Download App
14.28% Hell's Card / Chapter 1: Chapter 1 : Cards
Hell's Card Hell's Card original

Hell's Card

Author: Azal

© WebNovel

Chapter 1: Chapter 1 : Cards

--- MANILA, Philippines (10:25 am | July 23, 2010)

Ako nga pala si Joseph, Joseph Astueras. Nakatira sa Pasay City. Pangarap ko maging isang magician tulad ni Papa. Si papa ay nagtatrabaho sa isang bar, kung saan doon siya nage-entertain ng mga guess at customer.

Ako'y walong taong gulang palang, pero gustong gusto ko na maging isang magician. Minsan pa nga kinukuha ko pa pa-sikreto ang mga gamit ni papa sa pang-magic at pinapractice ko sa kwarto ko kung paano ito gamitin.

At minsan, pinapanood ko si papa sa kwarto niya na nage-ehensayo ng magic. Kamangha-mangha nga!

Umaga na at nanonood ako ng cartoon sa telebisyon, nang lumapit sakin si papa-

"Anak!" tawag niya.

"Ano po iyon pa?"

"Gusto mo bang turuan kita kong paano gumamit ng baraha?" tanong niya sakin.

Noong una, na-curious ako dahil ang alam ko na bawal humawak ang mga bata ng mga baraha.

"Pa, ang alam ko po para po iyan sa matatanda lamang. Yan po ang sabi satin ni mama diba?"

Oo nga pala, noong ako'y limang taon pa lamang, namatay na si mama dahil sa sakit na cancer. Naalala pa niya ang mga tinuro niya saakin at mga advice na sinabi niya saakin, isa na dun ang-

"Nak, wag na wag kang tutulad sa papa mo na gumagamit ng baraha. Sa ganyan mong edad ay hindi ka pa pu-puwede humawak ng ganoon."

Bago pa siya pumanaw, noong apat na taon gulang ako, tinuruan niya ako mag basa na tinatawag na "baybayin". Siya kasi ay isang filipino teacher sa isang high school dito sa Pasay. Pero ngayon masyado ko nang nakalimutan kong paano magbasa ng baybayin.

Ganoon naman talaga, parang pagkain, pagtapos mo kainin, ita-tae din. Hehe.

"Hays Joseph, di ka naman kasi maglalaro ng Solitaire o kaya tongits. Ito'y ay isang magic!" sagot niya sa akin.

"WOW! Seryoso ba kayo pa?!" gulat kong sinabi.

"Oo naman, pero hindi ito basta ordinaryong baraha lamang. Mamaya ipapakita ko sa iyo, turuan muna kita ng simpleng baraha lang."

"Ano ba yan, simple lang papa, yung maganda naaa!" sabi ko.

"Anak, hindi ka matuto gamitin ang barahang iyon ng hindi mo din matututunan kung paano gumamit ng ordinaryong baraha." sagot ni papa.

Wala na akong choice kung hindi um-oo nalang.

Tinuruan niya ako ng ibang card tricks, tulad ng "Acme Control" kung saan ipapakita mo ang dalawang card, at ishu-shuffle ng spectator at ibibigay ang deck sayo at kayang mo ipakita ang dalawang cards na iyon na kahit saang posisyon sa deck.

Meron pa siyang tinuro sakin, ito ay ang "second dealing", "Three-card-monte" at ang "Card sharp".

Umabot ang practice namin ng halos 1 and a half minutes, ngunit ni isa ay hindi ko pa din gets dahil kailangan mo ng mabilis na kamay para gawin ang mga tricks.

Ngayon ko lang nalaman na ganon pala kahirap maging isang magician.

Maya maya tumigil na din kami at nagluto na si papa na masarap na kaldereta na hango sa recipe ni mama.

Naalala ko nanaman noong araw na tinuturuan ni mama si papa kung paano magluto ng kaldereta na mala-mama ang dating. Halos nakailang take sila noon at tawa pa sila ng tawa, kung buhay pa si mama ngayon, mas magiging masaya ang pamilya namin.

