Download App
100% In My Arms / Chapter 1: Chapter One
In My Arms In My Arms original

In My Arms

Author: Jashy_Jash

© WebNovel

Chapter 1: Chapter One

"Ano ba yan Abigael , ang slow mo naman eh." Naiinis na sabi ni Velea sakin. Kasi naman eh , kung ano-ano ang sinasabi. Malay ko ba diyan.

"Hehe sorry naman Vel noh? Di ko talaga ma gets eh." Sabi ko sabay peace sign.

"Ang sabihin mo , slow ka talaga kahit kelan. Talino mo pero di mo ko

ma gets." Naiinis na sabi niya.

"Malay ko ba sa banat mo. Lahat nalang ng words binabanatan mo , eh wala ka namang jowa." Sabi ko sabay buklat ng libro ko.

"Hoy , bakit mo alam yang salitang jowa? Paktay ka sa daddy mo Abi , hala ka. Isusumbong kita ha? May jowa ka na siguro nu?" Tanong niya.

"Hoy wala ah. Narinig ko lang yan kela Kisses." Sabi ko sabay yuko. Nagagalit kasi si Daddy sakin. Inosente ako sa lahat ng bagay chozz lang. Di talaga sa lahat. My dad spoiled me , from my clothes and everything I have. My mom? She died from car accident. Sabi ni daddy kasama ko si mama nun , luckily I survived. Kaya sobrang iniingatan niya ako.

"Wag ka na sasama kela Kisses , lagot ako kay tito nito." Paalala niya sakin. Eh? Bakit magagalit si daddy?

"Mabait naman sila Vel , tsaka sila lang yung friends ko sa room namin." Nakangiting sabi ko.

"Mabait? San banda Abi? Eh malamang mabait sayo kasi you have the money. Mayaman ka kaya sila mabait sayo." Sabi niya sabay irap.

"Eh? Mayaman din naman si Kisses eh." I said defending Kisses. Totoo naman kasing mayaman si Kisses eh.

"Pero mas mayaman naman talaga kayo Abi , hay nako ewan ko. Bahala ka basta pinagsabihan na kita." Sabi niya sabay pasok ng libro sa bag niya. "Halika na , pasok na tayo late na eh." She said and stood up.

"Sige , punta ka sa bahay ha? Kita tayo sa parking lot mamayang dissmisal." Sabi ko sabay tayo and wave my hand to her.

Kakatapos lang ng last subject namin and now , I'm going to the parking lot. Dun nalang siguro ako maghihintay kay Velea. Ang bagal pa naman maglaka---

"Watch out miss." Sabi nung lalaki.

"Hoy kuya , dapat ikaw yang tumitingin sa dinaraanan mo. Tingnan mo , nabangga mo ko." Sabi ko nakatingin sa mata niya. Infairness , makapal ang kilay. Same as his face , makapal din siguro yung pagmumukha nito.

"You supposed to watch where you going too miss. Para din di mo ko mabunggo." Sabi niya sabay lakad na. Aba , walang planong mag sorry?

"Hoy lalaking makapal ang kilay at muka , wala ka bang balak mag sorry?" Pahabol kung sabi.

"Why would I? It's your fault too Miss. Next time , tumingin ka sa dinaraanan mo para di ka makabunggo ng kung sino." He said and started walking again.

"Walang modo!" Sigaw ko. Kainis naman yung lalaking yun. Di alam ang salitang sorry. Di man lan---.

"Hoy Abi , bakit nakabusangot yang mukha mo?" Tanong ni Vel. Salamat naman at nandito na din siya. Uwing uwi na ako eh , nagutom ako bigla.

"Kasi Vel , may bumunggo sakin kanina. Di man lang nag sorry sakin." Sabi ko sabay pout.

"Hahahahahahahahah." Tawa niya. Aba pinagtatawanan lang niya ako. "Eh kung di ka naman shunga Abi , edi sana di kayo makakabungguan." Sabi niya sabay tawa ulit. Trip niya tumawa ngayon? Ang saya naman niya.

"Maka shunga ka naman Vel. Uwi nalang kaya tayo? Gutom na ako eh." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Totoo naman Abi eh. Shunganger ka kaya." Sabi niya tapos tumawa ulit. Aba matinde din tong babaeng to. Kanina pa tumatawa. Ano kayang nakain nito at sobrang saya naman niya. Makatanong nga.

