Download App
12.78% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 15: Make Her Fall Plan

Chapter 15: Make Her Fall Plan

Richard's Side

"O, nasaan na naman si Suho?"

Nilapag ni Karl yung bag niya sabay salampak sa sofa. Sinipa ko siya dahil pati sapatos isinampa ng gago.

Nandito kami ngayon sa bahay ko na medyo malapit sa Tirona High. Maliit lang ito kumpara sa bahay ko na malapit sa Lee University. Doon rin nakatira yung daddy ko kaya mamamatay ako don. Umalis na lang ako.

"Kilala mo naman 'yon, kung hindi pinayagan ng Mommy niya nandoon busy kay Luisa." sagot ko at naglaro ng Zombie Apocalypse.

Gago ang galing ko dito, men!

"So totoo pala na sinundan niya talaga don yung babae niya?" si Karl lang talaga nagiingay sa aming lahat e.

"Oh." sagot ko at naglaro ulit.

"Hooooooy! Ano ba kayong lahat!!! Puro kayo cellphone!"

"Tss."

Naalala ko tuloy yung cellphone ni Baichi. Ang panget ng nasa wall paper niya. Tss.

"Ya. Karl."

"Oh?" sagot niya.

"Paano mo ba masasabi kung hindi ka talaga gusto ng isang babae?"

"Tss. Hahahaha. Bakit bro? May babae bang hindi nagkakagusto sa 'yo?"

"Syempre wala, tss." binalik ko ulit ang tingin sa cellphone.

Posible kayang wala talagang gusto sa akin ang Baichi na 'yon?

TSS!

"AISH!" nasipa ko ng mahina yung center table.

"Woah woah woah! Easy dude! Hahahahaha!"

"Nataya kasi ako e!" pinakita ko sa kanila yung nilalaro ko.

"Gusto mo ba talagang malaman kung may gusto sayo ang babae o wala?" napatingin ulit ako kay Karl. "Ganito lang yan. Makinig ka."

Lumapit siya at inakbayan ako habang nakaupo.

"Titigan mo siya sa mata. As in mga ilang segundo. Kapag namula siya at hindi makatingin pabalik, sign na 'yon... na gusto ka niya. Kuha mo?"

"Tss. Arasseo. Sisiw naman niyan." sagot ko.

"Eto pa. Para mahulog siya sa 'yo, make her feel na you cared for her. Like 'Hi, you like to eat?' or 'Magingat ka ha' or bigyan mo siya ng payong kapag umuulan."

"Tssssssss!"

Alam ko na. May plano na ako. Hehe.

"By the way, RJ." Si Santi na yung nagsalita kaya himala. "How's Tirona High?"

Oo nga no. Hindi ko pa nasasabi sa kanila.

Umayos ako ng upo at hinarap sila, pinakita ko sa kanila yung band aid sa daliri ko.

"Anong meron diyan?" tanong ni Lei na mahilig sa Animei.

"Sinugatan lang naman ako Baichi."

"Sinong Baichi?" Karl.

"Yung babae sa Arcade." sagot ko. "Si Ayradel."

I can still remember her funny face that time. Pfft. Hindi ko alam kung narecognize niya ba ako, but I think no.

Natawa tuloy ako potek.

"Woah, RJ, don't tell me may gusto ka sa babaeng yon? Siya ba yung dahilan kung bakit mo tinatanong sa akin yung kanina?"

Tumawa ako.

"Are you, RJ?" tanong ni Santi. May kakaiba sa tono niya kaya hinarap ko siya ng maigi.

"Bakit, Santi? Trip mo ba yung babaeng yon?" tanong ko pabalik.

Lumaki ang singkit niyang mata.

"Why would I? I saw her just once."

"Good." sabi ko. "Because that girl... is already falling for me."

"What? Ganon kabilis! Ang tindi mo talaga Jay!!!" minasahe ni Karl ang likod ko na para bang sinasabing master niya ako.

Tumawa lang ako dahil sino ba namang hindi bibilib. Tss.

"Maj-a!" (that's right) "She's the one who is falling in love with me. At bakit ko naman magugustuhan yung ganoong klaseng babae? Ang simple lang. Hindi bagay sa akin, tss."

"Kung ayaw mo edi akin na lang?"

"Hindi pwede!"

Natigilan silang lahat.

"May gusto rin sa kanya yung 'gago'."

"You mean...? Yung gagong kaaway mo nung elementary pa lang tayo?"

"Yes." inikot ko ng tingin yung band aid na nasa daliri ko saka ngumisi. "I will make her fall for me more... tapos kapag gustong gusto na niya ako saka ko siya iiwan sa ere. Hahahahahahahahahahaha!"

Napatigil ako sa pagtawa nang makitang nakatitig lang silang lahat sa akin.

"Seryoso ka ba?" tanong nila.

"Oo!"

"Pre wala ka sa pelikula ha?" sabi ni Karl.

"Tss!" sabi ni Santi.

"Pake niyo? 'Yun ang plano ko!"

"E parang mas mauuna ka pang mahulog kaysa sa kanya e." nilingon ko si Lei na parang seryosong seryoso sa pinagsasabi niyang kalokohan.

"TSS! Hindi ko magugustuhan yung babaeng 'yon noh?!"

Bakit ko naman magugustuhan yon?

Tsssss!

Tumayo ako't iniwan sila sa sala at nagkulong sa kwarto. Maglalaro sana ako ng Zombie Apocalypse kaso naisipan kong mag-google muna.

I typed:

How to make a girl like you

Loading...

Results: How to make the girl you like, like you back

Napatayo ako mula sa pagkakahiga.

"Booyah!"

Dinelete ko yung tinype ko at nagtype ulit ako.

"How to make a girl like you and take note, I don't like her!!!!!"

Results:

▪️ How do you tell a girl you have feelings for her?

▪️ How do you get the girl you like to like you back?

▪️ How do you hint to a girl you like her?

"MWO?!!" binato ko yung cellphone sa kama.

Pati google walang kwenta.

Pinindot ko pa rin yung isa sa results.

How do you get the girl you like to like you back?

When you've fallen for a girl--

"Bakit ba palaging sinasabi sa akin na may gusto ako sa babaeng yon e wala naman aiiiiisssh!"

When you've fallen for a girl it's a daunting task to get her to like you back. It takes being friendly, being confident, and a lot of conversation to build a relationship. By spending time with her and bonding with her, you can get the girl you like to fall for you too.

Tss. Hindi ko naman siya type e.

Ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login