Download App
20% Inlove si Siga / Chapter 1: Chapter 1
Inlove si Siga Inlove si Siga original

Inlove si Siga

Author: Mister_Res

© WebNovel

Chapter 1: Chapter 1

Pagtapak ko palang sa school ground, lahat nang mga mata nila ay nakatingin sa akin. Bawat galaw ko ay minamasdan nila. Bawat paglapit ko ay ang paglayo nila. Yung nginig nang bawat isa sa kanila ay kitang-kita ko.

Ako ang hari nang school na ito. Walang makakatalo sakin kahit mga teacher dito. Takot sila sakin. Isang beses nga dinala ako sa guidance, ang ending ay pinalabas agad ako sa guidance. Sinuntok ko kaagad sa bibig yung guidance counselor namin eh, mabunganga kasi.

Pagdating ko sa cafeteria ay biglang tumahimik. Nakita ko yung pila sa counter, ang haba. Dumiretso lang ako. Habang palapit ako nang palapit ay pakonti nang pakonti ang linya hanggang sa maubos ito.

"Pabili nga nang isang softdrinks." Sabi ko sa nagtitinda.

Mabilis nya naman itong ginawa. Mukhang gusto nya na ngang pigain yung bote para lumabas agad lahat eh.

"14 pes-o-s" pautal-utal na sabi nya.

Tiningnan ko yung lalaking estudyante sa likod ko.

"Bayaran mo." sabi ko sabay sipsip sa straw.

Madali nya naman kinuha yung wallet nya sa bulsa nya saka binayaran yung binili ko.

"Sa susunod ulit." Sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

Bigla syang natumba.

Wala akong pake sa kanya. Umalis na din ako agad nang cafeteria after no'n.

Dumiretso ako nang classroom namin. Pagpasok ko palang ay bigla silang tumahimik lahat. Animo'y nakakita nang multo. Dumiretso ako nang upuan ko sa likod.

Pag-upo ko ay sinuot ko kaagad ang headphone ko saka pinikit ko yung mga mata ko. Biglang tumugtog yung paborito kong tugtog.

"Mahal kita, Kael."

Nakarepeat-one yan. Saka wala namang ibang kanta sa cellphone ko kundi yang record nang boses nya eh.

Pagmulat ko nang mata ko eh nakita ko yung iniibig kong papasok sa classroom.

Unti-unting lumawak ang ngiti ko.

Patuloy padin yung pagtunog nang record nang boses nya sa  tenga ko.

Sya naman ay nagsoslowmo sa paningin ko.

Wala na akong nakitang iba, kundi sya lang.

Biglang sumayaw yung bituka ko sa tyan.

May mga ibong lumilipad sa paligid.

Sya naman ay napapalibutan nang kumikinang na puting ilaw.

May anghel na palapit sakin.

Yung mapupula nyang labi, kay sarap halika---

"Aray!!" napasigaw ako sa sakit nang bigla nya akong sampalin nang malakas sa kaliwang pisngi.

Napatayo ako sa sakit.

Hanggang balikat ko lang sya.

"Ano? Sasampalin mo din ako?!" sigaw nya sakin.

Bigla akong nanlamig. Napakamot nalang ako sa batok ko.

"H-hindi. Sasalubungin kita nang yakap." Maamong sagot ko sa kanya.

Yayakapin ko sana sya kaso tinulak nya ako gamit ang isang daliri nya sa noo ko kaya napalayo ako bigla sa kanya.

"May sasabihin ako sayo." Sabi nya.

Sinenyasan ko yung kaklase ko na umalis sa kwarto. Pero bago pa sila makatayo sa upuan nila ay nahila na ako nang mahal ko sa tenga palabas nang classroom.

Lahat nang estudyante sa labas ay nakatingin samin.

"A-a-ray naman mahal, hinay-hinay----AAAAHHHHH!!!" napasigaw ako kasi bigla nyang kinurot yung pisngi ko nang malakas habang hila-hila padin ako sa tenga.

Pumunta ako kami nang cafeteria.

Bigla silang napatingin sa pagpasok namin.

Hinila ako ni Mahal papunta sa cashier. Sakto naman na walang nakapila.

Binitawan nya na yung tenga ko.

Nakita ko yung kahera na ninerbyos sa kaba nang makita ko.

Hawak ko padin yung tenga at pisngi ko, namumula kasi sa sakit nang pagkurot nya eh.

"Anong gagawin natin dito? Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Magsorry ka." Maotoridad na sabi nya.

"Huh? Kanino?" takhang tanong ko.

" Sa kanya." Sabi nya sabay turo sa kahera.

"Bakit naman?!" napataas ako nang boses sa nasabi ko. Nabigla ako sa pagsagot sa kanya nang ganun.

Nakita ko yung nakakamatay na tingin nya kaya bigla akong napatingin sa kahera sabay yuko.

"Sorry po sa ginawa ko kanina. Di na po mauulit." Paghingi ko nang paumanhin sa kahera.

Tiningnan ko sya sa mata sabay bulong nang 'lagot ka sakin mamaya'. Napalunok naman sya nang laway sa takot.

Tumayo na ako nang diretso saka tumingin sa Mahal ko.

Nakita kong nakangiti na sya.

Para na naman akong nasa langit kapag nakikita kong nakangiti ang mahal ko.

Lahat nang badtrip sa buhay ko ay nawala bigla sa isang ngiti nya lang.

Para talaga akong nakajackpot sa lotto noong sinagot ako nitong lalaki sa harap ko ngayon.

Yayakapin ko sana sya nang bigla nya akong tinalikuran sabay labas nang cafeteria.

