Download App
95.74% Haplos ng Hangin (Tagalog) / Chapter 45: The Chaos

Chapter 45: The Chaos

"You're cue in sixty seconds. Are you ready, Ms. Sandi?"

"Ms. Sandi, are you ready?"

"Ms. Sandi?"

"Y-Yes?" kumurap-kurap ang mata ko't napatingin agad sa tumawag ng pangalan ko.

"Ready na po ba kayo?" sunod-sunod akong tumango at pilit na ngumiti sa kaniya. "You're cue in fifteen seconds," dagdag na sabi niya sabay abot sa akin no'ng microphone.

Huminga akong malalim at humigpit ang hawak ko sa mic. I always keep telling myself everything's gonna be fine. It's a matter of days, maybe weeks, and this will be over. It will be over soon. And I'm gonna be back with my not-so-normal life. But how long will I be able to keep it myself, how long will I suffer just to keep it inside me?

Nang bumukas ang LED door sa harap ko, ibang version na ng Sandi PH ang nakikita nilang lahat. Malawak akong ngumiti sa lahat kahit na hindi ko masiyadong makita ang audience side dahil sa spotlight na nakatutok sa akin. At sinimulan ko ang kanta.

"When you hold me in the street and you kiss me on the dance floor. I wish that we could be like that, why can't we be like that… 'cause I'm yours."

The crowd cheer enthusiastically as I sing my part. Naglakad ako papunta sa gitna as I sing with more emotion.

Kailangan kong magpakatatag kahit na sa loob ko, bigay na bigay na ako.

Premiere night ng movie namin ngayon. Matapos ang red carpet walk kanina, humarap kami sa medias and fans na nandito sa cinema two ng Trinoma. Instead of the common introducing yourselves sa harap ng lahat bago tuluyang pumasok sa cinema, iniba ng organizers ang program. Kinanta namin ng live ni Ardian Cayetano ang original sound track ng movie namin.

I am so nervous not because of the movie, I'm nervous because of something else.

Sinawalang-bahala ko ang kabang nararamdaman ko't pinilit ang sariling makihalubilo sa mga artistang personal na inimbitahan para sa premiere night na ito. Sabay kami ni Ardian maglakad kanina sa red carpet dahil nga kami ang love team sa movie na ito. His fiancee is here but she walked alone. And I felt so guilty.

Siggy's supposedly walking sa red carpet kanina pero hindi ko pa siya nakikita sa paligid. Pero ang sabi niya kanina na pupunta siya. He can't miss my movie. He can't miss this.

The celebrities of the Osmeña clan are also here to support me and their support are so overwhelming lalo na kay Mikan na wala pa ring kupas, although nagdala siya ng date, but that's fine with me. I greeted Beatrix, other members of Mikaneko, and some of my celebrity friends who were there to show their support… and para na rin siguro sa exposure because this movie isn't just about Ardian Cayetano, it's also about me that's why international medias flocked tonight. We also have schedules for international showing at pupuntahan din naman ang mga premiere nights doon, soon.

Masiyadong magulo ang paligid. Flashings lights were evident like it can't be remove anymore. Shouting and blabbering voices of the media men are deafening my ears. But despite the nervousness I'm feeling, I manage to smile to everyone and answered their questions for their own stories and reports.

Medyo less na ang media inside the cinema pero at least, kahit papaano, ay nakahinga ako. We got the top middle seat. Katabi ko sa right si Ardian Cayetano and pina-reserve ko ang left side ko para kay Siggy. Si Ms. Genessa Soberano rin ang uupo sa right side ni Ardian.

Everyone almost settled down because in any minute ay sisimulan na ang showing ng movie. Napatingin ako sa naka-print na name niya sa left chair beside me. It's still empty and there's no sign of him. I want to contact him pero naalala kong naibigay ko nga pala kay Annavie ang phone ko.

Hinanap ko sa crowd ang team ko. Nang makita kong nakatingin sa akin si Nissa, I mouthed Siggy's name. Umiling at nagkibit-balikat siya bilang sagot. Tumango na lang ako at umiwas ng tingin, iniharap na ang sarili sa malaking screen sa harap.

"Hindi na 'yon dadating."

