Download App
84.78% DEREF / Chapter 39: DEREF CHAPTER THIRTY SEVEN

Chapter 39: DEREF CHAPTER THIRTY SEVEN

Jairus POV

"Good morning ho." Nahihiya kong sabi habang nagkakamot ng ulo.

"Come with us for a breakfast." Tuwang-tuwa yung tyan ko ng sabihin yun ni sir. Kakagatin ko na sana yung hotdog kaso...

"Mom, dad aalis napo 'ko." Naibaba ko 'yun at nakita kong humalik sya sa pisngi ng magulang nya at naglakad paalis.

"S-sige po sunod na 'ko sa kanya." Paalam ko at pipigilan pa sana nila 'ko pero naglakad na 'ko at sinundan sya.

"Sakay kana." Nahihiya kong sabi habang tinatapik-tapik yung upuuan nung motor pero hindi nya man lang ako binalingan o tinignan man lang. Nakagat ko yung ibabang labi ko ng may huminto na pamilyar na kotse sa harap namin at ngiting-ngiti syang sumakay dun.

"Dylan let's go." Magsasalita sana 'ko ng halikan ni Dylan yung likod nung palad nya pero nanatili na lang akong tahimik at sumunod sa kanila. Sumasakit ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi. Nagkayayaan kase sila Jhared na mag-inuman syempre ayoko namang tanggihan yung alak este yung mga kengkoy na 'yun kaya ginabi na 'ko ng uwi tapos nakuha ko na din tong motor ko. Kruuu... Kruuu.. Rinig kong pagkulo ng tyan ko habang nakasunod sa kanila. Parang gusto kong ihinto yung motor ko ng may nadadaanan kaming mga kainan kaso ayoko naman syang iwanan.

Brianna POV

Habang nag-wa-warm-up ako dito sa loob ng gym nakatingin lang ako kay Jairus dahil mukang tutumba na sya at parang lantang-lanta. Napatingin sila Joree sa 'kin ng lapitan ko si Jairus.

"Anong kailangan mo?" Muntik na 'ko mapatalon sa gulat ng itanong nya sa 'kin yun. Gising pala sya? Nakaupo kase sya sa isang tabi habang nakapikit at nakacross-arm. Pero teka kung nakapikit sya pa-panong nalaman nyang nandito ako sa harap nya. Siguro may third eye sya. Weird.

"Here inumin mo 'to pampalakas." Abot ko sa kanya nung gatorade ko at tinignan nya naman yun. Nangangalay na 'ko kunin mo na!

"Di ako pwede nyan wala pang laman tyan ko. Bigay mo na lang kay Joree yan." Sabi nya at pumikit ulit. Tinignan ko sila Joree dahil alam kong narinig nila 'yun pero nagiwas lang sila ng tingin at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Wait wala pang laman yung tyan ibig sabihin?

Naputol ang pag-i-isip ko at dahil sa pamilyar na muka akong nakita. Wait bakit na naman sya nandito? Negro... Na sobrang laki nung katawan... At nakakatakot yung ityura... Siguradong kapag sinapak nya ang kung sino malamang baldado at magiging kritikal pagdating sa ospital. Pasimple akong lumapit kila Caleb at hinawakan nya yung braso ko.

"Sya yung mayabang na may ari ng gym na 'to, siguradong gusto nyang magpapapawis." Mahinang bulong ni Dylan na sapat lang para marinig naming tatlo. Kinabahan ako ng pumasok sya sa boxing ring... Yeah may boxing ring dito sa gym at nakakatakot kapag pumasok na sya dyan... BAKIT?! Dahil magpapapawis.

"Kung sinong lalaban sa 'kin magiging libre ang pagpunta at magpabalik-balik dito sa gym." Nakarinig kami ng bulung-bulungan sa paligid dahil sa sinabi nya. Nung una nagulat din kami ng marinig syang magsalita ng tagalog na para bang sanay na sanay sya.

Takte kung sino man lumaban dyan magpapabalik-balik dito sa gym at walang babayaran... Wag na uy... Mas mahal pa ang pagpapagamot sa ospital kesa sa gastusin dito sa gym.

"Ano meron ba?" Napatingin kaming sa iisang direksyon ng makarinig kaming naghikab ng pagkalakas-lakas.

O_O

Si Jairus nakataas yung kamay habang naghihikab ng malakas.

