Download App
74.46% Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5] / Chapter 70: Chapter 70

Chapter 70: Chapter 70

Napatampal na lamang sa kaniyang noo ang batang si Li Xiaolong habang napangiwi na lamang ang nakababatang kapatid nitong si Li Zhilan nang makita nila ang buong pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Naririto na kasi sila sa hindi kalayuan mula sa bahay pagamutan ni Elder Lee. Sino ba naman ang mag-aakalang pupunta pa dito siya. Mahirap din kausapin at pakiusapan ang matandang manggagamot na ito pero bukas ang palad nitong tumulong, wag ka lang cgumawa ng gulo dahil kapag nakita mo palang ang matandang manggagamot, tiyak hindi mo gugustuhing maging makulit at basagulero.

Dito palang sa pwesto nila sa di kalayuan ayasasabi niyang rinig na rinig nila ang pinag-uusapan ng mga iti.

"Aray aray, tanda bitawan mo ang tenga ko. Masakit!" Palahaw na sambit ni Prinsipe Lei na may himig ng pakiusap habang makikitang iniinda na lamang nito ang pagkakapingot sa tenga nito ng matandang lalaking kasalukuyang hawak ang nasabing kanang tenga nito.

Walang iba kundi si Elder Lee lang naman ito. Isa sa matatandang manggagamot ng Green Martial Valley Union sa kasalukuyan. Masasabing mataas din ang katungkulan nito sa nasabing Union ng iba't-ibang mga angkan.

"Matapos mong tustahin ang halos kalahating parte ng bahay-pagamutan ko ay gusto mong bitawan ko ang tenga mo? Masyado ka ng bata ka ha!" Seryosong saad ni Elder Lee habang may panggigigil sa boses nito na halatang inis na inis rin ito sa pinanggagagawa ng binatang estranghero. He found this man like a child kaya ganon na lamang siya magsalita.

Pinaghirapan niyang ayusin at panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng bahay-pagamutan niya na siyang nagsisilbing tirahan niya na rin ay ngayon ay kitang-kita niya kung paano naging parang dinaanan ng delubyo ito.

Hindi naman maipinta ang mukha ng batang si Li Xiaolong dahil sa kagagawan ng pesteng panganay na prinsipe ng kasalukuyang hari na si Prinsipe Lei. Malas lang nito dahil hindi mo masisindak ito kahit anong klaseng gawin niya o ninuman.

Para kay Li Xiaolong ay mahirap talaga makipagnegosasyon rito.

"Babayaran ko yan. Pwede bang bitawan mo ang tenga ko Tanda. Kung hindi ay hindi ko babayaran ang lahat ng pinsalang ginawa ko sa bahay mo!" Sambit ni Prinsipe Lei habang namimilipit pa sa sakit ito dahil hindi pa rin binibitawan ni Elder Lee ang kanang tenga nito.

"Babayaran? Mukhang hindi mo ata alam ang batas sa bahay pagamutan ko. Hindi lang doble danyos ang gagawin mo kundi ikaw mismo ang aayos niyan!" Nakangiting demonyong sambit ng matandang manggagamot na si Elder Lee.

Nanlaki naman ang mata ng magkapatid na sina Li Xiaolong at Li Zhilan habang mabilis pa silang nagkatinginan.

"Sinasabi ko na nga ba Zhilan eh, manggagantso talaga si Elder Lee eh." Tila naiinis na turan ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nitong tila sumusobra na ang matandang manggagamot na ito na si Elder Lee. Gusto ata nitong gumawa manlamang. Hindi niya maintindihan ang matandang manggagamot na ito sa totoo lang.

"Eh dito mo pa dinala yang unggoy na nilalang na yan eh. Naloko na talaga Kuya Xiaolong. Ano'ng gagawin natin?!" Tila Nababahalang sambit ni Li Zhilan. Alam niya kasing walang uubra sa matandang manggagamot na ito na si Elder Lee. Tandang Lee tawag niya rito kasi ay para sa kaniya ay literal at harap-harapang manggagantso ito at mapanlamang itong matandang ito. Halata naman siguro sa pinagsasabi nito noh.

