Ngumingiting Larawan
Ikatlong Kabanata
Napaluha ang dalaga sa kanyang nasaksihan sa kanyang panaginip. Minsan napapatanong siya sakanyang sarili kung panaginip ba ang mga iyon o mga alaala. Nagpatuloy ang kanyang pag-iyak. Hinayaan niya munang pakalmahin ang sarili bago bumaba at maghanda papasok ng university.
Pagkatapos no'n ay kaagad na siyang bumaba. Naabutan niya ang kanyang ina naghahapag ng mga pagkain sa mesa. Bumati siya ng 'magandang umaga' sa kanyang ina ngunit hindi naging maganda ang bungad ng umaga sakanya. Naghanda at naligo muna siya bago sinabayan sa pagkain ang kanyang ina.
Matapos nitong maligo, nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa upuan habang may hawak na diyaryo sa kamay. Humigop muna ito sa kanyang kape atsaka na magpatuloy sa pagbabaso ng naturang article. Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina nang may mabasa siyang isang parte nito na naka-attract sa atensyon niya.
"Anak, halika dito." aya sakanya ng ina ngunit hindi niya ito narinig dahil hanggang ngayon distracted parin siya sa napanaginipan niya kagabi. Naalala niya ang isang kaibigan na malapit sa puso niya tulad nina Kairish, Keisha, at Xavier. Ang pangalan nito ay Krisher.
"Hindi naman nagsasabi ang anak ko na sikat na pala siya." ani ng kanyang ina pero hindi parin niya ito napansin. Napatingin ang kanyang ina sa direksyon niya. Doon niya lang napagtanto na nanaginip ng gising si Becca. Lumapit ang kanyang ina at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ni Becca. Nagulat naman si Becca nang dumapo ang mga malalamig na kamay ng kanyang ina.
"Anong nangyari?" tanong ng kanyang ina. Mabilis na pinunasan ni Becca ang mga luha sa pisngi niya. "Ahh, wala po, Ma. May naalala lang." sagot ng dalaga atsaka na nag-ayos ng upo. "Ano po 'yung sabi niyo kanina?" pag-iiba niya sa sensitibong topic.
"Ito oh." turo ng kanyang ina sa diyaryong hawak niya kanina. Binasa itong maigi ni Becca.
10 Students To Join A Live In Television Camping
Written by Mika Quiambao
The Erzeclein University hereby present to you, the selected ten students to join the 10-day camping. The whole event will be aired and shown on television live. The New Head Teacher, Mr. Angelo Dimorsnol, also said that, "This is to prove that Erzeclein University have the most clever students, and try to survive with limited number of survival food and materials." he said on an interview. "This is what these students were excited for." he added. The list include ; Melona Liza Romero, Ismael Jackques Mendoza, Mikee Santillan, Jerome Manalastas, Ashley Kim Montenegro, Nathaniel Crisostomo, Maria Lyneth Roque, Rinnah Sebastian, Mark Joseph Canasa, and last and definitely not the least is Rebecca Natividad.
"Sikat na ang anak ko! Siguro marami ng nakabasa nito. Baka dagsain tayo ng mga tao dito." saad ng kanyang ina habang nakatayo. Kumuha ng tinapay si Becca at pinalamanan ito ng strawberry jam. "Hindi naman, Ma. Pupunta lang naman kami ng school. Atsaka pagkatapos ng event na ito, makakalimutan 'din kami ng mga tao." bigkas ni Becca atsaka kinagat ang tinapay. Pinagmasdan niyang muli ang diyaryo at sa pagkakataong iyon, napansin niya ang larawan ng bagong head, katabi ng article nila. Nakita ng dalawang mata niya kung paano ito unti-unting ngumiti.
"Ma..." she trailed. Napatingin naman sakanya ang kanyang ina. "Ma, ngumiti po 'yung larawan." bigkas niya. "Ha? Saan?" tanong ng kanyang ina at kinuha ang diyaryo mula sa kamay ni Becca.
"Wala naman, anak. 'Yun pa 'din naman ang hitsura nu'ng larawan." sabi ng kanyang ina. Tinignan niya muli. Bumalik na ito sa dati niyang hitsura. Nakaramdam ng pangingilabot si Becca. "Alam mo baka namalik mata kalang. Ubusin mo na 'yang kape mo at baka ma-late kapa sa pagpasok." paalala ng kanyang ina atsaka na siya tumayo.
