Download App
89.47% Katok (Knock On Wood) / Chapter 17: Sixteen

Chapter 17: Sixteen

Mahigit isang linggo na mula nang mapadpad ako sa lugar na ito. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng sandaling kapayapaan kaya nagpapasalamat ako sa nagkupkop sa akin dito. Nag-uumpisa na akong masanay sa kung paano sila mamuhay rigo sa probinsya. Sinubukan kong makibagay, sinubukan kong makihalubilo sa mga taong ngayon ko lang nakilala na naging dahilan kung bakit naging mas magaan ang bawat araw na lumipas. Tinutulungan nila ako sa mga bagay na hindi pa ako gaanong sanay at minsan ay tinuturuan nila ako ng mga dapat kong gawin.

Sa isang linggong lumipas ay pansamantala kong nalimutan ang mga masasamang bagay na nangyari sa akin sa siyudad. Naging mapayapa ang isipan ko at nalaman kong mas maigi pala na lumayo sa mga bagay na nagdudulot sa akin ng kabalisahan. Masyadong maraming bagay na nagpapabigat sa araw ko sa dati kong kinalalagyan pero rito sa lugar na ito ay gumaan ang pakiramdam ko.

Habang inihahanda ko ang mga gamit ko para sa pag-akyat namin sa bundok para mag-ani ng mga niyog at saging ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Alam kong isa sa mga taong malapit sa akin ang taumatawag kaya hindi ko ito pinansin at iniwanan ko na lang sa lamesa ang cellphone ko. Hindi ko na ito dinala sa pag-akyat namin sa bundok dahil wala rin namang dahilan para dalhin ko pa ito.

Isang linggo ang lumipas. Naging mapayapa ang bawat araw ko sa lugar na ito. Walang anumang bagay na nagpapaalala sa akin ng mga nangyari sa akin sa siyudad. Ni ang mga puno, ni ang mga halaman, ni ang dagat man, wala ni isa sa mga ito ang nagpapaalala sa akin ng buhay ko sa siyudad. Nararamdaman kong kaunti na lang at tuluyan ko nang makalimutan ang lugar na pinanggalingan ko. Kaunting oras pa at mabubura na sa alaala ko ang mga masasamang nangyari sa akin.

Isa pang linggo ang lumipas na mapayapa. Sa kahel na kulay ng kalangitan ko napiling ibaling ang atensiyon ko habang nakaupo ako sa mabatong bahagi ng dalampasigan. Pinapakalma ako ng amoy ng dagat, ng simoy ng hangin, ng tunog ng mga alon at ng tanawing namamalas ko ngayon.

Pabalik-balik mula kanan pakaliwa at pabalik ang paningin ko para aninagin ang bawat sulok ng tanawin sa harap ko. Kung ganito palagi ang nakikita ko sa tuwing may mga bagay na gumugulo sa isipan ko ay paniguradong agad akong kakalma. Sa isang saglit lang ay nabubura nito ang mga alalahanin na nasakop sa isipan ko na nagpapahirap sa aking kumilos.

Kung magtatagal lang sana ang ganitong pangyayari ay mas gugustuhin kong maupo rito habang-buhay. Ngunit alam ko sa sarili kong ang mga pinakamagandang bagay sa mundo ay mararanasan lang sa napakaikli ng panahon. Dahil hindi naman talaga masaya ang buhay, May mga sandali lang na masaya ang mabuhay pero ang masasayang sandali ay hindi panghabang-buhay.

Nasa kasarapan na ako ng pagtanaw sa kulay kahel na kalangitan nang biglang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ang direksyon kung saan siya naupo para malaman kung sino ang taong ito ngunit napaatras ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang mukha niya.

Naisip ko, "Bakit siya narito?", sa lahat ng taong nasa isip ko na maaaring makaalam ng lugar na ito ay hindi siya kasama. Hindi kailanman papasok sa isip ko na siya ang taong mag-aabalang pumunta rito sa lugar na ito para sunduin ako. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na narito ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang nanlaki ang mata habang nakatitig sa kaniya.

"Parang gulat na gulat ka yata?" Tanong ni Cassandra sa akin. Nakangiti ang mukha niya pero kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon.

"P-paano ka napadpad dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa tingin mo paano? Edi sumakay ako sa sasakyan." Pilosopong sagot niya. Hindi ko pa rin alam kung saan siya humuhugot ng lala's ng loob para makipag-usap sa akin sa ganoong parang gayong hindi naman kami malapit sa isa't isa.

"Hindi naman ganoong ang big kong sabihin e. Hindi ko lang inaasahan na sa lahat ng taong nakakakilala sa akin ay ikaw pa ang unang pupunta rito." Paliwanag ko sa kaniya.

