Download App
Dirty Little Secret Dirty Little Secret original

Dirty Little Secret

Author: Fervent_Thoughts

© WebNovel

PROLOGUE

NAKAUPO siya ng matiwasay sa isang mamahaling restaurant sa kanilang syudad. Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili habang panaka-nakang tumitingin sa kaniyang relong pambisig. Inisang lagok niya ang pulang alak sa kaniyang kopita upang pigilan ang inis na unti-unti nang namumuo sa kaniyang dibdib.

" Isa, dalawa, tatlo..."

Bilang niya sa mahinang tinig. Kapag talaga umabot ng sampo ay aalis na siya sa lugar na iyon na puno ng langgam dahil sa mga magkabiyak na nilalaman ng bawat mesa. Siya lang ata ang nag-iisa roon. Para siyang tanga.

" Pito, walo, siyam, sam --"

"Hi babe!"

Parang nasamid ang kaniyang dila nang mahagip ng kaniyang mata ang pinakagwapong lalaking nakita sa tanang buhay niya. Patakbo itong lumapit sa kaniya habang hinuhubad ang suot nitong leather jacket na itim at agad siyang hinalikan ng mabilis sa leeg — ang paborito nitong parte ng kaniyang katawan. Pinanliitan niya ito ng mata.

"Babe, I can explain."

Wala sa sariling napairap si Amira.

" And what kind of explanation would that be, huh, Zeke Pierce? Ilang dekada na ang dumaan pagkatapos ng araw ng mga puso at ngayon mo lang ako naisipang eh date --"

"Babe --"

" AT pinaghintay mo pa ako ng isang oras! Wag kang magsasalita hangga't di pa ko tapos!"

Nginitian siya ng lalaki animoy aliw na aliw ito sa nakikita.

"Anong nginingiti-ngiti mo ha? Nakakatawa bang pagmukhain mo ng tanga ang kaisa-isang babaeng nagtagal sayong letse ka?!"

Hinawi ni Zeke ang kaniyang buhok habang hindi pa rin mabura-bura ang ngiting nakapaskil sa mamula-mula nitong labi. Marahan nitong hinawakan ang kaniyang mga mala-porselanang kamay at matiim siyang tinitigan sa mga mata.

"Amira Delavin, babe, I'm sorry okay?"

Hindi nagsalita si Amira, bagkus ay tinitigan lang din si Zeke ng walang emosyon.

"Come on now babe, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Kaya nga pinipilit kong isingit ang mga date natin sa schedule ko kahit hindi na masingitan."

"Ha! Wow! So napipilitan ka lang?"

"No, that's not what I meant. Come on. We haven't seen each other for three months, mag-aaway pa ba tayo?"

Tinaasan ito ng kilay ni Amira.

"Can we just make up, please?"

At dahil isa siyang mabuti at maintindihing girlfriend ay wala rin siyang nagawa kung hindi ay pagbigyan ito. Kaunting ngiti lang talaga ng lalaking 'to ay talagang nawawala na siya sa huwisyo. Mabilis niyang nakakalimotan ang mga kasalanan nito na para bang siya ay nahihipnotismo.

"I will order as much as I want and YOU! Pay for everything. Kapal ng apog mong paghintayin ang isang dyosang kagaya ko!"

"No prob babe. Anything for my girl who seems like a Goddess that descended from Mt. Olympus."

Napatirik ang mga mata ni Amira sa pagpipigil ng kilig pagkatapos siyang sabihan ng boyfriend na siya ay parang dyosa. Kalaunan ay sila ng dalawa ang nakangiti habang ini-enjoy ang dalawampung klaseng putahi na kaniyang inorder.

"Can you really finish this all?"

"Nope." Masiglang tugon ni Amira sa nobyo habang tinitikman ang mga putaheng nasa harap.

Napapailing na lamang si Zeke habang aliw na aliwng nakamasid sa kaniya. Tapos na itong kumain at nakahilig na lamang sa inuupuan habang siya ay pinagmamasdan. Hindi na naman naiilang si Amira sa ganitong kilos ni Zeke, sa apat na taon ba naman nilang relasyon ay talagang nasanay na siya at kilalang-kilala na niya ito.

Tumigil siya sa pagkain at dinilaan ang kaniyang kutsara na parang bata habang nakatingin rito.

"Don't do that." Saway nang nobyo.