"Mauuna na ako anak. Mamalengke pa si Mama. Teka lang." sabi ng kanyang ina at inayos ang blouse na suot niya. "Ayos lang ba? Baka kasi makita ako ng mga fans mo at hindi ako presentable." birong sabi ng kanyang ina. Nag-thumbs-up lamang si Becca. "Osiya, aalis na ako. Ba-bye na, Love you."
"Love you too, Ma." bigkas ni Becca atsaka humalik sa pisngi ng kanyang ina. "Huwag kakalimutang i-lock ang pinto kaalis mo." paalala ng kanyang ina at sumagot naman siya ng 'opo'. Nang makaalis na ang kanyang ina, napatingin muli siya sa diyaryo at nakita niya na naman ang ngumingiting larawan ng Head Teacher.
--**--
Papasok na siya sa loob ng campus nang may umakbay sakanya na ikinagulat niya. "Good morning!" bati nito at ginulo ang kanyang buhok. "Good morning." mahinang bati ni Becca sa lalaki. Sabay silang naglakad patungo sa mga klase nila.
"Excited ka na ba?" tanong ng lalaki. "Para saan?" sagot na tanong ni Becca. "Sa Camping, hay nako. May makakasama kang gwapong nilalang doon, tiyak na 'di ka mabobore." sabi ito habang inaayos ang kanyang buhok. Bahagyang natawa si Becca. Gayunpaman ay natuto siyang dumistansya sa binata.
Parang ganito ang unang pagkikita ng mga naging kaibigan niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa nakaraan. Ayaw niyang may madamay na ibang tao dahil sakanya. Ayaw niyang mapahamak 'din si Jerome. And all this time, ang tanging iniisip niya ay hindi niya deserve magkaroon ng isang kaibigan.
--**--
FLASHBACK
Tumitibok ng mabilis ang puso ng dalaga.
Marahan lamang siyang naglalakad sa madilim at masukal na daan. Para bang may hinahanap siya. Para banag may kailangan siyang gawin upang tantanan na siya ng mga ispiritong sumusunod sakanya. Ngunit habang didikit ang kanyang mga paa sa mga tuyong dahon at maririnig niya ang tunog nito, lalo pang bumibigat ang kanyang pakiramdam niya.
Nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng lalaki na nakatayo ngayon sa harapan ng dilaw na mga bulaklak. May kasamahan itong lalaki, may bitbit na isang galong naglalaman ng pulang gasolina. Balak nilang sunugin ang mga bulaklak, ang mga bulaklak na nagpatanyag at nagpapaganda sa eskwelahang iyon.
Nakaramdam siya ng pangangalambot. Wala siyang ibang magawa kundi pagmasdan na lamang ang kanilang ginagawa. Naririnig niya ang paghalakhak ng isang pamilyar na boses. Mula doon ay narinig niyang magsalita ito. "Erzeclein." bigkas niya at ngumiti sa harapan ng nagsusunog na lalaki. "Napakagandang pangalan, hindi ba?" tanong nito. Ang kanyang napakalalim na boses ang nagpapayanig sa katawan ng dalagang nagmamasid. Pilit niyang inalala kung saan nga ba niya narinig ang pangalan na binanggit ng lalaki, pero hindi niya ito magawang balikan.
Naigalaw niya ang kanyang paa na dahilan ng pagkaluskos ng mga dahon. Napatingin sa direksyon niya ang lalaki at ang nagsusunog. "Sinong nandiyan?" sigaw nito mula sa malayo. Halos atakihin siya sa puso nang maglakad ang isang itim na pusa sa harapan niya. Narinig niyang magsalita muli ang lalaki. "Akala ko kung sino, isa lamang palang pusa. Pakibilisan ang trabaho mo, pagkatapos ay puntahan mo ako sa aking opisina, maliwanag ba?" tanong ng lalaki. Tumango lamang nag nagsusunod at patuloy lamang sa pagtapon ng sinindihang posporo sa mga bulaklak. Pagkatapos no'n ay naglakad na palalayo ang lalaki.