"Ikaw?" Paktay... Napakunot yung noo ni Jairus ng itanong yun ni lebron... Yes lebron ang tawag ko dyan dahil sa kaitiman nya.

"May pagkain ba kayo dito?" Napanganga kaming lahat ng itanong ni Jairus yun at mas nanlaki yung mata ko ng tumawa ng malakas yung si lebron... Seriously tumawa sya? First time yun ah... Okay sya na si kingkong.

"Kapag nilabanan mo 'ko libre ko pati gabihan mo." Napangiwi ako ng tumalon sa tuwa si Jairus... Nababaliw na ba sya? Wag nyang sabihing...

"At kapag nanalo ka ibibigay ko yung sikat na restaurant na pag-a-ari ko." Umiling-iling si Jairus dahil dun.

"Wala kong pakielam sa restaurant mo ang gusto ko makapag-almusal ako." Natatawang tumango-tango si kingkong ng sabihin ni Jairus 'yun. Naglakad si Jairus at pumasok sa boxing ring at totoo ba 'tong nakikita ko... Parang boring na boring sya at walang mababakasang takot sa kanya...

"Hi-hindi ba natin sya pipigilan?" Napatingin silang tatlo sa 'kin at umiling-iling.

"Tignan natin kung hanggang sa 'n ang kayabangan nya." Natatawang sabi ni Dylan.

"Ginusto nya 'yun." Pinaningkitan ko ng mga mata ko si Caleb... Mga abnormal.

"Sya ang pumili ng kapalaran nya." Seriously Joree?! Nagpalinga-linga pa 'ko baka may makita akong saging na pu-pwedeng makaayos sa gulo na 'to pero WALA!.... Nagtaka ko ng nakanganga si Caleb at Dylan at si Joree naman nanlalaki yung mata parang gulat na gulat ah... Unti-unti akong lumingon at...

O_O

"BAGSAK?!" Sabay na sigaw ni Dylan at Caleb pero wala dun ang atensyon ko kundi ang nasa harapan namin... Talagang nakakagulat ang pangyayari nalinga't lang kami saglit bagsak na?!

"Huy gumising kana dyan kakain pa tayo." Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa sinabi nya habang nakaupo sa tabi ni kingkong na nakahiga at masarap ang pagkakatulog...

"Pa-pa-panong nangyari 'yun?!" Utal-utal na tanong ni Dylan na parang wala sa sarili.

"Du-dude tulog." Wala din sa sariling sabi ni Caleb. Tinignan ko si Joree pero nakatalikod na sya at napaharap sya ng may humablot ng braso nya.

"Anggaling ko diba?" Tuwang-tuwang tanong ni Jairus. Napatango naman si Joree dahil dun na mas lalong ikinalaki ng ngiti ni Jairus.

"Gusto mo kumain?" Nagningning yung mata ni Jairus ng itanong yun ni Joree sa kanya.

"Aba syempre basta ikaw-

"Umuwi kana sa inyo kung ganun." Maski ako napahinto sa pagputol ng sasabihin ni Jairus... Sinundan nila Dylan at Caleb si Joree palabas ng gym pero ako parang tangang nakatayo lamang dito habang tinitignan si Jairus na nakangiti... Wala 'kong ibang nakikita kundi puno ng kalungkutan sa ngiting nakikita ko sa kanya... Ewan ko pero nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman nya...

"Jairus tara kain tayo libre ko." Wala na syang nagawa ng hilain ko sya... Ayokong tignan yung ityura nya dahil baka ayokong isipin nyang naaawa 'ko sa kanya kahit ang totoo ay hindi...

Hindi ako naaawa sa kanya... Nararamdaman ko kase yung sakit na nararamdaman nya base palang sa ityura nya.

Jairus POV

"Huy kumain kana, sayang naman yung libre ko." Nakangiting sabi ni Brianna at kasalukuyan syang nasa harap ko pero parang tumatagos yung paningin ko sa likod nya at tanging sila Joree lang yung nakikita ko. Sa likuran kase ni Brianna yung tatlo at parang third wheel yung Caleb habang nagsusubuan si Joree at Dylan.

"Pwede mo ba 'kong samahan?" Napakurap-kurap sya ng itanong ko 'yun.

"Sure, pero sa 'n?" Hindi ko sya sinagot at basta na lang naglakad palabas ng restaurant. Sinusian ko yung motor ko at kitang-kita ko sa loob na kinakausap ni Brianna sila Joree at ilang saglit lumabas na sya.

