Download App
53.05% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 113: Hindi Ako Mahina

Chapter 113: Hindi Ako Mahina

"Bakit kailangan mong kausapin ang Miguel na yun?!"

Galit na tanong ni Anthon kay Issay.

Hindi na gusto nila Gene at Joel ang tono ng Kuya nila. Malaki ang respeto nila dito kaya sinusunod nila kahit madalas alam nilang may pagka praning ito. Pero parang hindi na tama ito.

Tiningnan ni Issay si Anthon at alam nyang galit at nagseselos ito.

Issay: "May kailangan akong itanong sa kanya!"

Pagpapaliwanag nito kahit hindi nya sigurado kung pakikinggan nito ang paliwanag nya.

Anthon: "Anong kailangan mong itanong sa kanya?"

Ano nga bang dahilan bakit nya gusto nyang kausapin si Miguel. Dahil may kutob syang may maitutulong si Miguel sa nangyari.

Pero hindi nya ito sasabihin sa kanila dahil naiinis si Issay sa ginawa nilang pagiimbistiga ng walang paalam.

Issay: "Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo sa ngayon!"

Anthon: "Bakit hindi pwede? Saka gaano kahalaga yan at parang mas importante pa kesa malaman mo kung sino ang pumatay sa Nanay mo? Hindi mo ba nadinig?! Nagimbistiga kami at alam na namin ang totoong nangyari!"

Issay: "Alin? Ang katotohanan na si Roland ang sumagasa sa Nanang ko? Matagal ko ng alam!"

Hindi ko sinabing magimbistiga kayo, pero ano pa ba ang alam ninyo na hindi ko pa alam at kailangan mo pa akong dalhin dito at pakinggan ang sasabihin nyo?! Wala na hindi ba?!"

Mataas na ang boses ni Issay.

Napanganga sila Gene at Joel sa sinabi ni Issay. Alam na nya ang resulta ng imbestigasyon nila kaya ano pang silbi ng meeting na ito?

Pero napaisip sila bakit nya kailangan kausapin si Miguel? May kinalalaman ba ito sa nangyari na hindi nila alam?

'Anong alam ni Ate Issay na hindi namin alam?'

'Tungkol kaya ito sa nawawalang driver na kasama ni Sir Luis?'

Alam nilang malaki ang maitutulong paglumitaw ang driver pero wala na silang planong ipagpatuloy ang pagiimbestiga kahit pilitin pa sila ni Anthon. Kailangan nilang isaalang alang ang damdamin ni Issay ngayon.

Gene: "Naintindihan namin Ate Issay! Pasensya nya kung nagmalabis kami!"

Hindi na nagsalita pa si Issay. Pakiramdam nya wala ng saysay na manatili sya dito.

Gusto na nyang umalis.

Issay: "Pasensya na rin Gene, Joel, pero kailangan ko ng umalis sana maintindihan nyo!"

Anthon: "Hindi pa tayo tapos magusap KAYA WALANG AALIS!!!"

Issay: "Sa tingin mo mapipigilan mo ako? Hindi ako mahina gaya ng inaakala mo! Hindi ko ugaling magtago sa likod ng isang lalaki! Kaya kong lumaban, kaya wag mo akong tratuhin na parang isang inutil!"

"Tara na Vanessa, hindi ko na kayang magtagal dito kailangan ko pang puntahan si Ate Belen sa ospital!"

Pero nagulat sila ng biglang may maramdaman silang mabilis na dumaan sa kanila. Napatigil ang lahat.

Si Gene pala iyon, nagmamadali ng madinig na nasa ospital si Belen.

Joel: "Ano nangyari dun?"

Sa ikinilos ni Gene, sigurado na ni Issay ngayon na may ugnayan sila ni Belen.

Joel: "Ate Issay, sige na mauna na kayong bumalik ni Honey love ko sa Maynila!"

Anthon: "Teka, hindi ako makakapayag! Ako ang nagdala sa kanya dito kaya ako din ang maguuwi!"

Hindi nya maiintindihan kung bakit ganito si Issay.

'Ano ba ang nagawa kong na mali? Kaligtasan nya lang naman ang iniisip ko!

Hindi ba nya alam na sobra akong nagaalala sa kanya?

Pano kung may mangyari sa kanya?

Pano kung meron na namang pagsabog at mapahamak sya?

Pero hinarangan sya ni Joel na makalapit kay Issay.

Joel: "Sige na umalis na kayo, ako ng bahala dito!"

Isa lang ang nasa isip ni Joel, kailangan nyang mailayo si Issay sa Kuya nya.