Kami nalang tatlo ang nandito sa bahay. Ako, si papa at si Ed, pinsan ko. Si Ed ay kasulukuyang nasa trabaho sa isang IT company.

40 minutes ay tapos na din ang niluto ni papa na kaldereta at kumain na kami.

Sa apat na silya, dalawa lang ang na-occupy. Minsan pag sama sama kaming kumain nina papa at Ed, minsan lagi naming tinitignan ang isang silya na nakaposisyon sa tapat ng bintana. Ayan kasi ang silyang lagi inuupuan ni mama. Kaya kung dati laging nagkwe-kwentuhan habang nakain, ngayon tahimik nalang...

"Pa, sana di nagkasakit si mama ng ganon." sabi ko habang nakain ako.

Biglang tumigil si papa sa pagkuha ng ulam.

"Nami-miss ko na nga ang kwentuhan dito sa lamesang ito." sagot niya.

Ayokong malungkot ulit si papa kaya tinigil ko nalang ang pagsasalita at kumain nalang.

Pagkatapos ko kumain ay naligo ako at natulog. Hobby ko talaga ang matulog tuwing tanghali.

--- (3:12 pm)

Nagising na ako at tumayo na sa higaan ko. Kumuha ako ng isang basong gatas at umupo sa silya kung saan naka harap ako sa silya ni mama. Si papa ay natutulog sa sofa. Pagka-upo ko ay kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch ako sa Google ng mga cards at kung saan ito mabibili.

Ang isa palang deck of cards ay umaabot sa halagang 500 pesos pataas. Grabe, sa sobrang daming baraha ni papa, mukhang malaki ang nagastos niya para lang doon.

Maya maya may nakita akong isang balita na nag pop up bigla. Isa itong video na galing sa isang news company. Hindi naman ako ganoon kahilig manood ng balita kundi si papa at si Ed lang naman ang nanonood ng ganon. Ngunit ang sabi dito sa headlights-

"Isang unidentified cards, hinahanap sa buong Metro Manila at Pilipinas, hinahanap ngayon"

Unidentified cards? Ano ang ibig sabihin non? Pero mukhang isa atang magic ito kaya papanoodin ko, ngunit biglang nagising si papa at tinanong ako bigla.

"Anak, ano yang ginagawa mo?"

"Pa, tignan niyo po oh, news daw about sa cards!" sagot ko.

Maya maya lumapit sakin si papa at pinanood namin ang clip. - -

"Ang NBI at ang Philippine Army ay nasa misyon ngayon para hanapin ang isa sa naging trending sa tinatawag na deep web-"

"Gumagawa ng aksyon ang NBI at Philippine Army para hanapin ang isa at pinatunayan na nagiging sanhi ng pagkakamatay ng tao at sa patuloy ng pagsunog ng ilang kabahayan sa Metro Manila, ito'y tinatawag na-"

Pagkatapos ay kinuha ni papa ang cellphone ko bigla sa kamay ko.

"Pa?! Bakit po?" tanong ko.

"Anak, wag na natin panoorin yan, baka mapahamak tayo diyan." sagot niya.

Wala nalang akong ginawa kundi sumunod nalang at pumunta sa salas para manood ng cartoons.

Gabi na ng makalipas, halos 7:25 pm na. Tapos na kami kumain nina papa, ngunit wala pa din si Ed at hindi pa din umuuwi sa ngayon. Wala man lang akong ginawa sa bahay kundi manood nalang lagi ng isang anime, dahil yan ang palabas sa gabi.

Maya maya, biglang lumapit sakin si papa at umupo sa tabi ko.

"Anak, pasensya na kung kinuha ko cellphone mo. Oh eto" sabi niya sa akin at ibinalik niya ang cellphone ko.

"Pa, okay lang po iyon. Hehe" sabi ko at nakangiti pa dahil binalik na niya cellphone ko. Hehe.

Ilang minuto nakalipas ay bigla niya akong tinignan ng seryoso. Natatakot ako na baka bigla akong sigawa o pagalitan. May nagawa ba akong mali? O kaya may nabasag na naman akong baso? Ano?