I crossed my arms and inhaled sharply. Nanatiling sa harap ang tingin ko. Umigting ang panga ko habang pinipigilan ang sarili. "Dadating 'yon. Maybe late, but he'll be here soon."

"Kung ako sa kaniya, hindi na ako pupunta, hindi ko kakayanin kung ano mang makikita ko sa movie na ito."

Lumingon ako sa kaniya at walang emosyon siyang tiningnan. "Then why does Genessa's here?" I say almost like a whisper.

Nakangisi siyang lumingon sa akin, mukhang inaasar nga ako. Pero walang nakakatuwa sa ipinapakita niyang pagbibiro. "Genessa's used to it. Ang inaalala ko lang ay kung anong sasabihin ni Siggy sa movie'ng ito. He's not used to it, right?"

Ang walang emosyon kong tingin ay unti-unting naging matalim. Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya but I think it's better that way, baka marinig pa ng iba, lalo na ni Genessa, ang pinag-uusapan namin. Umiwas na lang ako ng tingin at huminga ng malalim, hindi na ulit siya kinausap.

"I hope the sequel will happen soon. I can't wait to work with you again."

Umigting ang panga ko dahil sa sinabi ni Ardian. It's a whisper and I swear I'm the only one who heard it kaya kinilabutan ako.

Maya-maya lang din, without Siggy's presence, ay sinimulan ang showing ng movie. I breathe harshly and ready myself for whatever happens.

The movie was good. Obvious na obvious ang naging gulat ng lahat nang makita ang maka-ilang beses na bed scenes namin ni Ardian. Maganda ang movie, there's no doubt with it. Magaling ang whole cast and staffs. Praque was beautiful. But as I watched it, I reach the conclusion that making this movie was a mistake. It's all a mistake. A damn mistake! At kinakain ako ng guiltiness ko. Pero anong magagawa ko? Nangyari na ang mga nangyari at naiipit na ako sa situwasiyong hindi ko naman ginustong pasukan.

Ngumiti ako sa mga taong agad na lumapit sa akin para i-congratulate ako sa ganda ng performance ko sa movie. Lahat na lang yata ng compliments ay narinig ko pero hindi ko ma-rehistro sa utak ko dahil kinakain na ako ng guiltiness. Tinawag kaming mga cast sa maliit na stage sa ibaba ng malaking screen ng cinema. Binigyan ang mga girl cast ng bouquet. Nagpasalamat kaming lahat sa um-attend ng premiere night na ito and some other speeches na rin galing sa amin. Kaonting picture taking na rin.

Nang matapos ay muli kaming nakipaghalubilo sa mga bisitang nandito, nakipag-usap sa mga executives na hindi rin nawala sa premiere night na ito. Lahat nagalingan sa performance ko sa movie, ganoon din kay Ardian at sa iba pa.

"Ang galing mo, Sandi! It's like a whole new version of yourself. Akala ko talaga improved na improved ka na pero hindi ko alam na may next level pa ang improved self mo!"

"Hands down ako sa 'yo, Sandi. Ikaw na talaga."

Tipid akong ngumiti sa mag-pinsang Osmeña na sina Ate Teagan at Chain. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko na kayang sumagot. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang matapos ang araw na ito.

Agad din naman silang nagpaalam para batiin si direk at ang ibang cast ng movie. Wala sa sarili akong napatango na lang sa pag-alis nila dahil sa pagod na nararamdaman ko.

"Okay ka lang?"

Shit. Halos mapaiktad ako sa gulat dahil sa biglang pagtapik ni Mikan sa balikat ko. I compose myself and smile at him, pati na rin sa babaeng kasama niya.

"Y-Yeah. I-I'm fine." Inayos ko ang clutch pouch na dala ko at muling ngumiti sa babaeng katabi ni Mikan. "Hi, it's so nice to finally see you in person." Bineso ko siya at malugod naman niyang tinanggap.

"You too, Sandi. Ang galing mo sa movie. No wonder talaga na maraming humahanga sa 'yo."

Ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya.

"I know you're not fine. Are you really okay, Sandreanna?" muling sumingit si Mikan sa usapan kaya naibaling ko na naman ang tingin sa kaniya.

