Download App
41.3% DEREF / Chapter 19: DEREF CHAPTER SEVENTEEN

Chapter 19: DEREF CHAPTER SEVENTEEN

Jairus POV

Kasalukuyan kaming nandito sa court...

Yeah court dahil mag lalaro yung tatlo n'yang kaibigan at papanuurin nya daw kase si Dylan.

Yung isa hindi sya pamilyar sa'kin at ngayon ko lang din sya nakita.

Nag warm up yung caleb at dylan yung isa naman nag sho-shoot ng bola sa ring.

"GO DYLAN WOOO." Sigaw ni joree.

Nang marinig nung dylan yun kaagad syang naglakad palapit kay joree sumunod din naman si caleb at yung di pamilyar sa'kin.

"Hindi naka punta si justine kaya 1v1 nalang tapos yung mananalo kakalabanin si dylan." Sabi nung caleb.

"Sige tara." Sabi ni dylan.

"Sandali!" Nagulat sila dahil sa biglang pag sigaw ni joree kaagad naman silang tumingin sa kanya.

Sasali ba sya?

"Maganda kung 2v2 kaya dylan at caleb mag kakampi...

Tapos ang kalaban nyo si paul at..

Yung body guard ko." Tuwang tuwa na sabi nya at nag si tawanan din sila.

Walang magawa sa buhay bat hindi na lang sya ang sumali at nag tuturo pa sya.

Brianna POV

"Eh yan isasali mo? Hindi naman sanay yan." Pagyayabang ni dylan hay kahit kailan napaka yabang.

"Maglaro na lang sya ng jackstone sigurado hustler yan." Sabi ni caleb at nag tawanan sila.

"Tara na tama na yabangan." Sigaw ni paul at kaagad nag sisunuran sa kanya.

"Joree sanay ba si jai?" Napatingin sya sa'kin dahil sa tanong ko.

"Wala syang facebook or what kaya hindi sya sanay nagtataka ko kung tao pa ba yan. Panuorin na lang natin syang mang-gulo." Napailing na lang ako dahil sa inasta nya.

Actually mababait talaga sila hindi ko lang alam kung bakit pag dating kay jai nagiging ganyan sila hindi ko sila maintindihan bakit may nagawa ba si jai para tratuhin nila ng ganyan.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag lalaro nila.

Kasalukuyang hawak ni dylan ang bola at binabantayan sya ni jai hindi ko alam kung anong sinasabi ni dylan at naka ngisi pa sya kay jai.

"GO DYLAN TALUNIN MO ANG HARI NG MGA HOODLUM!" Sigaw ni joree.

Nakita kong idinrible ni dylan ang bola at wrong move kase naagaw ni jai iyon.

Shit napakabilis nya kumilos, kaagad nyang ipinasa iyon kay paul at nasalo naman nya yun tumalon si paul at balak nyang i-shoot ang bola sinabayan sya ni caleb at iniharang nya ang kamay nya pero...

Nagulat kami ng kumapos iyon pero...

Tinalon kaagad ni dylan iyon para makuha nya kaso...

Nanlaki ang mata nya ng may mga kamay syang nakita at naunahan syang makuha ang bola...

Si jai.

Nang lumapag sila sa sahig kaagad hinabol at pilit inaagaw ni dylan kay jai yung bola pero hindi nya maagaw kay jai.

Nagulat kami ng i dribble ni jai ang bola at pinalusot sa pagitan ng legs ni dylan shit ngayon lang ako nakakita ng ganung moves.

At ayun iwan sa ere si dylan pinigilan sya ni caleb pero drinibble nya yun at nag cross over kay caleb.

WOW AS IN WOW ANG GALING.

At nang malampasan nya si caleb i shinoot nya yun at...

BoOoOm ring less.

Hindi man lang tumama sa board saktong sakto.

Hindi ko na napigilang tumakbo papunta sa kanila at yakapin si jai dahil sa tuwa.

"ANG GALING MO WOO IDOL NA KITA." Sigaw ko habang naka yakap sa kanya with matching talon talon pa dahil sa tuwa.

"A-ah pawis ako." Sabi nya.

Joree POV

Nagulat ako dahil sa galing ni hari ng mga hoodlum hindi ko akalaing ganun sya kagaling nalusutan nya si dylan at caleb ng walang kahirap-hirap.

Pero ang mas nakakagulat yung pagtakbo ni brianna papunta kay hari ng mga hoodlum at kaagad nya itong niyakap at nag tatatalon sa tuwa.

Bakit sya yumayakap?

Girlfriend ba sya?

At eto namang malanding hari ng hoodlum kunwari pa ayaw e halata namang gustong-gusto.

Nang matauhan si brianna kaagad nyang binitiwan si hari ng hoodlum.

Lumapit si hari ng mga hoodlum kay dylan.

"Hindi ko alam kung sino ang hindi sanay sa'tin." Sabi ni hari ng mga hoodlum at naglakad papunta dito.

Naglakad narin sila pabalik dito sa puwesto ko at nag si inuman ng tubig.

