Alona POV.
Sinag ng araw ang tumama sa aking muka upang tuluyan akong magising. Bago ako bumama ng hagdan para kumain ay napagpasyahan ko munang bumisita sa aking opisina. Dahil naroon ang aking kagamitang dadalhin para sa aking paglipat ng bahay. Kahapon lamang ay nakatanggap ako ng balita na syang nag udyok saakin para mamasukan bilang isang sekretarya ng isang malaking kompanya, ang kompanya ng coulter.
Mahirap sakin na makita ang mga pagmumuka ng mga taong sumira ng buhay ko pero mas gugustuhin kong ma bwisit araw araw, maka ganti lang sa kanila
FLASHBACK
"Jefa"
"Come in"
' I already found their personal informations.... Coulter family is on the top of the list ng higgest net worth in the philippines. May ari sila ng mga sikat na banko dito sa pilipinas at mayroon narin sa ibang bansa. Chaplin started this na isang sundalo raw noon at nag karon sya ng asawang si Eula na gobernador ngayon. May roon silang nagiisang anak na si Kaito Orami Coulter,25 years old na maraming companya narin ang kanyang hinahandle dahil hindi na ito kinakaya ni Mr. Coulter" Sabi ng aking tauhan at mukang namangha ito sa nasabing pamilya.
"I know that already, at hindi kay chaplin nagsimula ang lahat. Tarique Coulter , Ama sya ni Chaplin na sumira sa buhay ng daang daang tao.... Ibigay mo ang kompanya ng anak ni chaplin at ihanda mo ang aking papeles at magiging trabahador nila ako."
END OF FLASHBACK
Naghanda narin ako sa para pumunta Sa nasabing kompanya.
'' Good morning maam'' Bati saakin ng gwardyang nagaabang ng mga taong papasok. Napansin ko agad ang taas at laki ng gusaling iyon pagpasok rin ay makikita mo kung gaano ito kalinis at ganda ng ayos. Mabango at malamig ang simoy doon halatang pang sa may mga kaya nga ito.
"Magandang araw rin ho! Mag aaply sana ho ako rito bilang sekretarya, nakita ko ho kasi yung naka paskil dun sa labas" Pagbago ko ng tono ng boses ko, ibang iba din ang suot kong damit kesa sa nakasanayan ko. Isang simpleng t shirt na kulay asul na walang tatatak o walang disenyo na naka pants na maluwag at kupas na ang kulay.
"Ay! doon po maam. Pila nalang po kayo doon"Tinuro naman nya ang pilang kay haba, mukang bukas ko pa makakausap ang magiinterview.
Pero wala naman akong pagpipilian, nagsimula nakong pumila
"Hello po"
"ay! magndang araw din ho" tugon ko naman sa babaeng naka formal.
"Anlakas talaga ng mga loob nyo ano? sabagay matas naman magpa sweldo rito, marami ding benifits pero kung yung boss natin ang makakasalamuha nyo buong araw?! like paano nyo matitiis yon? familyar ka naman sa kanya diba? di ako nanakot. nagttrabaho ako dito pero malayo yung department ko dito, wala kaseng magbabalak lumapit dyan sa opisina nya lalo na kung hindi ka nya tinatawag. Yes he is soooo handsome hindi lang gwapo he is also sooo gorgeous, matipuno,maputi,matangkad,matalino,mayaman but ruthless kahit nga magulang nyan sinusuway nya wala naman magawa sina Mr. and Mrs. Coulter kawawa naman sila"
Walang tapos ang pagbuka ng kanyang bunganga, na kwento na yata nito ang talambuhay ni Kaito.
"Ay! sorry i adore lang talaga ang kalakasan ng loob nyo. by the way im mila, Sa kabilang department ako dun sa mangement pero pinapunta ko dito para i handle tong magiging sekretarya nya. Wala kaseng gagawa nito e." Nag alok naman sya ng kamay at tinanggap ko naman iyon kait papaano at sinubukang huwag i kunot ang aking noo dahil naalala ko nga palang ibang personalidad ko dapat dito.
"Ahh ako naman si Naomi Gonzales"
"Galingan mo ah.Bye bye muna mag wowork muna ako baka mamaya mapatalsik pako dito"
Kumaway naman din ako pabalik diko lang talaga maiwasan na mamangha din. She is so pure at walang kaalam alam. May idea ako kung gaano ka basura ang ugali ng taong yan. May pinagmanahan.