Bumungad ang isang lalakeng matangkad at maayos ang pananamit. Halatang galing ito sa siyudad.
"Magandang umaga ho. Anthony Vasquez po pala." sambit ng binata at iniabot ang kanyang kamay sa matanda. Kinamayan naman ito ng matanda at inalok na pumasok sa kanilang bahay.
"Napadpad ata ang taga siyudad dito sa Huyenbi?" tanong ng matanda habang sinesenyasan si Raza na umakyat sa kanyang kwarto. Tumango naman ang dalaga at dali daling umakyat sa hagdan. Di nila alam ay nanatili siya sa tuktok ng hagdan para makinig sa kanilang usapan.
"Paano niyo po nalaman na taga siyudad ako?" tanong ng lalake.
"Bihira lang kami may bisita dito sa lugar, kadalasan mga mangangalakal, at mga namumundok ang dumadaan dito. Isa pa sa pananamit mo palang ay halatang galing ka sa malaking siyudad. Walang tao ang nagsusuot dito ng Rolex." sabi ng matanda habang tinitignan ang lalake. Nailang naman siya kaya tinakpan niya ang kanyang relo.
"Nagtanong-tanong po kasi ako sa mga lokal na andito, at sabi nila ay kayo ang isa sa mga nakasaksi ng pagbuo ng lugar. Nais ko po sanang gumawa ng kwento tungkol dito at ilabas sa publiko." deretsong sabi ng lalake. Wala itong planong magpaloguy-ligoy sa kanyang pakay.
"I see. You're a journalist." saad ng matanda na tinanguan naman ng lalake. Saka nagpakita ng kanyang ID. Nagtratrabaho siya sa The Sanjati Express, ang pinakakilalang pahayagan at TV channel sa buong Sanjati.
"I have to run this to the council." sabi niya. "But, I'm not sure if they'll approve."
"B--bakit naman po?" kwestiyon ni Anthony.
"Hindi kailangan ng lugar ang publicity. Pribado at tahimik ang buhay ng mga tao dito." sabi naman ng matanda.
"Hindi po ba kayo nagsasawa sa lugar niyo? Napakaraming pwedeng mangyari sa lugar kapag nakilala ito. Pwedeng lumago ang mga negosyo at dumami ang mga turista. Magkakapera ang mga tao." punto ng lalake
"You should ask the Mendoza family as well. I will set a meeting with them later at 3pm para masabi mo kung ano ang nais mong sabihin, pero kung ako sa iyo hijo, wag kang masyadong umasa na papayag sila." sabi ng matanda. "Pumunta ka sa city hall mamaya para sa meeting."
Wala naman nagawa ang lalake dahil tila nagmamadali ang matanda. Napaisip siya kung bakit pero wala siyang ideya kung anong meron o kung may problema ba sa sinabi niya.
...Samantala sa Mansyon ng mga De Francia
"Mon! Anong plano paano tayo magpapakilala sa mga tao? Pano kung may makakilala satin? Balita ko ay buhay pa si Soledad at Roberto." sabi ni Katleya sa kapatid.
"Ate wag kang praning! Pwede naman tayong umikot sa gubat tapos gamitin yung town entrance. Tapos kunwari dederetso tayo sa mansyon, bubuksan yung gate tas ayun magpapakilala tayong mga apo ni Lorenzo." sabi niya.
"Wow! Tapos kamuka natin yung mga kapatid niya? Sira ka ba?" inis na sagot ng kapatid.
"Look, matagal na panahon na ang lumipas. I don't think everyone from that time is still here." sabi ni Mon habang hawak ang balikat ng ate niya. Humingang malalim si Katleya.
"Ugh! Fine! Let's do this!" sambit nito at pasimpleng nagdala ng kunwaring bag at lumabas sa lagusang bato, sumunod naman si Mon. Dali dali silang umikot sa gubat at kunwari'y pumasok sa entrada ng bayan. Tinignan naman sila ng mga tao.
"Excuse me ho. Alam niyo po ba kung san ang De Francia Residence?" tanong ni Mon.
Walang nakasagot dahil walang nakakakilala sa mga De Francia. Isang bagay na lihim ikinatuwa ng magkapatid.
"Naku, punta nalang po kayo sa city hall o kaya dun sa bahay malapit sa town square, baka po matulungan nila kayo." saad ng mga taong una nilang tinanungan. Pakunwari nilang tinanong ang direksyon papuntang city hall.
Tila inaalala ng magkapatid ang itusra ng lugar, di sila makapaniwalang ang daming nabago sa lugar. Mas malalaki na ang mga bahay at establishimento, may mga under construction din at may mga bagong lugar na ngayon lang nila nakita. Pero wala paring tatalo sa laki ng mansyon nila.
Pag dating sa city hall, sinalubong sila ng matandang lalake. Namukaan naman ito agad ni Mon, yumuko siya kaagad at tinapik ang kapatid. Tinignan lamang siya ni Katleya, namukaan niya din ang matanda pero mas naitago niya ang kanyang reaksyon.
"Magandang umaga po, magtatanong lang po kami kung san ang De Francia Residence?" kabadong tanong ni Katleya. Paano kung mamukaan sila ng matandang kaharap niya ngayon?
"De Francia.... hmm... ang tagal na nung huli kong narinig ang apilyedong yan. Sino nga pala sila?" tinignan ng matanda ang dalawa.
Natahimik sila sa kaba. "Katleya at Mon De Francia po, apo ni Lorenzo De Francia." dagling sabi ni Katleya.
"Ah, naku apo pala kayo ni Lorenzo! Kumusta na siya? Yung mga kapatid niya? Halos 50 years na ata akong walang balita sakanila." sabi naman ng matanda, napahinga naman ng maluwang ang magkapatid, mukang di na sila maalala ng matanda. "Kasing edad ko si Lorenzo, 1940 kami pinanganak. Kami nalang ata ni Soledad ang buhay pa." natatawang sabi ng matanda.
"Naku, matagal na din pong wala si lolo Lorenzo sir. Kahit ang mga kapatid niya." sabi naman ni Mon.
"Ang lungkot naman, hindi man lang kami nakapag-paalam sakanya." tila lumungkot ang matanda, malungkot din ang dalawa. "Anyway, sabi niya samin noon ni Soledad ay maaring may dumating na kamag-anak niya. Sa tagal ata eh nakalimutan na ng ilan ang pangalan niyo. Oh siya, mahahanap niyo ang bahay dahil ito ang pinakamalaki sa lugar, sa pinaka silangan ng bayan niyo mahahanap. Bale paglabas niyo sa main entrance, kumanan kayo dun sa parke at deretsyohin niyo lang."
Nagpasalamat ang dalawa at nagsimulang lakarin ang daan papuntang mansyon. Makalipas lang ng ilang minuto,
*Clank*
Tuluyan ng binuksan ng magkapatid ang lumang gate ng bahay. Nakatingin ang lahat ng dumadaan at naguusap ng pabulong.
"Wala na itong atrasan." sambit ng dalawa at tinahak ang daan patungo sa mansyon gamit ang main entrance.