I want to ask Dahlia what she's sorry for pero ang tanging details ng plane ticket lang ang s-in-end niya sa akin at hindi na sinagot ang naging tanong ko tungkol sa huling sinabi niya sa akin sa tawag. Sinabihan niya lang ako ng it's nothing and don't think about it anymore.
Hindi na ako nakatulog since noon time ang flight ko. Nag-impake na lang ako't nag-send ng mga message sa iilang prof na kakilala ko, informing them about my absences for one week. Mukhang after ng debut pa ni Hannah ako makakauwi kung kailangan talaga nila ang tulong ko. What tulong kaya 'yon?
Pinadalhan ko na rin ng message si Mikan na biglaan akong uuwi sa Negros. He volunteered himself na ihahatid sana niya ako sa airport pero hindi ako pumayag. Alam ko kasing it's Sunday and Sunday means a Sunday Luncheon with his cousins here in Manila. I can't interfere that kind of tradition inside their family lalo na't na-kuwento niya sa akin na nandito ang Lolo at Lola nila para makipagkita sa kanila. Mabuti na lang at madali lang siyang kausap.
Nag-book na lang ako ng Grab after I ate my breakfast. Pagod na pagod pa ako, still hangover from yesterday's happiness. Sa eroplano na lang ako matutulog mamaya.
Backpack lang 'yong dinala ko since some of my clothes are still in Negros pa naman. Hindi ko naman kailangang magdala talaga ng maleta since one week of stay lang naman ako roon. At saka my dress for Hannah's debut is in Negros din naman.
While waiting for my flight, I reviewed yesterday's happenings through looking at some pictures that were uploaded online. Nakita ko rin 'yong iilang videos. Pati 'yong videos na sinasabi ni Sir Mark that went viral daw. Hindi naman ako talaga klaro sa video. I barely recognized myself nga, e, kasi masiyadong blurred ang pagkaka-video and halatang parang patago. Kung hindi ko lang narinig ang boses ko, hindi ko talaga malalaman na ako 'yon.
I also want to read some comments sana pero tinatamad ako't masiyadong mabigat ang ulo ko ngayon dahil sa lack of rest. Patatapusin ko lang talaga ang video saka ako magpapahinga.
Pero nasa kalagitnaan pa lang ako nang biglang may tumawag na sa akin. I saved Mr. Hector Garcia's name last night kaya nang makitang siya ang tumatawag sa akin ngayon, my heart literally jumped in joy.
I accepted the call and smiled kahit na hindi naman niya makikita.
"Good morning po, Mr. Garcia!" Maligayang bati ko nang sagutin ko ang tawag.
"Hello, Sandi! Good thing you recognized me."
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti ng malawak nang makompirmang boses nga ni Mr. Garcia ang narinig ko.
"Opo naman po, Mr. Garcia."
"That's good, that's good. How are you? Did you rest well enough?"
"Opo. Naka-rest naman po ako."
"Sorry to bother you this Sunday morning. But I really wanna tell you about this scheduled meeting I was able to booked with the executives of BNS and MPAC, this coming Wednesday. Are you free, Sandi? I hope you are."
"Po?! Sigurado po ba?"
"Oo naman! The executives wants to personally meet you and talk about some important things about your career. I'll send you the details later. Please come, Sandi."
"I will po. Thank you po talaga, Mr. Garcia!"
"That's good! And please just call me Hector or Sir Hector. Mukhang ako na ang magiging manager mo."
Tuwang-tuwa kong ibinaba ang tawag. Without even thinking what lies ahead. Without even thinking na wala nga pala ako sa Manila this week! Pero magagawan ko naman siguro ng paraan? Kailangan kasi masaya ako. Hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin ngayon. No'ng naglalakad na nga ako papunta sa eroplano, nakangiti lang ako. Maski ang flight attendant at iilang taong ngumingiti sa akin ay nginingitian ko na rin. Ganoon ako kasaya!
Natutuwa ako at the same time ay kinakabahan. Should I tell it to someone? O saka lang kapag nakausap ko na ang mga dapat makausap? I don't want to break it to everyone, baka hindi pa matuloy. Siguro 'tsaka ko na lang sasabihin sa mga friends ko kapag natapos na ang meeting.
Pagkarating ko sa airport ng Silay, agad kong nakita ang pamilyar na kotse ng aming pamilya. Nakita ko rin doon si Manong Dodong na malawak ang naging ngiting salubong sa akin. Kinuha niya ang bitbit kong bag at agad akong pinagbuksan ng pintuan.
"Ito lang po ang dala n'yo, Ma'am Sandi?" Tanong niya sa natatanging bag na dinala ko.
"Pansamantala lang naman po ako rito, Manong. Just like the usual."
"Sige po."
