Alas-dose,
Maga ang mga mata.
Hinihintay ang umaga.
Dati nung kasama ka.
Ngayon ako lang nag isa.
Alas-dose a uno.
Bumiling ako patagilid,
Tinitigan dingding sa silid.
Dati nawawala ang ginaw sa kilig.
Ngayon malamig pa ako sa sahig.
Alas-dose a dos.
Ipinikit ko ng pilit ang mga mata.
Wala akong makita,
Pero bakit andito ka?
Ngayon pa talaga?
Alas-dose a tres,
Nasilaw ako sa ilaw ng selepono,
Nagising sa tahol ng mga aso.
Panaginip, ika'y nasa tabi ko.
Ngayon, wala ni anino.