Chapter 6. Drunk
KUNG inakala ni Ice na parati niyang makikita si Jervis kapag namalagi siya sa Nievieras' ay nagkamali siya. Dahil kahit na roon pa siya nakituloy ay parang hindi naman mapirmi ang lalaki sa condo. Sa tuwing umuuwi sila ni Jasel ay wala ito. Napupuyat na siya kahihintay pero wala maski anino ng lalaki. Lumipas kaagad ang isang linggo nang hindi niya ito nasisilayan.
"The Dreams?" yaya ni Jasel sa kaniya nang Sabado na. Kauuwi lang niya galing trabaho pero hindi niya sasayangin ang oras dahil off na niya. Ang tinutukoy naman ni Jasel na The Dreams ay ang club na lagi nilang pinupuntahan kapag gusto nilang mag-night out.
"Dito na lang tayo uminom," aniya. Ayaw niyang mag-ayos, ayaw niyang lumabas. Wala siyang ganang p-um-arty.
Kumuha ng maiinom na brandy si Jasel sa mini bar counter habang siya'y dumiretso sa kusina. She'd cut some fruits for their snacks. Nagpa-deliver na lang din sila ng Hawaiian pizza. Naalala na naman niya si Jervis dahil paborito rin ng lalaki iyon.
"Nasaan nga pala ang Kuya mo?" pasimpleng tanong na naman niya sa kaibigan nang pumunta itong kusina at kumuha ng mga kubyertos.
Nagkibit-balikat ito. "Ewan. Baka nasa girlfriend."
"May girlfriend pala talaga siya?" Ininda ang kirot na dumaan sa dibdib niya.
"Oo, iyong bet nina Uncle at Auntie para sa kaniya? Milka ang pangalan," sagot nito at kumuha na rin ng dalawang baso. "Wait, ilalagay ko lang ito sa sala."
Patuloy sa pagkwento si Jasel, nilakasan nito ang boses. She'scutting the apple in half when she accidentally cut herself. She winced.
"Saka palagi siguro silang nagdi-dinner—you cut yourself!" tarantang bulalas nito at nilapitan siya bago tumungo sa tabi ng fridge kung saan may maliit cabinet ng first aid kit.
Hinugasan niya ang kaliwang hintuturo, kung saan siya nahiwa, at dinaluhan siya ni Jasel para tulungang maglagay ng band aid sa daliri.
"Mahapdi niyan iyan," sambit nito.
"Ayos lang. Tara, umpisahan na nating uminom."
Ayaw pang sumunod ng kaibigan niya kung hindi niya ito hinila papuntang sala. Binalikan din niya ang mga nahiwang prutas para dalhin sa pwesto nila matapos hugasan.
"Ang tagal naman ng pizza, nagugutom na ako," pag-iiba niya sa usapan.
"Magluto na lang muna kaya tayo?May Spam naman." Brand ng luncheon meat ang sinabi nito.
"Nah, forget it. Mag-inuman na tayo."
She opened the lid and poured on the highball glass. She drank the first shot.
"Hey, wala ka pang kain," puna ni Jasel.
"Okay lang. Day off naman. I can manage my hangover tomorrow," katwiran niya saka tumungga na lang sa bote.
"Hoy, sunog-baga ka na naman!"
"Ikaw ang nagturo sa akin nito, girl!" ganti niya.
"Oh, well..." Ngumisi ito at hindi na sumagot saka tumayo. Kumuha ng sariling bote ng brandy at parehas na tumungga sila sa bote. It wasn't a good trait to drink that way but she couldn't stop herself now. Sa mga susunod ay lilimitahan na lamang niya ang alcohol intake para na rin sa kalusugan niya. Baka mamaya, hindi siya umabot ng singkwenta dahil sa matinding pag-inom sa tuwing walang trabaho.
Pero ngayon, magpapakalango muna siya dahil nalaman niyang may girlfriend na pala ang lalaki. Na mukhang seryosohan na.
Habambuhay na lang 'ata siyang magiging sawi sa pag-ibig.
Nang tumunog ang doorbell ay si Jasel ang nagbukas, at nang bumalik ay hawak na ang dalawang malalaking boxes ng pizza.
"Let's dig in!"
Nagsimula na silang kumain, nakaisang pizza lang siya dahil nawalan siya ng ganang kumain...
Nagpatuloy sila sa pag-iuman at kwentuhan.
"Alam mo,," sinisinok na panimula ni Jasel. "Seryoso ako na ayaw kitang mapalapit kay Kuya."
Natahimik siya. Pakikinggan na naman niya ang litanya nito. Mas malakas uminom sa kaniya ang kaibigan pero sa paraan ng pag-inom nila ay nasisiguro niyang tinamaan na rin ito. Halos nangalahati na ito sa iniinom habang siya'y hindi pa nga nauubos ang kalahati.