"Anak, HAHAHAHAHAHA. Ba't ganyan mukha mo. Natatawa ako sayo eh." patawa niyang sinabi.

Siyempre sino bang hindi matatakot sa mukha niya, para niya kaya akong kakagatin.

"Anak may ipapakita ako sayo..." bigla niyang sabi sakin.

Na-curious naman ako. Siguro bibigyan niya ako ng isang deck of cards, o kaya bagong cellphone, o kahit ano pa yan!

"Ano iyon pa?" tanong ko.

"Sumama ka sa akin..." sagot niya.

Tapos ay sinundan ko siya sa second floor ng bahay namin. Meron doong isang kwarto na naka-lock ata naka-chain pa.

Naalala ko noong buhay pa si mama, naglalaro kami ni Ed ng tagu-taguan at umakyat ako sa second floor. Ganoon din ang itsura, naka-lock, may chain pa. Bigla akong hinawakan ni mama sa braso at nagulat ako, akala ko naman kasi multo. Pagtapos ay sinabi niya-

"Nak, wag ka lumapit diyan. Delikado diyan." sabi niya sa akin pabulong.

"Bakit mama? May moomoo ba diyan?" patakot kong sinabi, baka nga may multo nga diyan.

"Basta anak, malalaman mo din." sagot niya sa akin at sabay ngumiti.

Eto nga ang kwarto na iyon. Ilang taon din akong hindi nakapunta sa floor na ito, dahil ang kwarto namin ay halos na first floor. Puro alikabok ang pintuan at masyadong madilim pa. Natatakot na ako masyado dahil may takot ako sa dilim.

Maya maya kinuha ni papa ang susi sa bulsa niya, kulay ginto ito at tsaka niyang binuksan ang naka lock na pinto. Pagbukas ay nagbungad sakin ang parang isang case na kasing laki ng pencil case ngunit may kunting laki pa. Gawa ito sa ginto at kahoy, at kumikinang pa. Ang kwarto pala ito ay sobrang liit at parang cabinet lang ang loob, as in, sobrang liit na cabinet.

Kinuha niya ang case na iyon at sinarado at nilock ulit ang pinto, sabay kaming bumaba sa hagdan. Umupo ulit kami sa sofa. At maya maya ay nagsalita si papa-

"Anak, pag ako namatay, meron akong isang regalo na ibibigay sayo" sabi niya sa akin.

Bigla naman ako nakaba, dahil sa ngayon, ayoko pa mamatay si papa. Ayoko na ulit mawalan ng isa pang magulang.

"Pa! Wag mo sabihin yan!" sigaw kong sabi.

"Anak hindi naman ngayon eh. Haha" sabi niya.

Maya maya binuksan niya ang case, ito ay may kandado din ngunit parang fingerprint ata ang password, Wow! Pagtapos ay bumungad sakin ang siyam (9) na baraha, kulay black it na may kulay red din sa ibang parte ng baraha at ma-shiny ito. Mukha itong baraha na makikita mo sa movie dahil ang itsura ay mukhang parang may logo na nagsisimbolo ng demonyo o kaya ganon. Hindi ko alam dahil ng hindi naman ako mahilig sa ganon.

"Anak, ito ang matagal kong tinatago. At ito din pinaka-importanteng deck na meron ako-"

"Ang Djinn's Deck"

Jin's Deck? Dyin's Deck? Ano yon?

"Pa? Dyin's Deck?" tanong ko.

"Djinn, D-j-i-n-n, Djinn" sagot niya.

Djinn... Ano naman iyon?

"Anak, bago ko sabihin ang tungkol sa barahang ito. Ipangako mo sakin na wala dapat ang makakaalam nito kundi tayo lang dalawa. Maliwanag?" seryoso niyang tanong sakin.

"Opo"

"Ito ang Djinn's Deck, meron itong siyam na baraha, at ang baraha na iyon ay may kakayanan mag control ng bagay." sabi niya.

