Download App
90% Fallen Eden / Chapter 9: CHAPTER VIII: Ambushed

Chapter 9: CHAPTER VIII: Ambushed

DAHAN-DAHAN silang naglakad, ang bawat yapak ay maingat upang hindi makalikha ng ingay. Muli nilang narinig ang sigaw, ngunit sa pagkakataong ito, mas mahina na, mas desperado.

"Naroon," sabi ni Sergeant Reyes, tinuturo ang isang makapal na bahagi ng damuhan, kung saan bahagyang naghiwalay ang mga damo. Dahan-dahan silang lumapit, nakaamba ang mga baril, ang kanilang mga puso'y kumakabog sa kaba.

Nang makarating sila sa gilid ng mga matataas na halaman, mas lumakas ang kaluskos, may gumagalaw sa likod ng mga halaman, hindi nila tiyak kung ano ito.

"Dumikit ka lang sa akin," bulong ni Sergeant Reyes, mas pinatalas ang kaniyang pandinig at tingin. Pakiramdam niya ay tila ang gubat ay nabubuhay, ang bawat kaluskos ay tila mas nagiging malakas sa gitna ng katahimikan.

Biglang narinig nila ang isang mahina at mahinang ungol mula sa kabilang panig ng mga halaman. Itinuro ni Sergeant Reyes kay Corporal Raymond ang direksyon, at si Raymond ay dahan-dahang lumapit, pinapaghiwalay ang mga matataas na damo.

Pagkapihit ng damo, nakita nila si Corporal Felix na nakahandusay sa lupa, bahagyang natatakpan ng mga dahon. Siya'y maputla at punong-puno ng putik, ang uniporme niya'y punit-punit at puno ng dugo.

"Felix!" bulong ni Raymond nang may pangamba, lumuhod siya sa tabi nito.

Ngunit bago pa man sila makakilos, biglang nagsipagtayuan ang mga halaman sa kanilang paligid, at isang mababang ungol ang dumagundong mula sa kalaliman ng gubat. Naramdaman ni Corporal Raymond ang malamig na takot na gumapang sa kaniyang katawan—hindi sila nag-iisa.

"Ray, umatras ka! Ngayon na!" sigaw ni Sergeant Reyes, nakatutok ang baril sa mga dahon. Lalong lumakas ang ungol, at ang mga anino sa paligid nila'y tila nagsimula nang gumalaw.

Walang pasabi, isang malaking nilalang ang lumusob mula sa mga halaman—isang halimaw na may baluktot at matitinik na mga galamay, at nagliliwanag ang mga mata sa dilim. Napakabilis nitong kumilos, tila isang bangungot na nagkatawang-tao mula sa kalaliman ng gubat.

Hinila ni Corporal Raymond si Corporal Felix at mabilis siyang itinaas, ngunit ang halimaw ay malapit na sa kanila. Ang matatalim nitong mga kuko ay nagpalaslas ng hangin, halos tamaan sila habang nagtatakbuhan pabalik sa base.

"Takbo!" sigaw ni Sergeant Reyes habang walang humpay ang kaniyang pagpapaputok, ang bawat bala ay tila walang epekto sa halimaw, mas lalo lang nitong pinapalakas ang galit nito.

Tumatakbo silang tatlo sa gitna ng matataas na damo, umiiwas sa mga puno at tumatalon sa mga ugat, habang ang halimaw ay humahabol nang walang tigil. Ang gubat ay nagmistulang bangungot ng mabilis na mga galaw at nag-aalimpuyong mga anino, ang mga ungol ng halimaw ay tila nagmumula sa lahat ng direksyon.

Nang marating nila ang base, halos hindi na sila makahinga sa pagod at takot. Ang halimaw ay huminto sa gilid ng mga puno, ang nagliliwanag nitong mga mata ay nakatitig sa kanila mula sa dilim, bago dahan-dahang umurong pabalik sa mga anino.

Nakahinga sila ng malalim, ngunit alam nilang ang panganib ay hindi pa tapos. They may have saved Corporal Felix from near death, but that doesn't mean they're safe. Returning to the base was their greatest mistake. They've led the beast to their nest, the only place that is safe for them—for now.

"Ano'ng nangyari?" Agad silang sinalubong ng mga kasamahan nila. Alalang-alala sila sa nakikitang kalagayan ni Corporal Felix, puno ng dugo ang kaniyang katawan, at wasak na wasak ang suot na radiation suit.