"Kaya sana, iwasan mo na lang. May girlfriend na iyong tao."
Bigla'ynakonsensiya siya. Pero bakit siya makokonsensiya? Wala naman siyang ginagawang masama. It wasn't like she and Jervis were cheating on his girlfriend.
Tumungga ulit siya sa bote na para bang matatangay niyon ang nasa isipan niya. Mabuti na lang at hindi gaanong masakit sa lalamunan ang iniinom nila. She enjoyed drinking it for it's deliciously smooth.
"Alam mong biro lang iyong pagsasabi ko ng crush ko ang kuya mo, hindi ba? Ni hindi nga kayo naniniwala," sagot niya. "Don't worry, hindi ko naman gusto si Jer..."
She then poured the brandy in her glass and drank it slowly. Malapad namang nakangisi si Jasel sa kaniya. Sa huli ay nilagok niya ang iniinom at hinayaang magpakalunod roon.
May girlfriend na iyong tao... At hindi ka naman gusto, She bitterly thought about Jervis' relationship and drank again. Noon ay hindi siya gaanong naaapektuhan sa tuwing nalalaman niyang may girlfriend ito. Wala naman kasi sa Pilipinas, at inisip lang niya na kaya iyon sinabi ni Jasel ay para tantanan na niya ang pagbibiro na gusto niya ang lalaki. Pero ngayon, lagi itong wala, at mukhang totoong mayroon na nga itong girlfriend, or worse, fiancée.
"Talaga? Hindi mo gusto si kuya?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Hindi," labas sa ilong niyang tugon.
Tumahimik naman ito pagkatapos at pinanood siyang subukang ubusin ang bagong bukas na brandy. Pero alam niya sa sariling hindi na niya kakayanin iyon. Halimaw na siya kung makakadalawang bote siya niyon. May laman pa nga iyong iniinom niya kanina, eh.
"Inaantok na ako! Ikaw nang bahala riyan," nakangising basag nito sa katahimikan.
She groaned to protest.
"Basta hindi mo talaga gusto si kuya, ah?" Mas lumapad ang pagkakangisi nito.
"Hindi nga sinabi!" she frustratingly responded.
Her friend laughed out loud and grinned even wider. "Narinig mo iyon? Hindi ka niya gusto. And she isn't lying because she's already drunk," biglang kausap nito sa cellphone na hawak nito. That's the one Jervis handed to her last Monday. Na ibinigay niya kalaunan kay Jasel.
"Ano'ng...?"
"Hindi talaga?"
"Hindi," sagot niya kahit naguguluhan na kung bakit kausap nito sa cellphone ang kuya nito.
She cackled. "I knew it!"
Narinig pa niyang nagpaalam ito sa kausap.
"Sige na, aakyat na ako. Hindi raw makakauwi si kuya, baka kay Milka na naman mag-i-stay," dagdag pa nito at iniwan siyang mag-isa.
May girlfriend si Jervis.
Iyon ang tumatak sa isip niya kaya imbis na magligpit ay ipinagpatuloy niya ang pag-inom kahit sukang-suka na siya sa rami nang nainom. Kaya nama'y tila naging best friend niya ang kubeta nang magsuka siya pero kaagad ding bumalik sa pwesto. Namamanhid na ang katawan niya dahil tinamaan na siya pero patuloy pa rin sa pag-inom.
She frustratingly cried when she felt the pang in her heart. May girlfriend si Jervis at doon ito matutulog ngayong gabi. Malalim na ang gabi kaya nasisiguro niyang hindi lang tulog ang gagawin nito roon. Baka nga hindi naman matulog ang mga ito at mag-sex lang magdamag.
"'Tanginang buhay ito, o!" singhal niya at tinungga ang bote.
She's a total mess when the liquid was poured on her neck, downward her clothes.
She screamed frustratingly.
Bakit siya nasasaktan nang ganoon? Hindi niya naramdaman ang ganoong kirot sa kaniyang dibdib kahit na noong ikasal ang ex-boyfriend niya. Nasaktan siya noon pero ang sakit na nadarama niya sa isipang may kasamang ibang babae si Jervis, ay parang binibiyak ang kaniyang puso. Kinakain ng selos at inggit ang buong pagkatao niya.
Pati ang ulo niya'y tila binibiyak dahil sa sobrang kirot niyon. Ang mata niya'y namumugto na rin kaiiyak. Masakit na rin ang sikmura niya. Nagsisisi na siya kung bakit hindi muna kumain bago uminom, at kung bakit tinungga niya ang bote imbis na gumamit ng baso.