Kaming dalawa lang ang nandito sa kotse. Siya lang yata ang inutusan para sunduin ako. Hindi na rin ako nagtanong at agad nilagyan ng airpods ang tenga ko para madugtungan ang naudlot kong tulog kanina sa eroplano.
Nang magising ako, agad kong nakita ang coliseum ng city namin. It's an indication na nandito na kami sa premises ng city at malapit na kami sa bahay. Inayos ko 'yong sarili ko't inatupag ang iilang gamit habang naghihintay kung kailan makakarating sa bahay.
Medyo gutom na ako. Hindi pa ako nakapag-merienda pero padilim na. Hindi ko kasi naabisohan si Manong Dodong kanina before kaming umalis ng airport na dumaan siya sa isang drive-thru para sana makabili ng kahit anong pagkain. Hinila na kasi ako ng antok.
Maya-maya lang din ay papasok na ang kotse sa loob ng gate. Alas-sais na ng gabi pero may iilang ilaw pa galing sa araw akong nakikita pero ang mga ilaw sa bahay ay isa-isa nang pinaandar.
Isinukbit ko ang chain bag na dala ko at iginala ang tingin sa kabuuan ng bahay. Akala ko pa naman may naghihintay sa akin sa labas pero bakit sobrang tahimik na naman ng bahay?
"Duty po ba si Mommy at Daddy, Manong?" Tanong ko sa kaniya bago pa siya tuluyang makatigil.
"Kanina po nang makaalis ako, wala po sila. Siguro po ngayon nakauwi na, nandito na po ang isang kotse, e."
Pinasadahan ko ng tingin ang isang kotse na naka-park na ngayon sa garahe. Ito 'yong madalas na ginagamit nila dati, hanggang ngayon, kapag aalis sila. Itong kotseng sinasakyan ko naman ngayon ay ang kotseng sumusundo sa amin no'ng nasa high school pa lang ako at si Manong Dodong na talaga ang nagda-drive nito.
Tuluyan akong bumaba ng kotse at hinayaan si Manong Dodong na ibigay ang lahat ng gamit ko, even my chain bag, sa kasambahay para sila na ang magdala sa loob ng kuwarto ko.
Sinubukan ko pang silipin sa bintana ng bahay kung mayroon bang tao sa loob. But it's so dark, I can barely see what's inside. Pumasok na lang ako para malaman ko talaga kung mayroon ba.
Pagkapasok ko sa bahay, agad nakita ng aking mga mata si Mommy at Daddy. Nakaupo sa single sofa si Mommy habang may hawak na cup, at si Daddy naman ay seryosong nakatingin sa akin habang may hawak-hawak na mga papel. Siguro nag-uusap sila nang makarating ako.
I smiled to them and greeted them good evening. I kissed Mommy on her cheek first. She remained stiff and didn't even bother to answer my greeting. Pinalampas ko, baka stress lang din sa trabaho. Sunod kong nilapitan si Daddy para mabati na rin siya pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako, isang lagapak ng matinis na sampal na sinundan ng pagkakasabunot ng buhok ko ang una kong natanggap sa kaniya.
Holy mother of monkey, ang sakit!
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko, hindi agad ako nakapag-react sa mabilisang pangyayaring iyon.
Anong nangyayari?
"Look at that! Just fucking look at that, Sandreanna!" May itinapat niya sa aking mga papel pero masiyadong masakit ang ginawa niyang sampal kasabay ng pagkakahawak sa buhok ko't hindi ko mabasa nang maayos ang mga nakasulat sa papel na iyon.
Bumilis ang tibok ng aking puso't agad akong nanginig sa takot.
"D-Dad…" Sinubukan kong pigilan siya sa paghawak na ginagawa niya pero mas lalo ko lang naramdaman ang higpit nito.
Ano ba kasing nangyayari? Ba't galit na galit sa akin si Dad? Akala ko ba nandito ako to help for Hannah's debut?
Buong puwersa niyang binitiwan ang pagkakahawak sa buhok ko't itinulak pa ako dahilan para masubsob sa sahig na muntikan pang magpabunggo sa akin sa malapit na center table. Napaupo ako sa sahig, tuluyang napa-iyak dahil sa biglaang nangyari.
Ihinampas niya sa akin ang mga papel na hawak niya dahilan para kumalat ito sa aking harapan. Kahit nanlalabo na ang aking mata dahil sa namuong luha, nagawa kong basahin ang isang papel na nagkalat sa sahig.
It was my fucking grades!
"Journalism. Sa Diliman. Naggagaguhan ba tayo rito, Sandreanna? Anong ibig sabihin nito?!"
Napapikit ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Daddy. Tuluyang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko pa kanina dahil sa kabang nararamdaman.
Katapusan ko na ba?
"Ang tagal mo na pala kaming niloloko? Kailan nagsimula 'to? Anong kagaguhan 'to, Sandreanna Millicent?!"