"Pagod lang, Mik. Ang dami kasing ganap ngayong araw. Guestings sa umaga, mall show sa hapon, tapos premiere night naman sa gabi."

"Now that the movie is done and will show tomorrow, makakapagpahinga ka na rin."

"Yeah, finally."

"Hindi pumunta si Siggy?"

"May pinuntahan lang na importante. Family event," pagdadahilan ko kahit na hindi ko alam kung totoo nga ba 'yon since gawa-gawa ko lang naman ang rason na 'yon. I don't know where he is and I'm so tired to even know about it.

Hindi na nag-comment si Mikan tungkol doon. Nagpaalam na lang silang dalawa na makikihalubilo sa iba.

Nang matapos ang lahat ng commotion at sa tingin ko naman ay nakausap na ako ng lahat ng artistang um-attend sa premiere night, nilapitan ko na ang team ko at agad nag-ayang umuwi.

"Paano po 'yong after party, Ms. Sandi?" pagre-remind sa akin ni Annavie.

"I think I'll ditch that one. I just want to have a good rest for the rest of the night."

"Okay po."

"Si Sir Siggy, nag-aantay daw sa parking lot ng mall." Inabot sa akin ni Nissa ang phone ko at nagtaka dahil sa sinabi niya. Madalas kong pinapabasa at pinapa-open kay Nissa ang mga important message ko, lalo na kapag galing kay Siggy, kaya hindi na nakakapagtaka ang sinabi niya sa akin. Ang nakakapagtaka lang ay ang fact na nandito si Siggy.

"He's here? Bakit hindi siya pumunta rito?"

Ch-in-eck ko ang latest message niya. I exactly read what Nissa told me.

"Hindi ko po alam. 'Yon lang po 'yong t-in-ext niya sa 'yo at ibinilin na rin sa akin."

Itinago ko na lang sa clutch pouch ko ang phone at agad nag-aya sa kanila. Nagpa-iwan si Ms. Yang para kausapin ang iilang importanteng bisitang nandito kaya hinayaan niya lang kami na umuwi na. Siya na rin daw ang bahalang magsabi kung bakit wala ako sa after party.

Kasama ko ang team ko papuntang parking lot ng mall. They well protected me hanggang sa makarating kami sa van. Nakita ko from a distance ang kotse ni Siggy pero I didn't see him around the area.

"Kay Siggy na lang ako sasabay pauwi. Mauna na kayo. Alagaan n'yong mabuti 'yang si Nissa ha?" huling reminder ko sa kanila bago naglakad papunta sa kotse ni Siggy.

I knock on the passenger seat door, quite expecting his inside.

I hear the unlock sound of the door kaya agad ko itong binuksan. Tama nga ang hinala ko, he's inside. He's dazzling with his gray suit on but I'm just too tired to even give it a damn.

Hinalikan ko siya sa pisnge pero nanatili siyang hindi gumalaw, ni hindi nga ako tiningnan. He started the car and walang ano-ano'y agad na pinaharurot ang kotse kahit nagsi-seatbelt pa lang ako. Nagulat ako sa ginawa niya but I didn't make it a big deal. Hinayaan ko, baka nagmamadali.

"Bakit hindi ka pumunta kanina?" malumanay na tanong ko habang mariin siyang nagda-drive.

Medyo may kabilisan ang pagda-drive niya kaya ilang minuto yata matapos kong magtanong ay nasa gate na kami ng village ng bahay. Agad siyang pinapasok ng guard since kilala na rin ang kotse niya at may sticker na ito ng village but that's not what I'm concern about now. Uuwi na ba kami? I thought we're going somewhere else.

"I was there but I was late. Hindi na ako pumasok dahil ayokong mag-cause ng commotion dahil lang late ako."

"Alam mo naman kung saan ako nakaupo, sana dumiretso ka na lang."

"Ayoko nga'ng mag-cause ng commotion, Sandi."

"Anong magko-cause ng commotion? E, uupo ka lang naman sa tabi ko. And someone will guide you to the seat that is dedicated to you, anong commotion ang mangyayari roon?" naguguluhan kong tanong. Sinubukan ko pang matawa pero alam kong walang nakakatawa sa atmosphere naming dalawa.

Ilang segundo ulit siyang nag-drive at nandito na kami sa tapat ng bahay. Huminto siya pero wala akong balak na bumaba.

