Download App

Chapter 13: Chapter 11

"TELL ME, bakit ka may peklat ka ng tahi sa tyan?"

Napabuntong hininga si Candy sa tanong ni Hector. Ayaw na nya sanang i-open up pa ang isang rason kung bakit kinailangan nyang umalis dati. Gusto nya sanang manatiling lihim na lang iyon. Pero ipinangako na nya sa sarili na hindi na magsisinungaling o maglilihim kay Hector.

She closed her eyes and let him hug her from behind. Kakatapos lang ng mainit na kaganapan kanina at pareho pa silang pagod at hinahabol ang mga hininga. Nakahiga sila ngayon sa couch na nasa living room kaya naman nakasiksik sya sa katawan ng binata.

"N-Noong umalis ako, kinailangan ni Daddy ng liver transplant. Nag-match ako sa kanya noon kaya pumayag akong magbigay kay Dad. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nakauwi kaagad. Hinintay kong mag-fully recovered si Dad bago ko sya iwanan doon sa Brisbane.".

"Bakit hindi mo sinabi? I thought you left for a silly reason-----"

"Yes i did. Iniwan kita. Period. Iniwan kita ng walang paalam kasi ayaw kong malaman mo yung totoo. That's my main reason."

"Kahit na. Dapat ay kasama mo ako noong nangyari iyon. Dapat ay inaalagaan kita habang wala kang malay. Pero hindi. Hinayaan kong lamunin ako ng galit at sakit. Im sorry. Hindi kita sinundan dati sa Australia dahil masyado akong nilamon ng pride ko."

Pumihit sya para harapin ito. "Bakit ka nagso-sorry? Ako ang nang-iwan. Ako yung nagkamali."

Umiling si Hector at hinaplos ang pisngi nya. He stared at her with so much affection. "No. Nagkamali din ako. I doubted you. Isang mali lang ang nagawa mo, tapos nakalimutan ko na ang mga magagandang bagay na nagawa mo para sakin. You left because you tried to protect me from the pain. It's not entirely your fault."

Naluha sya sa mga sinabi nito. "Ang swerte ko sayo. Alam mo ba 'yon? Kahit na nasaktan kita, inuunawa mo pa rin ako."

"You stayed by my side and didn't leave for 8 years. Alam kong naging mahirap din sayo ang iwan ako. Kaya sana huwag mo na akong iwan ngayon, okay? Hayaan mo muna akong gumaling at tuluyang makalimutan yung sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos ay baka handa na akong ibigay sayo ang kapatawaran na hinihingi mo."

Marahan syang napayuko at nag-iwas ng tingin. Wala na ba talaga syang pag-asa na makuha muli ang pagmamahal nito? Hanggang kapatawaran na lang ba talaga ang kaya nitong ibigay sa kanya?

She wanted his forgiveness, at alam nyang makukuha na nya iyon. Pero mas higit na gusto ng puso nya ang pagmamahal nito. Heaven knows how much she wanted to feel loved by him again. Pero hindi. Alam nyang hindi na iyon mangyayari.

"Ssshhh... why are you crying?"

Mabilis nyang pinunasan ang luha sa mga mata nya. "Mahal mo pa rin ba ako?"

Saglit itong natigilan sa tanong nya. Kapagkuwa'y bumuntong hininga. "No. Hindi na."

She felt a very sharp object penetrated her heart slowly, making her bleed and slowly die in pain. Napakasakit na marinig iyon mula sa taong mahal nya.

Wala syang dapat sisihin kundi sya. Kasalanan nya iyon kung bakit wala na itong pagmamahal para sa kanya. Talagang ang nais lang nito ay ang parusahan sya sa ginawa nyang pag-iwan dito. And she hated to admit that she deserves every single bit of pain she's feeling right now.

