Anak ha! In fairness mas lalong guma-g'wapo si Xian"
Bulong nito sa akin. Pinamulahan ako ng mukha.
"Mommy!"
Sigaw ko sa kan'ya tumawa lang naman din siya at nag paalam na sa aming dalawa ni Xian.
Nang mawala si Mommy napa upo na lamang ako sa sofa.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Xian.
"Sorry, sorry talaga Alice"
Bulong nito. Tinignan niya ako sa mga mata nang bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin.
"Hindi ako maka tulog kagabi kakaisip sa nagawa ko. Nag aalala ako ng makita kitang umiiyak kagabi. Ilang bisis kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot. Isang text mo lang pero hindi parin ako napapanatag kaya maaga akong pumunta rito para personal na humingi ng sorry"
Sabi niya. Tinignan ko lang siya, hindi ko maiwasang isipin na grabe mag mahal si Xian pagdating sa relasyon na seryoso.
"Okay lang sorry rin kung iniwan kita kagabi"
Paumanhin ko rin sa kan'ya. Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hindi na lamang siya nagsalita.