"Jairus ayaw nila sumama e." Nahihiya nyang sabi.

"Ayos lang hindi naman sila yung inaya ko e." Seryosong saad ko.

"Tu-tulungan mo 'kong makasakay dyan." Inalalayan ko syang makasakay sa motor ko at hindi sya gumalaw ng suotan ko sya ng helmet.

"Kumapit kang maiigi aandar na tayo." Naramdaman kong yumakap sya sa bewang ko at pinaandar ko na 'yun.

...

"Memorial park." Nagtataka nyang sambit... Kinuha ko yung susi at binuksan ko yung gate kung sa 'n nakalibing ang pamilya ko... Habang palapit ako ng palapit nararamdaman kong nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Gro-grozen family?" Kinuha ko yung pamunas at nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ko yun.

"2 years ago may isang lalaki na kuntento na sa buhay na kung anong meron dahil kumpleto naman ang pamilya nya"... Hindi ko na napigilang bumuhos yung emosyon ko at parang nanumbalik lahat ng sakit na naramdaman ko ng mawala sila... "2 years ago ang lalaking yun ay nilamon ng kadiliman dahil sa hindi inaasahang pangyayaring naganap sa buhay nya... "At 2 years ago magmula ng patayin sila." Napaupo ako at nanlalabo yung paningin ko dahil sa mga luhang humaharang dito.

"M-ma, pa sinabi kong babalik ako dito kapag nagawa ko na pero kasi... Kasi miss na miss ko na kayo... Alam nyo po bang hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko kase... Kase kundi ako umalis ng oras na 'yun siguro natulungan ko kayo... Si-siguro nandito pa kayo sa tabi ko... Siguro masaya tayong magkakasama hanggang ngayon... Pa-patawarin nyo 'ko kung pinili ko ang sarili kong kasiyahan kesa magkasama kayo ng mga sandaling yun... M-ma, p-pa mga prinsesa ko hindi ko kase alam na mangyayari 'yun... K-kung, kung alam ko lang sana hindi na 'ko umalis... Wa-wala akong nagawa para tulungan kayo sa pagpapahirap na ginawa nila sa inyo... Ba-bakit ba sa 'kin nangyayari 'to?! Na-nag-a-aral ako para mabigyan kayo ng magandang buhay pero ano pang silbi nun kung wala na yung dahilan kung bakit ako nangangarap." Halos hindi na 'ko makahinga ng maayos dahil sa halo-halong emosyon na nilalabas ko ngayon.

"Shhh." Mas lalo kong napahugulgol ng yakapin ako ni Brianna.

"Wa-wala 'kong nagawa!" Halos pabulong kong sabi pero umiling-iling sya.

"W-wag mong sisihin ang sarili mo, walang may gusto ng nangyari."

Brianna POV

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay namin dahil kahit sya ang nagda-drive sinabi kong dito nya ihinto.

"Sa-salamat." Napahinto ako sa pagtimpla ng juice at tumingin sa kanya at ganun parin sya nakatulala sa kawalan.

:(

"Ja-jairus." Tanging ang katagang 'yun lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Pagsisinungaling ko lang 'yun ng mawala 'ko ng dalawang buwan." Hindi na 'ko nagulat ng sabihin nya 'yun lumapit ako sa kanya at iniabot ko yung juice sa kanya at ininom nya 'yun.

"Alam kong may dahilan kung bat ka nawala." Seryoso kong saad.

"Si Joree galit na galit sya sa 'kin." Tama sya malaki nga ang galit ni Joree sa kanya.

"Kung ano mang nangyari sa 'kin ikaw ng bahala." Hindi ko alam pero ayokong nakakarinig ng ganyang mga linya.

"Para kang tanga alam mo 'yun?! Para kang namamaalam!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi pa pinapanganak ang taong papatay sa 'kin." Natatawang sabi nya.

"Meron ako, kapag hindi ka tumigil!" Sigaw ko sa kanya.

"Wait lang may kukunin lang ako sa taas." Tumango-tango sya at naglakad na 'ko papuntang kwarto ko. Habang bumababa ako ng hagdan kinakalikot ko yung phone ko at ngumisi ng nakakaloko.

"Let's go." Napakunot yung noo nya ng iayos ko yung phone ko at iharap yun sa pwesto namin.

