Download App
100% Hidden (Tagalog) / Chapter 17: 17

Chapter 17: 17

Chapter 16

- Luna's POV -

Patuloy lang ang saya naming lahat. Halos hindi na nga namin napansing hapon na. Pagkatapos kasi ng kainan ay nagpalaro ang mga tita ni Cade at lahat kami sumali.

"Ok. The boat is sinking, group yourselves into...." Pagputol nito. "Seven!" Sigaw nya lahat naman kami ay nagtatakbo at naggrupo-grupo. "Ayan! Tanggal na kayong dalawa! Ok. The boat is sinking, group yourselves into 3!" Sigaw ulit ng ginang. Dali-dali naman akong tumakbo papunta kay Cade.

Mabilis din syang lumapit sa akin at nagyakap kaming dalawa. Nagngitian kaming dalawa at tumingin sa paligid. Doon namin napansing kaming dalawa nalang pala ang kulang ng isa kaya tanggal na kami.

"Tanggal na ang ateng birthday boy at ng kanyang girlfriend."

"Ok lang!" Sigaw ni Cade tapos nilahad sa akin ang kamay nya. Agad ko naman iyong tinanggap at saka nya ako inalalayang maglakad pabalik ng upuan namin kanina.

Nang makabalik kami ng upuan namin ay pinagsaklop ni Cade ang mga kamay namin at saka ako hinalikan sa pisnge. Ganon naming dalawa pinanood ang mga naiwang naglalaro hanggang sa maubos sila ng maubos.

"Ok ka lang? Hindi ka ba napagod?" Biglang tanong ni Cade.

"I'm fine. Medyo napagod pero buti nalang at hindi naman ako gaanong napagod kasi mas nangingibabaw yung saya ko ngayon." Nakangiting sagot ko.

"Gusto mo bang magpahinga? Akyat tayo sa taas?" Tanong ni Cade.

"Wag na. Ok na ako dito magpahinga." Nakangiting sagot ko tapos humarap ulit sa pamilya nya.

"Sige. Basta ikaw." Sabi nya.

"Cade! Luna! Sali ulit kayo dito!" Viglang sigaw ng isang tita ni Cade. Tumayo ako tapos sumigaw din.

"Sige po!" Masaya at excited kong sigaw. Akmang maglalakad ng bigla akong pigilan ni Cade.

"Akala ko ba magpapahinga ka? Bakit sasali ka ulit?" Masungit nitong tanong sa akin.

"Cade, please, ngayon lang ako makakapaglaro nito. Please..." Nagmamakaawa kong sabi. Nag-iwas sya ng tingin tapos bumuntong-hininga bago tumayo.

"Sasali po kami!" Sigaw nya na nagpalapad sa ngiti ko.

"Ok, ganito. May mga dyaryo kaming ibibigay sa inyo at magpaplay din kami ng music na sasabayan nyo. Paghuminto ang music, dapat wala na ang mga paa nyo dito, dapat nasa loob na ng dyaryo. Ok?"

(A/N: Actually, nakalimutan ko talaga ang name ng laro. So, sana kung ano man iyon, kayo na ang bahala. Hehe. Thank you.)

"Ok!" Sigaw naming lahat.

"Ok! Let's play!" Sigaw pa ng tita nya. Nagsimula na ang laro hanggang sa unti-unti na kaming mabawasan hanggang sa kaming dalawa nalang ni Cade at ang pinsan nya, kasama ang isa pa nyang pinsan.

"Sumuko ka na, Gav. Mas magaan ang girlfriend ko dyan sa bubuhatin mo." Nanghahamong sabi ni Cade kay Gavin.

"Ikaw ang sumuko. You're always the loser." Nakangising sagot naman ni Gavin.

"I'm loser for somethings, but I'm not loser when it comes to girls." Nakangisi ding sabi ni Cade. Shempre pareho silang nagmamayabang.

Tapos biglang tumigil ang tugtog at dali-dali akong binuhat ni Cade. Hindi ko hinayaang gumalaw ako ng kahit na ano dahil baka matumba si Cade at pareho kaming matutumba.

Pareho sila ni Gavin na ayaw magpatalo. Ayaw parin nilang matumba at lahat na ata ay ginawa nila wag lang matumba dahil matatalo ang isa sa kanila. Hanggang sa pareho na silang natumba.