Nanghihina man sa sobrang kalasingan at kaiiyak ay naramdaman niya pa rin ang presensya ng kung sino'ng kasama niya roon. Matatakot na sana siya nang maisip na baka may multo nang suminghot siya't nasamyo ang pamilyar na pabango ni Jervis. Awtomatikong napatayo siya. Na muntikan ding nabuwal.
"Matutulog na ako," bulalas niya nang makatayo na ng maayos.
"Damn it, Ice! How long have you been drinking?" nangangalit ang pangang tanong nito.
Nahihilo talaga siya't namumungay na ang mga mata nang sagutin ito. "Dalawang oras pa lang—" Sininok siya. "—naman 'ata."
"Dalawang oras?! Pero bakit ang daming bote? Dalawa? Tatlo!"
"I d-drank a bottle a-and a bit, I guess?" magaang sagot niya pero nauutal na sa sobrang kalasingan. Idagdag pa na masyadong malapit si Jervis sa kaniya.
"Pinapatay mo ba ang sarili mo?"
Ano raw? Pinapatay ang sariling damdamin? She shouted, "Oo, dahil hindi kita gusto! Hindi kita gusto! Hindi kita gusto!" Dinuro-duro niya ang dibdib nito saka nag-angat ng tingin.
Ano ba'ng pinagsasasabi ko?
Nakita niyang dumaan ang sakit sa mga mata nito.
"Magpahinga ka na," bulalas nito.
"Ayaw... kitang... m-makita."
"Don't worry, I'll move out."
"Ha? Bakit?!" tarantang tanong niya. He'd move out? Then, where'd he live? Doon sa Milka na iyon? Bakit? Kasi pakakasalan na niya? Hindi ba't iyon naman ang dahilan kung bakit pinagbakasyon ito?
"Are you alright? Why are you crying?" lumambot ang baritonong tinig nito.
"Ang sakit..." paulit-ulit na tinampal niya ang dibdib niya na para bang mawawala ang sakit niyon.
She felt his masculine arms enveloped her gently. Pero dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam niya, idagdag pa ang sakit ng ulo, ay halos matumba na siya. If he didn't catch her in his arms, she would had been lying on the carpeted floor now.
"I caught you."
"You caught me, huh?"
She smiled bitterly.
Sana sinalo mo rin ako noong mahulog ang loob ko sa iyo, Gusto niyang sabihin iyon.
Jervis..." she called his name.
"Babe," malat ang tinig nito. Nabingi na 'ata siya't kung ano-ano ang kaniyang naririnig. Idagdag pa na masyadong masakit ang pakiramdam niya.
"Jer..." Something was wrong.
"I'll bring you to your room."
Umiling siya. "N-naninikip ang d-bibdib ko..."
PINAKIRAMDAMAN ni Jervis si Ice hanggang sa magreklamo itong naninikip ang dibdib, at napansing hindi nga ganoong kaayos ang paghinga nito.
She passed out.Hindi na ito malikot sa kaniyang bisig. Nang buhatin niya ito kanina ay napansin niyang pulang-pula at namamawis na ito nang dahil sa matinding kalasingan. Napalingon siya sa mesita para bilangin ulit ang mga boteng nandoon. Napamura siya nang masigurong tatlong 750 ml. nga ng Paul Masson brandy ang mga iyon. May laman pa iyong isang bote pero ang isipang naka-isa ito o dalawa ay napangiwi siya. She must be in pain now.
Her eyes were bawling. Magang-maga. Why did she cry for too long? Was it because of her damn ex-boyfriend again? 'Tangina, ilang taon na ang lumipas, a...
Though she passed out, he kept on noticing her unstable breathing. Naroong suminghap ito, at parang hinahabol ang paghinga. He didn't know much about medicines that's why he rushed her to the emergency. Nataranta na siya nang bumigat na naman ang paghinga ni Ice. If she's awake, it'd be easier. Pero ngayong wala itong malay ay hindi niya alam ang gagawin.
"What happened to the patient?" the male doctor asked the nurse who looked after Ice.
"Sobrang kalasingan ho, Doc."
He heard them converse about Ice's situation. That she needed to stay in the hospital for the whole night until she sobered up.
He sighed his frustration and calmed down a bit when he stared at her lovely face.
Ilang sandali pa ay tumawag ang kapatid niya't tinanong kung nakita ba niya si Ice. Mukhang nalingat ito. Sinabi naman niyang nasa ospital sila't huwag na itong mag-alala't magpahinga na. That her friend was just alright.
Then, he went back on staring at the woman who's sleeping peacefully on the hospital bed. Walang kamalay-malay na isinugod niya sa ospital.
Ice had always been making his heartbeats erratic. Something that he never experienced with the other women he bedded before. And to think that he didn't even lay a finger to her—except when he sometimes kissed her in her sleep—made him realized that he's in deep trouble. What he's feeling for her wasn't just pure lust just as he thought before.