"Mahal!! Hintay!!" sigaw ko sabay habol sa kanya.

Pagdating namin sa classroom ay maingay silang lahat.

Umupo si Mahal sa harap tapos ay nakipagkwentuhan sa mga kaklase namin.

Wala akong nagawa kundi pumunta sa likod at tingnan nalang sya na masayang nakikipag-usap sa mga kaklase namin.

Alam kasi nang mga kaklase ko na kapag nandito si Mahal ay wala akong magawa kundi tumahimik lang sa tabi. Huhu.

Sinuot ko nalang yung headphone at pinatugtog ulit yung boses nya.

Biglang tumunog yung phone ko. Nakita kong tinext nya ko.

'Para kang tanga, ngumingiti ka dyan mag-isa' text nya.

Tiningnan ko sya ngunit nakatingin sya sa kaibigan nya habang tumatawa.

Makita ko lang talaga syang masaya, masaya na din ako.

*****

Uwian na nang hapon.

Lumapit ako sa kanya.

"Halika na." nakangiti kong approach sa kanya.

Sabay kaming lumabas nang school.

"Anong sasakyan natin?" tanong ko sa kanya ngunit di sya sumagot.

Tiningnan ko sya pero wala na sya sa tabi ko.

Kinabahan ako sa mga oras na yun. Nakita ko syang naglalakad sa tabi nang kalsada.

Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Ba't mo naman ako iniwan dun." Sabi ko sa kanya ngunit di sya sumagot.

Naglakad kami nang naglakad. Wala pala syang balak sumakay kaya di ko na pinilit.

Dumaan kami sa park dito malapit samin. Mukhang alam ko na ang gagawin namin.

Lumapit kami sa nagbebenta nang fishball.

Kinuha nya yung coins sa bulsa nya saka binilang ito.

Kinuha ko din yung coins ko sa bulsa nang bag ko saka pinagsama namin dalawa yung coins namin.

Mayroon kaming bente-singkong piso. Binigay namin ito sa nagtitinda.

Kumuha kami nang stick sabay tusok sa fishball.

Kain lang kami nang kain doon dalawa. Parang date na namin to. Kaya nag-iipon talaga ako nang coins para makasama lang sya dito.

Sumasakay ako nang jeep tuwing wala akong coins. para yung buo kong pera ay mapalitan nang mga coins.

Nagdadala din ako nang tubig, madali kasi syang mabulunan. Mabilis kasi kumain, di naman tumataba.

Noong naubos na namin yung fishball ay uminom na sya nang tubig.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa sabay punas sa labi nyang puno nang sauce.

Napangiti sya sa ginawa ko, kaya ako din ay nahawa sa ngiti nya at napangiti na din ako.

"May gusto ka pang gawin?" tanong ko sa kanya.

"Uwi na tayo." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay nya patungo sakin.

Magkahawak kaming dalawa habang naglalakad pauwi.

Tahimik lang kaming naglalakad dalawa. Nakita kong napabuga sya nang hangin, senyales na nilalamig sya.

Huminto muna ako pati sya. Kinuha ko yung jacket sa bag ko saka inilagay ko ito sa likod nya.

Kinuha ko ulit yung kamay nya saka nagpatuloy kami nang lakad dalawa.

"Pagod ka na?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi kami naglalakad.

Tumango lang sya.

Umupo na ako sa harap nya.

"Angkas na." sabi ko.

Lumapit naman sya sakin sabay palupot nang kamay nya sa leeg ko. Binuhat ko sya sa likod ko. Inilagay nya din yung ulo nya sa balikat ko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Nagsibukasan na din yung mga ilaw sa poste sa daan kaya di na madilim.

Nilaro-laro nya lang yung buhok ko habang ako naman ay todo ngiti sa ginagawa nya.

Pagdating namin sa harap nang gate nang bahay nila ay ibinaba ko na sya.

Pagbaba ko sa kanya ay ngumuso na ako sa harap nya.

Ngunit ang dumampi lang sa akin ay ang palad nya na sumampal sa pisngi ko.

"Aray." Sabi ko. Di naman masakit kaso malay mo, halikan nya.

"Goodnight." Sabi nya sabay pasok sa gate nila.

"Wala kang  nakalimutan?" tanong ko sa kanya.

"Hmmm, wala naman." Sabi nya sabay talikod na sa akin.

Napayuko naman ako sabay talikod na. Naglakad na ako palayo nang may biglang kumapit sa braso ko saka hinila ako para mahalikan lang ako sa pisngi ko.

"Goodnight. Ingat sa pag-uwi." Sabi nya sabay takbo papasok nang bahay nila.

Napahawak nalang ako sa pisngi ko sabay pigil nang ngiti.

Tumalikod na ako sabay lakad nang mabilis.

Buti nalang madilim na, wala nang makakakita nang mukha kong kasing pula nang kamatis.

Sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon ay napasuntok nalang ako sa hangin.

"YYEEAAAHHHHH!!!!!" sigaw ko.

Sya lang ang may kakayahang pakiligin ako kada segundo.

Sya si Nico, ang anghel nang buhay ko. Ang Hari nang Hari nang School.

Ang tanging minamahal nang Hari nang School.

Ang kahinaan nang Siga sa School.

Oo, inlove ako. Di ko maitatanggi yun.

Ewan ko ba. Basta pagdating sa kanya, kaya kong gawin lahat.

Ganito talaga siguro kapag nagmamahal ka, kaya mong gawin lahat. Kahit maging katawa-tawa ka pa sa harap nang lahat, para lang sa ikaliligaya nang Mahal mo gagawin mo talaga.

*****

XoXo


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login