Ayradel's Side
Halos hindi ako makapagsalita sa litanya niya. Hindi tulad ng dati na mukhang joke lang ang lahat, ngayon ay nakatitig siya sa akin ng seryoso.
"Ayra..."
"Charles..." bumuntong hininga ako. "Huwag muna nating pagusapan 'yan. M-magreview muna tayo..."
Lumungkot ang mukha niya pero tinignan niya pa rin ako.
"Okay..." aniya. "Pero seryoso ako ah? Tutulungan kitang makalimutan siya."
"H-Hmm." tumango ako. Ngumiti naman siya.
Kasabay nito ay ang kirot sa tibok ng puso ko. Kumikirot ito lalo na noong sinabi niya yung salitang "makalimutan", dahil naalala ko lang ang lahat.
Ang utak natin ay talagang mas makulit sa puso minsan. Kapag inutusan mo itong makaalala, ay lalo kang makakalimot. Kapag gusto mo namang makalimot ay mas lalo kang makakaalala.
Natapos ang pagrereview at madali naman niyang nasaulo ang lahat. Mayroon talaga siyang tinatagong talino, masiyado lang siyang nagfofocus sa basketball kaya mababa ang grades niya noon.
Mas nauna akong bumalik ng classroom dahil dinalhan muna ni Charles ng pizza ang mga team mates niya sa basketball na nasa gym ngayon. Hindi kasi namin maubos yung sobrang laking pizza, sure rin akong wala pa sa classroom sina Lea.
Nang makapunta akong classroom ay wala pang masiyadong tao, siguro ay nasa sampu pa lang. Masyado pa kasing maaga, may 30 minutes pa bago ang time ng Biology. Umupo na ako sa usual seats namin nina Charles. Walang seating arrangement pero nasanay na lang kami na dito umupo.
Binabasa ko ulit yung notes ko sa History nang magsimulang magbulungan ang mga babae na nandito sa classroom. Napaangat ako ng tingin at lumundag rin ang puso ko nang matanaw si Richard Lee sa tapat ng pintuan, tumatawa at may kausap na isa pang lalaki.
"Ghad! Ang sexy niya rin tumawa!"
"Sobrang gwapo talaga!"
Halos matulala ako sa pagtawa niya. Palagay ko ang tagal bago ko nakita 'yon ulit dahil nga naging seryoso siya ngayong nagcollege kami.
Umiwas lang ako ng tingin noong nagpaalam na siya sa kausap niya. Nagkunwari ulit akong nagbabasa ng notes. Pakiramdam ko sobrang init! Sobrang bilis rin ng kabog ng dibdib ko.
"A-Ahm... Richard..."
Natigil sa paglalakad si Richard nang hinarang siya ng dalawa naming kaklase. Ang dalawang ito ay kasama ko sa sponsorship team.
"A-ahm... Kukunin sana ng section namin y-yung EP Company p-para maging sponsor n-ng..." bago ito makapagsalita ay ngumisi na si Richard.
Natulala yung dalawa.
"Yes. I already talked to your sponsorship head." aniya saka nagpatuloy sa paglakad.
Halos hindi ako mapakali dahil ramdam kong papunta na siya sa direksyon ko. Napatalon naman ako sa gulat nang ilapag niya ang bag niya sa tabi ko sa kanan. Nanlalaki ang matang nilingon ko siya, lalo na noong umupo na siya sa tabi ko.
"Gaaaaaad! Bakit nilapitan ni Richard si Ayra?"
"OMG! Sabi sa 'yo dapat tayo na lang nagsend n'ong sponsorship letter!!!"
"Ang swerteeee!"
"B-bakit ka diyan umupo. Sa likod ko ang upuan mo." sabi ko. Doon naman talaga siya madalas, ang nakaupo dyan ay sina Lea, Blesse at Rocel.
"Ayoko na sa likod mo."
"Ha?"
"I should sit here."
"Bakit?"
"Dahil maguusap tayo ngayon." aniya na nakapangalumbaba at taas-kilay na nakatingin sa akin.
"Ha?" tumaas ang kilay niya kaya uminit ang pisngi ko. Parang palagi na lang akong lutang. O talagang wala lang akong masabi.
"Hindi ba't kinukuha niyong sponsor ang kumpanya ko? Sasabihin ko sa 'yo kung saan yung office ko."
Kumunot ang noo ko saka kinuha yung printed letter. Pinrint ko na 'to kanina pang umaga.
"Hindi ba pwedeng ibigay ko na sa 'yo ngayon? Tutal nandito na ka rin naman."
"Nope. You bring that to my office."
"E bakit pa?"
