Download App
37.5% Immortal Destroyer [Volume 8] / Chapter 15: Chapter 2.5

Chapter 15: Chapter 2.5

Kasalukuyang naglalakad ang binatang si Wong Ming habang nakasunod ito sa likod ng butihin niyang amang si Head Chief Bengwin na ngayon ay magkasama silang umalis patumgo sa Ash Fall Forest na ngayon ay masugid nilang tinatahak ang malawak na kapatagan habang may nadadanan silang mga nagtataasang puno habang madamo ang kapaligiran na siyang nadaraanan nila.

Masasabi ni Wong Ming na masyadong maganda ang pook na napupuntahan niya ngayon. Simple lamang habang masasabing napakasariwa ng hangin dito at mayaman sa natural na enerhiya ang lugar na ito.

Malayo kasi ang nakasanayan niyang buhay ang lugar na tinatahak nila patungo sa nasabing masukal na kagubatang tinutukoy ng ama niyang si Wong Bengwin ngunit ngayon ay masasabi niyang makikita niya na ito ng aktuwal kung sakaling marating nila ito mamaya.

Sa loob ng apat na taong pagkupkop ng amain niyang si Wong Bengwin ay masasabi niyang ngayon lamang siya nakapaglakbay ng ganito kalayo habang makikitang wala na talaga siyang pagpipilian kundi ang samahan Ito. Kumpara sa maingay at maraming mga taong nakikita niya sa loob ng Wong Family maging sa malalaking mga bayang nadaraanan niya ay maraming mga lahi ng warmongers ang pagala-gala. Hindi naman ito nakakapagtaka dahil nasa katangian na ng mga tao ang pagsasama-sama sa isang komunidad ngunit meron ding iilan sa kanila na hiwalay sa kabihasnan.

Gayunpaman ay masaya si Wong Ming dahil unang pagkakataon niyang makapaglakbay habang kampante siyang makadiskubre ng mga bagay-bagay sa mga nadaraanan niya. Hindi nga siya nabigo dahil marami siyang natuklasan lalo na sa mga natural na mga bagay na nakikita niya sa kapaligiran na noo'y nababasa niya lamang sa makakapal na libro.

Maya-maya pa ay natanaw na ni Wong Ming ang makapal at tila mayayabong mga punong nagtataasan sa hindi kalayuan.  Hindi naman makapagpigil si Wong Ming na hindi magtanong sa tumatayong ama-amahan niyang si Wong Bengwin.

"Ama, iyan ba ang tinutukoy mo na lugar na siyang hiwalay sa lungsod, ang Ash Fall Forest?!' seryosong wika ng binatang si Wong Ming habang nakatingin sa gawi ng ama niyang si Head Chief Bengwin.

"Oo anak, iyan na nga ang Ash Fall Forest. Bilisan na natin nang makapaglakbay tayo ng  maaga sa masukal na kagubatang iyan kung saan tayo paroroon." Seryosong saad naman ni Wong Bingwen patungkol sa tanong ng isip ng binata.

Napatango na lamang si Wong Ming tanda ng pagsang-ayon at mabilis na itinuon ang pansin nito sa paglalakad habang nakasumod naman si Wong Bengwin na naglalakad sa gawi ng binata patungo sa direksyong tanaw na tanaw nila ang Ash Fall Forest.

Maya-maya lamang ay hindi napansin ni Wong Ming na nakarating na ito sa bukana ng Ash Fall Forest.

Puno ng pagkamangha ang nasabing binata habang kitang-kita ang kuryusodad sa mata nito. Halata kasing hindi ito umaasang mabilis nitong mapupuntahan ang masukal na kagubatang ito.

Unang pumasok si Wong Ming habang kasunod nitong pumasok sa loob ng bukana ng kagubatan si Ginoong Wong Bingwen.

Talagang wala silang naiisip na mga bagay-bagay habang may sayang namutawi sa isipan ni Wong Ming. Sino ba naman kasi ang hindi magiging masaya kung lumalakad sa pook na ito.