"You haven't seen the movie then?"

Mas mariin ang naging tingin niya sa harapan nang tanungin ko siya.

"Eight."

"What?"

"I saw the movie and there's eight bed scenes in that movie. Eight fucking steamy bed scenes, Sandi." He squint his eyes when he looks at me. Sinalubong ko ang tingin niya pero hindi ako nagulat sa sinabi niya.

"E, ano naman ngayon?" naguguluhan ko pang tanong. Alam ko naman na may eight bed scenes ang movie na iyon, bida ako roon, e, at ako gumawa no'n, ako 'yong nandoon. Anong tingin niya sa akin, engot?

"Ano naman ngayon? Bed scenes that you didn't tell me about, Sandi. Sinabi mo nga sa akin ang buong plot pero hindi mo naman sinabi na may bed scene pala kayo ni Ardian. At kailangan ba talagang ganoon? Act pa ba 'yon, Sandi? It looks legit to me, looks real."

Umayos ako sa aking pagkakaupo, binasa ang labi, at inihanda ang sarili.

"What about it? It's normal, Siggy. It's part of the movie. Ano naman ngayon kung may bed scenes kami ni Ardian? It meant nothing. It's all an act. For pete's sake, Siggy, boyfriend kita and may fiancee 'yong tao. Ano ba 'yang pinag-iisip mo?" Hindi ako makapaniwala sa naging komento niya. Talagang napansin niya 'yon? We did it for the movie.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol doon?"

"Artista ako, Siggy. Sooner or later, talagang magkakaroon ako ng ganiyang klaseng scene since I'm an adult now. Ano bang masama roon?"

"Hindi mo ba ako c-in-onsider first before accepting that kind of role, Sandi?"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Why? Boyfriend lang naman kita. Hindi kita asawa or whatsoever kaya bakit ico-consider ang sarili mo? Ikaw ba ang sasabak sa role? It's my life, Siggy. I should be the one handling it."

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. I can feel the tension rising. Mas lalong uminit ang ulo ko lalo na't pagod na pagod pa ako ngayon.

Padarag kong tinanggal ang seatbelt. "Mabuti pa umuwi ka na. Mukhang mainit pa 'yang ulo mo. Bukas na lang tayong mag-usap. 'Yong kalmado ka na." At padarag din akong bumaba ng kotse niya. Dumiretso ako sa gate at binuksan ito by myself. Nag-doorbell na rin para malaman nilang nandito na ako.

Nang marinig na agad nang humarurot ang kotse ni Siggy, napabuntonghininga na lang ako. Hinayaan ko na, paniguradong bukas magiging okay na rin ang lahat.

Naging ganoon ang takbo ng relasyon namin later on. Dahil siguro sa sobrang busy namin sa mga personal life namin, minsanan na lang kaming magkita. At madalas sa mga minsan na iyon ay nag-aaway pa kami. Hinahayaan ko na kasi kinabukasan, agad din naman niya akong susuyuin like nothing happened.

It feels toxic pero mahal ko siya, e, nothing's toxic with me. And I am too preoccupied to think about our relationship. Alam ko namang hindi na talaga kami maghihiwalay na dalawa kaya bakit ko pa iisipin ang relasyon namin? We trust each other. Hindi ko nga lang alam kung tama bang pinagkatiwalaan niya ako.

Maganda ang naging feedback ng people sa movie namin. It was so good, it lasted for two months in theatres nationwide. In the past two months, naging abala rin kami sa promotion ng movie sa ibang bansa , lalo na sa international showing namin. Iba't-ibang bansa sa Asia, Europe, at America ang napuntahan namin dahil in-allow nila na i-show ang movie ko sa mga selected cinemas na accessible sa mga pinoy at ibang fans ko.

Ardian and I's movie was a success worldwide. Maraming humanga sa naging acting skills ko roon, sa mga trending scenes na kalaunan ay ginawa ring memes but it became iconic.

Masaya ako para sa lahat, pero hindi ako masaya para sa sarili ko. Because I know in myself, I did a mistake during the filming of the movie.

