Download App
100% Enchanted Adventures / Chapter 1: Kabanata 1, Dula-dulaan
Enchanted Adventures Enchanted Adventures original

Enchanted Adventures

Author: Mark_3631

© WebNovel

Chapter 1: Kabanata 1, Dula-dulaan

Kabanata 1, Dula-dulaan

Napaka-ingay ng section Aquamarine dahil wala pa ang kanilang guro na si Mr. Simbulan.

Nag-sisigawan, kuwentuhan at kaladyaan ang mga kabataan. Ang mga class officers ay sinusubukang bawalan ang kanilang mga kaklase ngunit hindi ito gumagana.

Samantalang sina Oliver, Frances, Marco, Jasmine, Evan, Eliza, Alex at Okinawa o mas kilala bilang 'The Great Eight' ay nagdi-discuss tungkol sa group project.

Naka-pabilog sila. Sa kanan ni Jasmine ay naroon nakaupo si Marco sa kaliwa naman si Jasmine ay si Evan katabi naman niyo si Eliza, ang susunod ay si Alex, Okinawa, Frances at Oliver.

"Hoy Jasmine, Marco at Eliza, tumulong nga kayong magbawal hindi yung nakikipag-landian lang kayo sa mga jowa niyo!"

Sermon ng class president na si Yumi. Napa-isnab naman ang napaka-maattitude na si Eliza. Tumayo nalang ang tatlo at sinamahan ang iba pang officers sa harapan ng klase.

"Will you all shut up!"

Sigaw ni Eliza na siyang muse dahilan para mapahinto sa takbuhan ang mga lalaki. Napairap nalang ang mga babae dahil ang mga crush nila ay nagagawang patigilin ni Eliza.

Sisigaw pa sana si Eliza pero narinig nila ang kanilang guro na magsalita, "Magsiupo nga kayong lahat!" dahilan para mapabalik ang mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Next month sa February 28, 2018, may magaganap na competition. Kung kaninong group ang pinakamaganda ang play, bibigyan sila ng free ticket papunta sa Manila Ocean Park."

Saad ni Mr. Simbulan at mukhang nagalak naman ang mga estudyante. Magsasalita sana ang isang babae upang magtanong pero nagsalita muli si Mr. Simbulan.

"Hanggang eight na tao lang ang maaari. And nagbunutan na kami ng mga ibang teachers sa ibang sections at ang nabunot ko ay ang 'Betrayed' i-didiscuss ko ang story nito sa mga sasaling groups, any volunteers?"

Wika nito. Agad namang itinaas ng Great Eight ang kanilang mga kamay. Napaisnab naman sina Jascenta, Sandie at Kate o mas kilala bilang Plasticpuff Girls.

"Um sir, pwede po ba kaming sumali pero pwede ba naming hiramin sila Oliver, Marco at Evan?"

Tanong ni Jascenta sabay tingin sa tatlong lalaki na gumagawa ng mga paper airplanes.

"I don't think so girls. Obviously ang Great Eight ang magsasama sa group."

Tugon ng guro. Napangisi naman sina Frances, Jasmine at Eliza. Tinaas muli ng Plasticpuff Girls ang kanilang mga kamay na ang ibig sabihin ay may itatanong sila sa guro.

"Pero pwede po ba kaming magpasaling iba naming classmates sa group namin na hindi kasali sa The Great Eight?"

Tanong ni Kate. Napatango naman ang guro. Patapos na ang kanilang klase dahil kanina pa ito naituro ng guro. Pinatawag lamang siya sa opisina ng punong guro upang pagusapan ang tungkol sa play.

*ring* *ring*

"Okay class, see you tomorrow."

Tugon ni Mr. Simbulan. Naiwan naman ang mga gustong magensayo sa play sa classroom. Ang Plasticpuff Girls ay mageensayo sa kanilang mga bahay-bahay. Ang The Great Eight naman ang naiwan.

"Okay so, ito ang mga characters na important sa play at saktong sakto dahil eight sila at eight tayo."