"Ayy, pareho na silang natumba." Biglang sabi ng isang tita ni Cade. "Pareho nalang namin kayong bibigyan. Congratulations!" Sigaw pa nito. Natawa ako dahil parehong bagsak ang balikat ng dalawa ng marinig nila ang sinabi ng tita nila.

"Next time, hindi na ako magpapatalo." Bulong ni Cade.

"Haha. Oo na. Sige na." Natatawa kong sabi. Wala sa sariling napalingon ako sa bahay ko at nakita kong nakapatay ang mga ilaw ko.

"Cade, samahan mo ako. Punta tayo ng bahay ko. Hindi ko pala nabuksan ang ilaw ko sa bahay." Paalam ko.

"Sige. Paalam muna tayo kila Mommy." Sabi nya tapos sabay kaming pumunta sa kinaroroonan ng mommy nya at sabay kaming nagpaalam na sasaglit lang sa bahay at bubuksan lang ang ilaw.

Agad naman silang pumayag at magkahawak-kamay kaming naglakad papunta ng bahay ko. Hindi kami nagmadali at hinayaan lang namin ang oras habang mabagal na naglalakad.

"I knever do this things with someone." Nakangiting sabi nya. "And, this is my first birthday that I have my girlfriend on my side. It feels like it's so d*mn much happiness." Nakangiting sabi nya.

"I'm happy that you feel happy." Nakangiti at sensero kong sabi.

"Luna, I want you to me mine."

"But, I'm already yours---"

"Forever." Pahabol pa nya.

"It's sound like a proposal." Natatawang sabi ko.

"It is a proposal." Sagot nya pa na nakapagpatahimik sa akin. Humarap sya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. "Luna, I know that we're just met. But, I know that my feelings for you is so strong. And, I don't even know why." Natatawang sabi nya tapos hinalikan ang tungki ang ilong ko.

"Remove your f*cking hand on my lil sister if you don't want to die yet." Biglang may nagsalita. Sabay kaming napalingon doon at nagulat ako ng makita ko ang apat na lalaki sa buhay ko. Ang tatlo kong lolo at kasama si Kuya.

"Kuya..." Naluluha at mahina kong sabi at patakbong lumapit sa kanya at niyakap sya. Nang bumutaw ako ay pinunasan ko ang mga luha ko sa pisnge ko.

"Kaya pala ayaw mong magpakasal kasi may iba kang gustong pakasalan." Nanunuksong sabat ng isa kong lolo. Yung bunso sa kanila.

"Anong kasal?" Biglang sabat ni Cade. Humarap naman ako sa kanya para magpaliwanag.

"They want me to marry someone because they didn't know about our relationship." Nahihiyang kong sabi. Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Cade at itabi sa kanya.

"Good evening, po. Ako po si Cade Trevor Sai." Pagpapakilala nya at inilahat ang kamay nya sa mga ito.

"I'm her older brother." Pagpapakilala ni Kuya at nakipagkamay kay Cade.

"Ako ang lolo nya." Sabi ni Lolo.

"Ako din!" Sabay na sabi ng dalawa ko pang lolo. Tapos nakipagkamay sila kay Cade.

"Pasok po tayo sa bahay, birthday ko po ngayon." Pang-iimbita ni Cade na mabilis namang tinanggap ng pamilya ko. Pumasok kami at agad naming naagaw ang paningin at atensyon ng lahat.

"Ahm... Everyone, I want you to all meet Luna's Family." Nakangiting sabi ni Cade.

"Querida más alta..." Parang hindi makapaniwalang sabi ng mommy ni Cade.

"Candy?" Tanong ni Lolo na ikinagulat ko.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

- Cade's POV -

NGAYON ay puno ng awkwardness ang buong paligid namin. Masyadong tahimik at wala ni isang nagsalita. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla silang naging ganito, emosyonal.

"Nandito lang pala kayo sa pilipinas?" Biglang tanong ng lolo ni Luna.

"Dito na po kami lumipat." Sagot ni Mommy.

"I'm sorry." Sabay na sabi ni lolo at lolo ni Luna.

"I'm sorry kasi nawalan ng magulang sila Luna dahil sa apo namin." Sabi ni lolo na nagpakunot sa noo ko.

"Lo?" Tanong ko.

"Sorry din dahil mabilis kaming sumuko para hanapin kayo." Sabi naman ng lolo ni Luna.