"Bakit?" Nanunudyo siyang nakangiti.

"Miss mo ko no?"

"Of course babe. I miss you in every second that God makes." Sambit ni Zeke habang hinahaplos ang mahaba, maalon at kulay tsokolate niyang buhok.

Napasimangot si Amira. "Mukha ba akong aso?"

"No way! Ang ganda kaya ng baby ko." Malutong na hinagkan ni Zeke ang nobya sa noo nito.

"Tss. Whatever babe. Nilalanggam na tayo dito."

"Di ka pa ba nasanay?"

"Bakit? Palagi ka bang sweet?"

"Of course I am!"

"Hmm-hmm. Sweet ka nga... sa text."

Nabura na parang bula ang matamis na paligid.

Napabuntong hininga si Zeke. "Here we go again. Hindi pa ba tayo tapos dyan?"

"Zeke ayokong makipag-away sa'yo, that's why I'm not making a big fuss out of it. Pero hindi mo naman maiaalis sa akin ang magtampo. Mabibilang lang kung ilang beses kita makita sa loob ng ilang buwan. Ni hindi ko na nga alam minsan kung magkikita pa ba tayo, o naaalala mo pa kaya na may girlfriend kang naghihintay sa'yo."

"Amira, baby, you know my line of work."

"Yeah, you're a secret agent. At ako? I'm just a mere chemist. Punta sa laboratory para magtrabaho, tapos uuwi at iisipin ka kung okay ka ba, kumain ka na ba. At alam mo yung pinakamasakit na tanong na hindi ko maiwas-iwasang isipin?" Matiim niyang tinitigan si Zeke na matiim ring nakatitig sa kaniya. "Iyong naiisip ko kung buhay ka pa ba." Napasinghot siya at pinigilan ang sariling mapaiyak.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.

"Do you know that feeling where each and every tick of the clock sends you a thousand bolts of pain thinking that anytime you might lose the most important person in your life without you even knowing?"

"I know --"

"No! Hindi mo naiintindihan Zeke. Your way of living is far too different than mine." Agad niyang pinahid ang luhang nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata.

Napayuko si Zeke at napakagat sa kaniyang labi. Hindi sinasadyang namataan ni Amira ang pag-alpas ng isang butil ng luha sa kaliwang mata ng lalaki na agad rin nitong pinawi. Muli itong nag-angat ng tingin at ngumiti sa kaniya.

"Paano ba ako makakabawi sa girlfriend ko?"

Napalunok naman si Amira. Alam niyang pinipilit lang ni Zeke na ngumiti at pasiglahin ang boses. Nakokonsensya siya.

"Ipabalot na natin tong mga to nang may mapamigay naman tayo sa mga batang kalye. Kawawa naman." Iniba niya na lamang ang topic.

Akmang magtatawag na siya ng waiter nang pinigilan siya nito.

"Tell me babe, how can I make it up to you?"

Seryoso si Zeke na nakatingin kay Amira. Mahal na mahal niya ang nobya at kaya niyang gawin ang lahat para dito, kahit pa ang iwanan ng panandalian ang mga kasong hawak nila ngayon sa agency.

"No, it's okay. Huwag mo nang pansinin yung mga sinabi ko kanina, hormones lang to." Pinilit niyang ngumiti sa lalaki.

"No babe, wala akong pakialam kung hormones yan o hindi. Whatever you feel matters to me, lalo na kung makakaapekto yan sa relasyon natin."

Napabuntong hininga si Amira. Sa sinabi niya nga kanina ay kilala na niya ito at alam niya na hindi ito magpapaawat hanggang sa makuha ang gusto.

"Okay, fine. Talo na ko, panalo ka na naman." Kunwari'y suko na siya, ngunit sa kaloob-looban naman talaga ay nagdidiwang ang diwa niya. 

"You really wanna make it up to me?"

"Yes." Walang gatol na sagot ni Zeke.

"Date me for a week."

Matagal tumitig si Zeke sa mukha ng nobya. Iniisip niya ang malaking secret operation na pinaghahandaan nila ngayon, pero sabi nga niya kaya niyang gawin ang lahat para kay Amira.

"Sure babe. It's gonna be a one sweet week then."

     SA sumunod na araw ay nagising si Amira sa kaniyang higaan, pakiramdam niya kasi ay may nakatitig sa kaniya. At hindi nga siya nagkamali. Pagkadilat na pagkadilat pa lamang ng kaniyang mga mata ay agad niyang nasilayan ang pinakagwapong mukha sa balat ng lupa.

