Download App
100% Kontrabida sa Nobela / Chapter 1: Ang Doktor
Kontrabida sa Nobela Kontrabida sa Nobela original

Kontrabida sa Nobela

Author: Lukresya

© WebNovel

Chapter 1: Ang Doktor

"Anong drama yan? akala ko ba horror at thriller ang type mong basahin? Eh yung sikat na romance story yan ngayon eh. 'Mahal ko o Mahal Ako', pumapag ibig kana noh?" tanong ni Vanessa kay Apple na kasalukuyang nagbabasa ng E-pad story sa phone niya.

"Eh kumpleto naman eh, May suspense atsaka thrill, sobra nga lang si Apple dito. Napaka insecure niya at pathetic. Hindi naman siya ang mahal ng lalaki eh, palagay ko magiging kriminal ito sa mga susunod na chapter." wika ni Apple habang nakaupo sa isang bakanteng upuan malayo sa mga customer ng fastfood chain na pinagtatrabauhan nila.

"Kapangalan mo kasi." bulong ni Vanessa kay Apple habang nagma mop ng flooring.

Hindi magkasabay sa oras ng breaktime ang magkaibigan. Habang naglilinis si Vanessa ng sahig ay aksidenteng nasilipan nito ang binabasa ni Apple sa phone niya. Mukhang seryoso ito at hindi maistorbo kahit ilang beses na niya itong kinawayan kaya't kinausap nalamang niya ito.

"Kapangalan ko pero hindi ko siya kasing tamad, kasing yaman at kasing lustay. Lalo naman sa pagmamahal, kung ayaw ng isang guy sa akin, edi wag! Di ko ipipilit ang sarili ko sa isang taong walang feelings sakin." sabi nito kay Vanessa habang nakatitig parin ang mga mata sa phone nito.

"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa. It's either maging bida ka or maging kontrabida. Ganern." tsaka lumipat ito ng pwesto ng lilinisin.

"Hindi naman ako selfish tulad niya. Kawawa din naman siya pero mali kasi. " pagkasabi nito ni Apple ay biglang nag blurred ang nakikita niya. Nakakita siya ng blurry na imahe ng lalaki at babae na wala naman sa harapan niya. Pinikit nito sandali ang mga mata niya.

Nagising nalamang si Apple na nalulunod sa isang swimming pool. Napakalamig ng tubig at madilim na ang langit. Tanging tatatlong ilaw nalang ang naaaninag na bukas nito mula sa tubig. Hindi siya marunong lumangoy kaya't lumubog ito sa six feet na tubig sa pool.

"Tu... blurp. long... blurp." mahinang sabi nito sa mga taong nasa harapan ng pool.

"Bagay sa iyo iyan! Karma is Real!" sagot ng isang maganda, maldita at mukhang mayaman na bata, nasa siyam nantaong gulang na ito at nakasuot ng pajamas.

Kinilabit naman ito ng isang magandang sexy na babae na nasa eighteen years old na. "Nick!" tumingin ito sa may pintuan ng malaking bahay. "Tulong!!! Nick!!!"

Mula sa bahay ay patakbong lumabas ang isang matangkad at matipunong lalaki. Mala Koreano ang mukha nito na parang laging seryoso at mapungay. Nakita niya na may nalulunod sa swimming pool nila kaya't dali dali itong naghubad takbo padive sa pool.

Nakahawak pa si Apple sa lalaking sumagip sa kanya bago ito tuluyang mawalan ng malay ay nailabas na niya ang mga tubig na nalunok niya.

Pagdilat ng mga mata ni Apple at nasa higaan na ito ng isang hospital. Wala siyang nakitang ibang tao sa loob. Bukod sa isang signature bag sa mesa at iPhone, wala man langbitong makitang pagkain at tubig. Nauuhaw na ito kaya't naupo muna siya. "Awts." hinawakan niya ang kanyang ulo na biglang sumakit.