"Are you okay?" Napapitlag ako ng magsalita si dylan sa tabi ko.

"Y-yes, ang galing mo ah." Sabi ko sa kanya.

"Tyumamba lang yung hoodlum na yun wag kang mag alala sa susunod hindi na sya makaka iscore." Sabi nya sabay kindat sa'kin.

"Jai pwede mo ba kong turuan?" Rinig kong tanong ni brianna.

"Sige, tara." Sabi ni malanding hoodlum.

"SUBUKAN MONG UMALIS AT TUTULUYAN KITA." Sigaw ko.

Shit...

Naisigaw ko pala.

Napakunot naman yung noo ni brianna, yung malanding hoodlum naman nakatingin lang sa'kin, yung tatlo naman nagtataka yung mga ityura na nakatingin sa'kin.

"A-ah i mean wag kang umalis dahil nauuhaw ako ibili mo ako ng tubig." Naka hinga naman ako ng maluwag ng umalis na sya.

"Joree may tubig ka bat nag pabili ka pa?" Napatingin sa'kin silang lahat dahil sa tanong ni caleb.

"Yeah caleb's right and pu-pwede kang maki inom sa'kin." Sabi ni dylan.

"A-ahm para sa kanya yung pinabili ko dahil ayokong inuman nya yung tubig ko." Sabi ko napatawa naman sila dahil dun.

"Guys ano kaya kung iwanan natin sya." Napatingin kaming lahat sa kanya ng dahil sa sinabi nya.

"Umiiral ka na naman dylan, atyaka hindi pu-pwede dahil sya ang body guard ni joree." Sabi ni brianna.

"Dahil maganda yung idea mo dylan ano pang hinihintay natin lets go." Sabi ko at tumayo na ngiting ngiti naman sila dahil dun pwera kay brianna na palingon lingon pa sa likod.

Nakakahalata na'ko kanina pa...

Ilang saglit na lakaran at napangiti kami at nag hiyawan pa ng makita namin ang kotse ni dylan.

Kotse nya lang yung nandito dahil sabi namin yun aangal pa sana sya kaso napilit parin namin.

"OH FUCK! SINONG BUMUTAS NG GULONG KO?!" Nagulat kaming lahat dahil sa sinigaw nya at nang tignan namin iyon butas nga.

"Shit dude wala ka bang extra na gulong dyan?" Tanong ni caleb.

"Dude wala alam mong kapapalit ko pa lang nito!" Sigaw nya.

Napapitlag kaming lahat ng makarinig kami ng tawanan sa paligid namin.

"Hindi na kayo makakauwi sa'min na yang dalawang sexy nayan." Sabi ng kung sino shit kami ni brianna ang tinutukoy nila.

"DAMN KAYO BA ANG BUMUTAS NG GULONG KO?!" Sigaw ni dylan.

"Masyado kang mayabang pero dahil mabait kami sasabihin naming kami nga." Sigaw uli ng kung sino.

"PUTANG*NA NYO LUMABAS KAYO NG MAG KAALAMAN TAYO!" Sigaw ni dylan.

Napa atras kami ng makarinig kami ng tawanan...

Shit madami silang tumatawa.

"Siguraduhin mong kakayanin mo kami kapag lumabas kami." Sabi ng kung sino.

Hindi naman naka sagot si dylan maya maya tumindi yung kaba at takot ko dahil nakaka rinig kami ng bakal na parang winawasiwas o winawalis sa mga yero.

"LABAS NA MGA BATA MAY MGA CHIX NA BISITA." Halos malaglag yung puso ko dahil sa kaba at takot dahil sa biglang sumigaw nayun.

Tatakbo sana kami kaso sinalubong nila kami babalik sana uli kami para umiba ng daan ang kaso madami din silang nakaharang...

Shit hindi kami makakalabas nito na corner kami.

Tinignan ko sila isa-isa at muka silang mga adik na naglalaway.

Samut saring sipulan ang naririnig ko magmula sa kanila.

Shit...

"CALEB, PAUL, PROTEKTAHAN NATIN SILA JOREE AT BRIANNA!" Natatarantang sigaw ni dylan kila caleb.

Gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa nararamdaman kong takot at kaba ng unti-unti silang lumalapit.

Sinuntok ni dylan at ni caleb yung mga lumalapit sa'min at kaagad naalarma ang lahat at sabay sabay na sumugod sa'min shit...

Hahawakan sana ako nung isa ang kaso may tumama na kamao sa muka nya ng tignan ko si dylan iyon.

At pinag patuloy lang nila yung pakikipag suntukan sa mga mukang adik na'to pero...

Kapag napapabagsak nila dylan sa suntok nila kaagad ding nakaka bangon.

Napa sigaw kami ni brianna ng makita namin kung pa'no sila hatawin ng mga tubo, at mga kahoy na makakapal.

Kaagad na may lumapit sa'min ni brianna...

"MATULOG KA MUNA SEXY!" Napatili ako at napapikit dahil sa lalaking nasa harapan ko na may hawak na tubo na balak ipalo sa'kin.