Sumandal ako sa headboard ng kama ko at pumikit. Pilit kinakalimutan ang nangyari sa araw na iyon. Of how soft his lips were. Of how careful his every touch was. Of how careful he was that day. Of how he let me made an unforgivable sin.

I committed a sin with a man who's about to marry someone. And I spent the last months repenting it.

Nang araw na isinama ako ni Ardian na mag-tour sa Praque, may nangyari sa amin. He tempted me to do one. But I swear, isang beses lang 'yon at hinding-hindi ko na gagawin. But Ardian keeps pestering me the entire promotion season of the movie. He always reminds me of what happened that day that I want to erase for the rest of my life. Na-tempt lang ako at pinagsisihan ko na 'yon. I will never do it again. I was wasted in the middle of the day and you can't blame me for doing such things. Kaming dalawa lang naman ang nakakaalam at ipinangako naman niyang hindi niya sasabihin sa iba dahil his relationship with Genessa will be compromise. Pero these past few weeks, palagi na niya akong ginugulo, whispering things that happened that night. And I am bother. Really bothered.

Last night, Ardian wants to have a movie again with me, out of town, few casts, just like our first movie. Pero ayoko na. Kung maaari ay iiwas na ako sa kaniya para makalimutan ko ang nangyari that day. But he threatened me that he has a video of it and kapag hindi raw ako papayag sa arrangement, he'll release it. Hindi ako natakot because I know in myself he's bluffing. Sira ang phone niya that time, he told me, kaya paano siyang makakapag-video? Ako pa talaga ang lolokohin niya.

I sent him a middle finger emoji and a big no. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog. I should be sleeping soundly now. Dapat hindi ako nagpapa-bother sa mga pinagsasabi ng manipulative na si Ardian.

What I did with him was really a big mistake. A big damn mistake. And kung mabibigyan man ako ng pangalawang buhay ngayon, hindi ko talaga gagawin 'yon, lalong-lalo na sa kaniya.

I decided to get up and find something to drink or eat sa kitchen. Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito. Dinala ko na rin ang pack ng cigarette at lighter ko.

Paglabas ko, malinawag pa rin ang living area ng bahay na kitang-kita from my door. Lumapit ako sa may mezzanine ng second floor at nagulat nang makitang nasa ibaba ang halos lahat ng nasa team ko, including Ms. Yang.

"You guys still awake?" pang-aagaw ko sa atensiyon nila. It feels like their atmosphere is too serious to handle.

Naglakad ako pababa ng hagdan. Now, I got their attention pero masiyado yatang naging excited si Ms. Yang at sinalubong pa talaga ang pagbaba ko. Pero it's evident on her face na nagpupuyos siya ng galit, her face is flush red.

"Are you ok-"

"What the hell is this, Sandi?"

Halos mapaatras ako dahil sa bigla-biglang pagharap ni Ms. Yang ng dala niyang phone. Hindi agad na-load sa utak ko kung ano itong ipinapakita niya.

"Bakit? Ano po ba 'yan?" confuse na tanong ko.

Marahas siyang huminga ng malalim at hindi makapaniwalan sa naging sagot ko. Inilayo niya sa akin ang phone and manipulated something on it and ibinalik din naman niya. "This! A fucking scandal with Ardian Cayetano? What the hell, Sandi? What did you do?"

Pl-in-ay ni Ms. Yang ang video'ng ipinakita niya at nang makita kung ano 'yon, halos himatayin ako sa gulat.

Holy mother of monkey! What the hell! What the hell is this?!

Nanginginig kong ini-stop ang video. Kinapos ako ng hangin at tuloy-tuloy na nagsibagsakan ang luha ko. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas mula sa akin. Nanginginig ang buo kong katawan na kinalaingan kong manghingi ng suporta sa railings ng hagdan. Nang hindi makayanan, napaupo ako sa stair case, hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Ms. Yang at sa mismong nakita ko.

Ito ba ang ibig niyang sabihin?

"Someone posted this video online a few hours ago, Sandi. Trending topic kayong dalawa sa social media. At nanghihingi ang management ng eksplenasyon sa video'ng ito. Kaya sabihin mo sa akin na hindi ito totoo at hindi ikaw 'to. Confirm it to me, Sandi, kasi ngayon pa lang talagang ikaw ang nasa video."