"Good morning beautiful."

Sa halip na mabigla ay napangiti si Amira sa nobyo at impit na napatili. Oo, inaamin niya na kinikilig nga siya. Sino ba naman ang hindi? Mukha kasing ilang oras na itong naghihintay na magising siya habang nakaupo ito sa tabi ng kaniyang kama.

Agad namang ibinaba ni Zeke ang hawak na libro na Percy Jackson: The Last Olympian.

" Good morning handsome. Ilang oras kanang nagbabasa dyan?"

"30 minutes."

Tinaasan ito ni Amira ng kilay. Hindi kasi ito makatingin ng diretso sa kaniya at isa lang ang ibig sabihin nun, nagsisinungaling ito.

"Fine." Nagpakawala ito ng buntong hininga. "I've been staring at you for 2 hours, then I decided to check your library for some books."

Mahinang napatawa si Amira sapagkat para itong batang umaamin sa kasalanang nagawa.

"Buti pala buhay pa ako at hindi pa natutunaw. O siya, lumabas ka muna at babangon na'ko."

Napakunot naman ang noo ni Zeke sa tinuran ng nobya.

"Why?"

"Wala po akong panloob."

"So?"

"Aba't! Lalabas ka o lalabas?" Kunwari'y naiinis siya.

"Yes chief!" At nag-salute pa ang lalaki sa kaniya bago ito lumabas ng kaniyang silid. Nangingiti na lamang siya habang umiiling.

Mabilisan siyang naligo at nagbihis bago bumaba sa sala. Hindi na siya nag-abala pang maglagay nang make up, mas gusto kasi ni Zeke ang natural niyang ganda. Nang tuloyan na siyang makababa ay naabotan niya ito sa couch at nanunuod ng TV. Pero nang mapatingin ito sa kaniya ay hindi na ito bumitaw pa.

"How do you manage to be so perfect without doing anything?"

Napairap siya. "Bolero! Tara na! Mag breakfast muna tayo." Hila niya dito patayo.

"Akala ko sa labas tayo kakain?"

"Dito nalang, ang laki ng nagastos mo kagabi eh."

"Money is not a problem babe. Marami ako niyan."

Napairap siyang muli. "Edi ikaw na mayaman!"

"Mayaman ka rin naman ah." Nakakunot noong turan ni Zeke habang pinaghihila ng silya si Amira sa harap ng dining table.

"Di ah. Sakto lang. Mas masarap kasing magpayaman kung may pamilya ka. Eh wala ako nun eh. Alam mo namang patay na ang real and foster parents ko diba. Malas ko no?"

Hindi napigilan ni Zeke na halikan ito sa leeg. Ikinulong niya ang maliit at maamo nitong mukha sa malaki niyang kamay at pinakatitigan ito sa mga mata.

"No, you're not. You still have me."

Napangiti si Amira sa nobyo. Kahit kailan talaga ay hindi ito pumapalya sa pagpapagaan ng kaniyang pakiramdam.

Ilang oras pagkatapos nilang kumain ng agahan ay agad rin silang umalis.

"San tayo?" Tanong niya kay Zeke habang nakatutok ang mga mata nang huli sa daan.

Kinuha ni Zeke ang kaliwang kamay ni Amira at hinalikan ang likod ng palad nito habang ang kaliwa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa steering wheel.

"Sa nagunguna sa iyong To-Do-List."

Bigla namang na excite si Amira. Bago kasi sila umuwi kagabi ay binigyan niya muna ito ng listahan sa mga gusto niyang gawin at mangyari. At ang pinaka una sa listahan niya ay ang Enchanted Kingdom. Ewan niya ba pero nasasabik siya sa mga ganoong bagay na hindi niya naranasan sa pagkabata niya.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay agad siyang napamangha sa iba't-ibang klase ng mga rides. Gusto niyang sakyan ang lahat ng iyon. Yun nga lang, may isang bagay siyang pinagtataka.

"Babe, bakit tayo lang ang tao dito?"

"Ayaw mo sa mga lugar na maraming tao, kaya pinasara ko to ng buong araw."

Napamulagat siya sa nobyo. "Ano?! Pano mo nagawa yun?!"

"Money babe. Money."