"Sa office lang ako tumatanggap ng trabaho. Estudyante rin ako kapag nasa school ako, Baichi."
Sobrang nagpalpitate ang buong pagkatao ko nang marinig ko kung anong tinawag niya sa akin. Hindi ako agad nakahinga. Napatitig lang ako sa mukha niya na ngayon ay namumula at agad niyang iniwas.
Napailing siya at napahinga ng malalim, napapikit saglit, at nang magdilat ng mata ay diretso muli ang tingin niya sa akin.
"Sorry."
Pagkatapos ay narinig ko na ang halakhakan ng tropa nila Sheena. Napapikit ako dahil napadpad agad sa aming dalawa ni Richard ang mata nila.
"Gawd, why are they together?"
"Balita ko kasi kinuha nilang sponsor si Richard."
"Ah head si Ayra?"
"Bakit ba kasi siya ang head!"
"Okay lang yan, di siya type niyan ni Richard, baka mas maging type niya pa si Sheena hihi!"
"R-Richard..." tawag ko na hindi tumitingin.
"Balik ka na sa likod." dahil sobra na ang atensyong nakukuha namin.
"Bakit?"
Bago pa ako makasagot, ay mas lalo akong napalubog sa upuan dahil maging si Charles ay pumasok na rin ng classroom. Mas lalong umingay ang bulung-bulungan nang pinagitnaan nila akong dalawa ni Richard.
Sht naman.
"Gawd! Ano bang meron sa babaeng 'yan?! Bakit niya katabi 'yong dalawa?!"
Hindi ko na inintindi at nilingon ang dalawa kong katabi, pati na rin ang iniisip ng mga kaklase namin. Sobrang lakas magpalpitate ng buong dibdib ko pero sinikap kong magbasa na lang ng notes, pero di rin nagtagal ay inagaw ni Charles ang notebook.
"Mommy," tumindig ang balahibo ko sa tinawag sa akin ni Charles. "Ipagpatuloy na natin yung pagrereview kanina, nakalimutan ko na e. Hehehe."
WADAPAK?! Gusto kong lingunin ngayon ang lalaking nasa kanan ko para tignan ang reaksyon niya, pero hindi ko magawa. Pinanlakihan ko na lang ng mata si Charles pero mukhang hindi niya gets yung sinasabi ko.
"A-ah s-sige---"
"Ms. Bicol."
Napalundag ako sa gulat nang si Richard naman ang tumawag sa pangalan ko.
"Kailangan ko nang iexplain sa 'yo yung direction ng company."
"Ha?" singit ni Charles. "Ba't kailangan mo pang iexplain ngayon e pwede mo namang i-message na lang yung directions?!"
"Pasikot sikot sa Greenhills. Baka maligaw siya kaya kailangan kong iexplain ng maayos."
"E kailangan rin naming magreview e! May long quiz sa History! Hindi ka naman namin kaklase dun kaya hindi ka maka-relate!"
"Sino bang mas mahalaga?" sambit ni Richard, na nakapagpalaki ng mata ko.
WHAT THE HELL? Sino talaga?!
Natahimik si Charles, at tumikhim si Richard. Hindi ko alam kung pinapanood ba sila ngayon ng mga kaklase namin.
"I mean, anong mas mahalaga. Ayradel, you pick." mahinang sabi ni Richard.
Tumawa lang ng sarcasric si Charles.
"M-magpapaturo lang ako ng direction, Charles. Magbasa ka muna diyan, tapos babalikan kita."
Ang nakakunot na noo ni Charles ay bahagyang umaliwalas.
"Sige..."
Nang harapin ko naman si Richard Lee ay kuyom na ang kanyang panga. Matalim na mata ang binigay niya sa akin bago masungit na ipinakita sa akin ang nasa phone niya.
"Ayan, intindihin mo na lang. Nang mabalikan mo siya agad! Tss." aniya saka tumingin sa ibang direksyon. Kumunot ang noo ko at mukhang hindi naman iyon narinig ni Charles.
Tinignan ko yung Google Map sa phone. Hindi naman mukhang mahirap, katunayan ay nagets ko kaagad noong sinuri kong mabuti ang lugar. Hindi naman ganoon kalayo sa highway yung building nila. Isang sakay lang ng jeep mula rito sa school ay makakarating ako, pagkatapos ay kaonting lakad.
Hinarap ko siya.
"Dito na ba talaga? Nasa'n yung pasikot-sikot?!"
Masungit na kinuha niya mula sa akin yung cellphone.
"Ako, Ayra. Ako yung pasikot-sikot. But I think I'll go straight this time. Kapag napuno ako, kapag hindi ko na talaga mapigilan, I'll really go straight and no one can do anything about it!"