Umiling-iling ako kay Ms. Yang. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Kahit nanlalabo ang mata ko, pinilit kong aninagin kung anong reaksiyon niya. Gusto kong mag-explain sa kaniya. Gusto kong i-defend ang sarili ko. Pero hindi ako makapagsalita! Punyeta!

"Sandi! Magsalita ka naman! I've been saving your ass for an hour already while you're having your rest time inside that room. Sabihin mo sa akin na hindi ikaw 'to!"

"I-I-I…" napalunok ako, huminga ng malalim. "I-I'm s-so… sorry, Ms. Yang. Hindi ko po sinasadya."

Inihagis ni Ms. Yang ang cell phone niya to somewhere. Napaiktad ako dahil sa gulat.

"That's it! I'm done with you, Sandi. Face this chaos alone. Hindi na kita matutulungan sa parteng ito. Kalat na kalat na, alam na ng lahat. And there's nothing we can do to stop the fire you started."

Dali-dali akong lumapit sa kaniya para pigilan siya sa pag-alis. Lumuhod na ako sa harapan niya.

"M-Ms. Yang, please po. Hindi ko po talaga sinasadya. Hindi ko po alam na vini-video-han ako ni Ardian."

Padarag na kinuha ni Ms. Yang ang kamay niya at mariin akong tiningnan. "Sinadya mo man o hindi pero the fact na pumatol ka sa isang taong ikakasal na sa iba, hindi ko na maaayos ang ganiyang problema, Sandi. Kung si Hector kinayang ayusin ang mga past issues mo with your previous relationships, ako, hindi ko magagawa 'yon. No one can fix this shit you made, Sandi, even yourself. Kasi sirang-sira na ang lahat sa 'yo. Sirang-sira na ang reputasyon mo."

Isinama ni Ms. Yang ang lahat ng taong nandito sa pag-alis niya. Iniwan nila akong mag-isa. Iniwan nila akong nakadapa, pasan-pasan ang mundong hindi ko dapat pinapasan.

But just as I thought everyone left me behind, Nissa came back. She stayed. And I'm always grateful for that.

Nissa, with her big belly, assisted and took care of me. Tinulungan niya akong pakalmahin and shed some light about the issue that's been running around.

Bigla nga'ng may kumalat na isang scandal naming dalawa ni Ardian posted by an anonymous source. There's no denying it's me and him. Klaro pa sa sikat ng araw ang mukha naming dalawa since it happened during day time. Naging trending agad sa twitter. Nagsilabasan na rin ang mga receipts na kaya pala ang ganda ng chemistry naming dalawa sa movie kasi we have an affair daw. Pati mga off-cam pictures and random videos namin sa Praque, lumabas na rin. B-in-ash agad ako ng lahat without knowing the story first. Lalo na no'ng nag-tweet din ang mga kasamahan naming cast about what really happened in Praque.

Wala pang twenty-four hours pero grabe, natanggap ko na ang lahat ng bash, curse words, and sumpa in the world.

Gusto kong kunin ang phone ko at tawagan si Ardian. Panagutin siya sa nangyari. Gusto kong i-check mismo sa sarili ko ang mga issue pero hindi ko kaya. Ang kaya kong gawin lang ngayon ay ang umiyak.

"Ms. Sandi, inom ka muna ng tubig. Baka ma-dehydrate ka."

Nasa sahig lang ako ng sala, niyayakap ang sariling tuhod, at walang humpay na umiiyak. Nilingon ko si Nissa. Pareho ko, nakaupo rin siya na may hawak ng isang basong tubig. Alam kong nahihirapan siya sa kaniyang posisyon dahil sa malaki niyang tiyan pero sarili ko muna ang iisipin ko ngayon.

"Nakakadiri ba ako, Nis?" diretsahang tanong ko sa kaniya. Napa-iwas siya ng tingin at parang nag-isip muna ng tamang isasagot. Inilapag niya sa tabi ko ang baso ng tubig at mukhang sumuko na sa pagpapa-inom sa akin o baka magku-kuwento lang siya.