Tumalikod sya at humikbi. She cried her heart out. Ipinangako nya sa sarili nya na papalayain na nya ang binata. She will let him heal and let him go after that. Wala ng rason para manatili pa sya. She had enough of the excruciating and unbearable pain in her heart. And the only way to mend it was to let him go.

NAGISING sya ng maaga kinabukasan. Nagmadali syang bumangon at kumuha ng damit sa luggage nya na nasa kwarto nila ng binata. Matapos nyang maligo ay kaagad syang nagtungo sa labas ng Village para maglakad-lakad sa dalampasigan. Hindi nya muna ginising si Hector dahil alam nyang napagod ito dahil sa ginawa nila kagabi. They made love over and over and over again until she fell asleep in his arms. She made love with him as if it was their last time doing that. Ninamnam nya ang bawat sandali ng mapusok na init na binigay ni Hector sa kanya, para kung sakali mang umalis ulit sya ay may panghawakan syang magandang alaala mula sa binata.

The cold breeze of the morning wind comforted her wounded, aching heart. Isang buwan lang naman ang titiisin nya at babalik na syang Australia. Ano pang silbi na manatili sya kung gayong hindi na sya mahal ni Hector. The reason she came back was to reconcile with his love but unfortunately, the love wasn't there anymore. Kaya ano pang silbi na manatili sya? Para magmakaawa na mahalin sya nitong muli? Alam nyang malaking katangahan iyon. The sooner she'll leave, the sooner Hector could move on and heal. Mas mabilis ang pagmo-move on nito kapag nawala na sya. Sa tingin nya kasi ay mas lalo lang mahihirapan ang binata na kalimutan ang mapait nilang nakaraan kapag nanatili pa sya sa tabi nito ng matagal.

Masakit man ay kakayanin nya. Hindi ba ganoon naman talaga ang pagmamahal? Handang magparaya kahit masakit... kahit mahirap.

"Ms. Lassiter?"

Bigla syang natigilan sa isang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Nang lingunin nya iyon ay nagulat sya nang makita si Mr. Trivano. He's wearing a white polo and urban shorts which made him look hot. Nagmukha talaga itong turista.

"Naalala mo ako?" Napakunot-noo sya.

"Yup. I have photographic memory. Kahit ayaw kong maalala ang isang bagay ay naaalala ko pa rin. That's my curse." Lumapit ito sa kanya at inakbayan sya. "So, why are you here? Nagkabalikan na ba kayo ni Hector?"

Hindi na sya nagulat nang marinig nya iyon mula kay Mr. Trivano. Halata naman kasing lahat ng residente sa Aristocrat's Village ay updated sa buhay ng isa't-isa.

Umiling sya. "Hindi nya pa ako napapatawad."

"So sad." Iginiya sya nito pabalik sa Village. "Gusto mo bang pumunta sa bahay? May ini-imbento akong bagong gadget. I just wanted a second opinion about it, you know? Since you're our VIP, i needed your opinion."

Natawa sya. "Bakit feeling close ka yata sakin ngayon, Mr. Trivano?"

"Nothing. And please, call me Lex. Kailangan ko lang manalo sa isang pustahan. Kapag sinapak ako ni Hector habang inaakbayan ka, panalo ako. Pero kapag hindi, talo ako. As silly as may it sound, i really needed him to punch me, you know? Kailangan kong manalo sa pustahan namin nila Barry." Tinuro nito ang isang cottage sa di-kalayuan. Namilog ang mga mata nya nang makitang si Sir Barry at si Sir Charles ang naroon at bahagyang kumaway sa kanya. She was about to wave her hand but she froze when suddenly, she saw Mr. Trivano lying down on the sand. Hawak nito ang panga habang nakangising nakatingin kay Hector na nasa tabi na nya pala ngayon. Napakabilis ng mga pangyayari kaya nataranta sya at inalalayang tumayo si Lex.

"Okay ka lang ba, Lex?" Nag-aalalang tanong nya dito. Napasinghap sya nang hilahin sya ni Hector palayo kay Lex.