Lumuwag ang pakiramdam ng dalaga. Nagpapasalamat siya at nandodoon ang pusang iyon, kung hindi ay nahuli na siya ng lalaking iyon dahil tumakas ito mula sa kanyang klase. Sinundan niya ang lalaking iyon papunta sa kanyang opisina. Nakita niyang pumasok ito sa pintuan at luminga muna bago tuluyang ibinagsak ang pintuan.
Kaagad ay naglakad papalapit ang dalaga papunta sa harapan ng bintana ng opisina. Ngunit narinig niya ang malakas na bulungan ng mga estudyante sa kalapit na kwarto. Napaharap siya sa mga estudyanteng nagbubulungan at para bang may itinuturo sa langit. Nang lumingon siya upang tignan ang langit, nakita niya ang makapal na usok na nagmumula sa hardin ng unibersidad. Ang mga sinunog na mga bulaklak, doon nagmumula ang usok. At habang pinagmamasdan mo ito, mararamdaman mo ang kakaibang init, na para bang nasa impyerno ka.
Ibinaling ng dalaga ang kanyang atensyon sa bintana. Nakita niya ang eksaktong table ng lalaki. Nakapangalan dito ang 'Angelo Dimorsnol, Head Teacher Nine.' Binabasa niya pa ang ibang detalye nang may isang kamay ang dumapo sa salamin na dahilan ng pagkabigla niya at natumba pa siya. Nakita niya iyong namumunas sa bintana. Siguro'y inilagay iyon doon para walang magtangkang manilip sa loob. Wala na siyang ibang nagawa kundi ay tumayo at maglakad na papaalis.
Naglakad siya patungo sa isang lugar sa university kung saan iilan lamang ang mga estudyanteng naroroon. Umupo siya sa bench na nandoon at nag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Paano kung buhay pa si Kairish ngayon? Siguro'y uupo siya dito sa tabi ko at aakbayan ako. Bigkas ng dalaga sa kanyang sarili. Ilang saglit lamang ay kinapa niya ang kanyang palda upang kunin ang kanyang cellphone.
Ang mga cellphone sa panahong ito ay may mga sarili ng wifi. Buksan mo lamang ang wifi icon at magkakaroon ka na ng signal, kahit wala kang load. Abala siya sa pag-scroll sa isang app nang may nagnotify sa kanyang screen.
You have a memory with Kairish, Keisha & Xavier. Do you want to show them? Tanong ng system, at ang app na nagnotify ay ang Facebook. Hindi nag-alangan ang dalaga at pinindot niya ito. Nakaramdam siya ng bahagyang kirot sa kanyang puso nang mapagmasdan ang isang larawan. Ito'y larawan noong panahong kabilang pa siya sa hockey player team, silang apat ay nakangiti lamang sa harap ng camera. Ang unang nakakuha ng kanyang atensyon ay ang nakangiting si Kairish.
Rumagasa ang mga luha sa kanyang pisngi. Marahan na pinunasan niya ang mga iyon. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili hanggang sa matakpan na ng kanyang mga kamay ang buong mukha niya dahil sa pag-iyak. Ngunit habang umiiyak siya, nakaramdam siya ng isang malamig na presensya. Para bang ito'y yumayakap sakanya.
Ilang minuto ang at hinayaan niya ang pakiramdam na 'yon na yakapin siya. Naniniwala siyang 'yon ang kaluluwa ni Kairish. Maya maya ay nabasag ang katahimikan nang marinig niya ang isang boses ng babae. Kasabay nito ay pagkawala ng malamig na pakiramdam ng dalaga. "Sinong nandiyan?" tanong ng boses. Napalingon ang dalaga kung saan nagmula ang boses. Naglakad papalapit sakanya ang isang babaeng hindi katangkaran. May pagkamahinhin ang hitsura nito't may mahahabang mga pilik mata. Kulay bughaw ang mga mata nito.
"Alam mo 'din ang lugar na ito?" tanong nito. Napatango lamang ang dalaga. "Umiyak ka ba? Gusto mo bang iwan muna kita at babalik na lamang ako mamaya?" tanong ng babae. Napa-iling ang dalaga. "Naku, 'wag na. Nakakahiya naman kung paaalisin kita dito." tugon nito.