Nagkatinginan silang lahat. Seeing the radiation suit torn and messy, it only meant one thing—he wouldn't survive. The radiation would eventually kill him.

"Doc, we need to save him!" malakas na sabi ni Sergeant Reyes. Alam nilang lahat kung ano ang dapat gawin, pero alam din nilang maaaring wala na talagang pag-asa—pabayaan na lang mamatay si Corporal Felix.

"W-We can't—" sabat ni Professor Amado, mababa ang tinig.

Kumunot ang noo ni Sergeant Reyes sa kaniyang narinig. "We have to try," biglang sambit ni Dr. Ferlin. "Ilabas n'yo ang lahat ng gamit ko at maghanda kayo ng mainit na tubig."

Agad namang kumilos ang iba pang mga kasamahan nila, nagmamadaling tinipon ang mga kagamitan ni Dr. Ferlin at nagsalang ng tubig para mapainit. Walang kahit isa ang makatingin ng diretso kay Corporal Felix—lahat sila ay alam ang implikasyon ng kanilang ginagawa. 

Habang hinahanda ang mga gamit, mabilis na nagsalita si Dr. Ferlin, "Kailangan nating alisin ang radiation suit na ito nang dahan-dahan. Kung may konting sugat pa, baka makaya nating lunasan. Dr. Ed, pakihanda ang anti-radiation serum, baka sakaling may magawa pa iyon."

"Yes, Doc," tugon ni Dr. Ed, kahit alam niyang halos walang silbi ang kanilang mga hakbang sa sitwasyong ito. Ngunit wala na silang ibang magagawa kundi subukan.

Nagpatuloy sila sa operasyon kay Corporal Felix, habang sa likod ng kanilang mga isipan, ramdam nila ang presensiya ng nagbabadyang panganib. Ang halimaw na nagdala ng kamatayan kay Felix ay maaaring paparating na muli, at sa oras na iyon, hindi na lamang si Corporal Felix ang maaaring mawala.

"Raymond, bantayan mo ang entrance ng kuweba," utos ni Sergeant Reyes, habang nagtutulungan silang lahat sa pagligtas sa isang kasama. Ngunit sa kabila ng kanilang pagsisikap, naroon pa rin ang takot—ang kanilang ligtas na lugar ay hindi na ligtas, at maaaring ito na ang simula ng kanilang katapusan.

Napansin ni Arnie, ang engineer ng team, na tila may malalim na iniisip si Professor Amado habang nakatingin sa ginagawa ni Dr. Ferlin. Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong kung ano ang iniisip ng propesor.

"That beast outside… it's immune to the radiation. It didn't kill that thing, yet its genetic cells are somehow naturally engineered. It became enormous, unnatural indeed from its original form," sabi ni Professor Amado.

"Ibig n'yong sabihin?" naguguluhan na tanong ni Arnie.

"I think… the radiation has different effects on every creature. I think we can save everyone," sagot ni Professor Amado, na ngayo'y may sigla sa boses. "With the help of our doctors, technology, and engineers, we can use the radiation as a tool to advance humankind."

He might sound crazy, given the circumstances they're in now, but he's determined that his plan will work. Nilapitan niya si Dr. Ferlin kahit abala ito sa pagsagip kay Corporal Felix. "You must save him, or at least keep him alive until we can transport him back to the Sentinel."

"Ano? We cannot do that, Professor. Kapag ipinasok natin siya sa loob ng Sentinel, maaaring mahawa ang lahat ng tao sa loob sa kung ano man ang epekto ng radiation sa tao," pagtutol ni Dr. Ferlin.

"Do you think I would let that happen?" sagot ni Professor Amado, matalim ang tingin.

"Guys, save that conversation for later. Kailangan muna nating iligtas si Felix," putol ni Dr. Ed, na ngayon ay mas nagiging aligaga sa kanilang sitwasyon.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Dr. Ferlin bago sumagot. "Professor, naiintindihan ko ang panganib, pero wala na tayong ibang pagpipilian. Kung tama ang hinala mo, maaaring magamit natin ang radiation para sa kabutihan. Subalit kailangan nating maging maingat."

Sumang-ayon si Professor Amado. "We need to isolate him as soon as possible once he's stable. We'll conduct the necessary tests to understand the radiation's effects on humans. We may discover something revolutionary."

Habang patuloy na sinusubukang ligtasin ni Dr. Ferlin si Corporal Felix, nag-umpisa na rin silang magplano kung paano ilalabas ang kanilang grupo mula sa kasalukuyang kalagayan. Alam nilang bawat desisyon ay maaaring maging pagkakaiba ng tagumpay at kabiguan, ng buhay at kamatayan.