Napaikot na lamang ang mga mata ni Amira. Isa sa mga pinakamakapangyarihang bachelor sa bansa ang nobyo niya, alam niya yun. Kaya hindi na siya magtataka kung magagawa nitong posible ang lahat ng mga nasa listahan niya. Sinulit niya ang bawat segundong andoon sila sa EK at sinakyan ang lahat ng rides. Mabuti na lamang talaga at hindi siya matatakutin sa heights at hindi rin nerbyosa.

      SA sumunod na araw ay sa labas na sila nag-agahan at sunod nilang pinuntahan ay ang Grandport. Ang alam niya ay pagmamay-ari iyon ng isa rin sa mga sikat at makapangyarihang bachelor na si Reed Rosete kaya nga hindi niya mapigilang magtaka dahil wala naman siyang nalalaman na koneksyon ng dalawa. Ipinagsawalang bahala na niya lamang iyon.

Sumakay sila sa isang yate na si Zeke mismo ang may-ari at nagmaneho papunta sa gitna ng dagat upang kumain ng pananghalian. Oo, yun lang ang paglalayagan nila sa dagat, para kumain. Eh sa trip niya yun eh!

Pagkatapos nilang lagyan ng laman ang mga sikmura ay hindi muna sila umalis at nagmasid sa ganda ng dagat na kanilang kinaroroonan.

     SA pangatlong araw ng kanilang date ay napagdesisyunan niyang pumasok muna sa trabaho at hayaan rin munang makapagpahinga ang nobyo. Ngunit nang sumapit ang hapon ay nagpunta na sila sa susunod sa kaniyang To-Do-List, ang  isang napakagandang harden na puno ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Naglibot-libot sila roon hanggang sa sumapit ang gabi at sa gitna ng naturang harden ay may isang pabilog na mesa na may dalawang upuan at may napakagandang desinyo. Ang candlelit dinner na hiningi niya ay sa wakas matutupad na rin.

"I couldn't believe all of this is happening."

Napakalaki ng ngiti ni Amira habang parang natatanga kay Zeke at hindi pa rin makapaniwala.

"I told you babe, I'll do anything for you."

"Aww, Zeke Pierce is the best." Nakathumbs-up siya rito.

"Not yet babe. This is still our third date."

Halos mangisay sa kilig si Amira nang kindatan siya ng nobyo. Pang-ibang kalawakan talaga ang angking kagwapohan at kakisigan nito.

Pumaling naman ang kaniyang ulo nang may bigla siyang maalala.

"Ah oo nga pala! I'm just curious, are you related to Reed Rosete? Kasi diba sa Grandport nakatambay yung yate mo kanina?"

"Yeah, he's my cousin. Why?"

Napalunok si Amira sa nalaman. "Wala naman, I was just a bit shocked when I learned that you have a yacht on standby in not just any port but 'the' Grandport." Nilagok niya ang alak sa kaniyang kopita at nagpatuloy. "I mean, Rosete and his kind is in a whole different league. Velasco, Morgan, Windsor, and the others."

"Different in what way?" Nakakunot noong tanong ni Zeke sa nobya. Hiling niya sa isipan na sana ay hindi tama ang kaniyang hinala.

"They're one of the Knights of Signum."

Agad na napatayo si Zeke sa pagkakaupo at lumapit sa gilid ni Amira. Bumaha naman ang pagkalito sa mukha ng huli. Ikinulong niya ang mukha nito sa kaniyang mga palad at mariing tinitigan sa mga mata.

"I don't care where the hell you got that from, but please, please babe, let's keep this between us okay?"

Napakunot na rin ang noo ni Amira.

"O-kay? But why? Aren't they somewhat helping the society? In a different way though."

"Just don't say anything about it, EVER. You got me?"

Ngunit hindi sumagot si Amira, bagkus ay nanatili lamang itong nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Babe? Answer me -- "

"Why?"

Napabuntong hininga si Zeke. Mukhang wala na siyang pagpipilian.

"Anyone who's unpermitted to know will be killed. So just follow what I say okay?"

Tumango na lamang si Amira sa nobyo kahit na nababagabag na siya sa nalaman. Hinalikan siya nito sa leeg at bumalik na ito sa pagkakaupo.

Habang ini-enjoy nila ang mga nangyayari ay bigla silang napatingin sa itaas nang makarinig ng pagsabog ng fireworks.