"Vel , anong nakain mo? Sobrang saya mo kasi eh. Pahingi naman oh , kahit kunti lang." Sabi ko sabay pasok sa kotse.

"Gaga ka talaga Abigael Ace Cortez. Gaga na , shungangers pa." Sabi niya sabay batok sakin nung nakapasok siya sa kotse. Tingnan mo to , bully talaga. Huhu sumbong ko siya kay daddy talaga.

"Gaga pa , shunga pa. Ang harsh mo naman masyado Vel. Kaibigan ba talaga kita ha? Bakit mo sinasaktan damdamin ko ? Huhu , sumbong kita kay daddy ha." Naiiyak kong sabi.

"It's better to be real than being a fake friend Abi. Aanhin mo yung mga magagandang salita mula sa iba kung peke naman sila sayo? Mas mabuting ganito ako sayo kasi totoo mo naman akong kaibigan. Tsaka , para din naman sa ikakabuti mo naman yung  mga sinasabi ko eh." Mahabang sabi niya. Ang o.a naman , pero may point siya dun. Nowadays kasi , magagandang salita lang naman ang naririnig mo sa mga kaibigan mo pero di mo alam kung totoo nga ba sila sayo.

"Oo na! Oo na!" Kunwaring naiinis ako. "Manong , hatid mo na kami sa bahay hihi." Sabi ko kay manong driver.

"Sige po mam." Sabi ni manong at pina andar na ang sasakayan.

Velea's POV

"Hi daddy. / Hello tito." Sabay naming bati ni Abi kay Tito Ronald.

"Hello mga ija. How's school?" Tanong ni tito.

"As usual daddy , school pa din." Sabi ni Abi sabay upo sa sofa. Ang shunga talaga.

"Abigael Ace Cortez!" Seryosong tawag ni tito. Hahaha lagot , galet na si tito sa sagot ni Abi. "Hindi yung school yung kinakamusta ko , yung pag-aaral mo." Sabi ni tito na nakatingin saming dalawa. Aba , bat pati ako , tinitingnan ni tito? Matinde din eh.

"Ah , yung pag-aaral ko ba daddy? Hihi di mo naman kasi sinabi agad. Ayun lang daddy , okay lang naman. Di parin ako boplaks hihe." Sabi ni Abi sabay tawa. Loko , saan naman niya natutunan yang boplaks na yan? Lagot na naman ito.

"Boplaks? What is the meaning of that Velea?" Tanong ni tito sakin. Aba , bat sakin tinatanong ni tito? Ako ba ang nagsabi?

"Bobo siguro tito." Sabi ko sabay tayo. Kusina muna ako , baka tatanungin na naman ako kung saan narinig nu Abi yun. "Ah tito , kusina mo na ako. Gagawa ako sandwich , medyo gutom ako tito eh." Paalam ko kay tito.

"Hala V , ako din gawan mo hihi. Oh di kaya sasama na ako?" Sabi ni A , sabay tayo.

"And where are you going Abigael Ace Cortez? You have many things to explain to me!" Sabi ni tito. Pft. Hahah kawawa ka naman A. Sabi ko sa isip ko.

"But dad---" Aangal na sana si pinsan kaso na unahan ni tito.

"No buts Abi , end of discussion." Sabi ni tito. "You can go now to the kitchen Velea." Sabi ni tito sakin.

"Okay po tito." Sabi ko sabay lakad papuntang kusina.

"Abigael's POV"

"San mo natutunan yang salitang boplaks Abigael!?" Galet na tanong ni daddy. Nakatungo lang ako. Ano bang problema niya sa salitang boplaks? Ang o.a naman ni Daddy.

"ABIGAEL ACE CORTEZ!" Pasigaw na tawag ni daddy sakin kaya agad ko siyang tiningnan. Ano ba yan , bat kailangan akong sigawan? "Wala ka bang planong sagutin yung tanong ko?" Tanong ni daddy sakin.

"Daddy naman , ang o.a niyo. Narinig ko lang naman yun sa mga beke daddy eh." Sabi ko sabay ngiti. Totoo naman kasing narinig ko lang yun.