Nginitian ni Joel si Vanessa ng buong pagmamahal. Naintindihan sya ni Vanessa kaya tumalikod na ito.

Nakita ni Issay ang paguusap ng dalawa sa mata.

'Nagkakaintindihan sila ng hindi nagsasalita? Kahangahanga! Sobra talaga ang pagibig nila sa isa't isa kaya nagkakaintindihan ang bawat kilos nila.

Issay: "Salamat Joel!"

At sinundan na nito ang kaibigan pasakay ng kotse palayo sa magkapatid.

Nagpupumilit na makawala si Anthon kay Joel.

Kumpara kay Gene, mas kaya nya si Anthon. Kaya walang nagawa ang huli para mapigilan na makalayo ang sasakyan na lulan ng magkaibigan.

Sa inis ni Anthon si Joel ang pinagbalingan nya. Dito nya inilabas ang inis nya pero hindi lumaban si Joel. Sinalo nito lahat ng suntok at tadyak ng Kuya Anthon nya.

Anthon: "Bakit mo ba ako hinaharangan? Bakit mo ko pinipigilan na gawin ang dapat?!"

Joel: "Kuya, ano ba ang DAPAT na sinasabi mo?"

Nagdudugo na ang bibig nito.

"Ang sinasabi mo ba na DAPAT ay ang pagkontrol mo kay Ate Issay?"

"Kuya ang tagal mong inasam na maging kayo ni Ate Issay, wag mong sirain ang relasyon nyo dahil sa mga DAPAT na sinasabi mo!

Hindi sya isang bagay Kuya! Isa syang babae na may kakayahan din magisip at magdesisyon! Wag mo syang kontrolin na parang isang pagaari mo kung ayaw mong mawala sya sa'yo ng tuluyan!"

Pero tila walang nadidinig si Anthon. Patuloy nitong sinusubukan na umalis pero nagagawa pa rin syang pigilan ni Joel kahit puro bugbog na ito.

*****

Malayo na ang sasakyan nila Issay ngunit ramdaman pa rin ang inis nito.

Simula ng sumakay ito at magmaneho hindi ito nagsalita pero makikita mo sa bawat paghinga nya ang sobrang inis nito. Pati kalsada pakiramdam ni Vanessa tila hindi diretso.

Kanina pa kinakabahan si Vanessa dahil pareho sila ni Issay na bago pa lang nakakuha ng lisensya sa pagmamaneho.

Vanessa: "Hindi ko akalain na may pagka control freak pala si Anthon!"

Ito ang dahilan kaya kahit anong gawing pakiusap ni Anthon sa kanya na magsama na sila sa iisang bubong hindi sya pumapayag.

Biglang kumambyo si Issay at saka nagpreno, sabay labas ng sasakyan.

Issay: "AAAAAAHHHHHHHHH!!!"

Sigaw nito.

Hinayaan lang ni Vanessa ang kaibigan na sumigaw ng sumigaw.

Nang mapagod naupo ito ng paluhod at umiyak ng umiyak, saka nya nilapitan ang kaibigan at inakap.

Marami ang nagdadaan at nagtataka kung ano ang ginagawa ng dalawa pero hinayaan lang sila.

Mga ilang sandali pa inaya ni Vanessa ang kaibigan. Ramdam nyang kahit papaano hupa na ang inis nito.

Vanessa: "Sis, mabuti pa umalis na tayo dito baka mamya may lumapit na sa atin!"

Tumango lang si Issay at tumayo na rin pero biglang kinuha ni Vanessa ang susi ng kotse sa kanya.

Vanessa: "Sis gusto ko pang mabuhay kaya ako na ang magmamaneho!"

Pagsakay ng kotse.

Issay: "Ayaw kong umuwi! Diretso mo ng Tagaytay!"

Ayaw pa nyang makita at makausap si Anthon.

Vanessa: "Sige, pero pa'no yung boarder mo?"

Tinawagan ni Issay si Madam Zhen.

Issay: "O, ayan okey na!"

Vanessa: "Buti pa kumain muna tayo para hindi tayo gutumin sa byahe!"

Gabi na ng matapos silang kumain.

Vanessa: "Wag kang makulit dyan akong magmaneho!"

Issay: "Bilisan mo na, saka mag seatbelt ka!"

Vanessa: "Asus, masyadong excited!"

Papalabas na sila ng parking lot ng mapansin ni Issay na may biglang tumawid at huminto sa daraanan nila.

Issay: "VANESSA!!!"

SCREECH!!

BLAG!


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C113
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login