Panimula ni Oliver.

"Ang main character dito ay si Daffodilia Ocampo, siya yata yung pinatay sa araw ng kaniyang kasal."

Tugon ni Oliver. Napatango naman ang kaniyang mga kagrupo ngunit mukhang wala sa kanila ang interesadong mamatay.

"Jasmine, gusto mo ikaw nalang si Daffodilia?"

Tanong nito at napailing naman si Jasmine. Napalingon naman si Oliver kay Eliza ngunit umiling ito. Isa nalang ang natitirang babae at iyon ay si Frances. Matagal ng crush ni Oliver si Frances ngunit nahihiya itong manligaw.

"G-gusto mo ik-kaw yung mag-"

Hindi na natapos ni Oliver ang kaniyang sasabihin dahil tinakpan ni Alex ang bibig nito.

"Hay nako Oliver Del Valle! Huwag ka ngang torpe diyan. Ikaw naman Frances Mercado, um-oo ka nalang."

Sermon ni Alex sa dalawa na hindi na ngayon makatingin sa isa't isa. Halata namang may gusto sila sa isa't isa ngunit ayaw lang nila itong ipahiwatig.

"Oh sige na nga."

Napilitang sagot ni Frances.

"Okay so si Francisco Marcelo ang dapat na mapapangasawa ni Daffodilia ngunit pinatay ang kaniyang mapapangasawa."

Wika ni Alex at napatingin siya sa mga kaibigan at napangisi. Napangiti naman ito at alam nila kung ano ang gagawin.

Si Oliver ang gaganap na Francisco at si Jasmine naman ang gaganap bilang Daffodilia Ocampo.

"Okay Mr. Del Valle, ikaw si Francisco and that's final."

Napatulala nalang si Oliver sa papel na hawak hawak ngayon ng mapang-asar na kaibigan niyang si Alex.

Binasa muli ni Alex ang papel upang makita pa ang mga characters at itanong sa mga kaibigan kung ano ang gusto nilang role.

𝑪𝑯𝑨𝑹𝑨𝑪𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑶𝑭 𝑩𝑬𝑻𝑹𝑨𝒀𝑬𝑫

𝑴𝑨𝑰𝑵;

𝑫𝒂𝒇𝒇𝒐𝒅𝒊𝒍𝒊𝒂 𝑶𝒄𝒂𝒎𝒑𝒐 - 𝑴𝒂𝒊𝒏 𝒄𝒉𝒂𝒓𝒂𝒄𝒕𝒆𝒓. 𝑫𝒊𝒆𝒔 𝒐𝒏 𝒉𝒆𝒓 𝒘𝒆𝒅𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒚.

𝑭𝒓𝒂𝒏𝒄𝒊𝒔𝒄𝒐 𝑴𝒂𝒓𝒄𝒆𝒍𝒐 - 𝑮𝒓𝒐𝒐𝒎

𝑴𝒂𝒓𝒈𝒂𝒓𝒆𝒕𝒉 𝑳𝒆𝒐𝒏𝒊𝒅𝒂𝒔 - 𝑲𝒊𝒍𝒍𝒆𝒓 / 𝑭𝒐𝒓𝒎𝒆𝒓 𝒃𝒇𝒇 𝒐𝒇 𝑫𝒂𝒇𝒇𝒐𝒅𝒊𝒍𝒊𝒂

𝑺𝑬𝑪𝑶𝑵𝑫𝑨𝑹𝒀

𝑫𝒂𝒇𝒇𝒐𝒅𝒊𝒍 𝑶𝒄𝒂𝒎𝒑𝒐 - 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝑫𝒂𝒇𝒇𝒐𝒅𝒊𝒍𝒊𝒂

𝑴𝒊𝒄𝒉𝒂 𝑺𝒂𝒓𝒎𝒊𝒆𝒏𝒕𝒐 - 𝑮𝒊𝒓𝒍𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅 𝒐𝒇 𝑫𝒂𝒇𝒇𝒐𝒅𝒊𝒍