"Sino ba ang inaasahan mong pupunta rito para sa'yo? Si Leila?" Ibinaling niya ang tingin sa akin kaya napilitan akong gantihan siya ng tingin din kaya nagtaka ang mga titig namin sa isa't isa. "Sino ba? Si Arthur? O ang mga magulang mo?" Dugtong niya pa sa tanong niya.

"T-tama ka. Inaasahan ko nga na isa sa kanila ang pupunta rito para sa akin. Kaya nagulat ako na ikaw ngayon ang kausap ko." Muli kong ibinaling ang atensiyon ko sa tanawing unti-unting nawawala.

"Sila nga ang dahilan kaya ako pumunta rito e. Pinakiusapan nila akong puntahan ka. Kasi nag-aalala sila sa'yo." Hindi ako nagbigay ng reaksiyon sa mga sinabi niya. Pinilit kong huwag ialis ang tingin ko sa tanawin sa harapan ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko nang sa gayon ay mapigilan ko ang emosyon ko. "Alam nilang hindi mo sila kakausapin kung sila ang pupunta rito kaya ako ang pinadala nila." Dugtong pa niya.

"Kaya nga." Ang tanging naisagot ko.

"Kung hindi ka sasama sa akin pabalik baka sadyain ka na nila rito."

Patayo na sana siya nang biglang may sumigaw sa likuran namin. "Jiojan! Halika na rito!" Sigaw ni Tiyo Samuel. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan namin at huli na ng mapansin niya na May kasama ako. "O May kausap ka pala. Nakakaabala ba ako?" Tanong nito sa akin.

"Ah hindi ho. Kaibigan ko po pala mula sa Maynila." Pagpapakilala ko kay Cassandra.

"Oh yayain mo na sa bahay at maghahapunan na tayo." Yaya nito sa amin.

Hindi na kami nakatanggi pa kaya pumunta agad kami pabalik sa bahay para maghapunan. Isang bagay na alam kong hindi magiging komportable para sa akin.

Pagdating sa bahay ay nakahanda na ang lahat sa mesa at ang tanging natitira na lang gawin ay maupo at kumain. Napansin ng tiyahin ko si Cassandra kaya bigla siyang napatanong.

"Oh Jiojan, May kasama ka pala. Kaibigan mo? Galing Maynila?" Hindi ko alam kung bakit nainis ako nang itanong iyon sa akin ng tiyahin ko. Dahil ba hindi ko siya kinikilalang kaibigan o dahil sa katotohanang siya ang unang taong bumisita sa akin sa lugar na ito.

"Opo, tiyang. Kapitbahay ko sa apartment. Bumisita lang."

"Mabuti at nakarating yan dito ng mag-isa." Hindi ko alam kung patanong ba ang tono niya o nagtataka lang kung paano napadpad si Cassandra sa lugar na ito. "O siya kumain na tayo."

Naging matahimik ang hapag-kainan ng mga oras na iyon. Hindi gaya ng ibang araw na tatlo lang kami ng tiyahin ko sa mesa na sama-samang nakain, napakatahimik ng buong bahay ng gabing iyon. Ang tanging maririnig lang ay ang pagtanaw ng mga kubyertos sa pinggan na gumagawa ng kakaibang kalansing. Mas nakakabingi ang katahimikan kumpara sa ingay dahil hindi nakababasag ng pandinig ang tunog, higit doon ay parang hinihigop papaloob ang pandinig ko hanggang sa mawala.

Hindi na tumatak sa utak ko kung ano ang mga sunod na nangyari. Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa labas ng bahay habang nakatingin sa mga taong nagdaraan habang hawak-hawak ko ang cellphone ko at iniisip kung bubuksan ko ba ito o hindi.

Muli kong naramdaman sa tabi ko si Cassandra kaya napatingin ako sa gawi niya. Isangmalumanay na tingin ang binigay ko sa kaniya. Sa sandali pa lang na muli kong makita ang mukha niya ay parang nanghina ang buo kong katawan at parang gusto ko na lang umiyak ng malakas dahil muling bumabalik sa akin ang mga bagay na dahilan kung bakit ako tumakas papunta rito sa lugar na ito. Napakarami para isa-isahin ko pa.