"Krisher ang ngalan ko. Ikaw ba?" tanong ni Krisher. Napangiti naman ang dalaga. "Becca. Becca ang tawag nila saakin." sagot naman ni Becca. Tinanggap niya ang alok na pakikipagkamay ni Krisher. Ilang saglit at natawa siya ng bahagya.
"Kanina lang ay tumatangis ka. Ngayon naman ay tumatawa ka. Ayan naman pala, mas maganda ka kapag ngumingiti." bigkas ni Krisher. Napalihis ng buhok si Becca. "Bakit ka nga pala natawa?" tuglong na tanong nito.
"Nagtataka lang kasi ako. Lahat kasi ng naging kaibigan kong babae, nag-uumpisa ang mga pangalan nila sa letrang 'K'." sagot naman ni Becca. "Ibig bang sabihin nito, gusto mo 'din ma maging magkaibigan tayo?"
"Bakit hinde?" saad ni Becca. Natawa silang pareho sa kanilang mga sinabi. May nawala man ay may panibago naman na dumating. Sana lamang ay hindi naging mali ang desisyon ni Becca na makipagkaibigan kay Krisher. Afterall, ngayon na siguro ang panahon upang makamove-on siya sa mga nangyari, apat na taon na ang nakakalipas. Ngunit hinding-hindi mawawala sa puso niya ang mga kaibigan niya. Ngayon, ang tanging gusto lamang niya ay magkaroon ng isang kaibigan na kanyang masasandalan, sa panahon na kailangan niya ito.
--**--
Simula ng mapalitan ang namumuno o Head ng eskwelahan na iyon, iba't ibang pangyayari na ang naganap sa loob no'n. Isa na dito ang pagkamatay ng isang estudyante, na nagbigay ng takot sa iba pang mga estudyante. Binalahan na sila ng eskwelahan na wala silang dapat ikabahala. Ang eskwelahan mismo ang huhuli kung sino man ang pumatay sa estudyanteng iyon.
Binalahan silang lahat. Wala dapat makaalam ng mga tunay na nangyari. Sa oras na magbitaw sila ng salita sa kanilang mga magulang o sa mga taong nasa labas ng eskwelahan, tiyak na puputulin ang dila ng kung sino man. Walang makakatakas, kahit na pinakatinatago mo ito ay malalaman nila. Isang malakas na negatibong mahika ang nakadikit sa katawan ng mga estudyante na magdidikta kung nilabag nga ba nila ang bilin ng Head.
Ang alam ng buong mundo ay ito parin ang lumang 'Dandelion University.' Ang alam ng mga tao ay mga normal na estudyante ang pumapasok dito. Ngunit doon sila nagkamali. Hindi sakop ng pamahalaan ang eskwelahan na ito, iyon ang pinagkasunduan, kapalit ng milyon-milyong dolyar na ibinayad ng bagong head na nilaklak ng mga kurakot na ospisyal ng pamahalaan.
Ang hindi nila alam, hindi na Dandelion University ang tawag dito. Ito na ngayon ang Erzeclein University, na pinamumunuan ng bagong head na si Angelo Dimorsnol. Kung ano-ano ang ipinatupad na batas at alituntunin ng eskwelahang ito. Isa na rito ang libreng-injection laban sa mga sakit na noong mga naunang panahon ay wala pang lunas tulad na lamang ng HIV, Diabetes, Sakit sa bato, at iba pa. Tuwang-tuwa ang mga estudyante dahil ang buong akala nila ay makabubuti ito sa kanila, ngunit nagkamali sila.
Isang araw, ang mga estudyante ay abala sa pag-uusap at pagkain sa loob ng cafeteria, narinig ng magkaibigang Krisher at Becca ang sigaw ng isang babae. Mabilis na lumapit ang dalawa sa counter, kung saan nakatayo ang babaeng sumigaw at nakita nila itong nagtatakip ng mata. "Maniwala kayo. Nakakadiri. Laman ng tao ang pinapakain nila saatin." sigaw nito na ikinagulat naman ng mga assistant sa counter.
Mabilis na nag-unahan ang mga estudyante sa banyo at isa-isang idinuwal ang mga kinain nila. Lahat sila'y naniwala sa sinabi ng babae, na naging dahilan kung bakit galit na galit ang nag-aassist. Kumaha ito ng kutsilyo, at itinaga sa tiyan ng babaeng sumigaw kanina.