Napamangha si Amira sa nakita sapagkat bumuo ang pagsabog niyon sa kaniyang pangalan. Talaga namang wala nang ikasasaya pa ang araw na iyon.

     SA sumunod na araw ay simple lang naman ang gusto niyang mangyari, samahan siya ni Zeke sa laboratory na pinagtatrabahuan niya at pagsapit ng gabi ay maglibot sila sa buong syudad. Pero hindi iyon isang ordinaryong paglilibot lang.

"Oh my gosh!"

Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ni Amira habang nakatunghaw sa bintana ng chopper na kanilang lulan. Yes! Nililibot nila ang syudad gamit ang chopper na pagmamay-ari ng angkan nina Zeke.

"You like it?"

Hindi siya makapaniwalang lumingon sa kaniyang katabi na si Zeke na ngayon ay siya mismong nagmamani-ubra ng nasabing sasakyang pang himpapawid.

"No! Are you kidding me?! I LOVE IT!"

Napatawa naman ang nobyo sa masaya niyang mukha. Sobrang saya niya. Sobra, sobra!

PAGKARAAN ng ilang araw ay heto na sila't na sa isang tabing dagat lang at nakamasid sa papalubog na araw. Nakahilig ang ulo ni Amira sa balikat ni Zeke habang nakayapos naman ang mga braso ng huli sa kaniyang maliit na baywang.

"This week is a blast babe."

"You happy?"

Napabangon si Amira mula sa pagkakahilig dito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mukha nito.

"SUPER babe!" Napatawa siya sa sobrang saya. "You don't know how you made me feel." Napapailing siya habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraang mga araw.

"I'm glad to hear that. You still have your last day though, wala ka na bang balak punan yung TO-DO-LIST mo?" sabay pisil nito sa kaniyang baba.

"I'll leave it up to you." Hamon niya dito. Tumayo naman ito at nanlaki ang kaniyang mga mata sa sunod nitong ginawa.

"How 'bout you change your surname to mine?"

Agad na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha sa kaniyang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatanga sa nobyo na ngayon ay nakaluhod sa kaniyang harapan.

Hinugot ni Zeke ang isang singsing na nakapaloob sa isang maliit na kahon na kulay itim. Matagal na niya itong binili na pina-customized niya pa sa Costoso — ang pinakasikat at pinagkakatiwalaang jewelry store sa Asya.

"Amira Delavin, babe, will you marry me?"

Dumadagundong sa kaba ang dibdib ni Zeke. Parang aatakehin yata siya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang lumuluhang nagtatanong kay Amira na hilam din ng luha ang mga mata.

"Yes! Yes babe! Yes!"

Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig. Iyon ang pinakamagandang salita na narinig sa tanang buhay niya! Sa wakas ay matatali na rin sa kaniya ang kaisa-isang babae na minahal niya ng higit pa sa sarili.

Isinuot na niya ang singsing sa ring-finger ng nobya at agad itong hinagkan sa mga labi. Napayakap sila ng mahigpit sa isa't-isa at walang pakundangan sa pagpapalitan ng mga katagang I Love You.

Ngunit hindi pa nga nila nalulubos ang masayang pangyayari ay agad naman iyong naputol dahil sa isang tawag sa cellphone ni Zeke.

"Babe, I'm sorry. I have to take this call."

"It's okay. Go on."

Nang makalayo-layo si Zeke ay agad na tinitigan ni Amira ang white gold na singsing na may malaking dyamante sa gitna. Kumikinang iyon. Tinitigan niya pa ito ng mabuti hanggang sa mapansin niya ang eleganteng desinyo ng singsing sa malapitan, at hindi lang basta desinyo dahil siya ang may gawa nun. Malawak siyang napangiti, kaya pala nawala ang sketch ng kaniyang dream ring, mukhang kinuha iyon ni Zeke at totoong pinagawa.

Agad siyang napatingin sa nobyo ng makalapit na itong muli sa kaniya.

"May problema ba?"

"Babe kasi may secret operation kami."

"Tungkol saan?"

"May eh re-raid kaming drug den ng isa sa mga pinakamalaking drug lord sa bansa."

Biglang dumagundong sa kaba ang dibdib ni Amira.

"Babe, I'm sorry. I know this is a very bad timing but -"

"No! No! It's okay. Go ahead. I understand."