"Ayoko kitang i-judge, Ms. Sandi. No'ng una nga, hindi ako naniwala na ikaw 'yon, na magagawa mo 'yon. Ang sabi ko pa nga sa sarili ko: mahal na mahal niya si Sir Siggy, imposibleng magagawa ni Ms. Sandi 'yon na walang kinalaman sa trabaho. Pero… bakit mo nga ba nagawa 'yon?"

Muli akong naiyak dahil sa sinabi ni Nissa. Para akong hinampas ng kahoy, 'yong malaki. Yumuko ako at humikbi.

Oo nga, mahal na mahal ko nga si Siggy, kaya bakit ko nga ba nagawa 'yon? Bakit nakalimutan kong mahal na mahal ko si Siggy Lizares ng mga panahong 'yon? Bakit nagpadala ako sa tukso? Bakit, Sandreanna? Bakit ang tanga mo?

"S-Sir Siggy…"

Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ko ang sinabi ni Nissa. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at agad na tumingin sa direksiyon ng pinto para ma-kompirma ang sinabi ni Nissa.

Muling pumatak ang luha ko nang makita siyang nakatayo na roon. Walang siyang sinabi, hindi siya gumalaw, hindi man lang niya ako nilapitan agad.

Nakipagtitigan siya sa akin ng ilang segundo bago niya binalingan ng tingin si Nissa.

"Magpahinga ka na, Nissa. Makakasama ito sa baby mo. Ako nang bahala rito," sabi niya kay Nissa.

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Hinayaan si Nissa na umalis. Dahil sa kalmado niyang boses, nagkaroon ako ng pag-asang makahanap ng kakampi sa kinakaharap ko ngayon.

Tumayo ako at pisil-pisil ang kamay na nilapitan siya. Pinilit kong ayusin ang sarili ko, pinilit kong ngumiti.

"Stay… there. Just stay there."

Natigil ako sa paglalakad nang magsalita siya. Sobrang layo ng distansiya naming dalawa pero nang pinatigil niya ako, doon na ulit ako napanghinaan ng loob.

Tuloy-tuloy ulit na bumagsak ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin na parang walang nararamdaman. He hates to see me cry pero bakit ngayon, nakatitig lang siya sa akin at hinahayaan akong umiyak. Alam na ba niya?

"Gusto kong pakinggan ang explanation mo sa nangyari pero dahil sa galit ko ngayon, hindi ko yata magagawa 'yon. Ayoko munang pakinggan kung anong sasabihin mo. Nandito ako para pakinggan mo ako sa mga sasabihin ko."

"I-I'm sorry," bulong ko.

"Pagod na ako sa relasyong ito, Sandi. Pero sa pagmamahal ko sa 'yo, pinilit ko ang sariling kong mas kumapit pa at mas intindihin ka pa. Mahal na mahal kita, swear to God, mahal na mahal talaga kita. Pero hindi ko alam na ang pagmamahal kong ito ay gagawin akong bulag at tanga. Hindi ko naman siguro deserve masaktan ng ganito, Sandi, 'no? Hindi ko naman siguro deserve na lokohin ng ganito?"

"P-Please, please, makinig ka muna sa akin."

Humakbang ako ng isa pero pinitigil niya ako gamit ang isang kumpas lang ng kamay.

"Sige, makikinig ako. Tatanungin kita. Sabihin mo ang totoo. Did something happen between you and Ardian off-cam? Was that you? God! I can't even look at the video, even hear it, kasi alam ko sa sarili ko na ikaw 'yon. Ungol mo 'yon, Sandi, naririnig ko. Umuungol ka sa ibang lalaki. Kaya please, i-deny mo naman sa akin ito ngayon."

"Please, makinig ka muna…"

"Sumagot ka nga! Ikaw ba 'yon?!"

Yumuko at mas lalong nanginig ang buong katawan ko dahil sa taas ng boses ni Siggy. Galit na galit nga siya.

Dahan-dahan akong tumango without uttering a single word.

"Thanks for confirming it. I knew that asking you will be a waste of time kasi c-in-onfirm mo lang kung anong hinala nila. Now I know that everything that's going around are true. Mahal kita, Sandi, pero may hangganan 'yon. Kapag nasasaktan na ako, kapag natatapakan na pagkatao ko, alam ko kung kailan ako bibigay. Itigil na natin 'to, wala na rin tayong patutunguhan na dalawa."