Sinubukan kong salubungin ang mga tingin ni Daddy pero napapangunahan ako ng kaba sa lahat ng nangyayari ngayon.
"Hijo de puta! You failed your major subjects! You tampered your grades para hindi namin malaman na bumagsak ka sa mga madadaling subjects na iyon. You transferred to Diliman and shifted to another course! Now, you joined Dulaang UP just to fucking sing?! All of that happened without our knowledge?! Ganoon na ba ka-bobo ang tingin mo sa amin at akala mo'y hindi namin malalaman ang lahat ng ginawa mo?!"
"D-Dad… S-Sorry, I can explain-"
"You can explain what? Na nag-shift ka ng course kasi bumagsak ka sa Nursing? E, bakit nga ba bumagsak ka sa Nursing, e, ang dali-dali lang ng course na 'yan! Paano ka makakapasok ng Med School nito kung nag-shift ka ng ibang course? Ano ba 'tong mga pinaggagagawa mo, Sandreanna? Kailan ka pa natutong magsinungaling sa amin ng Mommy mo!"
Dahan-dahan akong tumayo para tuluyang salubungin ang mga masasakit na salita ni Daddy. Total, nalaman na naman nila, might as well defend my self and let them realize that medical field isn't in my blood.
"D-Dad… I don't want to go to Med School. I don't want to be a doctor-"
"Sandreanna!"
"What did you say? What did you fucking say, Sandreanna Millicent?!"
I heard Mommy and Daddy protested to me pero nag-angat na ako ng tingin at taas-noong tiningnan si Daddy.
"I said-"
"Walang utang na loob!"
Dalawang magkabilang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Daddy. Sa sobrang lakas, halos matumba na naman ako sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at na-balanse ko ang sarili ko bago pa man ako matumba.
Tuloy-tuloy na nagsibagsakan ulit ang mga panibagong luha habang dinadama ang hapdi ng mga sampal na natanggap ko.
"Ayaw mong maging doctor dahil ano? Anong gusto mo? Maging singer gamit 'yang pangit mong boses?! You're delusional, Sandreanna! You can't be a singer if you have that kind of voice! I told you, to just focus on your academics."
Masakit ang ginagawa niyang pagduduro sa akin gamit ang kaniyang daliri. Sa bawat durong ginagawa niya, gumagalaw din ang ulo ko. Masakit na. Ayoko na.
"H-Hindi po para sa akin ang pagdo-doctor, Dad. I tried-"
"You tried?! You fucking tried?! Saan banda ang sinubukan, Sandreanna, kung unang taon pa lang, sumuko ka na?!"
Sinampal ulit ako ni Daddy. Gusto kong humingi ng tulong kay Mommy pero hindi ko na siya matingnan dahil sa panlulumong nararamdaman ko ngayon.
Can someone just help me?
"I want to be an artist of my own, Dad. I don't want to be behind the shadow of this family's success. I don't want to be in this medical shit, Dad!" Nanginginig na sabi ko, pilit pinapatatag ang loob ko.
"You called this profession of ours, shit?! Wala kang utang na loob. Ito ang nagpapakain sa 'yo, ito ang bumubuhay sa 'yo. Tapos tatawagin mong shit?! What is happening to you, Sandreanna? Is this your way of rebelling?!"
"Your rebellion won��t take you anywhere, Sandreanna."
Napatingin ako sa puwesto ni Mommy nang marinig kong nagsalita siya. Napatingin din si Daddy sa kaniya. Dahan-dahan niyang inilapag ang cup na hawak niya kanina at dahan-dahan ding tumayo.
Sa pagtayo niyang iyon, doon ko naaninag ang pigura ng isang tao sa likuran ni Mommy. Mas lalo akong nanlumo nang makita kung sino 'yon.
Bakit hindi mo ako tinulungan, Krane?
"Stop that nonsense of yours, Sandreanna. Hindi ka na babalik ng Manila. You are grounded for the rest of the year. You'll going to study Medical Technology, but this time, sa malapit na school lang." Unti-unting nangunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi ni Mommy. I don't understand a shit! Umiwas siya ng tingin sa akin pero nagpatuloy din. "We will let this pass. We will forget everything you've done with one condition."
"What?"
"Pakakasalan mo si Krane, sooner or later. We don't know when. Maybe during your college days, or after. Basta pakakasala-"
"What?! No!" Malakas akong nag-protesta at agad na tumalikod para makalabas ng bahay.
"Where are you going, Sandreanna?"
"Shit!"
"Krane, sundan mo siya!"
Pero bago pa man ako makalabas ng pinto, nahablot na ni Krane ang braso ko. Iniharap niya ako sa kaniya at sa isang buwelo lang, sinapak ko siya.
"Fuck!"
I took that chance to run as fast as I can. Pumunta ako ng garahe at agad kinuha ang susi ng scooter ko at agad pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay gusto kong makalayo sa kanila.
