Download App
I HATE YOU, I LOVE YOU I HATE YOU, I LOVE YOU original

I HATE YOU, I LOVE YOU

Author: Aleixza11

© WebNovel

Chapter 1: The Encounter

Aligaga si Jessie dahil umaga na naman at siguradong late na naman siya sa kanyang klase. Tatayo na naman siya sa labas ng kanilang classroom habang may nakapatong na libro sa kanyang mga braso.

"Nay ! Sabi ko naman sainyo gisingin niyo ako eh !" Pasigaw niya habang madaliang nagbibihis.

"Aba Jessie ako pa talaga sinisi mo! Ilang beses ko ng sinabi sayo na matulog ka ng maaga hindi ka nakikinig. Inuuna mo pa rin yang kakadutdot sa selpon mo!" Pangaral ni Nanay Saring.

1st year college na si Jessie sa Bachelor of Science in Information and Communications Technology sa isang pampublikong paaralan sa kanilang probinsya.

Mag-isa siyang tinaguyod ng kaniyang ina dahil bata pa lamang ito ay namatay na ang kanyang ama dahil nahit and run ito habang naglalako ng taho.

"Nay aalis na po ako." Ani Jessie

sa nanay niyang hindi pa rin tumitigil sa pagsesermon sa kanya.

May kalayuan ang bahay nila Jessie sa kanyang paaralan. Ang kagandahan lang ay walang masyadong traffic sa kanyang daraanan.

"Manong pakibilisan ho. Malalate na po ako!"

"Miss baka po tayo ay madisgrasya pag aking binilisan." Sagot ni Manong driver.

Ga butil ang tumutulong pawis ni Jessie dahil strikto ang kanyang professor.

"Bautista, Kassandra."

"Ma'am Present."

"Castro, Albert."

"Present po."

Patuloy pa ring tinatawag ng professor ang kanyang mga estudyante ngunit wala pa rin si Jessie.

"Montemayor, Jessie."

"Montemayor, Jessie!" Ulit ng professor.

"Wala na naman si Jessie? O baka late na naman." Galit na banggit ng biyudong professor.

"Sir PRESENT!" hingal na sabi ni Jessie habang nakadungaw sa pinto.Tinakbo niya kasi mula gate ang kanilang nasa pangatlong palapag na classroom.

"Ms. Montemayor bilib naman talaga ako sa consistency mo. Simula nang mag umpisa ang klase ay lagi ka nang late. Ulitin mo pa ulit at ida-drop out na kita!" Galit na galit na sabi ng professor.

Lahat ng kanyang kaklase ay nakatingin sa kanya.

Napayoko na lamang si Jessie dahil sa kahihiyan.

"Sorry po Sir. Di na po mauulit." Nakasimangot niyang sabi.

"Dun ka sa labas Ms. Montemayor at kumuha ka ng libro na ipapatong dyan sa braso mo." Ani ng guro.

Pagkakataon na ni Jessie na pumili ng manipis na libro. Palihim siyang nakangiwi. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kaniyang professor na palapit saknya.

" Heto ang ipatong po dyan sa braso mo at ng magtanda ka!" Inabot ng professor ang sobrang kapal na libro. Parang limang libro na pinagsamasama.

Walang nagawa si Jessie kundi tanggapin na lamang ito.

Trenta minutos na ang lumilipas at ngalay na ngalay na ang kanyang mga kamay.

"Uy Jessie, inaaraw araw mo na yan ah." Natatawang sabi ng mga taga kabilang seksyon.

"Wala kayong paki!" Pasigaw na sabi ni Jessie.

Ang kabilang seksyon kasi ang pinakabully sa lahat ng 1st year class. Lahat na ng klase ng estudyante ay meron sila.

May pasaway na laging natutulog sa klase, merong kikay na walang alam kundi ang maglagay ng kolorete sa mukha, meron din nerd na mapagkakamalan mong baliw dahil kinakausap ang mga isda sa aquarium at meron ding mga basagulero. At isa na dun si Edward Spencer- ang lider ng grupo.

"Hi Miss Biyutipol, buhatin ko na yan para sayo. Pero kiss muna." Pang aasar na sabi ni Edward sabay lapit ng kanyang pisngi kay Jessie.

"Layuan mo nga ako manyak ka!" Sabay hampas ng makapal na libro.

Naghiyawan yung kabilang seksyon sa eksena ng dalawa. Dahil sa ingay ay lumabas ang professor ni Jessie.

"Ms. Montemayor, di bat sinabi kong ipatong ko yang libro sa mga braso mo? Gusto mo atang dagdagan ko pa yan." Galit na sabi ng professor.

"Eh kasi Sir —-."

"Enough Ms. Montemayor. I don't wanna hear any words from you." Pasigaw niyang sabi.

Ibinalik na lamang ni Jessie ang libro sa kanyang braso. Ilang minuto na lang at matatapos na rin ang kanyang kalbaryo.

" Bes okey ka lang ba?" Alalang tanong ni Sheena kay Jessie.

Si Sheena ang childhood friend ni Jessie. Magkaklase kasi ang mga ito mula pa noong elementarya hanggang sa pagkolehiyo nila.

"Okey lang ako Bes. Sanay na akong laging nasasaktan." Hugot na sagot ni Jessie.

"Mukhang sanay ka na nga. Nakuha mo pang humugot eh." Nakangiting sagot ni Sheena.

"Tara Bes kain tayo di pa ako nag aalmusal eh." Sabi ni Jessie.

"Tara." Ani Sheena.

Habang nakaupo na sa canteen ay napag Kwentuhan nila ang mga taga kabilang seksyon.

"Napaka manyak talaga ng basagulerong yun." Pagkukwento ni Jessie.

"Sino Bes?"

"Yung nasa kabilang sekyon. Yung lider ng mga warfreak." Halos matanggal mata ni Jessie kakairap.

"Ah si Edward Spencer. Bakit ano nangyari."

Takang tanong ng kaibigan.

"Aba eh Kiss ko daw para tulungan ako dun sa librong nakapatong sa braso ko." Inis niyang kwento.

"Ha talaga. Bat di mo kiniss? Ang gwapo kaya niya at ang macho pa." Pantasyang sabi ni Sheena.

"Batukan kita dyan Bes gusto mo. Anong gwapo dun, eh mukhang butiki yun?" Nanggagalaiting sabi Jessie.

"Ako ba pinag uusapan niyo?" Tanong ng lalaking nasa likuran ni Jessie.

To be continue.....


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login