Download App
80% I Am Weird / Chapter 4: t w o ?

Chapter 4: t w o ?

"Miracle!Miracle!Magpa-picture tayo dito!"

"Miracle dito naman tayo magpa-picture!"

"Ang ganda naman ng lugar na 'to.Gandahan mo ang pag-pose,Miracle"

Hindi ko maiwasan ang mapailing dahil sa tatlong kasama ko,kanina pa sila parang mga sirang pakuha ng pakuha ng litarato.Simula ng makabili ng cellphone ang tatlong 'to ay hindi na tumigil sa pagkuha ng pictures,mga selfie addicts na ang mga ugok na 'to

"Ayumi,picturan mo kami dali!"-napasimangot naman si Yumi saka inabot ang cellphone ni Yui

"Why did you sama me here ba?you're just making me your taga picture!"-inis na tanong ni Yumi saka umismid,fyi excuse you,hindi ka namin isinama dahil ikaw ang nagsama sa sarili mo,hmmp!

Gusto kong sabihin 'yan sakanya pero wag na lang,importante ang world peace

"Hindi ka naman namin pinilit na sumama,ikaw lang ang sumama saamin"-sagot ni Yui saka kinuha ang cellphone nya

"Oo nga,kung ako lang ay hindi kita isasama"-dagdag pa ni Shou"Tayong apat na nga lang ang kumuha ng picture natin"-inis pa dagdag pa ni Shou

Siraulo talaga ang isang 'to,napaka-prangka

Apat na linggo na din mula ng magkakilala kami,mabilis kong naging kaibigan ang tatlong 'to.Kabaliktaran naman ni Yumi na madalas nilang barahin at kahit na magkakasama kami sa iisang bahay ay madalang nilang kausapin si Yumi

"Mas makakabuti kung uuwi ka na lang"-ani Fall pagkatapos kumuha ng picture kasama yung nagtitinda ng fishball.Napagpasyahan kasi nilang pumunta ng park dahil wala naman kaming pasok

"Hmmp!I will sumbong you kay Tito Jared!"-inis na saad ni Yumi saka tumakbo palayo.Huff!

Napairap na lang ako saka napabuga ng hangin.Ang lakas talaga ng topak ng isang 'yon

"Akin na,ako na lang ang kukuha ng picture nyo"-presenta ko saka kinuha ang cell phone ni Yui,agad namang nagpose yung tatlo kaya pinagtinginan kami.Mga siraulo talaga

"Yung bata!"-sigaw ko saka tumakbo papunta sa batang nasa gitna ng kalsada

*BEEEEEEEP!*

Napadilat ako at nakita si Fall na hawak yung bata,si Yui naman ay nakahawak sa harapan ng sasakyan at Shou ang may hawak saakin

"Anak!"-umiiyak na sigaw nung babae saka lumapit kay Fall na hawak yung bata,lumapit naman si Yui saamin ni Shou nung nakatayo na kami

"Ayos ka lang ba,Miracle?"-tanong ni Shou kaya tumango ako.Paanong mas nauna pa sila saakin eh nauna pa 'kong tumakbo palapit sa bata?

"Nakita ko si Azrael"-narinig kong bulong ni Fall pagkalapit nya saamin

"Nakita ko din sya.Mukhang susunduin nya na dapat yung bata"-sagot naman ni Yui,sinong Azrael?

"Kung ganon ay oras na talaga ng bata"-dagdag naman ni Shou saka umiling.Ano bang sinasabi nila?

"Hindi sya pwedeng makita ni Miracle"-salubong ang kilay na saad ni Fall.Bakit naman hindi?

"Umuwi na lang muna tayo"-yaya ni Shou saka nauna ng naglakad at sumunod naman kaming tatlo,habang naglalakad ay tahimik lang sila.Bakit kaya?

-----

Humihikab akong pumunta ng kusina para kumuha ng tubig.Alas dose na ng madaling araw at hindi ko alam kung bakit bigla akong nagising

"Bakit ka naparito,Azrael?"-narinig ko ang boses ni Shou sa sala kaya lumapit ako ng kaonti para makinig,chismosa lang huehue

"Narito ang susunduin ko"-sagot nung kausap nya,sino ba kasi si Azrael?