"Haist. Nurse!?." minasa masahe nito ang ulo at dahan dahang tumayo. Mag isa lang ito sa mukhang private room ng isang mamahaling hospital. Naglakad ito at nakitang may Mini Kitchen pala ito at may water dispenser sa gilid. Napalunok ito atsaka uminom muna. "Lagot ako neto. Mukhang uutang ako ng malaki sa hospital na'to." sabay kamot sa ulo. Nag isip ito at nakaisip ng paraan. "Tatakas nalang ako. Mukha namang maayos lang ako. Bukod sa nailuwa ko naman ang tubig sa pagkaka alala ko e wala naman akong ibang sakit. Hmm?" nag isip isip pa ito. "Pero pano!? Pano ako napunta sa isang Swimming Pool?!" bumalik ito sa kwarto at tinignan ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesita. In-on nito ang screen at lumitaw ang isang screen image lock ng Phone. Isang super gandang mature na babae. Parang model sa isang magazine na may maliit na nunal sa ilalim ng mata. May isang pamilyar na lalaki naman sa may likuran ng babae na nakatingin sa camera ng phone niya kaya't nakuhaan siya na parang tumitingin sa babae. "Ang ganda naman ng may ari. Sino kaya ito? Bakit naiwan dito to? Sa Doktor kaya ito?" Biglang nagvibrate ang phone ng matamaan ng bahagya ni Apple ang fingerprint nito sa likuran ng phone. "Ah! Ano yun?" nagfingerprint ulit ito at nabuksan ang lock ng phone. "Huh? Pwede ba yon? Magkatulad ng fingerprint?" tinignan niya ang phone. "Ang ganda. Makitawag muna ah? Salamat." I dinial nito ang phone number ni Vanessa. Siya ang tangi nitong kasama sa Dorm na tinitirhan nilang dalawa mula noong naging working student ito.

'The number you have dialed is incorrect. The number you have dialed is incorrect.' paulit ulit na sabi ng operator ng network.

"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong nito sa sarili ng mapansin ang mga overgandang nail polish nito. Ang clear ng nail body at sa mga kuko naman ay may rainbow blueish like glitters ang theme. "Shocks! Kailan? Kailan ako nagpalinis ng kuko? Lagot ako neto talaga eh! Di pwede to sa trabaho." tinignan niya ang mga ito at itinaas sa ere. "Sayang naman." nanghihinayang ito sa pagbubura ng mga ito mamaya pag uwi niya.

Lingid sa kaalaman ni Apple ay kanina pa ito pinagmamasdan ng isang Doctor sa labas ng kanyang kwarto. Napangiti ang Doctor sa kinikilos nito na parang inosenteng bata. Kahit ang itsura nito ay medyo mature fierce kontrabida lady ang dating, nagiging cute naman iyon sa paningin dahil sa kilos nito. Pumasok na ang Doktor para ma check ang pasyente niya.

Narinig ni Apple ang pagbukas ng Pintuan ng kwarto kaya't napalingon ito. Nagulat ito sa napakagwapong doktor na pumasok at nasa harapan niya. 'G! Dok. Heaven Sent?!.'

"Apple Dimacali?" tanong ng Doktor habang tinitignan ang isang papel na records ni Apple.

"O..o.opo Dok." nahihiyang sagot nito at napayuko ito. Pasulyap sulyap ito sa Doktor habang hinihintay nito ang sunod pa niyang sasabihin.

Napansin ng Doktor ang galaw nito at napangiti sa kakyutan ng babae. Mukha naman itong kontrabida at mataray pero sa ginagawa nito at ekspresyon ng mukha nito. Ang pagbounce ng kanyang mahabang slightly curly na buhok ay nagdaragdag ng charm nito ng pagiging inosente.

Nagulat silang dalawa ng bigla silang magkatitigan.

Napakagat labi si Apple sa hiya. 'Awkward. May Gosh. Siya na yata magiging Daddy ng mga anak ko.' napapailing iling ito habang namumula ang mga pisngi nito.

Bumuntong hininga naman ang Doktor at bumalik ito sa dating awra. "Miss Apple."

'Heto na. Ano dapat kong sabihin? Matagal nakong single! Kailangan ko ng i grab ateng! Uunahan ko na siya G!' sabi nito sa sarili. "Dok..."

Napatingin ng seryoso ang Doktor kay Apple dahil sa pagtawag nito at kaunting panginginig ng boses nito. 'Ang alam ko muntik lang siyang malunod ah, mukhang may iba pa siyang sakit. Kawawa naman.' sabi nito sa pag iisip.

"Mahal kita. Dok magpakasal na tayo." nakapikit na sinabi ni Apple sa Doktor at narinig nito ang biglang pagbagsak ng Records niya na hawakhawak ng Doktor kasabay din non ang pagbukas ng pintuan ng Kwarto niya at mga yapak ng sapatos.


next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login