Hindi namalayan ni Wong Ming na papalayo ng papalayo na ang distansya nito sa amain niyang si Wong Bengwin.

Paano ba naman ay marami siyang gustong puntahan kaya nalihis ang lugar na tinatahak niya.

Mahahabang paghakbang ang ginagawa ni Wong Ming at abala din si Ginoong Wong Bingwen sa pagsuri ng daan. Nalingat lamang siya sandali ay hindi na niya mahanap pa si Wong Bengwin sa kahit saan siya pumunta.

"Wong Ming? Asan ka na?!" Paulit-ulit na sambit ni Wong Bengwin nang nakita niyang tila nawawala na ang binatang si Wong Ming na siyang anak-anakan niya.

Hindi na rin nakapagpigil si Wong Bengwin kundi hanapin ang nawawalang binatang si Wong Ming sa kung saan-saang bahagi ng Ash Fall Forest.

Namamawis na ang noo ni Wong Bingwen habang makikita ang labis na pag-aalala sa mukha nito kakahanap kay Wong Ming ngunit ni anino nito ay hindi niya mahagilap.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mawawala sa paningin niya ang nasabing binata. Kung siya lamang kasi ang masusunod ay tila ba hindi na niya gugustuhing isama pa ang nasabing binata.

Hanap dito hanap doon, sigaw dito sigaw doon ang ginagawa ni Wong Ming ngunit muknang hindi na mahanap ni Wong Bengwin ang nasabing binata.

Talagang mahihirapan ang sinumang hanapin sa loob ng Ash Fall Forest ang mga nawaglit na nilalang na siyang kamag-anak o kakilala ng sinuman rito.

Napakalawak at napakasukal ng loob ng nasabing kagubatan na siyang hindi basta-basta lamang maililibot ng sinuman.

Ngayon ay naniniwala si Wong Ming na misteryosong gumagalaw ang masukal na kagubatang ito dahil kahit nga ang binatang si Wong Ming ay hijfi nito alam kung nasaang bahagi na ito ng Ash Fall Forest.

Habang tumatagal ay nag-aalala na si Wong Bengwin sa lagay ng binatang si Wong Ming. Buong buhay nito ay nakakulong ito sa siyudad ng Golden Crane City ngunit ngayon ay ito iba ang sitwasyon. Nakakalungkot itong isipin dahil wala man lang itong kamuwang-muwang kung saan ito pupunta.

Isa pa sa problema ni Wong Bengwin ay matagal-tagal na siyang hindi nakakapunta rito kaya mahihirapan siyang mahanap kaagad si Wong Bengwin. Tanging siya lamang ang makakaligtas sa kakawang binata.

Ngunit nawala ang iniisip ni Wong Bengwin nang makaramdam siya ng kakaiba sa paligid niya.

Tap! Tap! Tap!

Ramdam ni Wong Bengwin ang kakaibang yabag na naririnig niya mula sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan niya. Ramdam niya ang kakaibang pangyayaring ito na unti-unting lumalakas at tumitindi ang malalaking mga yabag ng kung anumang nilalang sa paligid.

Mabilis na tumalon si Wong Bengwin sa matayog na puno na malapit sa kaniya upang timgnan ang kakaibang kaganapan sa malayuan.

Hindi naman nabigo si Wong Bengwin dahil natanaw niya kaagad sa malayo ang sobrang daming mga magical beast na iba-iba ang anyo at laki ng mga kto habang sumusugod at sinusuyod nito ang daanang patungo sa kaniyang direksyon.

"Patawad Wong Ming kung hindi kita kasama ngayon

Sana lang ay ligtas ka. Hindi ko hahayaang mawala ka rito. Hahanapin kita sa lalong madaling panahon." Seryosong sambit ni Wong Bengwin na puno ng kalungkutan ang mga mata nito habang mabilis na nawala ang pigura nito na animo'y humalo sa hangin. Wala man lang bakas itong iniwan.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login