"Beke? Anong ibig sabihin niyan?" Takang tanong ni daddy. Hala  , di niya alam? Boplaks pala itong si daddy eh.

"Bakla po daddy. BAKLA po yung ibig sabihin nun." Pinagdiinan ko talaga yung bakla para naman maalala ni daddy.

"At saan mo naman natutunan yang beke na yan ha?" Tanong ni daddy. Daming tanong , nagugutom na ako eh. Ang duga naman ni V , bat antagal niyang makabalik sa sala? May plano ba siyang ubusin yung laman sa ref? Maduga talaga , iniwan pa ako dito.

"Hihi narinig ko lang din po daddy eh." Sabi ko sabay kamot ng ulo ko.

"Tsk , nagugutom ka na ba?" Tanong ni daddy. Hays sa wakas.

"Kanina pa po akong gutom daddy." Sabi ko sabay tingin ng masama sa kaniya.

"What's with that stare A?" Tanong ni daddy sakin.

"Eh kasi po , nagugutom na ako pero di niyo ko pinakain. Isusumbong kita kay mommy." Sabi ko. May second mom ako hihi , after 5 years nung namatay si mommy , nag asawa ulit si daddy. Ayos lang sakin kasi mabait naman yung second mom ko. Minahal niya ako na parang tunay niyang anak.

"You didn't tell me that you're hungry." Paninisi ni daddy sakin.

"Eh kasi pinagalitan mo ko kaya paano ko sasabihin sayo na gutom na ako?" Sabi ko sabay tingin ulit ng masama.

"You should have tell me that you are hungry. Pede naman mamaya na kita papagalitan pagkatapos kong kumain." Sabi ni daddy sabay tawa.

"Aba may schedule ba dapat daddy? At bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Masungit kong tanong.

"You are so cute anak pag naiinis ka. Hahahaha" Tawa sya ulit.

"Bahala ka nga diyan daddy , gutom na ako." Sabi ko sabay tayo at naglakad na papuntang kusina.

"Eatwell nak." Pahabol na sabi ni daddy.

Pagkarating ko sa kusina nakita ko si V , na kumakain. Ang duga di ako ginawan.

"Ang duga mo naman V , bakit di mo ko ginawan?"  Sabi ko sabay upo sa katabing upuan ni V.

"Gutom na ako eh , gumawa ka nalang ng sayo." Sabi niya sabay kagat ng sandwich niya.  Kaya no choice , gumawa nalang ako ng sakin.

"V , ang o.a ni daddy kanina nu? Pagalitan ba naman ako dahil lang sa mga salitang nasabi ko." Sabi ko habang nagpapalaman.

"Hindi kasi sanay yang daddy mo A. Saan mo ba kasi yun natutunan?" Tanong niya habang nakapokus yung atensyon sa cellphone niya.

"Sa mga beke lang sa school V hihi." Sabi ko sabay patong ng ginawa kong sandwich sa lamesa.

"Ikaw talaga , ang tsismosa mo." Sabi niya sabay tingin sakin.

"Di naman , narinig ko lang." Sabi ko sabay kain ng sandwich. Yum , sarap talaga.

"Anyways , kilala mo ba yung nakabunggoan mo kanina?" Tanong niya , naalala ko na naman yun. Amp ,walang modo di marunong mag sorry.

"Hindi eh , pero gwapo kaso masungit yata." Sabi ko sabay kagat ulit ng sandwich.

"Di kaya si Francis yun?" Tanong niya.

"Hindi eh. Ikaw pala tung shunga V , kilala ko kaya si Francis." Sabi ko sabay batok sa kaniya.

"Oh eh , bat mo ko binatukan?" Tanong niya sabay himas sa batok niya.

"Eh kasi shunga ka." Sabi ko.

" Abigael , Velea? Where are you dear?" Tawag ng babae , parang galing sa sala yun.

"Hala V , baka si mommy na yun." Sabi ko sabay tayo.

"Gaga , si tita naman talaga yun." Sabi niya sabay tayo.

"Lika na , puntahan natin." Sabi niya sabay hatak.

"Mommy. Mommy , i miss you po." Malambing kong sabi sabay hug sa kaniya.

"I miss you too A. May pasalubong ako sa inyo ni V." Sabi ni mommy sabay kuha ng mga pasalubong. Yeyyy , baka teddy bears.