"Siggy, let me explain."

Kahit nanghihina, pinigilan ko siya sa pag-alis. Lumingon siya sa akin at biglang sumigaw. "Ano pang i-i-explain mo? Na hindi mo sinasadya 'yon? Na parte 'yon ng scene kaso c-in-ut lang? Ano, Sandi? Magsalita ka! Sandi, okay lang sana kung ako lang 'yong nasaktan sa ginawa n'yo. Pero paano mo naatim na kapwa mo babae, hindi mo inisip bago mo ginawa 'to? Sandi, hindi lang ako ang nasasaktan dito. Marami kang taong nadamay sa ginawa mo."

Hindi ako makapagsalita dahil tama siya, kasalanan ko nga ang lahat.

Bumagsak ako sa sahig at walang ginawa kung hindi hayaan siyang umalis. Wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko, basta ang alam ko, nasasaktan din ako.

Nasira ang reputasyong binuo ko ng ilang taon. Sirang-sira na ako. All the people I loved closed their door to me. Sinubukan kong mag-explain, sinubukan kong magsalita. Pero lahat ng iyon ay nababaliwala dahil walang naniniwala.

Kung gaano ako kabilis nakaakyat sa itaas, ganoon din pala akong bubulusok paibaba.

Sinabi sa akin ni Nissa na kaya galit na galit si Ms. Yang at Siggy nang gabing iyon ay dahil bago pa man ako makapagsalita, nasabi na ni Annavie ang mga nangyari sa Praque. 'Yong tungkol sa pag-aya sa akin ni Ardian sa huling araw namin doon. 'Yong closeness naming dalawa. Lahat-lahat. Umaasa lang talaga sila ng gabing iyon na hindi ako 'yon pero dahil agad akong umamin, agad silang tumalikod sa akin na sinundan din ng iba.

Sinubukan kong puntahan ang mga meetings and meet-ups na naka-schedule sa week na iyon pero lahat ng iyon ay na-cancel. 'Yong iba naman ay iniwasan ako at gumawa ng kung ano-anong rason. Mga rason na halatang minamata ako dahil sa nagawa ko.

Nakaka-receive na ako ng mga death threats galing sa die-hard fans ni Genessa. Bashing, judging, threatening, lahat na lang natanggap ko. Inudyokan ako ni Nissa na sampahan sila ng kaso lahat, lalo na si Ardian, pero hindi ko kaya, wala akong lakas ng loob. Wala na akong makapitan.

Sinubukan kong kausapin si Genessa. Gusto ko lang sanang humihingi ng tawad pero dahil sa iritasyon ko sa mga taong bumubulong-bulong nang makita ako, tumaas 'yong boses ko sa kaniya na hindi ko naman sinasadya. Frustrated na frustrated lang talaga ako sa mga nangyayari sa paligid ko ngayon.

Hinarap niya ako at binulungan ng "I don't want to have a catfight with you. I don't want to stoop down whatever level you're in. Kung gusto mong agawin ang fiance ko, do it in a right way. Hindi 'yong pati sarili mo, binababoy mo."

Ang nangyari lang na maganda sa taong ito ay nang makapanganak si Nissa. She gave birth to a cute little girl. It was then my happiness in the middle of the storm I'm in. And Nissa, being the mother, is the happiest of them all.

But her happiness didn't take long when we met an accident. A vehicular accident. Nag-hire ako ng bagong driver that time pero hindi ko alam na galit din pala siya sa akin dahil sa ginawa ko or something kaya nag-plano siyang patayin sana ako sa pamamagitan ng car accident. But that accident took Nissa's life.

Madadala ko pa sana siya hospital no'n, e. Or worst, sana naalala ko pa ang knowledge ko sa first aid pero hindi, e. Hindi niya nakayanan. She died in my arms, saying "Ikaw nang bahala sa anak ko, Ms. Sandi, ha? Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sa kaniya."

But her death was all blamed to me. Ako ang sinisi ng lahat. That's when I decided that I'll go back to where I really belong. To keep Nissa's daughter away from this chaos.

Ilang buwan akong nagtiis sa Manila. Sana naman sa pag-uwi naming ito, maging payapa na ang buhay namin ni Schar.

~


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C45
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login