Gulat na gulat ang magkaibigan sa nasaksihan. Hindi na talaga normal ang mga tao sa loob ng university na ito. Wala ng gugustuhing pumasok dito. Sa oras na lumabas ka ng eskwelahang ito, may taning na ang buhay mo. May sampung araw ka upang bumalik at makaligtas. Kung hindi ka makakabalik matapos ang sampung araw na iyon, ikaw mismo ang papatay sa sarili mo.
Kinaladkad ni Krisher si Becca papunta sa lugar kung saan sila unang nagkakilala. Sa garden na tanging sila lamang dalawa ang nakakaalam. Nang makarating sila doon, kaagad na binitawan ni Krisher si Becca. "Ayoko na. Ayoko ng mahirapan pa." bigkas ni Krisher.
"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni Becca. Pinagmasdan lamang niya ang kaibigan habang binuhat nito ang upuan papalapit sa puno. "Anong gagawin mo, Krisher?" alalang tanong ni Becca dahil may masamang kutob ito. "Ang itinuturok nila sa atin, alam mo bang imbes na proteksiyonan tayo ay sinisira nito ang ating mga brain cells. Dahilan kung bakit ang ibang estudyante ay wala sa katinuan." nagulat si Becca sa mga narinig.
"Nagpapaturok ka?" tanong ni Becca sakanya. Napaiyak ito at napatango sa harapan ng kaibigan. "Nalaman ito last week, at alam mo ba, Becca? Nakapatay ako. Nakapatay ako ng tao. Kaya dapat mawala na 'din ako." sabi ni Krisher at hinila ang lubid na nasa paanan ng puno.
"Ano bang ginagawa mo, Krisher? Pati ba naman ikaw, iiwan mo ako? Paano na ang mga pangarap natin? Ayaw mo bang matupad iyon?" tanong ni Becca sakanya. Ilang saglit lamang ay bigla na lamang bumagsak ang katawan ni Krisher. "Krisher! Gumising ka! Anong nangyari sayo?"
Iminulat ni Krisher ay kanyang mga mata at humarap kay Becca. Mabilis niyo itong sinakal. Nagpumiglas si Becca sa hawak ni Krisher. Kinapa niya ang kanyang shoulder bag at umabot ng isang vial na naglalaman ng ilang potion na kanyang ginawa months ago. Ilang segundo ang nakalipas at konti nalamang ay mawawalan na ng hininga si Becca. Mabilis na nakuha niya ang kung ano mang vial atsaka iwinisik kay Krisher.
Napatalsik si Krisher sa kalayuan. Napahawak si Becca sa kanyang leeg na sumasakit ngayon dahil sa mahigpit na hawak kanina ni Krisher. Siguro'y umepekto ang mga itinurok sa kanyang kaibigan kaya siya nagkaganon. Laking gulat niya ng mabuti nalang ay holy water ang nahugot niya mula sa kanyang bag. Wala sa sariling naglakad ang kaibigan niyang si Krisher at umakyat sa itaas ng upuan.
Isang hamog ang namuo sa hardin at unti-unting hindi naaninag ni Becca ang kaibigan. Pilit siya naglakad, ngunit napatigil siya para magtakip ng tenga nang makarinig na naman siya ng isang sigaw, isang tirling ng isang babae.
Ilang minutong nagpatuloy ang mga sigaw. Humupa ang hamog at kasabay nito ay ang pagtigil ng mga pagsigaw. Nagmadali siyang tumakbo upang mailigtas ang kanyang kaibigan ngunit huli na ang lahat. Nakita niya ang kaibigan na nakabitin sa puno, nakatali ang leeg sa isang lubid na nakatali naman sa sanga ng puno. Wala na siyang malay, ubos ang hininga. Napaluhod ang dalaga. Humarap siya sa lupa. Wala na, nawalan na naman siya ng isang kaibigan, ng dahil sa sarili niyang kapabayaan.
Tumulo ang mga luha niya sa lupa. Katumbas ng mga luhang ito, isang dilaw na bulaklak ang tumubo. Tumubo ito mismo sa harapan ni Becca. Naalala niya ang pamilyar na bulaklak, at iyon ang Dandelion.