"Mommy , si daddy pinagalitan na naman ako." Sumbong ko sabay kuha ng pasalubong niya. Agad ko namang binuksan. Yeyyy ^_^ teddy bears.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong ni mommy sakin.

"Eh kasi po , sinabi ko yung mga words na boplaks at beke. Ayon pinagalitan ako. Tapos di ako pinakain , gutom ako kanina"  sabi ko sabay pout.

"Hayaan mo , papagalitan natin yang daddy mo mamaya." Sabi ni mommy.

"Ah tita , uuwi na ako. Hinahanap na ako ni Mommy eh." Paalam ni V kay mommy.

"Ah sige V , ingat ka. Ipahahatid kita sa driver namin. Heto , pasalubong." Sabi ni mommy sabay abot ng pasalubong niya kay V. Ang bait talaga ni mommy , di niya nakalimutan bilhan si V hihi.

"Thank you tita." Sabi ni V sabay yuko.

"Walang anuman V. Sige na , mag ingat ka." Nakangiting sabi ni mommy.

"I will po tita , salamat ulit. Alis na ako A , kita tayo bukas." Sabi niya sabay kaway habang naglalakad papuntang garahe. Kinawayan ko na lang di siya.

"Tara A , pagalitan na natin yang daddy mo." Sabi ni mommy sakin. Excited na ako hihi. Natutuwa akong pagalitan si daddy hihi. Yari ka samin ni Mommy daddy.

"Tara na mommy , nasa office si daddy." Sabi ko sabay hatak ni mommy papuntang second floor. Pagkarating namin ay agad akong kumatok.

"Pasok." Sabi ni daddy. Kaya agad na kaming pumasok ni mommy.

"Hi hon." Bati ni daddy kay mommy. Akmang tatayo si daddy nang biglang nagsalita si mommy.

"Bakit mo ginutom si Abi? Bakit mo siya pinagalitan Ronald?" Mataray na tanong ni mommy kay daddy.

"She said something new words hon , what do you expect?" Tanong ni daddy.

"Ang o.a mo Ronald. Nang dahil lang dun papagalitan mo yang anak mo? My god 17 na yang anak mo Ronald , hindi na siya bata" Mataray na sabi ni mommy.

"She's still our baby hon , besides di pa sya nag debut kaya she's still too young para malaman niya yang mga salita na yan." Sabi ni daddy.

"Ilang months nalang mag de-debut na siya. She can't stay like this na walang alam sa mundo. She need to know everything Ronald." Frustrated na sabi ni Mommy. Patay , mali yatang nagsumbong ako.

"But we did try our best para malaman yung dapat niyang malaman Emilia. Bakit palagi mong kinukunsinti yang si Abi? What she did was wrong." Sabi ni daddy. Mukhang mag aaway sila. Huhuhu

"Anong mali sa ginawa niya Ronald? She just said BOPLAKS at BEKE. Masama na yun? Susmaryosep." Sabi ni mommy sabay hilot ng sintido niya.

"Fine. I concede , sino bang may sabi na tama ako?" Sabi ni daddy sabay upo.

"Masyado ka kasing o.a jan sa anak mo." Sabi ni mommy sa mahinahong boses.

"Pero mahal mo naman eh." Sabi ni daddy sabay kindat.

"Iw dad , ang panget mo." Sabi ko .

"Maka panget ka nak ,parang di ka nagmana sakin ah?"

"Di naman talaga daddy , mana kaya ako kay mommy. Diba mom?" Baling ko kay mommy.

"Oo naman nak. Lika , ipagluluto kita." Sabi ni mommy. Yesssss , yun oh.

"Sige mom , bye dad." Sabi ko sabay kaway.

"I'll go with you two." Sabi ni daddy. Akmang tatayo si daddy pero agad siyang pinigilan ni mommy.

"Wag na , dadalhan ka nalang namin." Sabi ni mommy sabay lakad. No choice si dad. Agad akong sumunod kay mommy sa kusina.

"Mommy sorry." Hingi ko ng tawad kay mommy pagkarating ko. Hinahahanda na niya yung ingredients sa lulutuin niyang caldereta.

"Para saan?" Takang tanaong ni mommy sakin.