"Sinong susunduin mo dito?"-tanong ulit ni Shou,susunduin?sino ang susunduin nya?lumapit pa 'ko ulit saka sinubukang sumilip

"Yung babaeng--"

"Anong ginagawa mo jan,Miracle?"-nagulat ako nung may humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon at nakita si Fall

"Sinong kausap ni Shou?"-tanong ko saka lumingon ulit sa sala pero wala na dun si Shou at yung kausap nya.Saan sila napunta?

"Anong Shou?natutulog si Shou sa kwatrto namin"-sagot nya kaya nagsalubong ang kilay ko.Panong natutulog eh kakikita ko lang,pinagloloko ako netong si Fall eh

"Wag mo 'kong tinatarantado Fall.Rape-in kita jan eh"-sagot ko saka naglakad papunta sa sala pero wala talaga si Shou dun

"Ano?"-tanong ni Fall,naka cross arms sya habang nakatingin sakin

"Pero imposible!nakita ko talaga si Shou!may kausap pa sya!"-malakas na sagot ko.Nababaliw na ba 'ko?pero matagal na 'kong baliw,huehue

"Tch!halika na nga't bumalik sa kwarto.Nananaginip ka pa ata eh"-ani Fall saka ako inakay na umakyat sa taas.Inuulol talaga ako ng mga 'to eh

"Hindi ako naniniwala sa'yo.Gwapo ka lang pero hindi mo 'ko mauulol"-sagot ko pa,nag tsk lang sya saka kami nagpatuloy sa pag-akyat at sumama ako sa kwarto nila at naabutan si Shou na humihilik na nga.Pa'no nangyari yun?!Tangina naeengkanto pa 'ko mukha na nga kong engkanto

"Matulog ka na nga,halika na sasamahan kita sa kwarto mo"-yaya ni Fall saka ako inakay palabas ng kwarto nila at sinamahan papunta sa kwarto ko

"Tch!Good mornight na nga"-sabi ko saka papasok na sana pero biglang hinila ni Fall ang braso ko at itinulak ako sa pader.Aray ha!

"Anong problema mo?"-inis na tanong ko habang iniinda ang likod ko.Sakit talaga,shyet!

Hindi nya ko sinagot bagkos ay inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko saka dahan dahang hinawi ang buhok ko.Taena neto hindi na lang ako halikan kung hahalikan ako eh!dami pang hanash!

"Anong ginagawa nyo?"-napalingon kami parehas at nakitang seryosong nakatayo si Shou at Yui.Sabi ko na gising pa ang tarantadong ulupong na si Shou eh.Lakas mang ulul netong mga 'to

Lumapit yung dalawa at tuluyan ng nahawi ni Fall ang buhok ko.Mukha naman silang nagulat habang nakatingin sa leeg ko kaya napahawak ako at huli na ng maalalang hindi ko suot ang choker ko.Shit!

"M-Miracle?"-gulat na bulalas nila kaya napaiwas ako ng tingin at napabuga ng hangin.Shit talaga!

---

"Ano na,Miracle?"-inip na tanong ni Fall habang seryosong naka-tingin sakin.Nakaupo silang tatlo sa harap ko habang nasa kama ko naman ako

Nagbuntong hininga ako saka umirap.Potanes naman talaga oh!

"Anong nangyare jan sa leeg mo?"-ulit ni Shou sa tanong nya kanina kaya inirapan ko sya.paulit ulit?reypin kita jan eh

"Lolo ko ang may gawa nito saakin"-huminga ako ng malalim saka tumitig sa repleksyon ko sa salamin.Tangna!kelan pa nagkaroon ng salamin ang kwarto ko?