Nagulat si Manong Dodong sa biglang ginawa ko pero nagpapasalamat na rin na hindi niya ako napigilan sa pag-alis. Nag-drive ako nang nag-drive. Mabilis ang naging pagda-drive ko hanggang sa makarating ako sa Old Poblacion. Doon din pumasok sa utak ko na puntahan ang resort na pagmamay-ari ng daddy ni Kiara. Paniguradong nandoon siya, madalas siya roon, e.
Maya't-maya akong napapatingin sa likuran ko. Paniguradong sinusundan na nila ako.
Sa sobrang kaba ko, natumba ako sa scooter na sinasakyan ko. Malapit na sana ako sa resort pero nadulas naman itong scooter. Sa sobrang kaba ko, hindi na ako nag-atubiling patayuin iyon at kumaripas na ako ng takbo papunta sa resort.
Laking pasasalamat ko na lang at bukas ang gate ng resort kaya malaya akong nakapasok. Madilim na sa paligid at mukhang wala ng tao ngayon ang resort maliban sa mga staffs yata. Hindi ko ma-contact si Kiara kasi naiwan ko ang phone ko sa bahay. Lahat yata ng gamit ko, naiwan ko roon.
Naghanap ako ng matataguan kaya nang may nakita akong isang lalaki na lumabas sa isang kuwarto, agad kong pinasukan ang kuwartong iyon.
Habul-habol ang hininga, tiningnan ko ang labas ng bintana ng kuwartong ito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pamilyar na kotse namin na kararating lang.
Holy mother of monkey! Nasundan ba nila ako?!
Tumalikod ako sa bintana at sinubukang pakalmahin ang kinakabahan kong puso.
Kapag nakita nila ako, paniguradong katapusan ko na.
"Sandi?"
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig na may tumawag sa pangalan ko sa loob ng kuwartong ito. Gulong-gulo na yata ang utak ko't hindi agad rumehistro sa akin ang pagmumukha ni Siggy.
"What happened to you?"
Gusto kong magtanong kung anong ginagawa niya rito pero 'yong utak ko, lumilipad sa mga taong nasa labas at paniguradong hinahanap ako.
Lumapit ako kay Siggy kahit na sunod-sunod ang naging paghinga ko. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
Humingi ako ng suporta sa kaniya sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang balikat. Pagod na pagod na ako. Ang sakit na ng mukha ko pati ang buong katawan ko.
"Sandi, are you okay?" He asked again with now firmer voice.
Nang marinig ko ang pintuan ng kuwartong ito na nagbukas, dali-dali ko siyang pinatalikod para maitago niya ako at inilapit ko ang labi ko sa kaniya. Just to fucking hide me!
"Ay, sorry po."
Muling nagsara ang pinto pero hindi pa rin ako makalayo sa kaniya. Sobrang lapit niya't naduduling akong nakatingin sa kaniyang mga mata.
Okay, anong ginawa mo, Sandi?
"What is the meaning of this?"
Boses ng isang babae ang dahilan para lumayo ako sa kaniya. Napalunok ako dahil sa kagagahang ginawa ko at saka napatingin sa babae.
"Madonna?"
"Sandi?"
"Fuck! I'm so sorry! I-I didn't mean to ruin your relationship. I-I just want to hide. I'm really so-"
"Did you really check well this room? How sure are you na wala siya?"
Holy mothe of monkey!
"Fuck! I need to hide. Where's the CR here? Please don't tell him I'm here."
Muling namuo ang luha ko habang hinahanap ang pintuan ng CR. Nang makita ko, agad akon tumakbo papunta roon at nagtago. I closed the door and even locked it.
"Pero, Sir-"
"What are you doing here? Were you two dating?"
Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko nang marinig ko ang boses ni Krane mula sa labas. Kahit nakasarado na ang banyo, umaabot pa rin sa loob ang kaniyang boses.
Pigil-hininga akong naghintay sa mga susunod na pangyayari.
"Wow? 'Yon talaga ang unang itatanong mo? Why are you barging in ba? Natunugan mo bang magkasama kaming dalawa?"
"This worker here said you two were doing something miraculous. Tsk, tsk, dear cousin, such a disappointment. I never thought you were that cheap to bring Madonna here."
"Ano ba kasing ginagawa mo rito, Krane?"
Tanging si Madonna at Krane lang ang naririnig kong nag-uusap. Ni hindi ko narinig na nagsalita si Siggy. Pero hindi 'yon ang concern ko! Natatakot ako't baka biglang ipahalughog ni Krane ang buong kuwarto't makita ako, katapusan ko na talaga.
"You knew Sandi Hinolan, right? Is she here?"
I bit my lower lip and nervously waited for them to talk. If they really tell him na nandito ako, I'm done. I'm really doomed.
~