Download App
70% Flash Fiction of ateElle / Chapter 7: Tiffany

Chapter 7: Tiffany

"KULANG BA AKO TIFFANY! DI PA BA AKO SAPAT? BINIGAY KO NG LAHAT SAYO! TAPOS NGAYON? ISASAMPAL MO SA AKIN YAN? PUTANGINA TIFFANY!"

Halos mabingi ako sa sinabi ni Jeon sa akin ngayon. Halo-halo na ang bumabalot na emosyon sa akin. Isang pagkakamali.

"Tapos... tropa ko pa Tiffany! yung best friend ko pa." Umupo ito at napayukong umiiyak.

Nilapitan ko siya at dahan dahang dinampi ang mga kamay sa likod niya.

"I'm sorry Jeon. Mahal na mahal—"

"Stop telling a lie Tiffany! kung mahal mo ko di mo magagawang makipagtalik sa kaibigan ko." tumayo ito at biglang sinuntok ang pader.

Duguan ngayon ang mga kamay na nakatikom. Tumayo ako agad at hinawakan ang mga kamay niya. Bigla niyang tinabig ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Stop hurting yourself Jeon. I'm really sorry of what happened! I really do." Umiyak ako ng umiyak habang nakatitig sa mga mata niyang basa narin sa mga luha.

Nabalot ang kwarto ng puro hagulhol naming dalawa. Alam kong anlaki ng pagkakamaling nagawa ko. Sumisikip na ang mga pusong gusto ng tumigil.

"Tiffany?" biglang tawag na ikinakaba ko.

Pumasok ito at may daladalang mga prutas. Nakabihis at nakangiting pumasok pero binawi niya ito ng makita kami ni Jeon na nag-iiyakan.

"Ah babalik nalang ako mamaya. Sige mauna—"

Isang tunog nang kasa ng baril na ngayo'y nakatutok na kay Trev.

"Pinagkatiwalaan kita Trev! Di ko sinabing buntisin mo yung girlfriend ko." galit na galit na sabi ni Jeon.

Ngayon ay kabado na ako sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na may baril siyang dala. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Teka, Jeon ibaba mo yung baril. Nakikiusap ako." Pumagitna akong umiiyak sa kanilang dalawa.

Nanatiling nakatutok ang baril sa akin at isang kablit niya lang patay ako.

"Tol, lasing kami. Sobrang lasing kami kaya di namin sinasadyang makakagawa kami ng malaking kasalanan."

Ngayon ay nasa harapan ko na si Trev at kaharap niya na ang baril. Di ko alam kong paano pero pagod na pagod na ako at nabalot na ng tension ang mga nangyayari.

Sumigaw bigla si Jeon binitawan ang baril at pinagsusuntok si Trev. Ngayon ay kanya kanya nilang pinaglalaban ang mga sarili. Parehong nagkakapasa at duguan ang iba't-ibang bahagi ng katawan.

Hindi ko na kinaya ang mga nangyayari. Kusa kong kinuha ang baril at itinutok sa aking ulo. Alam kong mali, alam kong pagkakamali. Sobrang sakit na sobrang tanga ko!

Kinalabit ko ang baril at natumba. Ngayon ay naghihingalo at nasasaktan na ng sobra. Umagos ang mga dugo at mga luha.

"TIFFANY!" rinig kong sabi ni Jeon.

sabay silang lumapit at nasulyapan ang mga mukha nila nag-aalala.

"Teka tatawag ako ng tulong. Gumising ka Tiffany!" sabi naman ni Trev na tarantang tinatawagan ang emergency hotline sa cellphone niya.

Ngumiti ako sa huling sandaling iyon. Tinapos ko na ang problema at sana'y maging masaya sila sa susunod nilang pag-ibig at hindi na sa ganitong sitwasyon.

Kami ay magpapaalam na ng aking magiging anak. Lilisanin ang mapanakit na mundo.

🥀


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login