"Sinubukan ng lolo ko na gilitan ang leeg ko nung five years old ako dahil sa mga mata ko.Dahil sa kulay dugo at kulay lumot kong mga mata.Ang sabi nya sumpa daw ako kaya kailangan kong mamatay para hindi malasin ang pamilya nila"-kwento ko saka nagbuntong hininga ulit.Tangina talaga!naalala ko na naman

"Kaya ba lagi mong suot yung shocker mo?"-tanong ni Yui kaya inirapan ko sya.Bobo talaga ng punyetang to,buti na lang gwapo eh

"For the nnth time,Yui.Choker 'to hindi shocker.Shock shockin kita jan eh.Bobo mong anak"-asik ko saka sya inirapan ulit

"Bakit ba tumitirik ng tumitirik ang mga mata mo?may sakit ka ba?at isa pa,hindi mo 'ko anak at hindi ako bobo.Gago"-ayawao!na-gago pa 'ko!

"Wow!salamat sa gago ah?laking tulong sakin!at hindi ko sinabing anak kita!eww lang 'no!"-sarcastic na sagot ko saka sya muling inirapan

"Magseryoso ka nga,Miracle.Anong nangyari jan sa leeg mo?"-singit naman ni Shou.Kulit nito eh,ilang beses bang inire ng nanay nya 'to?rereypin ko talaga 'tong lalaking 'to eh.Ang gwapo pa man din ng punyeta na 'to

"Ang kulit nyo din eh.Lolo ko nga ang may gawa nito!ginilitan nya 'ko ng leeg dahil sa mga mata ko!sabi nya anak daw ako ng demonyo at hindi nararapat sakin ang pangalang Miracle at kailangan kong mamatay!Pagkatapos nya akong gilitan ng leeg eh himalang nabuhay ako kaya ipinatapon nya 'ko dito kay Tay Jared at nangyari ang hindi inaasahan.Namatay nng nga magulang ko..."-inis na paliwanag ko.Tangna talaga!nakakainis!

Naramdaman kong nagtutubig ang mga mata ko kaya tumayo ako saka pinaypay ang mukha ko.Punyeta talaga 'tong mga 'to eh!napakachismoso!

Nagulat ako nung niyakap ako ng tatlong itlog.Mga bugok!

"Anong ginagawa nyo mga bugok?"-tanong ko pero binatukan lang ako ni Fall.Nakakarami na 'tong letche na 'to sakin.Isa na lang aanakan ko na 'to.Char!

"Mga letche,magsipaglabas na kayo.Alas tres na ng madaling araw at gusto ko ng matulog"-sabi ko kaya kumalas na sila ng yakap saka ako sinimangutan

"Sige na,good night na"

"Good night"

"Night" -paalam nilang tatlo kaya inirapan ko silang tatlo

"Mga ulupong,madaling araw na.Good night kayo jan.Magsitulog na nga kayo dahil may pasok pa tayo bukas"-paalam ko saka sila itinulak ng mahina palabas ng kwarto ko.Sinimangutan ulit nila 'ko saka punta sa kwarto nila.Isinara ko ang pinto ng kwarto ko saka ngumiti at humiga

-----

"Anong sabi ni Azrael?"-tanong ni Fall pagkasara ng pinto ng kwarto nila,nagbuntong hininga muna si Shou saka tumitig sa kisame

"Dalawang linggo na lang pala at babalik na tayo"-singit naman ni Yui kaya napabuga ng hangin si Fall

"Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.Masyado akong nasanay dito sa lupa at mahirap para sakin na umalis dito"-napapailing na saad ni Fall kaya napatango si Yui

"Si Azrael...Nandito daw sya para.."-hindi matuloy ni Shou ang sasabihin dahil sa hindi malamang dahilan ay naluluha sya.Hindi nya alam kung bakit sya naluluha

"Bakit?Anong nangyare?tungkol ba sa Ama at Ina mo?"-tanong ni Fall saka bumaling kay Shou,si Yui naman ay nanatiling tahimik at nakatingin lang kay Shou

Umiling si Shou saka huminga ng malamin at tumikhim ng ilang beses para matanggal ang bagay na nakabara sa lalamunan nya

"Si Azrael...Nandito sya para...S-sunduin si..M-Miracle"

End of Second Part.Thank you for reading!

UWAAAAAAAAAA!SABAW TALAGA NYETA! T^T.PAGPASENSYAHAN NYO NA ANG MGA MURA HEHE,ISA KASI TALAGA AKONG KALULUWA NG LUMANG CUSSING MACHINE NA NAKULONG SA KATAWAN NG BABAE.FORGIVE ME


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login