Not only he's attracted to her heart-shaped face, to her hooded midnight black eyes and perfectly-shaped eyebrows. Not only with her small and cute pointy nose that's complimenting her small and yet, so soft lips. Her body... her body was so petite that he might crush her if he wouldn't hold her gently. Everything about this woman was small. Petite. Far from his type which were the voluptuous and tall ones.
He was really in deep trouble.
That's why he's so determined to make her his. But after knowing that her feelings for him weren't real, made him feel like his heart was ripping. Umurong bigla ang lakas ng loob niya na ligawan na ito.
He stared at her more while he gently stroked the back of his hand on her drunk blushed face.
"Maybe you need more time to move on, babe. Maybe, I'll still have to wait," he murmured.
At gaya na lamang ng paminsan-minsan niyang ginagawa ay hinalikan niya ang malambot at mapang-akit na labi ni Ice. Magaan lang ang halik na iyon. Then, he softly caressed her rosy cheeks once more.
"K-kuya?!"
Natigilan siya sa paghaplos sa malambot na mukha ni Ice nang marinig ang nagulantang na boses ng kaniyang kapatid.
"Why are you here? You should be sleeping."
"Ano'ng nangyari?" she asked worryingly about her best friend.
"She passed out," tipid na sagot niya. Alam niyang nakita nito ang ginawa niya pero hindi na nito pinansin iyon. Marahil ay mas inalala nito ang kalagayan ni Ice.
"She always passes out whenever we drink, pero bakit kailangang dalhin mo pa sa ospital?"
Ibig sabihin, nangyari na iyon noon sa babae. Pagkagising nito ay pagsasabihan niyang alagaan naman nito ang katawan.Kaliit na tao, kung makalaklak ng alak, daig pa anh dambuhala.
Sure, she could drink, but not that way her health was being at risk.
"How's she?" tanong uli ni Jasel nang hindi siya sumagot.
"She's fine. Just needed some medicines and have some rest."
Napatango ito. "She only needs to rest. Ganiyan talaga siya kapag nalalasing. 'Kita mo, bukas, hangover lang ang problemang iindain niya."
He didn't know that. Ang alam niya'y mahilig p-um-arty at malakas uminom dalawa.
Pinagsabihan na rin niya ito. "You two should stop drinking, Jase. A bottle of brandy is enough for both of you, pero tatlong bote ang naabutan kong nasa mesita. Ang isa'y wala nang laman, at hindi na ako magtataka kung siya lang ang nakaubos niyon."
Jasel rolled her eyeballs. "Hindi sa alak iyan. Kapupuyat niya iyan kaya humina sigurong uminom."
"What? Paanong puy—"
"Lagi ka niyang tinatanong sa akin sa t'wing nanonood kami ng TV sa sala. Ako naman, natutulog na kaagad kasi nga maaga pa ang pasok kinabukasan. Siya'y inaabala ang sarili sa panonood. Laging nakabukas ang TV hanggang sa matapos na ang mga palabas." Pumalatak ito. "Nalilingat kasi ako para uminom ng tubig, saka ko napapansing doon na siya nakakatulog," mahabang litanya ni Ice.
"Baka nababagot."
"Kahit nababagot iyang si Ice, never na nagpuyat kasi alam niyang maaga ang pasok kinabukasan. Kahit noon kapag makikitulog siya sa atin, maaga siyang natutulog. Weekends lang kami nagwa-walwal," nagtatakang untag din nito, bahagyang nakakunot ang noo.
"Maybe she really likes the TV programs," he commented, trying so hard not to entertain his thoughts. Masakit umasa.
Umiling si Jasel. "She's never a fan of TV dramas. Movies, yes, but never the longtime dramas..." May naalala ito. "And, you're always our topic whenever we watch the TV. Like where are you and the likes. Of course, I'd tell you're with your girlfriend—"
"Nasa penthouse lang ako," putol niya sa sinasabi nito.
"You're bringing your girls to your penthouse now?!"
Ice groaned and he thought she's already awake. Kinabahan siyang baka narinig nito ang sinabi ni Jasel. But, no, she's still on her drunken state. Mukhang naingayan lang. Sumenyas si Jasel na huwag silang maingay pero sinagot pa rin niya ang tanong nito.
"Silly, I stay there the whole night."
"Really?!" bulalas nito. "Oh, my gosh! I thought you're having night outs with Milka. I always tell that to Ice whenever she asks."
Doon siya natigilan. Bakit siya tinatanong ni Ice? Was she interested in his love life? At ano raw? Lagi itong napupuyat? He sighed and critically stared at Ice's sleeping face.
Babe, are you waiting for me to go home?