Inilapag niya sa tabi niya ang ilang gamit na bitbit niya palabas. Nakatingin lang din siya sa akin suot ang mga malulungkot na mata. Hindi labis na kalungkutan ang naaaninag ko sa mga matang iyon kundi awa. Awa sa akin. Awa sa mga taong nakapalibot sa akin. Alam kong nasa isip niya na kaawa-awa ang kalagayan ko na nagpapahirap hindi lang sa akin kundi pati na rin sa mga taong malapit sa akin. Hindi ko iyon maitatanggi. Hindi ngayon. Hindi kahit sa mga susunod pang panahon. Iyon nga ang dahilan kung bakit mas pinili kong umalis sa tabi nila at manirahan sa lugar na kahit papaano ay makatutulong sa akin na kalimutan ang mga mapait na bagay na araw-araw kong nararanasan sa pinanggalingan kong lugar.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Pinapakiramdaman ang bawat isa na para bang nag-uusap kami gamit ang isip namin. Kuntento ako sa katahimikan na dala ng sandaling ito na pinagsasaluhan naming dalawa. Kahit na hindi ganoon kaganda ang mga bagay na nakikita ko sa mga titig niya sa akin ay mas maganda na ito kumpara sa pagsasabi ng mga salitang labis na makakasakit sa damdamin ko.

Lumabas mula sa loob ng bahay si Tiyo Samuel. "O bakit narito kayo sa labas? Maligo na kayo at lumalalim na ang gabi. Maya-maya ay matutulog na kami ng Tiyahin mo." Sabi nito habang salitang tinitingnan ang mukha naming dalawa na nakatingin sa kaniya.

"Ah. Mauna ka na Cassandra." Alok ko.

"Ah sige. Papasok na ko." Agad na pumasok si Cassandra kaya naiwan kaming dalawa ni Tiyo Samuel sa labas ng bahay.

Nakatayo si Tiyo Samuel sa bukana ng pinto habang nakasandal ang kanang bahagi ng katawan niya sa isang bahagi ng pinto. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil sa nakikita ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay May nais ipahiwatig si Tiyo Samuel. Bigla siyang napangiti nang makita niya ang hitsura ko.

"Bakit ho?" Tanong ko.

"Ah wala. Gusto ko lang malaman kung nobya mo ba iyon." Tanong nito sa akin.

"Hindi ho. Kapitbahay ko nga lang po." Sagot ko naman.

"Bakit binisita ka rito." Medyo humina ang boses ni Tiyo Samuel at unti-unti na nawala ang ngiti niya.

"Malamang pinakiusapan nila Mama yon." Hindi ako sigurado kung tama bang sinabi ko iyon pero wala namang dahilan para magtago ako ng anumang bagay kay Tiyo Samuel. Alam kong lahat ng bagay ay pwede kong sabihin sa kaniya.

"Bakit hindi ka kaya sumama sa kaniya pabalik. Ayos lang naman kami rito ng Tiyahin mo." Napatingin ako sa mukha ni Tiyo Samuel sa gulat ko sa mga sinabi niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga bagay na iyon sa akin. Ang akala ko ay pwede akong magtago rito sa lugar na ito hanggang gusto ko pero nang marinig ko iyon ay saka lang ako natauhan.

Hindi ko na alam kung tama bang pumarito ako. Hindi ko na alam kung tama bang sila ang tinakbuhan ko. Kahit naman anong pilit kong isipin na maari ko silang matakbuhan kapag nangangailangan ako ay may hangganan ang bawat tulong na ibibigay ng sinumang tao. Higit pa roon ay kapatid siya ng magulang ko kaya hindi niya maibibigay ang suporta sa akin ng buo.

"Ang totoo, Jiojan, tumawag ang Mama mo kanina sa akin. Gusto ka na nilang pauwiin pero hindi mo raw sinasagot ang cellphone mo." Paliwanag ni Tiyo Samuel. "Kung ako ang tatanungin mas mabuti ngang umuwi ka na sa kanila." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang maabot ng mga salitang iyon ang pandinig ko. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng kakampi sa mundo. Sa panahon na kailangan ko ng matakbuhan ay bigla akong nawalan ng kakampi.

Tatayo sana ako nang makabig ko ang cellphone at wallet na inilapag ni Cassandra sa upuan sa tabi ko. Nalaglag sa lupa ang mga ito kaya kumalat sa lupa ang laman ng wallet. Maraming laman ang wallet na iyon pero isang larawan ang talagang pumukaw sa atensyon ko. Larawan ng isang taong matagal ko nang sinusubukang limutin. Larawan ng isang taong ayaw ko nang maalala.

Sumakit ang sentido ko at gumapang ang sakit sa buong ulo ko. Nagsimulang umikot ang paningin ko at pakiramdam ko ay namanhid ang ilang bahagi ng katawan ko. Napakuyom ang kamao ko dahilan para malikot ang larawang hawak ko. Napaluhod ako sa lupa habang nilalabanan ang sakit ng ulong halos bumiak sa ulo ko. Pakiramdam ko ay hinahati sa maraming piraso ang ulo ko. Kumakalat at bumabaon sa buto ang sakit na mararamdaman ko hanggang sa pinakadulong bahagi ng katawan ko. Nagpatuloy ang sakit hanggang sa tuluyang maglabo ang paningin ko.