"You sure?" Paninigurado ni Zeke. Ayaw na niyang magtampo ang kaniyang fiancee.

"Yes babe. Go on. I love you. Take care for me."

"I will babe. I love you too... so much."

Sa oras na nakaalis na si Zeke ay agad na kinuha ni Amira ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kanyang mga tauhan.

"Liz, what the hell is happening?"

"Lady Amira, the Elite Operations Agency is on the move."

"At kung hindi pa ako tumawag ay hindi niyo pa sasabihin sa'kin?! Mga inutil!"

"Pasensya na po Lady Amira, ngayon lang din po namin nabalitaan to."

"Siguradohin niyo lang na nakaalis na ang barkong naglalaman ng mga drugs papuntang China, Singapore at Malaysia. Kung hindi ay ako mismo ang tatapos sa inyong lahat! Naiintindihan mo ba?"

"Masusunod Lady Amira."

"Another thing, may kinalaman ba ang Signum dito?"

"That's impossible Lady Amira, hindi pag-aaksayahan ng mga demonyong yun ang ganitong klaseng mga bagay."

"Mabuti dahil kung hindi ay kataposan na nating lahat. Now go and do what I said! Kasama si Zeke sa operation na yan kaya hindi ako makakapunta dyan. Stop giving me f*cking headaches at wag kayong tatanga-tanga!"

"As you say Lady Amira."

Napasabunot si Amira sa kaniyang buhok at gigil na itinapon ang cellphone at pinag-aapakan ito.

Ang inaakalang inosente at mahinhin na Amira ay biglang nagbago ng anyo, animoy isang demonyong lulong sa kasakiman sa pera at kapangyarihan na dala ng droga. Oo nagbebenta siya at siya ang isa sa mga pinakamakapangyarihang drug lord sa bansa sapagkat siya mismo ang humahalo at gumagawa ng kaniyang sariling droga gamit ang kaniyang kakaibang talino sa chemistry, ngunit hindi siya gumagamit nito.

     TATLONG araw ang lumipas at wala siyang narinig na kahit anong balita galing sa kaniyang mga tauhan at kahit si Zeke ay hindi nagpaparamdam.

Ang pinagtataka niya ay wala na siyang makontak sa kahit sino man sa kaniyang mga tauhan, kahit si Liz, ang kaniyang kanang kamay. Kaya naman napagdesisyunan na niyang puntahan ang isa sa kanilang pinakatago-tagong drug den kung saan niya ginagawa ang mga panibagong droga.

Kinuha niya ang kaniyang baril at itinago sa tagiliran bago siya nagmaneho patungo sa lugar. Pagkarating roon ay sinalubong siya ng nakakabinging katahimikan.

Nilapitan niya ang pinto at akmang hahawakan ito nang kusa itong bumukas at iniluwa niyon ang kahuli-hulihang taong gugustohin niyang makita sa lugar na iyon.

"So it was you all along."

Hindi mapigilan ni Zeke ang pagkuyom ng kaniyang kamao hindi lang dahil sa labis na panghihinayang sa kanilang relasyon at sa pagmamahal niya dito kung hindi ay dahil sa galit sapagkat ang mga drogang ginagawa ni Amira ang siya mismong pumatay sa sarili niyang ina.

"Babe, let me explain --"

"No! Kaya pala... Kaya pala, sa tinagal tagal ng misyong ito ay hindi pa rin namin mahuli-huli ang totoong demonyo sa likod ng mga katarantadohang to. Na sa tuwing may nakukuha kaming impormasyon ay palaging napupunta sa wala, palagi kaming naiisahan na para bang alam na alam ang bawat kilos namin. Kasi IKAW!" Dinuro niya ang nobya. "Ikaw na pinagkatiwalaan ko, na pinakamamahal at pinakainiingatan ko ay siya rin pala ang taong dahilan ng lahat ng ito! Sinira mo ang buhay ng napakaraming tao!" Nagtagis ang kaniyang bagang nang mapagtanto ang isang bagay. "I didn't know I loved a criminal."

Tumulo ang malalaking butil ng luha sa mga mata ni Amira. Tapos na. Kataposan niya na.

     ILANG buwan ang lumipas at nanatili si Amira sa kustodiya ng mga Elite Secret Agents sa Elite Operations Agency na kinabibilangan ng kaniyang nobyo na si Zeke. Malungkot siyang napatitig sa makinang na singsing sa kaniyang daliri kaya't hindi niya namalayan ang pagpasok ni Zeke sa kaniyang kwarto.