"Hindi pa rin ba kayo tumutigil sa pang-iinis nyo sakin? You better stay away from her, Lex. Handa akong makasakit ng kaibigan. Don't make me.".

Ngumisi lang si Lex sa sinabi ni Hector. "Really? Is that what jealousy could do? So scary, man."

Selos? Si Hector nagseselos? Akala nya ba hindi na sya nito mahal?

"Nagkakamali ka, Lex. Hindi nya ako mahal, kaya hindi sya nagseselos. Akala nya siguro sinasakal mo ako kanina noong nakaakbay ka sakin." She faked a smile at Lex. "Ikaw kasi eh. Napagkakamalan ka tuloy na masamang tao. Next time sa bewang mo na lang ako hawakan, okay? Para kahit mahigpit, hindi ka mapagkakamalang nananakal."

Napakasakit sa kanya na sabihin mismo na wala ng pagmamahal sa kanya si Hector. Pero iyon ang totoo. Kaya ayaw na nyang paasahin o lokohin ang mga taong nag-aakalang mahal pa sya ng binata.

"Tama ako Boss, hindi ba? Masyado bang harsh ang ginawang pag-akbay ni Lex sa akin at inakala mong sinasakal nya ako? Kaya mo sya sinuntok kanina diba?" Binalingan nya ang Boss nya. Nanatili lang itong tahimik at tila nagtataka sa mga sinasabi nya.

"Candy-------"

She faked another laugh, interjecting him. "Sabi na nga ba totoo eh. Hehe!" She tried to hide the sadness she's feeling with a fake smile. "Hayaan mo Boss, hindi na nya ako aakbayan. Ako mismo pipilipit sa kamay nyan kapag tinangka nya akong sakalin." She tried to act casual and normal. Ayaw na nyang marinig ulit kay Hector ang totoong nararamdaman nito sa kanya kaya siya na mismo ang nagsabi para marinig iyon ni Lex. Wala naman talagang pagmamahal na natira sa puso ni Hector kaya bakit pa sya mag-a-assume na nagseselos ito kanina. It's possible, yes. Pero aasa na naman sya at masasaktan kapag mali ang assume nya. So to protect her heart from breaking again, she have to face and accept the truth.

Matapos iyon ay tahimik silang bumalik ni Hector sa Aristocrat's Village. Sinasadya nyang hindi ito kausapin dahil ayaw nyang marinig muli dito ang sinabi nito kagabi. This is what she wants right? To gain his forgiveness. Iyon na lang ang tatrabahuhin nya. Pagkatapos non ay aalis na sya ora mismo.

"Candy, about earlier-----"

"Okay lang yun Boss. Hindi mo naman kasalanan eh. Sinubukan mo lang akong protektahan. Wala lang yon. Hindi iyon dahil sa selos kaya wala ka hong dapat i-explain." Hinarap nya ito. "O baka naman may gusto kang gawin sakin sa kwarto? Gusto mo na ba akong maligo at hintayin ka doon?"

He furrowed his brows. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Akala mo ba sex lang ang habol ko sayo-------"

"Oo!" There, she finally said it. "Wala ka namang pagmamahal sakin diba? So ano pa ang rason kung bakit ako nandito? Hindi ba para sa sex at kapatawaran mo? Dahil gusto kong makuha ang kapatawaran mo, handa akong makipagtalik sayo ng paulit-ulit. Gusto ko naman eh, inaamin ko yon. Napakasarap lang kasi sa pakiramdam na sinasamba at minamahal mo ako habang nagsisiping tayo. Pakiramdam ko mahal mo ako kahit na hindi. That's why im more than willing to have sex with you every second of my life if that's what it takes to make me feel loved by you again and again, para lang sa huwad na pagmamahal na ibinibigay mo sa tuwing inaangkin mo ako." She wiped the tears streaming down her face. Puno ng hinanakit na tiningnan nya ang binata. "Kaya huwag mo akong tatanungin kung bakit ako nagkakaganito, Hector. Iniiwasan ko lang na paasahin ang puso ko na kahit konti ay may natitira pa ring pagmamahal sa puso mo para sakin kasi alam kong wala na." Halos gusto na nyang alisin na mismo ang puso nya dahil sa sakit na nararamdaman. Nananakit na ang panga nya sa sobrang pag-iyak simula kagabi at namumugto na ang mga mata nya at halos hindi nauubusan ng supply ng luha. It's her turn to suffer now. Kasalanan naman talaga nya ang lahat kaya deserve nya ang kung ano mang sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Im sorry------"