"Muhkang gustong-gusto nilang dalawa ang isa't isa. At nakikita kong masaya sila kaya siguro dapat na nilang malaman habang maaga pa." Makahulugang sabi ni Lolo.

"Ano po ang dapat naming malaman?" Biglang singit ni Luna.

"Na namatay ang mga magulang mo dahil kay Cadey, hija. Kay Cadey na matagal mo nang hinahanap. Kay Cadey na best friend mo." Deritso sagot ng lolo nya sa kanya. Ako naman ay biglang sumakit ang ulo.

"A-Anong sinasabi nyo?" Tanong pa ni Luna.

"Hija, it's an accident." Sabi pa ni Mommy. Ako naman ay nasapo na ang ulo ko dahil sobrang sakit na nya at umiikot na.

"Cade?" Nag-aalalang baling ni Luna sa akin at bigla nalang akong nagblack-out at ang huli kong narinig ay boses ni Luna na isinigaw ang pangalan ko.

- Luna's POV -

Heto ako ngayon, patuloy lang ang ikot-panaog sa harap ng kwarto ni Cade. Inaantay kasi namin pare-pareho ang ko paglabas ng doktor. Lumipas pa ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor.

"Ano pong nangyari?" Kaagad kong tanong.

"He has a little bit memory lost. But I think sa paggising nya ay maaalala na nya lahat iyon dahil maybe masyadong na triggered ang utak nya. I guess na hayaan nyo muna syang magpahinga." Sabi nya at nagpaalam na syang umalis saka ako pumasok ng kwarto ni Cade.

Natutulog ito ngayon at kahit ilang beses ko na iyong matitigan ay hind parin ako nagsasawang titigan iyon. Hanggang sa nakapasok na din pala ang pamilya namin.

"Bakit hindi nyo sinabi sa akin?" Tanong ko.

"Ayaw lang naming magalit ka kay Cade---"

"Alam nyong hindi ko kayang magalit sa bestfriend ko diba?" Pagputol ko sa sinasabi ngg isa kong lolo.

"Even me. I didn't know this either." Sabay ni kuya.

"I'm sorry, apo." Mahinang sabi ni Lolo.

"May magagawa pa ba ako? Nangyari na, ehh." Sabi ko tapos tumayo sa kinauupuan ko at mabilis silang niyakap. "I'm sorry, too."

ILANG minuto pa ang lumipas ay nagising na nga si Cade. Masaya kami dahil maayos naman sya pero hindi nya parin ako naaalala. Pero ayos lang dahil ang mahalaga ay ayos na sya.

Pauwi na kami ngayon at kila Cade na ako sumabay dahil sa hotel daw matutulog ngayon sila lolo. Kaya kila Cade na ako sumabay.

"Sigurado ka na bang wala nang masakit sayo?" Tanong ko kay Cade. "Masakit pa ba ang ulo mo? Sabihin mo sa amin agad kapag may naramdaman ka, ha?"

"Yes, Ma'am." Natatawang sabi nya tapos sumandal at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko. "Can I sleep in your place?" Tanong nya pa. Tumingin ako sa mga magulang nya at nakita kong pumayag naman sila.

"Sige." Sagot ko at hinayaan syang ipatong ang ulo sa balikat ko hanggang sa makarating kami sa mga bahay namin.

Pagpasok namin sa bahay ay dumiretso muna kami ng kusina dahil sabi ng doktor ay painumin daw ulit ng maraming tubig si Cade pagkadating sa bahay dahil medyo na ano ang ulo nya kanina.

"Here. Drink it." Sabi ko at nginitian sya. Mabilis bya din naman iyong ininom. "Sleep na tayo?" Tanong ko. Tumango naman sya bilang sagot sa akin.

"Lumay, I love you..." Biglang nyang sabi. Kinilabutan ako at talagang wala sa sariling humarap ako sa kanya.

Nakangiti sya ngayon na parang iyon ang pinakamagandang bagay na nagawa nya sa buhay nya. Na parang matagal na nyang gustong sabihin iyon.

"Y--- You remember me now?" Tanong ko. Nagsisimula na din akong maluha.

"Answer me first, before I answer you." Nanghahamong sabi nya.

"I love you too. You remember me now?" Tanong ko ulit. Ngumiti lang sya at unti-unting lumapit bago saka nya ako hinalikan.

"Yes."

- The End -

(Sat, June 5, 2021)


next chapter
Load failed, please RETRY

The End Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login