"Magti-tiktok tayo." Natawa 'ko ng nanlaki yung mata nya at kasabay nun ang pag-iling-iling.

"Dali na!" Kaagad ko syang hinila ng makita kong tatakbo sya.

"Di ako sumasayaw."

O_O

"Tuturuan nga kita."

"Hayssh sige na."

"Yehey anong sige?"

"Sige sumayaw kana."

Joree POV

"NO!!!" Parang gusto kong magwala dahil sa inis.

"Kaya pala wala ka pa dito dahil tuwang-tuwa ka kakasayaw mo!" Para kong tangang hinahampas-hampas yung unan. Kung tao lang 'to baka patay na 'to sa pambubugbog ko. Nakita ko kase sa my day ni Brianna sa instagram na ansaya-saya nilang nag-ti-tiktok nung malanding hoodlum. Dali-dali akong bumangon at nag ayos ng sarili ko at ng makuntento na 'ko lumabas na 'ko sa kwarto ko.

Hindi ko hahayaang biktimahin mo si Brianna hayop ka!

...

"Aalis na 'ko."

"Sige dj loonyo."

"HOY!" Napatingin silang dalawa sa 'kin at kaagad kong hinila si Brianna palayo kay hoodlum.

"ANO PAGKATAS MO SA 'KIN SA KANYA KA NAMAN?!!!" Nanggigigil kong tanong.

"Joree what happen to you?! Wala syang ginagawang masama sa 'kin!" Hinarap ko si Brianna dahil dun.

"WALA PA SA NGAYON!"

"Brianna salamat ulit mauna na 'ko." Aalis na sana sya pero marahas kong hinila yung braso nya at kinwelyuhan sya, naramdaman kong inaawat ako ni Brianna pero hindi ako bumibitiw.

"HAYOP KA KUNG NAGAWA MO SA 'KIN ANG KADEMONYOHAN MO, WAG MONG IDAMAY PATI ANG KAIBIGAN KO SA KAGAGUHAN MO!" Siniko ko yung muka nya dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Joree!" Sigaw ni Brianna habang tinutulungang makatayo si hoodlum.

"Para sayo ang pag-alis ko."

"GAGO! ANONG PARA SA 'KIN?! ANO GUSTO MO PASALAMATAN KITA MATAPOS NG MAY MANGYARI SA 'TIN AY UMALIS KA 'T HINDI NA NAGPAKITA PA NA HALOS ARAW-ARAW NAG-A-ANTAY AKO SA VERANDA AT UMAASANG BABALIK KA!!! NI MAG PAALAM HINDI MO GINAWA ANONG MAHIRAP DON?! JAIRUS! PUTA KA MAGMULA NG ARAW NA 'YUN NAGBAGO NA TINGIN KO SA 'YO! AKALA KO MAHAL MO 'KO PERO KATAWAN MO LANG PALA ANG GUSTO MO! PINAKAMALAKING PAGKAKAMALI KO SA BUHAY KO YUNG MAHALIN KA NG TODO! SANA, SANA HINDI KA BUMALIK PA! BABALIK-BALIK KA PA PARA SA 'N?! GAGO MO HINDI NA KITA KAILANGAN BAT NAGPAKITA KAPA KAPAL NG APOG MO! ALAM MO SANA, SANA NAMATAY KA NA LANG NUNG ARAW NA 'YUN! SANA HINDI KANA NAKAHABOL PA! SANA NAUBUSAN KANA NG DUGO! SANA NAMATAY KA NA LANG!" Halos kapusin ako ng hininga ng maisumbat ko ang sakit na naramdaman ko na nangingibabaw ang galit.

"Oh ano natakot ka bang mamatay?! Pasagasa ka sa tren!" Hindi nya 'ko sinagot at tinalikuran lang.

"Mas gugustuhin ko pang sabihin mo na hindi mo na 'ko mahal kesa hilingin mo na sana namatay na lang ako." Parang sinipa ako ng kabayo ng sabihin nya 'yun at tuloy-tuloy na lumabas ng gate.

"Jairus Grozen." Puno ng pagtatakang binalingan sya ng tingin.

"Isearch mo lahat at may malalaman ka." Sabi ni Brianna at sinarado ang pintuan ng bahay nila.

"Jairus Grozen."

"Jairus Grozen." Paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko na para bang narinig ko na hindi ko lang matukoy kung sa 'n.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C39
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login