"No. Wala kang dapat i-sorry. Kasalanan ko ang lahat ng to. Kaya hayaan mo lang ako masaktan para naman kahit paano ay makita mo na mahal na mahal kita. Dahil kung hindi, bakit ako umiiyak at nasasaktan?"

He looked into her eyes, trying to reach out to the deepest of her emotions. But she didn't let him, hinayaan nyang itago ng mga mata nya ang sakit na nadarama. Ayaw nyang maki-simpatya ito sa kanya. She broke him and left him alone before, badly wounded and hurt... alone. Kaya sya naman ngayon ang masasaktan at hinding-hindi na nya ito idadamay sa kung ano mang sakit na nararamdaman nya.

Nakita nya ang saglit na pagguhit ng kalungkutan sa mukha nito habang humihikbi sya. He tried to reach for her hand, pero iniwas nya iyon.

"Hayaan mo muna akong umiyak." She walk slowly towards their room and cried every her heart out, hoping to ease the pain. Hanggang sa ang katawan na nya ang nagsawa sa kakaiyak at ito na mismo ang kusang humupa sa pag-iyak. Namaluktot sya sa kama at hinayaang humupa ang sakit na nararamdaman nya.

Naramdaman nyang pumasok si Hector at niyakap sya mula sa likuran. He buried his face between her shoulder and nape. Walang salitang lumabas mula sa bibig ng binata at gayon din sa kanya. Hinayaan nya lang na yakapin sya nito mula sa likura at dampian ng halik ang leeg nya sa tuwing pumipitlag ng marahan ang katawan nya dahil sa ginawang pag-iyak kanina.

"Don't cry... please..." Marahang bulong nito sa kanya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya.

It hurts her to hear him beg for her to stop crying. Pero anong magagawa nya? Hindi na nya kaya ang sakit. Pakiramdam nya ay sasabog sya kapag hindi nya inilabas ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Hush now, Candy... please..." Naramdaman nyang dinampian sya ni Hector ng halik sa kanyang buhok at tila umaasang mapapakalma sya ng munting halik na iyon.

She closed her eyes, stopped sobbing silently for a while, and let her heart savor the feeling of his embrace. Sa mga oras na iyon ay pinaniwala nya ang sarili na may kaunti pa rin itong concern at pagmamahal sa kanya kahit na alam nyang wala na.

NAGISING SI CANDY nang marinig na nagva-vibrate ang phone nya sa side table. Dahan-dahan nyang inalis ang braso ni Hector na nakayakap sa kanya para hindi ito magising at sinagot ang telepono nya.

"Hello?"

"Candy, this is Drake. Daddy was rushed in the hospital again. Im going to go back to Australia now." Anang Kuya nya sa kalmadong tinig pero bakas ang pagka-balisa sa boses nito.

Pakiramdam nya ay pinagsakluban sya ng langit at lupa dahil sa narinig. Kaagad syang bumangon at nag-impake ng tahimik para hindi magising si Hector. Pagkatapos non ay nilisan nya ang bahay na iyon habang nangingilid ang luha sa mga mata at natatarantang kinakausap ang kapatid. She have to go back to Australia. Kahit hindi pa sya napapatawad ng binata ay kailangan na nya munang iwan ito.

