Download App
22.8% Her IGNORANCE / Chapter 13: Chapter 13

Chapter 13: Chapter 13

13

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pagdating ni Sir Rod kasi nang dahil doon ay hindi na natuloy yung planong pagpapakilala sa akin ni Felix sa kanyang mga magulang. Nung mamataan kasi ako nito sa likod ni Felix ay hinatak ako nito paupo sa sofa. Naupo na lang din tuloy sa kabilang gilid ko si Felix imbes na tumungo sa veranda.

"Didn't I tell you you're not allowed to go here?" biglang bulong sa akin ni Sir Rod. Mariin akong pumikit nang masuyo niyang haplusin ang likod kong hindi natatakpan ng dress.

"E s-sir--"

"Hush. Alam mo bang pinaparusahan ko yung mga sumusuway sa akin, Krisel?" Namilog ang mga mata ko sa muling ibinulong niya.

"P-pinaparausan h-ho?" Natawa siya sa ibinulong kong tanong.

"Pinaparusahan, Krisel. Pinaparusahan. Pero kung gusto mo yung pinaparausan, pwede rin naman." Nag-init ang mukha ko sa hiya. Kung bakit kasi bungol ka, Krisel? Ayan tuloy, baka maparausan ka nang wala sa oras!

Isa pa 'yang kamay niyang nawili na yata kakahaplos sa likod ko. Nakikiliti ako sa bawat dampi ng kamay niya sa aking balat. Mabuti na lang at tumikhim si Felix at kinausap ako. Pero taragis na Sir Rod, hindi pa rin tinitigilan ang likod ko kahit si Felix na ang kausap ko.

"I have something for you," ani Felix.

"H-ha? T-teka..." Bahagya kong siniko ang braso ni Sir Rod na walang humpay sa paghaplos. "I-ikaw yung may birthday, ba't ikaw ang magreregalo? Nakakahiya naman," baling ko kay Felix. Ngumiti lang siya saka may tinawag siyang katulong. Tuwang-tuwa ako nang dumating yung tinawag niyang katulong dahil may mga dala itong makukulay na lobo.

"Hinanapan mo ako niyan kanina, diba? Ayan na."

Sa sobrang galak ko ay nayakap ko si Felix. Nagulat siya nung una pero niyakap niya rin ako pabalik.

"Tsk! Lobo lang pala katapat," dinig kong ngitngit ni Sir Rod sa tabi. Ay naku, ba'la siya riyan. Basta ako, masaya sa mga natanggap kong lobo.

"You like it?" tanong ni Felix.

"Oo naman. Salamat Felix, ha. Ikaw ang pinakaunang nagbigay sa akin ng lobo."

"Tsk!" Problema ba nitong si Sir Rod at kanina pa himutok nang himutok?

Nang umalis saglit si Felix upang daluhan ang mga bisita niyang kararating lang ay hinarap ko si Sir Rod na prenteng nakahilig sa sandalan ng sofa upang tanungin.

"Sir, ayos lang ho kayo?"

"Sabihin mo na sa akin kung ano pang mga bagay ang gusto mong matanggap."

"Po?"

"Bukod sa lobo, ano pa bang gusto mo, Krisel? Sabihin mo na nang makapaghanda ako."

Ha? Napaano ito si Sir Rod? Tinitigan ko siya at mukhang seryoso naman ang pagtatanong niya kaya sinagot ko na lang.

"Uh... gusto ko rin po ng chocolates. Nung maliit pa kasi ako Sir lagi akong pinapainggit ng mga bata roon sa amin kapag may Big Bang o di kaya'y Cloud 9 sila. Di po kasi ako makabili nun kasi tigdadalawang piso pinakamura nun. Gusto ko rin po ng cake, sabi kasi ni 'Nay Lordes masarap daw po iyon kaso pangmayaman lang daw po iyon, e. Saka... ikaw, gusto ko po ikaw."

"Ako?"

Ay tae!

"Ah... S-sir, h-hikaw po, hikaw. Gusto ko po ng hikaw," kaagad na pagpapalusot ko. Taragis kasing dila 'to, pinapahamak ako.

Tumango-tango siya saka naglakbay na naman ang kanyang malikot na kamay sa aking likod. "One more thing, Krisel..."

"P-po?"

"Huwag ka na muling magsusuot ng ganitong damit."

"B-bakit naman po? Hindi po ba bagay?"

Umiling siya. Sabi ko na nga ba't hindi sa akin bagay ang mga ganitong klaseng damit. Siguro pampalubag loob lang yung mga papuri sa akin kanina nina Ma'am Mira at Felix.

"Ba't ka nakasimangot?" nangingising tanong ni Sir Rod.

"Wala lang po."

Umusog siya lalo palapit sa akin at lalo ring naging masuyo ang mga haplos niya sa aking likod. "'Wag ka na ulit magsusuot ng ganitong damit, dahil baka sa susunod hindi na ako makapagpigil," bulong niyang halos ikahika ko. Susmaryosep! Kailangan ko ng hangin. Ikakamatay ko yata nang maaga ang mga pamatay na linya nitong si Sir Roderick!

Inaasahan ko nang gagabihin kami ng uwi kaya naman kanina pa lang bago pa man kami pumunta kina Felix ay nagpaalam na ako kay 'Nay Lordes na sa mansiyon ako ng mga Tuangco matutulog. Pasado alas diez kami umuwi ni Sir Rod, samantalang si Ma'am Mira ay nag-paiwan pa dahil hindi pa tapos ang kasiyahan.

"Good night po Sir," bati ko rito bago ako pumanhik sa kwartong tutulugan ko. Ayos lang naman sa aking matulog sa kwarto ng mga katulong pero talagang pinagpilitan ni Sir Rod itong isa sa mga guest rooms nila.

Kaagad akong naligo't nag-ayos para makatulog na. Ngunit nung nasa kama na ako ay hindi man lang ako makaramdam ng antok. Nakailang gulong na ako't lahat, hindi pa rin ako makatulog. Nasaan na ba kasi 'yang si kumareng antok at hindi ako dinadalaw? Naki-party din yata ang loka.

O baka naman dahil hindi sanay ang katawan ko sa malambot na higaan at malamig na hangin? Tama! Tumayo ako para patayin ang aircon saka nahiga ako sa papag.

Nung nasa sahig naman na ako ay ganoon pa rin. Ilang tupa na ang nabilang ko ay hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Kaya naman tumayo ulit ako saka lumabas ng kwarto.

Mabuti na lang at bukas pa ang ilang ilaw sa pasilyo kaya hindi gaanong madilim. Tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Ilang saglit ay nakarinig ako ng langitngit kung saan kaya naman naghari ang nilalabanan kong takot sa katawan. Binilisan ko ang paglagok sa tubig kaya halos magkandasamid-samid na ako. Nung pumihit na ako patalikod para bumalik sa kwarto ay doon na ako halos himatayin sa gulat nang tumambad sa akin ang malapad at matigas na dibdib ni Sir Rod.

"Sus ginoo, Sir! Kagulat naman ho kayo."

Hindi siya tumugon, bagkus ay kinuha niya iyong basong kagagamit ko lang saka sinalinan iyon ng tubig. "Ah... Sir, ginamit ko na po 'yan. Kuhanan po kita ng bago."

"'Wag na. I'm fine with this," aniya bago nilagok ang laman nun. "Hindi ka makatulog?" tanong niya pagkakuwan.

"Hindi po."

"May alam akong mabisang paraan para makatulog ng mahimbing."

"Talaga po? Ano po 'yun?"

"Tara sa kwarto ko."


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login