Tumayo ako bigla at napatakbo sa kung saan. Hindi ko nainalala kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Wala na akong pakialam kung saan ako mapadpad. Para akong isang presong nakatakas sa bilangguan na walang patutunguhan at ang tanging nasa isip ay makalayo sa lugar kung saan siya piniit.

Naisip ko'Importante pa ba kung saan ako pupunta kung ang gusto ko lang naman ay makalayo sa lugar na nagbibigay ng takot sa akin. Importante pa ba kung saan ako dadalhin ng Paa ko kung ang tanging gusto ko lang ay takasan ang mga bagay na bumabagabag sa akin?'maraming bagay na kailangan kong takasan kaya ako tumatakbo.

Hindi ko na alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob para harapin lahat ng mga bagay na ito. Hindi ko na alam kung magkakaroon pa ba ako ng tapang para labanan ito o kung May pag-asa ba akong manalo sa laban kong ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko na sinubukang lumaban at ang tangi ko na lang ginawa mula pa noon ay tumakbo. Wala akong laban na hinarap, sa bawat sandali ang tangi kong ginagawa ay tumakbopalagi na lang akong tumatakbo.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa isang mabatong bahagi ng dagat. Pilit kong sinisiksik ang sarili sa pagitan ng malalaking bato para ikubli ang presensya ko sa iba. Malaki ang pagnanais kong itago ang sarili ko ngayon higit sa anumang oras na dumaan sa buhay ko. Kung maaari nga ay higupin na ako ng malalaking bato nang sa gayon ay wala nang makakita pa sa akin.

Halos kalahating oras kong itinago ang sarili ko sa pagitan ng malalaking bato para walang sinuman ang makahanap sa akin. May narinig akong mga boses na sumisigaw sa kung saan. Naririnig ko ang pangalan kong isinisigaw ng higit sa dalawang tao. Mas lalo kong itinago ang sarili ko nang marinig ko ang mga boses na ito.

Kahit anong hiling ko sa mga bituin na sana ay walang taong makakita sa akin ay hindi nila ako pinapakinggan. Bumungad sa harapan ko ang mukha ni Cassandra. Nakatingin lang siya sa akin ngayon kakaibang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko mawari kung dahil ba nag-aalala siya o dahil alam niya ang dahilan kung bakit ako tumakbo papunta rito sa lugar na ito.

"Na-nandito ka la-lang pala." Hingal na sabi niya ngunit hindi ako nagsalita. "Jiojan. Let me explain." Hindi ko alam kung ano ang dapat niyang ipaliwanag. Hindi ko alam kung dapat ba akong makinig. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako tumakbo kundi ang nasa picture na dala niya.

Iniangat ko ang ulo ko para lalo kong makita ang mukha niya. Unti-unting nangingilid sa mga mata niya ang luha kaya iniangat ko ang katawan ko saka ako tumayo.

"Ikuwento mo habang naglalakad tayo." Mahina kong sabi saka ako nag-umpisang maglakad pabalik sa bahay. Agad naman siyang sumunod sa likod ko at pilit sinasabayan ang bilis ng lakad ko.

"Si Bryan yung nasa picture."

"Alam ko. Dati ko siyang bandmate."

"Boyfriend ko siya." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang mga binti ko. Nag-umpisang nanginig ang mga tuhod ko kaya nahirapan na akong maglakad.

"S-sorry." Nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Walang ibang lumabas sa labi ko kundi ang paghingi ng tawad.

"Alam ko. Jiojan, wala namang sinisisi sa iyo e." Mahina niyang sabi.

"S-sorry talaga. K-kasalanan ko i-iyon." Hindi ko alam kung paano pa ako nakapagsalita gayong parang may nakabara sa lalamunan ko na kung ano. Bigla na lang uminit ang mukha ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.

"Jiojan. Ang totoo niyan, pupuntahan ka nila Leila, Arthur pati na rin ng mga magulang mo sa susunod na araw. Pinapunta nila ako rito para sabihin sa iyo na walang sumisisi sa iyo." Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang nagsasalita sa gilid ko si Cassandra. "Hindi ikaw ang May kasalanan kung bakit namatay si Bryan. Wala sa atin. Aksidente ang nangyari noon."

Matagal din akong umiyak sa dalampasigan bago ako tumigil. Agad kaming bumalik sa bahay nang mapakalma ko na ang sarili ko at tumigil ako sa pag-iyak.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login