Download App
50% Laugh Then Love / Chapter 4: He Kidnapped My Sister

Chapter 4: He Kidnapped My Sister

# Chapter Two

*Eri's POV*

Huh????? Anong entertain? Siraulo ba 'to? Sasapakin ko 'to. Gusto niya akong maka-sex? Aba-aba akala ba niya kahit gwapo siya ay papatulan ko siya? Bukod sa masama ang ugali ay hindi ko siya type. Tsaka ano 'to? Paglalaruan niya ako?

Ewan ko ba pero hindi ako nakaimik,gusto ko sana siyang suntukin e kaso natigilan ako.

Narinig ko na lang na tumawa siya nang malakas. Napaupo na nga siya sa upuan sa sobrang katatawa e.

Hinayaan ko na lang siya. Baliw na ata.

Maya-maya ay tumigil na siya.

"You should have seen your reaction. As if naman na papatol ako sa isang panget na katulad mo" Tumayo siya at dinuro ang mukha ko.

"In your face!" sabi niya sabay talikod na. Tiningnan lang ako nung Justin tapos si Karl naman ay ngumisi lang then tumalikod na rin at naglakad papalayo. Nagtawanan naman ang mga tao sa cafeteria.

Nakakainsulto na siya ah. Sinasayang niya ang oras ko tapos iinsultuhin niya lang ako? Ayaw ko na sanang pumatol e,pero.....

Binato ko siya ng piso sa ulo. Nakita ko na natamaan ko siya kasi napayuko siya at hinawakan ang ulo niya. Aba volleyball player ata 'to.

Tumakbo na ako nang mabilis papalayo. Alam ko na gagantihan niya ako. Pero sorry siya,hindi na ako magpapakita sa kanya hahaha. Nakaganti rin. Ang lakas nun noh,dinig ko yung pagtama ng piso sa ulo niyang puro hangin hahahaha. Buti nga.

Hays! Buti naman at nakauwi ako nang ligtas. Hindi ko nakasalubong o nakita man lang ang pagmumukha ng lalaking 'yon hahaha.

"Risa! Nagluto ka na?" tawag ko sa kapatid ko pagpasok na pagpasok ko sa bahay.

Yes,may kapatid ako. Si Risa. Pareho kami ng school na pinapasukan. Pareho rin kami ng year level. Yun nga lang sa ibang section siya. Mas mataas siya nang isa. Hindi kami kambal pero halos magka-edad lang kami. Close na close kami pero magkaibang-magkaiba kami.

Actually,sobrang ganda ng kapatid ko. Sikat iyan sa school. Maraming pumoporma. Pero as kapatid niya,dadaan muna sila sa akin hahaha. Mabait siya at mahinhin. Ideal girl kumbaga. 'Pag nasa school nga ay bihira kaming magkita at hindi mo mapagkakamalang magkapatid kami. Marami 'yang kaibigan pero hindi niya ikinahihiya na kapatid niya ako. Hindi rin kasi kami sabay pumapasok sa school since magkaiba kami ng schedule. Ayon nga,basta ideal girl siya. Magkapatid kami pero hindi man lang kami magkamukha hahaha.

Samantalang ako,simple lang. Minsan boyish. Introvert ako at hilig ko lang ang manood ng anime. Napagkakamalan nga akong nerd e. Nakasalamin ako kasi malabo na ang mga mata ko. Mahaba ang buhok ko na kulay brown at wavy. Average lang ang mukha. Kaya nainsulto ako kay Devil na sinabihan ba naman akong panget. Aba may halong genes ata ito ng kapatid ko noh.

"Yes sis. Favorite mo. Omelette" sabi niya habang nagsasandok.

Nga pala,dalawa lang kami sa apartment na ito. Nasa Mindanao na kasi si mama kasama ang bago niyang pamilya. Si papa naman three years nang patay. Naaksidente siya. Simula noon, nalungkot si mama kaya siguro naghanap siya ng iba. Pero okay lang sa amin ng kapatid ko. Para rin may makasama siya sa pagtanda. Mabait naman yung stepfather namin e pati ang mga anak niya. Hindi na kami sumama kay mama doon sa probinsya ng bago niyang pamilya. Since,ayaw rin naman namin na dumepende sa ibang pamilya.

Nabubuhay lang kami ng simple rito sa Manila. Masaya naman kami at nakakausap naman namin lagi si mama. Maayos na rin ang lagay niya. May part-time job ako rito,isa akong cosplayer. O akala niyo walang ganon na work? Well, ako rin. Dito lang sa kwento na ito uso 'yan Hahahaha. So ayon nga, kaya kahit papaano ay natutustusan ang gastos namin. Si Risa naman ay isang student assistant kaya may kinikita siya habang nag-aaral.