"HINDI ko kayang iwan ang mga tao ko, Professor, at alam mo 'yan."

Nakatayo, malayo sa kinaroroonan kung saan ginaganap ang operasyon kay Corporal Felix, nag-uusap sina Professor Amado at Sergeant Reyes. They are planning on transporting Corporal Felix back to the Sentinel, and to do that, they have to leave Corporal Axel.

"I am not intending to just leave them, Sergeant. Pero mas importante na madala natin si Felix sa Sentinel. Maaaring ito ang paraan upang makamit natin ang inaasam-asam na buhay sa ibabaw. Plus, people in the Sentinel are in danger. Hindi natin alam kung hanggang kailan kayang panatilihin ng Sentinel ang kaligtasan ng mga tao natin sa loob ng camp," mahinang sabi ni Professor Amado.

Natahimik saglit si Sergeant Reyes. "Puwede kayong ihatid ni Corporal Raymond sa Sentinel, pero maiiwan ako rito. Ililigtas ko si Corporal Axel. Hindi ko kakayanin na dalhin ng konsensiya ko kung iiwanan ko ang tao ko nang hindi ginagawa ang lahat ng aking makakaya."

"It's settled then. Once we get back, I will dispatch another group to rescue you," tugon ni Professor Amado, na ngayon ay may bigat sa kaniyang mga mata.

Napatango si Sergeant Reyes, alam niyang wala nang atrasan ang kanilang plano. "Let's do this," wika niya, bago lumingon sa direksyon nina Dr. Ferlin. "Ihanda mo na si Felix, Professor. Kailangan n'yong makaalis agad bago lumala ang sitwasyon."

Habang inihahanda ni Professor Amado at ni Corporal Raymond si Felix para sa biyahe, naramdaman ni Sergeant Reyes ang bigat ng responsibilidad sa kaniyang balikat. Ang desisyong iiwan si Corporal Axel ay isang hakbang na walang katiyakan, ngunit alam niyang ito ang tamang gawin para sa kaligtasan ng mas nakararami.

Nang handa na si Felix, dahan-dahan nilang isinakay ito sa improvised stretcher na gagamitin upang dalhin siya pabalik sa Sentinel. Nagbigay ng huling tingin si Professor Amado kay Sergeant Reyes bago sila umalis. "We'll come back for you, Sergeant. I promise."

Isang matatag na tango ang naging tugon ni Sergeant Reyes bago sila tuluyang maghiwalay ng landas. Sa kabila ng lahat ng panganib na kanilang hinaharap, nanatiling buo ang loob ni Sergeant Reyes. Alam niyang ito na ang simula ng mas mabigat na laban—hindi lamang laban para sa kaligtasan, kundi laban para sa kinabukasan ng sangkatauhan.

MATAPOS magpaiwan nina Scout Niel, Engineer Arnie, at Dr. Ed, nagsimula silang maghanap ng paraan upang mailigtas si Corporal Axel. Alam nilang nasa delikadong sitwasyon sila, ngunit matindi ang kanilang determinasyon na mahanap ang kanilang kasama. Habang patuloy silang naghahanap sa paligid, bigla silang nakatagpo ng isang bukás na bahagi ng lupa malapit sa kinaroroonan kung saan nila natagpuan si Corporal Felix.

"May butas dito!" sigaw ni Scout Niel habang tinuturo ang isang bahagi ng lupa na tila nag-uumpisang gumuho. Napansin nilang ang paligid ng butas ay tila natural na guwang na hindi pangkaraniwang makikita sa lugar na iyon. Mukhang bagong giba ito, marahil dahil sa epekto ng radiation o kaya'y dahil sa isang malaking nilalang na nagdaan doon.

Lumapit sina Engineer Arnie at Sergeant Reyes upang masuri ang lugar. Ang bibig ng butas ay tila pabilog at sapat na kalaki upang makapasok ang isang tao nang hindi kailangang yumuko nang husto. Ang gilid ng butas ay natatakpan ng malalaking ugat na tila nagmula sa ilalim ng lupa. Ang mga ugat na ito ay gumagapang pababa, patungo sa kadiliman ng butas.

"Pumasok na tayo," wika ni Sergeant Reyes, na masigasig na nagbabantay sa paligid. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa loob, ngunit walang oras para mag-atubili.