"Wala ka pa rin bang balak magsalita?"

Malamyos ang tinig nito hindi katulad noong huling beses siya nitong kinausap.

"Wala akong sasabihin." Blanko ang kaniyang mukha habang nakatingin sa kawalan.

"Makakatulong ito para mapababa ang sentensya mo."

"Mahal mo pa ba ako?"

"Amira-"

"Sagutin mo ang tanong ko."

Namayani ang katahimikan.

"Hindi ko alam. Pero gusto kitang tulongan."

"Kahit na pinatay ko ang nanay mo?"

Napapikit ng mariin si Zeke. "Wala ka ba talagang sasabihin?"

Hindi nagsalita si Amira kaya kumilos na si Zeke para sana lumabas.

"Hindi na ako magbabago, kung yan ang iniisip mo."

"Kahit para sa'kin man lang?" Umaasa pa rin si Zeke na pwede pa nilang ayosin ang lahat ng ito. Na pwede pang magbago ang babaeng kahit niloko na siya't lahat ay handa pa rin niyang pakasalan.

Ngunit nanatiling tahimik si Amira.

"Ako naman ngayon ang magtatanong. Minahal mo ba talaga ako?"

"Oo." Walang gatol na sagot ni Amira.

"Sinungaling."

Diretsong tumingin si Amira sa mga mata ni Zeke. "Nagsasabi ako ng totoo."

"Paano ako maniniwala kung ang lahat ng nalalaman ko sa'yo ay puro kasinungalingan lamang?"

"Oo, puro kasinungalingan ang pagkatao ko, pero isa lang dun ang totoo at yun ay ang pagmamahal ko sa'yo. Simula't sapul, yun lang ang natatanging katotohanang masasabi ko sa'yo."

"You're a liar. You've always been." Kabaliktaran ng kaniyang mga sinasabi ay gusto niya itong paniwalaan.

"Bakit? Pag sinabi ko ba sa'yo ang tunay kong pagkatao, tatanggapin mo ba ako?"

Hindi na nagsalita pa si Zeke at iniwan ng nakakulong si Amira sa loob ng silid.

Pagsapit ng gabi ay dumating na ang iba pang mga kasamahan ni Amira upang tulongan siyang makatakas. Malapit na sana niyang matanaw ang labasan nang biglang sumulpot si Zeke na may hawak na baril na madiing nakatutok sa kaniyang ulo.

"Huling pagkakataon Amira. Magbago ka, iligtas mo ang sarili mo," Humigpit ang kapit ni Zeke sa baril. "pangako tatanggapin pa rin kita. Magiging katulad pa rin tayo ng dati."

Ayaw itong gawin ni Zeke. Hindi niya lubusang maisip na darating ang araw na siya mismo ang magtututok ng baril sa ulo ng sariling nobya. Pero kailangan niyang gawin ang trabaho niya.

Ayaw niya itong mamatay, yun ang kahuli-hulihang bagay na kaniyang hihilingin subalit alam niya kung gaano kalaki ang mga kasalanan nito at kailangan nito iyong panagutan sa batas, kaya umaasa siya na sana ay tumigil ito ngayon at makinig sa kaniya. Wala naman talaga ang mga kasamahan nito, sinusubukan lang ng Agency si Amira dahil naiinip na rin ang mga ito.

Isa rin itong misyon sa kaniya. Nagdadalawang-isip na ang Agency sa katapatan niya.

"Hindi. Ito na talaga ako. At hindi na ako kailanman mababago ng kahit sino."

Walang takot na hinawi ni Amira ang baril sa kamay ni Zeke at nagsimulang humakbang palabas.

"Amira! Isang hakbang pa palayo at isinusumpa ko," Napalunok siya ng mariin. "ako mismo ang tatapos sa'yo!" Lihim siyang nagdarasal na sana ay makinig ito sa kaniya. Sana, sana makinig ito sa kaniya.

Ngunit hindi pa rin tumigil si Amira na para bang wala itong naririnig. Umagos ang luha sa mga mata ni Zeke.

"I love you Amira... so much."

Doon na napahinto si Amira at lumingon paharap sa nobyo. Ngumiti ito kagaya ng dati kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa kanang mata at umisang hakbang paurong.

*Bang!*


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login