College pa lang kami pareho kaya kailangan naming magtrabaho para makatapos. Okay naman ang lagay namin. Maayos din ang apartment namin at kumpleto naman kami sa mga gamit at mga kailangan namin.

"Wow naman. Tara kain na tayo" sabi ko sa kanya.

Ang sarap talaga ng luto ng kapatid ko. Mabait na,maganda pa at magaling pang magluto hahaha. Buti na lang talaga at siya ang nauunang umuwi kaya siya ang naghahanda ng pagkain.

"Sis,feeling ko hindi ako makakatulog mamayang gabi" sabi ni Risa habang nakangiti nang malaki.

"Bakit na naman?"

"Kasi,kasi,kinausap ako kanina ng crush ko"sabi niya sabay tili.

Oo nga pala,kahit mahinhin 'to , na-i-inlove rin. Aba, halos araw-araw ba naman na kinukwento sa akin ang two years na niyang crush. Classmate daw niya. Hindi ko lang alam kung anong pangalan at hindi ko pa nakikita. Since crush pa lang naman niya ay wala pa akong balak kilalanin. Basta ang alam ko lang ay gwapo raw,mabait at cool.

Sabi sa akin ni Risa,bihira lang raw sila magkausap nun kasi nga sikat daw kaya siguro hindi siya pinapansin. Aba e,sikat din naman si Risa. Ewan ko ba. Basta huwag lang niyang paiiyakin ang kapatid ko.Sapak siya sa akin.

"Oh? Anong sabi niya?" tanong ko.

"Mag-iingat daw ako sa pag-uwi" sagot ni Risa habang kinikilig pa.

Jusko 'tong kapatid ko. Landi-landi hahaha. Pero ayos lang. Malaki na naman siya. Nasa tamang edad na.

"Teka nga Risa,ano bang pangalan ng crush mo na 'yan nang mabati naman minsan kapag nakasalubong ko"

"Jules" sabi niya na mapungay pa ang mga mata.

Nabuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa narinig ko.

Jules? Yung impaktong 'yon?!

"Yung volleyball player?" tumango lang siya habang nakapangalumbaba.

"May picture ka ba? Patingin nga" tanong ko

Kinuha niya ang phone niya at iniabot sa akin.

Jusko oo nga. Yung devil nga. Jusko naman. Bakit ito pa? Kung alam mo lang Risa ang ginawa sa akin ng lalaking 'to. At isa pa,ayaw ko. Hindi pwede. Paiiyakin ka lang niyan.

Isinauli ko na ang phone niya at tumango na lang.

"Hmmm,hindi naman gwapo. Atsaka mukhang mayabang,mukhang hindi mabait. Mukhang plastic" sabi ko habang dinuduro ang mga pagkain sa plato ko. Gigil talaga ako e.

"Sis?!" tanong sa akin ni Risa na nagtataka.

"Ah eh wala. Hmmm,siya ba yung matagal mo nang crush?" tanong ko.

"Oo,gwapo 'di ba?"

"Hmmm" sabi ko. Tumahimik na lang muna ako.Ayaw ko munang sabihin ang nangyari since maganda ang araw ni Risa.

Naiinis ako. Sana pala ay inalam ko na agad kung sino ang crush niya para napigilan ko na. Kung alam ko lang talaga. Grrrr.

Sinilip ko si Risa. Tulog na siya. Jusko hindi raw makakatulog e nauna pa sa akin.

Sa isang kwarto lang kami ni Risa pero magkaiba ng kama. Ito ako ngayon, nanonood ng anime. Since hindi natuloy ang panonood ko kanina dahil sa impaktong 'yon. Hindi nga rin natuloy ang part-time job ko kanina e,bukas na lang raw. Wala tuloy akong kita ngayon. Malas talaga mapadikit sa lalaking 'yon.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Siya pala ang crush ni Risa. Jusko,kailangan ko nang itigil 'tong kahibangan ng kapatid ko sa lalaking 'yon.

Nagulat ako. Biglang nag-ring ang phone ko. May tumatawag. Unknown number. Sinagot ko na lang kahit hindi ko kilala. Hinayaan ko lang siyang unang magsalita.

"Hello!" sabi nung lalaki sa kabilang linya. Nakakatakot ang boses pero pamilyar.

"Sino 'to?" tanong ko.

Tumawa lang siya.

"Hoy! Sino ka? Sumagot ka!" tanong ko nang pasigaw. Kinakabahan na ako e.

"I am your worst enemy. Hawak ko ang kapatid mo,kaya kung hindi ka sasama sa akin,papatayin ko siya."sabi niya sabay tawa.

-----------------

Hi Fellas!

Chapter Two na tayo!

Sana masubaybayan niyo ang malokong imagination ko 😆

Salamat po. Kahit wala pa akong gaanong readers 😆

Stay safe!

❤️❤️❤️❤️❤️


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login