Tapos kinuha niya ang isang baraha sa case.

"Ito ang Nature Card, sa barahang ito, kaya mong controlin ang lupa, bato at iba pa basta may connection sa Nature"

"Ito naman ang Hydro Card, dito ay kaya mong controlin ang tubig o ano mang tubig"

"Ang Fire Card, in the word itself, kaya mong controlin ang apoy gamit nito"

"Ang Storm Card naman ay kaya mong controlin ang kidlat, ulan at ano mang kalamidad meron tayo." sabi niya.

Nagtaka naman ako... Controlin? Di naman ako naniniwala sa ganitong magic, dahil ang bawat magic ay may trick.

"Paano mo naman po nasabi na kayang controlin ang ibang bagay gamit ang barahang iyan?" tanong ko.

Maya maya bigla niyang kinuha ang ang isang baraha, at bigla itong nagkinang at lumabas ang isang 1000 peso bill. WOW!

"WOW! Pa akin nalang iyan!!!" sigaw ko.

Pero bigla itong nasunog at nawala.

"Ito ang Luck Card, dito ay kaya mong maglabas ng tunay at totoong pera o kahit ano basta kayamanan."

"Ngayon, naniniwala ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Paano mo po nagawa yun? Yung nasunong tapos yung pera?" isa pang tanong ko sa kanya.

"Ginamit ko ang Fire at Luck Card para mangyari iyon" sagot niya.

"Edi Pa, meron kang ganyan, edi ibig sabihin yayaman tayo?! Bakit di niyo po gamitin yan lagi?" tanong ko pa.

"Anak, ang paggamit ng baraha na ito ay masasabi natin masaya dahil meron tayong ganitong kapangyarihan, ngunit hindi ito ginagamit sa kasamaan o kaya para sa haka haka lang." sagot niya.

Sa bagay, illegal din ang ganon gawain.

Maya maya bigla na dumating si Ed, at biglang itinago ang mga baraha sa case at itinago sa likod niya. Pumasok na si Ed sa bahay-

"Tito, kumain na po kayo?" tanong ni Ed

Um-oo nalang si papa at sabay pumunta agad sa taas para ibalik ang case. Kumakain lang si Ed sa lamesa ng bigla niya akong tanungin-

"Joseph, Nabalitaan mo ba yung inspeksyon daw sa Metro Manila dahil lang sa baraha? Nako yari si tito doon." sabi niya at biglang tumawa.

Maya maya bumaba na si papa at sinabihan kami na pagtapos ni Ed kumain at maghugas ng kanyang pinagkainan ay matulog na kami.

Pagtapos ay humiga na kami nina Ed sa isang kama. Oo, magkatabi kami, ang awkward nga din eh. Kaya ako katabi si Ed dahil masyado siyang makulit matulog.

--- (12:36 am)

Nang bigla akong may naramdaman na sobrang init, na halos parang yung buong katawan ko ay parang niluluto. Nagising ako at wala akong katabi, wala si Ed sa kama. Kaya bigla akong bumangon at nakita kong bukas ang ilaw, ngunit binisita ko ang kwarto ni papa at wala siya doon. Bigla akong kinabahan, at naiinit pa din ako-

"Grabe ba't ang init dito sa bahay, tsaka nasaan si papa at Ed?" tanong ko sa sarili ko.

Maya maya may nahalata ako sa bintana na parang may nasusunog na bahay sa tapat ng bahay namin, at parang may mga pulis doon dahil nakikita ko ang ilaw ng kotche at ang ilaw na kulay pula at asul. Bigla akong tumakbo papuntang bintana at binuksan ang bintana, nang makita ko sina papa at Ed na naka taas ng kamay...

"KAYONG DALAWA!" sigaw ng isang pulis sa harap nilang dalawa.

"NASAAN NA ANG MGA BARAHA?! KUNG HINDI NIYO IBIBIGAY SAMIN, BABARILIN KO YUNG ANAK MO AT ITONG ISANG 'TO!" sigaw pa ng isang kasamang pulis.

Ano ang nangyayari?...


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login