𝑴𝒊𝒄𝒉𝒂𝒆𝒍 𝑳𝒆𝒐𝒏𝒊𝒅𝒂𝒔 - 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝑴𝒂𝒓𝒈𝒂𝒓𝒆𝒕𝒉

[𝑫𝒂𝒇𝒇𝒐𝒅𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒊𝒄𝒉𝒂𝒆𝒍 𝒇𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒐𝒗𝒆𝒓 𝑴𝒊𝒄𝒉𝒂]

𝑭𝒓𝒂𝒏𝒄𝒊𝒔 𝑴𝒂𝒓𝒄𝒆𝒍𝒐 - 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝑭𝒓𝒂𝒏𝒄𝒊𝒔𝒄𝒐

𝑭𝒊𝒕𝒛𝒆𝒓𝒃𝒆𝒓𝒕𝒉 𝑴𝒂𝒓𝒄𝒆𝒍𝒐 - " " "

"Okay so Eliza, ikaw si Margareth Leonidas na papatay kay Daffodilia at wala ng ayaw-ayaw 'to huwag kayong maarte."

Sabi ni Alex at napa-isnab nalang si Eliza sa sinabi ni Alex. Tiningnan naman niya ng matalim si Eliza.

"Marco ikaw si Daffodil kapatid ni Daffodilia. Evan ikaw si Michael Leonidas kapatid ni Margareth. Kayong dalawa pag-aagawan niyo si Micha Sarmiento na ipo-portray ni Jasmine."

Wika nito. Napanganga naman sina Marco, Jasmine at Evan dahil parang gagampanan lamang nila ang kanilang mga sarili.

"Ang natitira nalang na walang role ay kami ni Okinawa kaya ako nalang si Francis and Okinawa ikaw si Fitzerberth, ako yung panganay na kapatid ni Francisco, ikaw naman yung bunso."

Saad ni Alex at napatango nalang ang lahat. Tumayo naman si Marco at naglakad papalapit sa kanilang guro na may itina-type sa kaniyang laptop.

"Sir, pwede po bang bukas nalang namin umpisahan ang pag practice? Kailangan na po kasi ako ng Tita ko na magtinda kung hindi po mapapalo ako."

Wika ni Marco. Napatingin naman si Mr. Simbulan sa mga kagrupo ni Marco na para bang tinatanong kung payag sila.

Tumango naman ang mga ito. Lumingon si Mr. Simbulan kay Marco at tumango rin ito.

"Bye guys!"

Paalam nito sa mga kaibigan. Lumabas na ito sa classroom. Tumayo na rin sila ay iniligpit ang kanilang mga gamit.

"Tara tol."

Wika ni Evan kina Alex at Okinawa. Mag-kakapitbahay lang silang tatlo kaya simula pagkabata ay magkakakilala na sila.

"Jaz tara na. Punta tayo na International Bookstore, need to buy a this book kasi."

Saad ni Eliza. Tumango naman si Jasmine at umalis na sila sa school upang pumunta sa mall.

"F-frances, gusto mo ba sabay na tayo umuwi?"

Tanong ni Oliver kay Frances na tumango bilang tugon sa tanong ni Oliver.

Ngayon ay nasa Manang Chaa sila at umiinom ng milk tea. Wintermelon ang flavor ng kay Oliver at ang kay Frances naman ay Dark Chocolate.

Papauwi na sila ngayon, naglalakad sila habang nagku-kuwentuhan. Napahinto nalang sila ng biglang umulan ng malakas na malakas.

Hinubad naman ni Oliver ang kaniyang sweater at ipinatong iyon kay Frances. Napalingon naman si Frances kay Oliver at tumango naman ito.

"S-salamat, Oli."

Tugon ni Frances. Wala silang payong ngayon kaya nabasa pa rin sila. Medyo madilim na pero nakasindi naman ang mga street lights.

Napasigaw naman ng malakas si Frances ng kumidlat at napayakap ito kay Oliver.


next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login