"Baka kung sa ibang manggagamot ko pa dinala yang pesteng nilalang na yan eh malamang ay sa hukay na ang diretso niyan at inuuod na sana ang katawan nito. Ito naman na si mabait na si ako ay tinulungan ko siya." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nitong matamang nakatingin sa kaniya ang nakababatang kapatid nitong si Li Zhilan.

Napataas naman ang kanang kilay ni Li Zhilan habang masusi nitong inobserbahan ang tono ng pananalita ng kuya Xiaolong niya.

"Saan ang mabait sa'yo Kuya Xiaolong?! Dinala mo nga ang pesteng estrangherong iyan eh. Binuhay mo pa talaga ang nilalang na iyan. Kung alam ko lang na napakasama ng pag-uugali nito ay ako mismo ang papatay sa animal na yan!" Nanggagalaiting sambit ng batang si Li Zhilan.  Hindi siya makapaniwala na may pagka-hunghang din itong estrangherong dinala ng Kuya Xiaolong niya.

"Yang bibig mo Zhilan ha, umayos ka. Baka nga yung pinapagawa sa'yo ni inay at itay ay di mo naman inasikaso ha." Paalala ni Li Xiaolong sa kapatid nitong sobrang makulit at pala-gala kung saan-saan dito sa loob ng Green Valley.

Napatahimik na lamang si Li Zhilan habang nakayuko ito. Indeed, senyales nga ito na hindi naman ito sumusunod sa pinapagawa sa kaniya ng mga magulang nila.

Mabilis namang nalipat ang atensyon nila sa tensyong nagaganap sa hindi kalayuan...

"Ahhhhh! Bitawan mo ko tanda. Sobrang sakit na talaga!" Nakikiusap na sambit ng binatang si Prinsipe Lei habang makikitang tila hindi nito gustong mas tumagal pa ang paghihirap ng tenga niya dahil sa matandang lalaking bumungad sa kaniya kanina.

Agad namang binilisan ng batang si Li Xiaolong ang paglakad niya patungo sa kinaroroonan mismo nina Elder Lee at ni Prinsipe Lei.

"O ano ngayon? Manggigiba ka naman ng mga gamit sa bahay ko?" Sarkastikong tanong ni Elder Lee sa binatang estranghero na nasa harapan niya. Tinigilan niya na ang pagkakapingot sa kanang tenga ng lalaking martial artists na ito. Nangalay na rin ang kamay niya kakapingot rito.

Tila gumuhit ang inis sa mukha ng binatang prinsipe habang nakatingin ng harap-harapan sa matandang lalaking may nakakalokong ngising nakapaskil sa mga labi nito.

Bago pa tumikab ang bibig nito ay narinig naman niya ang tinig mula sa hindi kalayuan dahilan upang hindi ito makapagsalita pabalik.

"Magandang Umaga Elder Lee. Kamusta kayo?!" Pambungad ng batang si Li Xiaolong sa hindi kalayuan habang kumakaway-kaway pa ito para agawin ang atensyon at tensyong nagaganap sa pagitan ni Elder Lee at ni Prinsipe Lei ng Sky Ice Kingdom.

Hindi naman nabigo ang batang si Li Xiaolong nang mapansing nasa kaniya na ang atensyon ng dalawang nilalang na sina Elder Lee at Prinsipe Lei.

Nakakunot-noong tiningnan siya ng matandang manggagamot na si Elder Lee habang nagtataka namang tiningnan siya ni Prinsipe Lei na mukhang inaalala kung saan niya ito nakita.

"Ikaw pala Xiaolong. Mukhang hindi maganda ang araw ko ngayon dahil sa dinala mong nilalang rito. Sino tong hambog at agresibong nilalang na ito? Walang mabuting pag-uugali eh!" Inis na saad ng matandang manggagamot na si Elderly habang nakatingin sa gawi ng batang si Li Xiaolong.

Napaismid na lamang ang batang si Li Xiaolong nang hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang biglang  pagkurba pataas ang labi ni Elder Lee ng palihim at bigla-bigla na lamang bumalik sa dati ito. 

Sigurado na siya ngayon na may binabalak ang matandang manggagamot na ito at siyempre may kinalaman ito sa salapi.

Parang gusto niyang tirisin ang kumag na prinsipeng si Lei dahil sa pagiging agresibo nito. Binigyan pa siya ng sakit sa ulo.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C70
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login