Nang pumasok sila sa butas, unti-unting naglaho ang liwanag mula sa itaas, at napalibutan sila ng malamig at mamasa-masang hangin. Ang loob ng butas ay tila isang tunnel na bumababa nang pababa, paikot-ikot, at naglalaman ng mga makintab na bato na tila may sariling liwanag. Ang mga dingding ng butas ay puno ng mga lumot na kumikislap sa bawat hakbang nila, nagbibigay ng kakaibang liwanag na tumutulong sa kanila upang makakita.

Habang naglalakad sila, nararamdaman nilang mas lalong nagiging makitid ang daan. Sa ilang bahagi ng tunnel, kailangan nilang sumiksik at gumapang upang makalusot. Ang ingay ng kanilang mga paa sa basang lupa at ang tunog ng mga patak ng tubig mula sa itaas ay bumuo ng isang eerie na tunog na tila binabantayan sila ng mga matang hindi nila nakikita

Bigla, isang malakas na tunog ang kanilang narinig mula sa malalim na bahagi ng tunnel. Ang lupa ay biglang yumanig, at isang higanteng nilalang na may libo-libong paa ang lumitaw mula sa kadiliman. Isa itong mutated centipede beast—ang kanilang masamang kaibigan—ang katawan nito ay puno ng mga mahahaba at matatalas na pako, at ang ulo nito ay may mga malalaking panga na tila kayang durugin ang kahit na anong bakal.

"Mag-ingat kayo!" sigaw ni Sergeant Reyes habang mabilis silang umatras, ngunit mabilis na lumusob ang halimaw, halos hindi nila makita sa bilis ng galaw nito.

Walang nagawa sina Scout Niel, Engineer Arnie, at Dr. Ed kundi maghanda para sa kanilang depensa. Ngunit bago pa man sila makagawa ng aksyon, mabilis na umatake ang halimaw. Ang mahaba at matigas na katawan nito ay humampas kay Scout Niel, na tumilapon sa gilid ng tunnel. Agad na sumunod ang mga malalaking paa nito, bawat galaw ay mabilis at nakamamatay. Si Engineer Arnie ay muntik nang masapol ng isa sa mga matatalas na paa ng halimaw, ngunit nagawang makaiwas sa huling sandali, bagaman siya'y nagkaroon ng sugat sa braso.

Si Dr. Ed, na nasa hulihan ng grupo, ay nahagip ng isang matalim na paa ng halimaw, dahilan upang mawalan siya ng balanse at bumagsak sa lupa. Agad na lumapit ang halimaw, handang tapusin ang kaniyang biktima. Ngunit bago pa man maipagpatuloy ng halimaw ang kanyang pag-atake, isang grupo ng mga hindi kilalang nilalang ang biglang sumulpot mula sa mga anino. Ang mga ito ay tila tao ngunit mas maliit ang mga katawan, at may makapal na balat na animo'y may kaliskis. Tumayo sila sa kanilang dalawang paa, hawak-hawak ang iba't ibang uri ng armas na hindi pa nakikita ng grupo nina Sergeant Reyes.Ang isa sa mga nilalang ay naglabas ng isang maliit na bag na tila puno ng pulbos. Agad nitong hinagis ang bag sa bibig ng halimaw habang ito'y pabigla-biglang sumusugod. Nang magbukas ang panga ng halimaw, pumasok ang bag sa loob ng lalamunan nito.

Agad na isinuka ng halimaw ang lahat ng parte na nasa loob nito, sanhi ng matinding pagdurugo at pagkawasak ng mga panloob na organs. Ang mga natitirang bahagi nito ay nagsimulang bumagsak sa sahig ng tunnel, nagkikisay hanggang sa tuluyang tumigil sa paggalaw. Ang mga nilalang na sumaklolo sa kanila ay tumayo nang tahimik, pinagmasdan ang kanilang nagawang gawain. Hindi sila nagsalita, ngunit ang kanilang mga mata ay nagsasabing hindi sila kaaway.

Napatitig ang grupo nina Sergeant Reyes sa mga bagong dating. Hindi nila alam kung sila ba'y kalaban o kakampi, ngunit isang bagay ang malinaw—sila'y nailigtas mula sa tiyak na kamatayan.

"I think we owe them our lives," mahinang sabi ni Dr. Ed, habang patuloy na nakatingin sa mga nilalang na sa unang pagkakataon ay nagsimulang magsalita sa isang lengguwaheng hindi nila maunawaan.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login