"Kasi nag away kayo ni daddy. Di dapat ako nagsumbong." Sabi ko sabay hug sa kaniya.

"It's okay nak , masyadong o.a lang yang daddy mo. Hope you understand him." Sabi ni mommy sabay tap ng head ko.

"I understand daddy naman mommy eh." I said and smiled at her. "Kahit ganiyan siya , I know that he did all of those because he wants best for me and ,  I'm so lucky to have daddy and you in my life mommy. Even though that you're just my step mom , pinaramdam mo sakin ang pagmamahal ng isang ina. I'm so lucky kasi kahit di mo tunay na anak , minahal mo ko na parang tunay mo nang anak." Mahabang sabi ko kay mommy. Nakita ko ang isang butil na luha na tumulo sa mata ni mommy.

"I'm lucky too to have you A. Kasi kahit step mom mo lang ako , you considered me as your real mom. Pinaramdam mo din sakin kung ano yung pakiramdam magkaroon ng anak. I treasure you and your dad. Hindi ko kakayanin na mawala kayo sakin." Sabi ni mommy sabay punas ng luha niya.

"I love you mommy." I said and hugged her. We should treasure our family and love them as much as we could. Because they are the one who nurtured as since the beginning.

"I love you too ija. Come on , help me to cook your favorite caldereta." She said at nagsimula na maghiwa ng mga ingredients.

Pagkatapos namin magluto at kumain hinatiran namin si daddy ng pagkain niya sa office. Argh , I still remember what the guy have done to me. Kainis.

"Mommy , tulog na po ako." Paalam ko kay mommy.

"Sige ija. Goodnight." She said. Pumunta na din ako sa kwarto ko. I do my night routine then humiga na sa bed ko.  Tomorrow will be a long day. Napabalikwas ako ng bangon nung nag ring yung phone ko. Nang makita ko kung sino yung caller ay agad kong sinagot ang tawag.

"Hello frans?" Patanong kong bati sa kaniya.

| FRANCIS POV |

"Yow bro , san ka galeng?" Tanong ko sa kapatid ko.

"None of your business kuya." Walang gana niyang sagot sakin. Wala talagang modo tong lalaking to. Di marunong gumalang sa kuya.

"Answer me Shawn , wag mo kong sagutin na para bang tropa mo." I said in a warning tone.

"Tsk , daming satsat kuya. Punta na ako sa kwarto ko." Sabi niya sabay lakad papuntang kwarto niya.

Pasaway talaga kahit kailan. Kaya napagalitan parati nila Mama at Papa eh. Tawagan ko muna si Abi , namiss ko yung babaeng yun ah.

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko at agad kong dinial ang number ni Abi. Nakailang ring pa bago niya nasagot.

"Hello Frans?" Patanong niyang bati sakin.

"Hello Abi , how's your day?" Sabi ko na nakangiti.

"May nakabunggo sakin kanina , di man lang nag sorry sakin." Sabi niya sa mahinang boses. Ito yung gusto ko sa kaniya , she always telling me what happened kahit di gaanong importante.

"Kilala mo ba kung sino? Babae ba or lalaki?" Tanong ko sa kaniya habang naglakad ako papuntang ref para makakuha ng fresh milk.

"Lalaki siya but I don't know him. Walang modo eh." Sabi niya. I know for sure na naka pout to.

"Forget what happened earlier. Matulog kana may pasok pa tayo bukas." I said.

"Ahm, pupuntahan mo ba ako?" She said. I sip my fresh milk first before answering her question.

"I'll be there tomorrow , may ipapass lang akong output kay Mr. Cuevas. Sabay na tayong mag lunch. Susunduin kita sa room niyo." Sabi ko sabay inom ng fresh milk na nasa baso. Nang maubos ang laman sa baso ay agad kong nilagay sa lababo.

"Sige , can you bring me a chuckie and a mallows? Please." Request niya sakin.

"Sure thing Abi. Matulog ka na jan. Goodnight , see you tomorrow." I said.

"Goodnight din Frans , see you too. Bye."

"Bye." I said and ended the call. I should sleep now , may pasok ba bukas and I need a full rest for tomorrow. Pagkatapos kung hugasan yung baso ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Pagkarating ko ay agad akong humiga , dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ako.


next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login