Inaantay kong tumama sa'kin yun pero wala akong naramdaman.

Unti-unti kong iminulat ang dalawa kong mata at bigla na lang akong na luha dahil sa nakita ko.

Ang gwardya kong hoodlum nakatayo sa harapan ko na may hawak na...

TUBIG!

Nang ilibot ko ang paningin ko napatakip ako sa bibig ko dahil nakita ko si dylan na duguan ang muka, si caleb naman puro pasa at malalaking galos, si paul naman naka dapa.

"ABAT TIGNAN MO NGA NAMAN MAY BALAK MAKISALI, SI ROBIN PADILLA!!!" Sigaw nung isa sa mga nambugbog kila dylan.

Nang tignan ko si brianna wala naman syang sugat pero halata sa muka nyang takot na takot sya at ganun din ako.

Nilapitan ko sya at kaagad kong niyakap naramdaman kong nanginginig sya sa takot at humahagulgol na.

"Shhh makaka alis tayo." Pag papagaan ko ng loob nya at tumango-tango naman sya.

Hindi ko alam kung makaka alis pa kami dahil iisa nalang ang lalaban sa kanila at walang kasiguraduhan kung mananalo sa mga demonyo na to.

"Pasensya na kung natagalan ako ere ang tubig mo uminom ka habang pinapanood ako." Napaharap ako sa kanya dahil nag salita sya.

Kaagad kong kinuha yung tubig na inabot nya nagulat ako ng hubarin nya ang coat nya at isinuot nya yun sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit...

Pero yung takot at kabang nararamdaman ko parang napalitan ng saya...

Hindi ko alam kung bakit...

"Hinding hindi ko hahayaang malapitan ka at saktan nila tatapusin ko ito ng wala pang sampung minuto magtiwala ka." Napatigil ako dahil sa sinabi nya.

Shit bakit? Bakit ambait mo sa'kin?

Wag mo akong pakitaan ng motibo...

Baka umasa ako.

Nagulat ako ng mag tawanan ang mga demonyo sa paligid.

"Malabo yung sinasabi- nagulat ako dahil bumulagta sya sa sahig ng tignan ko kung sino ang may gawa nun si-si...

Kaagad silang sumugod ng sabay sabay pero ni isa sa kanila walang maka tama sa kanya pa-panong...

Hinawakan nya sa braso yung isa at kaagad nyang pinaikot iyon narinig kong sumigaw sa sakit yung ginawan nya nun.

Hi-hindi s-sya y-yan...

"JAI!!!" Sigaw ko ng tamaan sya ng tubo sa likod pero mas nagulat ako...

Nang hindi nya ininda yun at hinayaan lang nyang paluin sya.

"Nakakarami kana." Nanlamig ako sa sinabi nya dun sa pumapalo sa kanya ng tubo.

Kaagad nyang siniko ang muka nun at nung matumba kaagad nyang hinila yung paa at binuhat nya iyon na parang basahan.

Pa-papanong...

Kung sa kanila tubo at kahoy na makakapal ang pinapamalo nila kay hoodlum naman yung binitbit nyang kasamahan nila.

Hindi ko alam kung buhay paba yung binuhat nya dahil nakita kong hindi na ito gumagalaw.

Napatingin ako kay hoodlum at ayaw non ialis ang tingin ko sa kanya akala ko sa palabas ko lang to makikita pero mas magaling pa kase sya sa mga napapanuod ko.

Hi-hindi...

Bakit?

Napatingin ako kay brianna ng tapikin nya ako.

"Ta-tapos n-na li-ligtas n-na ta-tayo." Nauutal nyang sabi nagulat ako ng bigla syang himatayin.

Kaagad ko syang niyugyog pero ng balak ko syang tulungan nagulat nalang ako dahil...

"HOY IBABA MO NGA AKO SILA ANG NAPURUHAN HINDI AKO." Sigaw ko sa kanya.

Pa'no ako yung binuhat nya na parang sako.

"Andyan na ang ambulansya at pulis sila na ang bahala. Ikaw ang binabantayan ko hindi sila." Sabi nya.

Inilibot ko yung paningin ko at tama nga sya nandito na ang ambulansya at pulis.

"Hoodlum." Mahina kong pagtawag sa kanya.

"Bakit?" Tanong nya.

"Hi-hindi k-ko a-alam k-kung b-buhay pa a-ako, ka-kami ku-kung d-di k-ka du-dumating ba-baka hi-hindi ko-kona a-alam k-kung a-anong ma-mangyayari sa-sakin." Nanginginig kong sabi at hindi ko na napigilang umiyak sa likuran nya.

Naramdaman kong binaba nya ako pero ako eto nakayuko lang habang umiiyak naramdaman ko na lang ang maiinit na bisig na yumakap sa'kin.

"Sa-salamat." Nahihirapan kong sabi dahil narin sa pagod at naramdaman ko nalang na unti-unti nakong nilalamon ng dilim.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login