After a few hours of travel, she arrived at the Airport. Good thing she brought Drake's things with her kaya hinintay na lang sya ng kapatid sa Airport dahil dala nya ang passport nito.

She felt like history repeats itself. Nandoon na naman sya sa Airport na iyon at aalis na walang paalam. Mabigat man sa kalooban nya ay kailangan nyang pumunta muna sa Australia at asikasuhin ang ama. Mas higit na mahalaga iyon kesa sa kung ano pa mang emosyong nararamdaman nya.

HECTOR WOKE up with no trace of Candy everywhere. Maging sa tabi nya ay wala na ang dalaga. Napabalikwas sya ng bangon at hinagilap ang mga gamit ng dalaga sa kwarto nila pero wala na iyon doon.

Mierda! "Candy!!!" Sigaw nya, nagbabakasakaling nasa loob pa rin ng bahay nya ang dalaga. Pero wala. Walang tumugon sa tawag nya.

He felt his heart slowly crushing into pieces again, making him cry in vain. He's a fool. Bakit pa sya umasang mananatili ang dalaga sa tabi nya?

He lied, yes. Sinabi nyang hindi na nya ito mahal. Pero alam nyang malaking kasinungalingan iyon. She loves Candy to distraction! Mahal nya pa rin ang dalaga at walang nagbago doon maliban na lang sa mas lalo pa iyong nadagdagan noong umalis ito. They say that the abscence makes the heart grow fonder, it is the truth. Dahil simula nang iwan sya dati ni Candy ay na-realize nya kung paano mabaliw sa pag-ibig. Na-realize nya na hindi nya kakayaning mabuhay ng matagal emotionally kung wala si Candy. He needed him since day one! Since f*ckin day one!

Naging madali sa kanya ang mag-move on sa ex-wife nya dati dahil kay Candy. She helped him pick up his shattered heart on the floor and put it back together in place. She was there in every step of the way. Pero bakit sa isang pagkakamali lang ni Candy ay halos kalimutan na nya ang mabubuting nagawa ng dalaga para sa kanya?

He wanted to punch himself because of that. Sa tuwing nakikita nyang umiiyak o nasasaktan ay halos hindi na sya makahinga. Men were an expert when it comes to hiding what they truly feel, that's why Candy didn't notice how hurt he is whenever she cries. Kahit anong paliwanag nya kanina ay hindi na siya pinakinggan ng dalaga. He wanted to take back what he said back there and confess his feelings for her, pero natakot sya. Inilihim nya ang tunay na nadarama para protektahan ang puso nya pero anong nangyari? Iniwan ulit sya ni Candy dahil doon dahil siguro sa pag-aakalang walana itong puwang sa puso nya. Pinagsisihan nya tuloy.

"Mierda!" Napasabunot sya sa sariling buhok sa sobrang frustration. Nagmamadali nyang dinial ang number ni Candy pero cannot be reached ito.

He let out a sarcastic sigh and faked a laugh. "Great. Just great."

History repeats itself. Iniwan ulit sya ni Candy mag-isa at sugatan. Iniwan ulit sya ng dalaga ng walang paalam.

Maybe she has another reason. His mind whispered.

If History repeat itself, ibig sabihin ay may rason ang dalaga kung bakit ito umalis. This time, susugal na sya. Wala na syang pakealam kung masasaktan ulit sya. He will confess his undying love for her, by hook or by crook. Kung kailangan nyang angkinin ang dalaga ng paulit-ulit para iparamdam dito na mahal nya ito ay gagawin nya. All he have to do is to find his beloved Candy.

"Kung sa tingin mo ay pakakawalan na lang kita ng basta-basta kasama ang puso ko, nagkakamali ka, Candy. Ill follow you wherever you go. At kahit umalis ka pa ng ilang beses ay sisiguraduhin kong babalik ka. I'll fuckin' tie you in a matrimonial knot if i have to." Bulong nya sa hangin.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login